✔ || Hot Mom

By mariyachacha

1M 21.3K 8.2K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's... More

Single Mom I
Prologue
Hot 1
Hot 3
Hot 4
Hot 5
Hot 6
Hot 7
Hot 8
Hot 9
Hot 10
Hot 11
Hot 12
Hot 13
Hot 14
Hot 15
Hot 16
Hot 17
Hot 18
Hot 19
Hot 20
Hot 21
Hot 22
Hot 23
Hot 24
Hot 25
Hot 26
Hot 27
Hot 28
Hot 29
READ THIS FIRST BEFORE YOU PROCEED
Hot 30
Hot 30 (OLD VERSION)
Hot 31
Hot 31 (OLD VERSION)
Hot 32 ( OLD VERSION)
EPILOGUE
Epilogue (OLD VERSION)
SPECIAL CHAPTER I (OLD VERSION)
ANNOUNCEMENT 2.0
SOON TO BE PUBLISHED
IMMAC SHOPPE BOOK UPDATE
IMMAC PPH SHOPEE BOOK DETAILS
BOOK GIVEAWAY
BOOK GIVEAWAY WINNER
SANTI

Hot 2

44.8K 843 694
By mariyachacha


Chapter 2

Gael Sevirino Torres

Mulat na mulat ang aking mga matang nakatitig sa puting kisame ng kwarto ni Santi habang banat na banat ang aking mga labi sa pagngiti. Such a wonderful morning for the most fortunate person like me.

Sino ba ang hindi? I had a great night, not just great but colorful.

She's really an ideal and amazing woman. I don't care about the fvcking age gap.

I like her, so I'll get her.

Minsan lang talaga naiisip ko, mali ba na magkagusto ako sa nanay ng kaibigan ko? Kasi nga, nanay niya 'yon, tapos kaibigan ko siya. Maraming judger sa mundo, nakatatak na sa isip nila ang mga bagay kung saan hanggang doon na lang ang gusto nilang paniwalaan.

They will call you 'may nakaahon na naman sa hirap dahil nakapangasawa ng foreigner', 'kaya maraming na-re-rape kasi ang iksi ng suot', at higit sa lahat, 'mayaman siguro kaya pinatulan ng bata'.

What a fvking filipino mindset, right? Imbis na hilahin ka pataas, mas ilulubog ka pa nila.

Kaya talaga minsan may nag-ho-hold sa akin na gawin ang matagal ko nang gustong gawin. Court her, but how? She's my bestfriend's mom.

So, sometimes, I answered yes, to show some respect na rin. Pero madalas, hindi, 'cause love no boundaries. 

That's why, I promise to myself that I'll pursue her when right time comes. I'm not a minor anymore, kaya ko na siyang ipaglaban, lakas ng loob na lang talaga ang kailangan ko para sabihin kay Santi ang nararamdaman ko sa Mommy niya.

“Puta, hanggang ngayon nakangiti ka pa rin? Hindi ka ba nauubusan ng happy pill?“

My eyes immediately turned to Santi right next to me. Gising na pala ang future son ko.

Naninigkit pa ang mga mata niya na halatang kagigising at inaantok pa. Maaga naman natapos ang dinner, naglaro lang kami magdamag kaya medyo late na rin kami nakatulog.

Magkatabi kami laging natutulog ni Santi sa kama niya tuwing nandito ako. Ganoon din naman kami sa kwarto ko kapag doon siya sa bahay namin natutulog. Kaya hindi talaga ako nakakapuslit para puntahan si Tita, para ipagpatuloy sana ang nasimulan namin.

Medyo bitin, but still worth it. Argh!

Mas lalo ko lang nginitian si Santi at saka siya niyakap sa may bandang leeg. “I love you, bespren!”

Hindi siya nakapag-react agad dahil sa gulat. Pero matapos lang ang ilang minuto nagpumiglas siya at pilit na inaalis ang pagkakayakap ko sa kan'ya.

“Tang*na! Kadiri ang amputa!” aniya habang inaalis ang braso ko sa may leeg niya.

Mas hinigpitan ko naman ang pagkakayakap ko para hindi niya matanggal. Maganda ang umaga ko, kaya gagalitin ko naman siya.

“Tang*na ka, Sevi! Pagnakawala ako dito, hindi ka na talaga makakatapak ng bahay namin!”

