Bits of Chemistry | ✓

By alluringli

5.1M 245K 261K

seniors series #5 A Senior Highschool series. complete [unedited] Solstice Lavender Reverio had it rough, the... More

Bits of Chemistry
seniors series
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas
All my love, Li

Kabanata 50

114K 4.9K 9K
By alluringli

Kabanata 50

I never saw myself in this position. Marami akong bagay na hindi nagawa. Marami akong pangarap na hindi naabot. Maraming tao, hindi man nila aminin, ang bumaba ang tingin sa akin. Just because I wasn't able to reach their standards. . .

Umiling-iling ako. I didn't have it easy as others did. Although the resources were given to me —it was also taken away from me. Mas masakit 'yon dahil nasanay na ako sa karangyaan; nasa tuktok na ako ngunit binalibag ako pailalim.

"Pasensya na kung ngayon lang ulit ako nakadalaw, ma. . ." bulong ko sa hangin. Hawak-hawak ko ang isang basket ng bulaklak.

The grass rustled along with the wind. I bristled and tucked a strand of my hair on the back of my ear. Napangiti ako dahil pakiramdam ko nandito si mama ngayon.

The whole scenery was peaceful. Hindi ko inakala na makakamtam lang ni Mama ang katahimikan sa ganitong klaseng lugar.

"Ang d-dami kong hindi nagawa para sa 'yo. Ang dami kong pagkukulang. Hindi m-mo man lang naabutan si Leven. . ." humihikbing kwento ko sa kan'yang lapida.

Her memories with me even if it was short, it was vivid. It's like my favorite film. I knew every moment too well. Kahit ipikit ko ang mga mata ko ay kabisado ko ang bawat kibot labi upang sabihin ang kan'yang mga linya. My heart swelled with happiness upon reminiscing her beautiful face.

"Mahal na mahal kita, mama. . ." I whispered in the wind. "You were one of the things that kept me going. Hayaan mo sana na habang nabubuhay ako ay mabubuhay ka sa alaala namin. . ."

Mama made me realize that life is short and unpredictable. We have to live our life knowing this undeniable fact. Kaya ko magtanim ng galit sa mga taong hinayaan kaming magdusa pero pagod na ang puso ko magdala ng bigat na 'yon. I can't endure hating someone I can't change.

"Can I also talk to her?" tanong ni Etienne sa tabi ko. He was wearing a black polo tucked in his black slacks. Ang bagong kulay n'yang itim na buhok ay nagpatingkad ng abo n'yang mga mata. He looks like a grown up Leven now.

Tumango ako. "Sige, tapos kapag sumagot, sabihin mo sa akin."

Ngumuso naman siya. "Ginawa mo pa akong espiritista."

I chuckled and kissed his cheek. "I'll give you two the privacy that you need. . .or do you want me to hear what you want to say?"

Umiling si Etienne. "Hindi na. Kahit kaming dalawa na lang. Baka kapag sumagot, tumakbo ka pa e."

"Gago ka."

Etienne jutted out his lips and looked down on my mother's grave."Mama si Lavy oh, minumura ako. Walang proper manners and right conduct. Dapat parusahan. . .ako na po siguro gagawa no'n mamaya."

A tiny smirk graces his ethereal face. My cheeks are heated because of his statement and I touch my ears to contain my feelings.

Napailing na lang ako nang tuluyan at pinuntahan ang anak kong nagbubunot ng damo sa bandang dulo ng libingan. Nanglaki naman ang mga mata ko.

Iba talaga ma-bored ang mag-ama ko! Tingnan mo ang isang ito naging hardinero pa nga.

Nilapitan ko si Leven na nakakunot ang noo habang ginagawa 'yon. Umangat ang tingin n'ya sa akin.

"What are you doing?" I asked, pertaining to his constant digging. "Madudumihan ka, Leven."

"May tao raw dito e. Wala naman, Mommy." Leven knotted his forehead, pinagpag ang kan'yang kamay na puro lupa na.

Kinuha ko ang face towel sa bag ko upang linisin ang kamay n'ya. "Anong tao sa lupa, Leven?"