And that's it, iyon na siguro ang sinyales para tumigil na ako. Mukhang galit na siya at baka nga magkatotoo ang sinabi niya.

Paano na lang ang plano kong maging step father niya kung hindi na ako makakatapak sa bahay nila. Kapag nag-aaway pa naman kami inaabot ng mahigit kumulang hindi mabilang na mga araw. Hindi na ako papayag na hanggang bintana na lang ulit akong pagmamasdan si Tita Crisanta.

After a few moment of realization, I let him go.

“Breakfast na tayo, baka umalis na si Tita.” Umupo na rin ako at agad na kinalimutan ang nangyari. Baka kasi totohanin, mahirap na.

“Paganti muna!” Naramdaman ko ang paglapit niya kaya agad akong tumayo para makalayo. Huling-huli sa akto na may gagawin nga siya.

Kitang-kita ko sa ekspresyon ng mukha ni Santi na naiinis na siya. Lalapit pa sana siya sa akin, kaya lang bago pa niya magawa iyon ay tumakbo na ako agad palabas ng kwarto niya.

He'll never win against me. That's why, I'm pretty sure that I'll also win over his Mom's heart.

“Sevi!”

Sinarado ko ang pinto ng kwarto niya. Tatakbo na sana ulit ako palayo sa kwarto niya nang biglang magkasalubong ang mga mata namin ni Tita Crisanta. Kalalabas lang din niya galing sa room niya.

Unti-unti namang napawi ang ngiti sa aking mga labi nang napansin ang suot niya. Bihis na bihis na kasi si Tita at mukhang handa nang pumasok. Mamayang hapon ko na ulit siya makikita.

I shrugged off in my mind what I was thinking. Ang importante nagkikita pa rin kami.

Binalik kong muli ang aking atensyon sa suot ni Tita Crisanta.

It's simple, but she's still look gorgeous.

Kahit anong suot talaga ni Tita Crisanta hindi magbabago ang ganda niya. Kahit sako siguro madadala pa rin niya.

Mula sa pagkakatitig sa kan'ya, biglan naman akong natauhan nang tumunog ang pagsarado ni Tita ng pinto. Timing talaga. Timing.

“Goodmorning, Sevi. Where's Santi? Is he awake?” tanong niya nang wala 'man lang bahid ng kahit konting malisya.

Umaasa pa naman ako na magiging maganda rin ang umaga niya dahil sa'kin. Kaso mukhang ako lang pala affected sa nangyari kagabi. Hanggang asa na lang yata ako.

Sabagay, pinagtulakan niya ako kagabi.

Pero hindi ibig sabihin noon susuko na ako. Seven years. Seven years kong hinintay 'to, hindi ako papayag na matatapos lang sa wala ang pagtitiis ko.

Don't worry, Sevi, kung hindi papalarin na maging kayo bawian mo sa anak. Agawin mo lahat ng magiging girlfriend. Gano'n ang sumpa ng lalaking api. Joke!

Sino bang may sabi na hindi magiging kami ni Tita Crisanta? Pinapanganak pa lang ako tina-trabaho na ni Papa God ang kapalaran namin, kaya ayon hiwalay sila ng Daddy ni Santi at namatayan pa ng asawa. We're meant to be, you know!

“A-ah... tulog pa po, Tita. Gisingin ko na po ba?” Tinuro ko ang kwarto ni Santi at umaktong papasok para kunwari gigisingin ko.

Syempre para-paraan din para masolo ko si Tita. Ito na nga lang ang chance ko palalagpasin ko pa ba.

“Oh, no. Just let him sleep. Baka kung anong oras na naman kayo natulog na dalawa ha. Mabuti na lang sabado ngayon.”

Napakamot ako sa batok. “Medyo, Tita. Lalo na po ako, hindi ako makatulog kakaisip po sa---”

“Tara, breakfast? Tulog pa si Santi, ikaw na lang sumabay sa'kin.” Tita Crisanta slightly nod her head to invite me.

I smell something na nakakakilig. She's obviously avoiding what happened last night. Oh, she's affected too?

Napangiti ako sa isipan ko. Kikiligin na rin sana ako nang muling magsalita si Tita.

“Halika na, Sevi. Masamang pinaghihintay ang grasya,” anyaya muli ni Tita Crisanta bago naunang naglakad sa akin pababa.