"Nasaan na po ba 'yong tao sa ilalim ng lupa? Paano po 'yon? Bakit siya tinanim sa lupa? Dadami rin ba siya? Itatanim din ba 'yong kapatid ko kung nagkataon, Mommy?"

Umiling-iling ako at natawa. "Leven! Goodness, hindi ko talaga alam bakit sobrang lawak mo mag-isip!"

"Bakit po, mommy? Mas maganda ba kung makitid ako mag-isip?" He looked at me, his eyes turning to slits.

Natawa naman ako. "Hay naku, lahat na lang talaga."

I love how unpredictable life is and how even if things are not currently aligned to what you had in mind; it doesn't mean you're not going to be in your destination. May mga tao na nakakarating kaagad sa destinasyon nila. Totoo naman 'yon. Pero hindi naman ibig sabihin na nauna sila ay hindi ka makakapunta roon. It isn't always about who ends up going first; because life isn't always a one-lined race —it's not even a race to begin with.

We all have our hardships but we tend to only look to the glory of others not knowing what they had to go through just to achieve it. People only see me as the doctor that I am now but not my breakdowns when I had to take care of Leven and do my exams at the same time. They only see me as the strong woman that I am today not knowing what I had to endure because of the double standards that the society has imposed.

Napangiti naman ako habang tinititigan ang anak ko. His angelic face matched with his unending curiosity made him look like the innocent kid that he is. Unti-unti na rin siyang lumalaki at pakiramdam ko nga ay malalampasan n'ya ang height ko pagdating ng panahon.

"Mama?" tawag sa akin ni Leven nang mapansin ang tumatagal kong titig.

I enjoyed my journey even if I didn't have it easy as others did. I think that what matters most, the unpaved roads made me rely on myself more and it made me realize that even if life gives me more hardship than before, kakayanin ko na ito kahit paunti-unti lang ang progreso ko. A small progress, no matter how little it may seem, is still progress after all.

****

It was a Sunday morning when Euan decided to come over. Nagtatampo raw siya sa asawa n'ya kaya sa amin siya kakain ng breakfast. I was wearing my silk robe while looking at him with disbelief. Naka-dekwatro siya habang nakatitig sa phone n'ya. He's probably waiting for his wife's call, nandito lang siya dahil parte raw ito ng pagiging rebelde.

Pota, parang bata.

Basta talaga Soteiro madalas ay umaakto na parang sanggol na palaging kailangan ihele. Tulad na lang nitong porke't hindi yata na-shout out ng asawa n'ya ay naga-alburuto ngayon. His wife is famous here in the Philippines, sa pagkakatanda ko lang.

Nangunot ang noo ko bago sumubo ng isang kutsara ng scrambled eggs. "Sinong nagtuturo kay Leven ng kung anu-ano?"

Euan mirrored my expression. "Ng ano?"

"Alam mo bang kapag nagtatabi kami ni Etienne ay iniisip na agad ni Leven na may kapatid na siya? Magkatinginan pa nga lang kami ng papa n'ya ay akala n'ya bumubuo na kami ng bata!"

Hindi ko kinakaya ang kwento sa akin ni Leven. Iniisip n'ya na apat na raw ang kapatid n'ya sa tyan ko. Kung gano'n lang din, tatay na lang n'ya ang manganak! Parang pakwan lang ang dadalhin ko kung humingi ng kapatid e.

Euan frowned back at me. "Girl? Hindi ako. Tantanan n'yo nga ako. Ginawa n'yo pa akong bad influence. And for all I know, the kid probably doesn't even know his words yet. Baka nga akala n'ya kapag nagtatabi ay makakabuo na. You know how kids run their imagination wildly."

Tumango naman ako. May point naman talaga. I doubt that Leven already know this stuff, malamang ay binibigyan n'ya lang ng iba't ibang meaning at sabik na talaga siya sa kalaro. Although, he really has to wait for now. Wala pa talaga kaming balak sundan si Leven.

"Arrisea and Adren are currently together again," anunsyo ni Etienne sa amin pagkatapos ilapag ang pagkain sa harapan namin.