Oh, fvck! Halikan na?! Ang utak ko talaga malapit nang mag-explode dahil sa kan'ya.

She's in her thirty, but still slayin'.


***


Crisanta Gutierrez

Pagkatapos nang ilang segundo tinulak ko palayo si Sevi. This can't be happening. Once is forgiven, but doing it twice is like I was betraying my son.

Una pa lang hindi na dapat ito nangyayari. He's too young for me, especially he's my son's bestfriend.

“You can leave na, Sevi.“ Napahawak ako sa aking sintido habang nasa bewang ko naman ang isang kamay ko. Tinalikuran ko siya at hindi malaman ang gagawin.

Hindi ito puwedeng malaman ni Santi. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang mga nangyayari sa loob ng bahay na 'to, kung itatakwil niya ba ako bilang ina or what. Anything could possibly be happen, and I don't fvcking want that.

"T-tita...”

“Please... Sevi. Baka hinahanap na nila tayo,” pagdadahilan ko pa bago ko siya nilingon at pinagtulakan palabas ng kwarto ko.

Wala na siyang nagawa kun'di sumunod sa akin. Nagmamakaawa pa ang kan'yang mga mata na isinawalang bahala ko lang. Hindi masosolusyunan ng pagmamakaawa ang katarantaduhan naming ginagawa.

Lagot ako kay Santi kapag nalaman niyang may nangyari sa amin ng kaibigan niya.

Pagkalabas ni Sevi, dumiretso ako agad sa may vanity mirror ko at nakipagtitigan sa aking sarili.

You're not a slut, Crisanta. You're just a mother who also need to be loved by someone who you can be with for the rest of your life, beside of your son who is also going to build his own family.

Yes, I'm used to be single, but that doesn't mean I want to be left alone.

Pero hindi si Sevi, Crisanta! Ang bata-bata pa no'n, kaibigan pang matalik ng anak mo! Gaga ka talaga!

Nasa baba naman si Kris, hindi ba. “Oo nga, nasa silang lahat kaya bumaba ka na!” pagkausap ko sa aking sarili bago tumango-tango at nagmadaling bumaba.

Hindi ngayon ang tamang oras para lumandi. Act like a mother, Crisanta.

Pagkababa ko, binigay ko lang kay Margarette ang regalo. Balik kwentuhan na parang walang nangyari. Iniiwasan ko rin ang mga tingin ni Sevi at baka may makapansin sa amin, magkatabi pa naman sila ni Santi, at nasa harap kami ng maraming tao.

Wala nang importante pang nangyari kaya maagang natapos ang dinner. May mga anak pang uuwian ang mag-asawa, kaya nagpaalam na rin sila. Pinauwi ko na rin si Kris dahil wala ako sa mood.

Another day, another challenge to face. He's still here, 'cause he slept here with my son.

“Ahm, Tita, about last night...”

Kaagad akong nag-angat nang tingin at bahagyang luminga sa paligid. Mabuti na lang wala si Manang Linda.

I raised my left eyebrow. “Sevi, lower your voice. Baka may makarinig sa'yo,” I mumbled.

Nag-b-breakfast kami ngayon ni Sevi. Tulog pa raw si Santi kaya siya na muna ang niyaya ko. Kailangan kasi ako ngayong umaga sa restaurant dahil may ilang investors na gustong mag-franchise ng Santi's Diner.

We served international cuisines, kaya maraming investor ang gustong mag-franchise sa diner namin.

“Why? Wala naman po tayong masamang ginagawa. I just kiss---”

“Sevi!” I gritted my teeth.

Ano bang gusto niyang mangyari? Ipaalam sa lahat na may nangyari sa amin?! No way!

Sevi chuckled sabay taas ng dalawang kamay niya na parang sumusuko. “Alright, I won't tell others. It's just you and me, Tita.”

Kumukulo ang dugo ko. Mabuti na lang hindi uso sa akin ang highblood. I'm still fit and healthy... or maybe hot and sexy.

“Sevi, hindi ako nakikipagbiruan. Pagkatapos ng nangyari---”

“Ma! Nag-b-breakfast ka na? Bakit hindi mo ako tinawag?”

Kusang umangat ang tingin ko sabay tikom ng aking bibig. He's awake? So, he's already awake nga?

“I thought you're still sleeping. Sabi kasi ni...” Unti-unting humihina ang boses ko habang binababa ang tingin kay Sevi.