I took a sip on my coffee. "It took them a lot of years. Akala ko ay hindi na sila magkakabalikan. It's almost impossible but they still found love in each other's arms, huh?"

"They're planning on having a baby soon," Dugtong ni Etienne. "Although Arrisea is a bit skeptical of the idea of having a child. . ."

Oh. Namilog ang mata ko dahil sa isiniwalat n'ya. I have a lot on my plate right now so I haven't really gotten in touch with them except during their wedding. Pero okay naman na kami ni Kuya Adren. Minsan ay niyayaya n'ya ako na kumain kasama sina Lolo at Mareena. I also got in touch with Arrisea, she had her hair cut short again. Humaba kasi ito noon kaya naman hindi ko siya namukhaan agad. She was pretty as always. Magaganda ang mga pinsan ni Leven kung sakali.

"Ayaw daw kasi magpatalo ni Arrisea sa 'yo,'" biro ni Etienne habang nakapatong ang kan'yang mga kamay sa aking balikat.

"Pota, ginawang contest ang baby making." Euan grimaced, napahilig sa kan'yang upuan. "Kabagin nga kayo."

"Di na kailangan, siya na panalo dahil wala akong balak maging baby machine." I shrugged off.

"Sayang," Ngumuso si Etienne. "Competitive pa naman ako."

"Gago, ikaw na lang manganak." Umirap ako at tumayo upang kumuha ng yogurt sa ref. Nagtaka naman ako nang wala na akong mahagilap na yogurt.

"Sinong kumain ng yogurt ko?" nagpupuyos kong tanong. Tinabi ko na 'yon ah!

Etienne looked at me. His eyes gradually widening. "Kabibili mo lang kahapon, love? Tatlong balot pa nga?"

Nagtaka naman ako. "Naubos ko rin ba kahapon?"

Etienne shrugged, his eyes observing me. Hindi ko alam bakit kinabahan ako roon.

My mouth formed a quick pout. I wanted more but I'm too lazy to order. Nakahiligan ko na rin ang kumain nito. I don't know why? I really like the taste of yogurt these days.

"Lavy, may regla ka na ba?" direktang tanong ni Etienne.

Napamulagat naman ako at nabulunan si Euan sa sinabi ni Etienne.

"Ang bastos naman! Nasa hapagkainan tayo!" reklamo ni Euan at pabirong nagdabog. "Nakakainis kayo! Ang lalandi!"

I only chuckled and that earned a stifled laugh from Etienne.

Nagkasundo kami ni Etienne na kahit may duty ako sa hospital ay sa bahay ako uuwi. Siya rin naman ay gano'n, kahit may meeting siya ng gabi ay kailangan sa bahay siya uuwi. We don't want Leven to feel that we're prioritizing something else than rebuilding our family. Six years without his father, Leven does need more family bonding.

"Mama, tatanggalin mo ito. . ." Leven said as he pointed towards the blade of my skating shoes.

Hindi ko kasi natanggal ng pangtakip kaya naman unang tapak ko sa skating rink ay nadulas agad ako. Leven, on the other hand, handled it like a pro. Hindi ko nga alam paanong mas maalam siya sa akin sa ganitong larangan. As far as I know, ako ang kalaro noon ni Etienne sa ganito.

"Mama," ani Leven at giniya ako patungo sa isang bench. Tinanggal n'ya ang takip ng blades at pinanood ko naman siya.

He really looks a lot like his father. The only thing he got from me is my chinky eyes. Ang hugis ng ilong, labi at kahit ang mahahabang pilikmata ay wangis na ni Etienne. In his dirty white coat and black slacks, he reminds me so much of the younger Etienne that I knew.

"Mama!" Leven gasped, panic laced on his voice. "Bakit ka umiiyak? Okay lang naman na di mo alam, mama. Hindi naman talaga lahat ay alam ito kapag first time! Huwag ka na mag-cry, mama!"

"I love you," I told him and he widened his eyes at me. "You know why even if the world isn't the kindest to us, we wouldn't want to have it in any other way? Because we have you, Leven. . ."

Siya ang tanging dahilan bakit kahit gusto ko na sumuko noon, hindi ko ginawa. Whenever I feel tired, I look at him and miraculously the weight on my shoulders are lifted. Ang mga masasakit nilang salita ay napapawi ng ngiti ni Leven. Etienne's absence was filled with Leven's presence in my life.

Ngumiti si Leven nang malawak. "I love you too, Mama!"

"Leven," tawag sa kan'ya ni Etienne. Nakamatyag siya sa aming dalawa.

Leven slides towards Etienne. Nakaramdam ako ng inggit dahil ang effortless n'yang gumamit ng skating shoes. Pero sabagay, ito rin naman kasi talaga ang bonding nilang mag-ama.

Etienne always brings Leven to different places. Sumasama ako sa kanila kapag wala akong pasok sa hospital. Nakikita ko kung paanong pilit na tinatanggal ni Etienne ang distansya sa kanilang dalawa. They would skate, eat at different restaurants and play indoor or outdoor activities. May mga pictures kasi na sinend sa akin si Etienne na silang dalawa ang magkasama.

It definitely brought warmth to my heart.

We took a photo after skating. Ako naman ay dinala ang picture na 'yon sa bahay namin kung saan may mga nakasabit na frames malapit sa may hagdanan. Plano ko ito punuin dahil pangarap ko noon ang magkaroon ng family picture na masaya talaga kaming mga nasa larawan.

"Ikakasal na raw si Gio at Paulene?" I asked Etienne when he embraced me from behind.

"Yeah. . .pangit ng ugali, inunahan tayo." reklamo ni Etienne.

"Nauna naman tayong mag-honeymoon," biro ko.

Naramdaman ko ang ngisi ni Etienne sa aking balat. "Tama. Hindi 'yon kaya ni San Pedro."

It has been almost a year since we patched things up. At ngayon ay panatag na ako na kahit siguro maraming problema pa ang dumating sa aming dalawa — kaya na namin ito harapin. We're completely astounded with how life unfolded in our eyes and we can't wait to see what's more in store for our family.

I still talked to Caer and Etienne had finally accepted that he isn't a threat to us. Nakakapasok na si Caer sa bahay nang hindi mukhang palaging nakakakita ng multo dahil kay Etienne. It's funny how Etienne tries to be kind to Caer. . .sometimes. Palagi kasing may duda si Caer sa kan'ya.

Leice always cries whenever she sees Etienne though. Hindi siguro makalimutan na patago siyang nasabunutan ng tito n'ya. Mabuti na lang na hindi alam ni Caer 'yon dahil baka gulo na naman ang mangyari sa dalawa. Kahit ako ay hindi makapaniwala na ginawa 'yon ni Etienne.

"What if asarin ko si Gio na baka nagagwapuhan sa akin si Paulene?" tanong ni Etienne habang ako ang nagsusuot ng necktie n'ya sa kan'ya.

"What if sakalin kita?" Umangat ang isang kilay ko. "With love." Paghihigpit ko ng necktie n'ya. He grunted because of that action.

"Di ka naman mabiro," Etienne pursed his lips. "Selosa mo naman. Mahal na mahal mo talaga ako 'no?"

"Ang kapal ng mukha mo talaga. . ." I laughed but also looked at him lovingly. "I love you."

"Huwag ka naman gan'yan, baka di kita matiis. . ." Etienne whispered through my ears. "May thirty minutes pa naman tayo. . ."

I chuckled, "Gago."

We're about to attend the wedding of Paulene and Gio. Inimbitahan ako ni Gio dahil naging magkaibigan din naman kami. We were not super close but I know that Paulene and Etienne formed a bond during the time that they've worked together. Isa si Paulene sa tinuturing na kaibigan ni Etienne.

I was wearing a white french retro dress. The length of the dress covers up until my knee. Kinulot din ang dulo ng buhok ko at may kulay purple akong hair clip. It was given as part of the theme. Isang church wedding ang kasalan nilang dalawa.

Upon arriving on the church, namataan ko ang ilan sa mga kakilala namin ni Etienne. Although some of them were only familiar faces. Ang alam ko lang ay sa UJD din sila nag-aral.