Hindi siya makatingin sa akin.

“Ah... akala ko kasi matutulog ka ulit. Hehe.” Napakamot si Sevi sa batok. Lumingon pa siya sa direksyon ni Santi. “Kain ka na, Santi. Para happy family na tayo.”

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Anong pinagsasabi ng batang 'to? Myghad!

“Anong sabi mo?” Napalingon ako kay Santi nang nasa tabi ko na pala siya. “Goodmorning, Ma.” Hinalikan niya ako sa pisngi bago umupo sa tabi ni Sevi, sa usual spot niya.

“Goodmorning, baby,” ani ko na lang pabalik. “Kumain ka na. Aalis na ako maya-maya,” dagdag ko pa bago binalik ang tingin sa aking pagkain. Parang mawawala na naman kasi ako sa aking sarili.

Pambihirang bata kasi 'tong si Sevi. Balak pa yatang maging step ng father ng bestfriend niya. Mababaliw na yata ako!

“Gago ka talaga, Sevi. Hindi ka 'man lang nagtawag, kakain na pala. Buti na lang pala lumabas ako.”

“Dapat nga hindi ka muna lumabas.” Sevi tsked.

“Gago! Uubusan mo lang ako ng pagkain, e.”

“Aba'y hindi. Dadalhan nga kita sa kwarto. Ayaw mo no'n? Breakfast in bed? I'll treat you like my own... friend.”

“Puntang*na!” Nailuwa ko ang pagkain na nasa bibig ko dahil sa lintik na Sevi.

Hindi ba talaga siya titigil?!

“Ma! Ayos ka lang?” Lumapit sa akin agad si Santi, nag-aalala.

Nag-angat ako nang tingin at saka siya nginitian. “Ayos lang, anak. Don't mind me. May nakaalala lang siguro sa akin.”

“Oo nga, Tita. Palaging pong may nakakaalala sa'yo.”

I immediately glanced at Sevi. He's smirking. Is he really mocking me?

“Naniniwala kayo do'n? Ang corny niyo naman.” Lumayo sa akin si Santi na animo'y nadismaya sa sinabi ko.

Syempre, palusot ko lang 'yon. Alangan namang sabihin ko ang totoo. E'di pareho kaming napatalsik sa bahay ni Sevi.

Napabuntong hininga na lang ako para pakalmahin ang aking sarili. Calm down, Crisanta, bata lang 'yan. Mapagbiro at nag-e-explore. Hindi 'yan seryoso.

I bit my lower lip. “Sorry, anak, but I need to go. Baka hinahanap na nila ako sa diner.” Tumayo ako at nilapitan siya. I kissed him on the cheek.

Palayo pa lang ang mukha ko galing sa pagkakahalik kay Santi nang naligaw ang mga mata ko sa direksyon ni Sevi. Nakatingin siya sa akin, tila pinapanood ang ginawa ko.

Gusto niya rin ba ng goodbye kiss? Magdusa siya.

“Sige po, Ma. Mag-ingat po kayo ha. I love you,” ani Santi pagkatayo ko nang tuwid.

“I love you too, baby. Mag-ingat din kayo dito ha.” Nagtungo ako sa may sofa at kinuha ang bag ko. “Maaga naman akong uuwi. Sabay na tayong magdinner.” Bilin ko kay Santi habang hinahanap ang susi ng kotse ko sa aking bag.

“Yes, Ma. Noted po,“ rinig kong sabi ni Santi.

“Dito ulit ako mag-di-dinner mamaya. Wala sina Mommy, nag-out of town. Baka dito na rin ako matutulog ng ilang araw.” It's Sevi, and he's talking to Santi.

What? He's staying here?

Tiningnan ko silang dalawa sa hapagkainan. “N---” Magsasalita pa lang sana ako para pigilan si Sevi nang bigla namang sumagot si Santi.

“Sure. Di ba, Ma?” ani Santi sabay lingon sa akin. Pareho na silang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko.

Gusto ko sanang tumanggi sa ideyang 'yon. May iba kasi akong pakiramdam sa pagtulog na 'yan at pag-stay niya dito ng ilang araw. Mukhang hindi magandang pangitain.

Pero sino ba naman ako para sirain ang kasiyahan ng anak ko? Santi is my only child, alam kong naghahanap din siya ng kapatid at makakasama sa mga oras na wala ako at busy sa trabaho. Kaya nga natatakot ako na malaman niya ang nangyari sa amin ni Sevi, tinuturing niya na kasi itong kapatid.