Someone was crying loudly. Nagulat naman kami dahil mas malakas pa ang iyak n'ya kumpara sa mismong groom. I saw Gio uncomfortably diverting his eyes somewhere else.

"Iscalade, tama na." saway ni Gio sa umiiyak na lalaki. Oh, it was Iscalade. Of course, hindi ko lang namukhaan.

"Hindi 'tol. . ." humihikbi si Iscalade. "Gio, grabe ka. Please stay. ."

"Lade, ikakasal lang ako. Hindi naman ako mamamatay, bro."

"Please stay the same. Huwag mo kakalimutan na tuwing walang tubig sa CR, binibilhan pa kita ng mineral water panghugas. . ." ani Iscalade habang pinupunasan ang luha n'ya.

Umaktong naduduwal si Gio. "Hoy! Hindi ako 'yon! Isa sa flex ko na hindi pa ako nag-CR ng gano'n sa school!"

Napahagikgik naman ako habang pinapanood silang dalawa sa harapan. Hindi yata nila alintana ang mga matang nakamasid din sa kanila.

"Gio. . ." Iscalade hugged his friend. "Isang sigaw ko lang, matitigil 'tong kasal mo."

"Hoy! I-Iscalade! Umayos ka nga!" natatarantang saad ni Gio. "Maayos ako nung kasal mo! Pinagtirik pa nga kita ng kandila!"

"Tol! H-huwag ka magalala, sisigaw ako mamaya ng itigil ang kasal!" determinadong saad ni Iscalade.

"S-subukan mo talaga, Iscalade!" Naluluhang balik ni Gio sa kan'ya. "Pangarap ko 'to e. 'Tol kahit isang araw ka lang matino, promise! Habang buhay akong tatanaw ng utang na loob!"

"Solstice. . ." mahinhin na saad ng nasa tabi ko. I looked at her and saw Philomena.

"Hala, Philo. . ."

"Pasensya na po sa asawa ko," Philo smiled faintly. "Masyado lang n'yang na-miss mga kaibigan n'ya."

I smiled back. "Naging busy ba sa kambal?"

She was able to give birth to twins. However, she told me that after them — it's almost impossible for her to conceive again without complications. Kaya naman miracle babies ang kambal na isinilang n'ya.

Tumango si Philo. "Makulit kasi si Philosophia pero si Isca—"

Hindi natuloy ni Philomena ang pagsabi ng mga pangalan ng kambal dahil naiiyak na talaga si Gio dahil kay Iscalade. Dali-daling hinablot ni Philomena si Iscalade papalayo kay Gio. I can only laugh looking at them. They still act like they're in senior high. Nakakatuwa na dumaan man ang taon at magkaroon man ng pagitan — bumabalik pa rin pala tayo sa kung saan tayo naging masaya. A good sense of nostalgia surged into me.

Umayos na kami nang sinabihan kami na darating na ang bride. I looked at the door opening widely and unveiling a beautiful woman in her white flowing dress.

Kumikintab ang morena n'yang balat dahil na rin sa sinag ng araw na tumatama sa kan'ya. Under her veil, I could see her huge smile. She was definitely the most beautiful woman today. Gio is lucky to be married to her. Kahit yata si Gio ay natulala pa rin sa ganda n'ya. It wasn't her physical appearance that made her beautiful, it was the way she handled herself with such grace.

Pinanood ko lang ang buong kasal na may munting ngiti sa labi. Nang mag-isang dibdib na sila ay lahat kami ay halos maluha. It was probably because of their vows for each other. Mabilis na nalaglag ang ngiti ko dahil may naalala ako pagdating sa ganito. I just remembered that Caer avoids attending weddings because he doesn't want to hear wedding vows. Kung uma-attend naman siya ay palagi siyang nasa labas lang.

Sa huli ay ang pagbato na ni Paulene sa bulaklak. I wasn't supposed to participate. Hindi naman ako nagmamadaling ikasal. Pero nagulat ako dahil si Etienne mismo ang nagtulak sa akin patungo roon.

"Hindi ko naman masasalo," giit ko sa kan'ya.

"Hindi! Sasaluhin mo!" he pouted as he gently pushed me further in the spot. "Masasalo mo 'yon!"

"P'wede pa kaya ako sumali?" Arrisea asked and chuckled upon seeing how Etienne was reacting. Napapailing na lang si Kuya Adren sa tabi n'ya.

"Pangatlong kasal mo na kung ganoon! Tabi! Huwag gahaman!" Etienne hissed and shook his head.

"Hindi ko nga masasalo," Ngumisi ako kay Etienne at kita ko ang pagkunot ng noo n'ya.

"Edi ako na sasalo!"

"Bakit ba gustong-gusto mo na sumali ako?" panga-alaska ko pa. "Magpo-propose ka ba?"

Namula si gago. "Lavy!"

I shrugged and decided to join. Hindi ko naman talaga sasaluhin pero nagtataka ako dahil halos walang sumasali. Kung mayroon man ay nakatingin sila sa akin.

Nangunot naman ang noo ko.

When the bouquet was tossed by Paulene. Nagulat ako dahil sa direksyon ko ito binato. Ang nakakapagtaka pa ay halos ako lang naman ang tao sa direksyon ko!

What the heck?!

Because of reflex, sinalo ko naman 'yong bulaklak. Lahat sila ay napalingon sa akin at nagsisitili silang mga babae. Some of them clapped so hard that I can see their palms reddening already.

Bago kami makarating sa reception ay nag-usap muna kami sa sasakyan. I was looking at the flowers with amazement. Si Etienne naman ay kanina pa hindi mapakali. Mas kinikilig pa siya para sa akin. Parang gago talaga.

"Okay, mukhang ikakasal na tayo next year." Etienne announced with a cheeky grin.

"Planado mo ba ito?" tanong ko habang tinataas ang hawak na bulaklak.

"H-hindi ah!"

"Ikaw talaga! Ang dami mong pakulo! Kasal nung tao, ginambala mo pa!" I scolded Etienne who was pursing his lips like a child.

"Grabe ka naman sa akin! Hindi ko naman sinabi kay Paulene na ibato sa 'yo 'yong bulaklak! Hindi naman siya scripted!" sabi ni Etienne. I can only roll my eyes. Nadulas pa nga!

Tumawa na lang ako. "Pag-uwi natin, handa mo na 'yong plastic cover, pang-laminate mo at ang pirma mo."

"Huh?"

"Papalitan na natin 'yong pekeng wedding certificate na pinanghahawakan mo," I told him and gave him a swift kiss on his lips.

Agad naman siyang natigilan at napatingin sa akin. Namungay ang kan'yang mga mata at hinawakan ako sa aking batok. He held my nape as he leaned in for a kiss. I deepened it and rested my arms on his shoulders.

Shit.

Mukhang di na kami aabot sa reception.

Natawa na lang ako.

You know, life is both incredible and miserable at the same time. It's incredible that even at the happiest moments of others, we can still feel melancholy. It's also miserable that we can only live once and experience our halcyon moments in a short period of time. Magulo talaga ang buhay kapag binibigyan ito ng isang depinisyon lamang. . .

So this time, I'll try to live my life not trying to explain everything to everyone. I'll just live. . .knowing that my loved ones will always understand me and I'll always understand them too. No matter how complicated life gets —what matters most is someone will always understand where we're coming from. And for me? That's Etienne and Leven.

I definitely couldn't ask for more. . .except for kids. I definitely want more kids.

❛ ━━━━━━・❪♀❫ ・━━━━━━ ❜

ᥫ᭡ li

Continue Reading

You'll Also Like

23.1K 1.8K 62
"Bakit hindi natin pinili ang isa't isa?" ✦ He likes her and she likes him too, but they're both too afraid to tell each other what they really felt...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
381K 5.5K 60
He is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)
7.2M 374K 45
seniors series #2 A Senior Highschool series. complete [unedited] Maraming nagsasabi na hindi naman daw patimpalak ang buhay, pero bakit ang daming h...