“Sige lang, anak. Basta huwag mag-da-dala ng babae sa kwarto ha.” I warned him, pero ang mata ko nagpabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa ni Sevi.

Kilala ko si Sevi, pilyo 'yan at sutil. Kaya nga madalas mag-rant sa akin ang Mommy niya dahil sobrang tigas nga raw ng ulo. Akala nga raw niya magiging Lola na raw siya ng sobrang aga.

“Of course not, Tita. Ikaw lang--- takot lang namin sa'yo. 'Di ba, Santi?” ngiting-ngiti pa niyang sabi sabay akbay kay Santi.

Nag-apir at nagtawanan pa sila na parang nagkakaintindihan talaga silang dalawa. Alright. Sinabi nila, e.

“Don't worry, Ma. Good boy naman po ako. Ewan ko lang kay Sevi.” Santi chuckled.

“Gago! Huwag mo nga akong nilalaglag sa Mama mo.” Bumitaw sa pagkakaakbay si Sevi at nakipagkulitan kay Santi.

Napangiti at napailing na lang ako sa kakulitan ng dalawa. Iyan ba ang sisirain ko? Hindi kakayanin ng konsensya ko.

So, no, Sevi. Sorry.

“Bye, boys! See you later,” paalam ko na lang sa dalawa at saka sila tinalikuran.

“Bye, Ma! Drive safely po!” pahabol na sigaw ni Santi bago ako makalabas ng bahay.

I will, anak.

Naglalakad na ako sa pathway papunta sa garahe nang makarinig ako ng pagsarado ng pinto. Miss naman agad ako ng anak ko. Kaya love na love ko talaga siya, e.

Napangiti ako bago huminto sa paglalakad. Lilingunin ko na sana siya nang biglang may dumampi sa pisngi ko.

“Goodbye kiss po, Tita.”

Fvck!

“Sevi? What are you doing here?!” Pinanlakihan ko siya ng mata bago napatingin saglit sa may pinto.

Nakahinga ako nang maluwag nang wala akong nakitang tao, maging sa paligid. Binalik ko ang tingin ko sa kan'ya sabay hawak sa braso niya at hinila patungo sa may garahe, para magtago.

Kinakabahan na ako sa puntong 'to. Paano kung sinundan siya ni Santi at makita kami? Hindi 'man lang siya nag-iingat! Myghad!

“Sevi, naman! Ano bang gusto mong mangyari? Pinagtitripan mo ba ako?! Sa tanda kong 'to, ako pa talaga ang naisipan mong pagdiskitahan. Hindi nakakatuwa.”

“No. Seryoso po talaga ako, Tita.” Mula sa pagkakangiti, bigla siyang naging seryoso.

Binitawan ko ang braso niya at umiwas nang tingin. “Seryoso rin ako, Sevi. Ayokong may masabi ang anak ko sa'kin, lalo na sa'yo. Tinuring ka niyang kapatid, alam mo 'yan.”

“Alam ko naman po 'yon, Tita. Pero paano naman po 'tong nararamdaman ko?”

My forehead furrowed. Anong ibig niyang sabihin?

“Hindi na po ako bata para hindi maintindihan na walang mali sa nararamdaman ko. Seryoso po ako, Tita. I want to court you, and tell the world how much I adore this woman in front of me. You're worth fighting for, Tita.”

Unti-unti ko siyang nilingon habang laglag ang panga kong nakikinig sa kan'ya. Hindi niya ako naiintindihan.

“Naririnig mo ba ang sarili mo, Sevi?” I asked, disappointed. “Hindi kasi 'to tama. Kahit sabihin mong hindi mali, hindi pa rin tama. Nanay ako ng kaibigan---”

“I know. Alam ko na po 'yang lahat, Tita. I'm his bestfriend, and you're his mother. So, what? Mali na bang mahalin kita?”

“Oh, God!” Napahawak ako sa aking sintido. “Mahal? Baka nagkakamali ka lang, Sevi. Hindi mo ba ako nakikita? Matanda na ako! Thrity six years old!”

“Ano naman? Tatanda rin naman ako. Lahat tayo tumatanda. Kapag tumatanda bawal nang magmahal ulit?”

Natigilan ako at nagulat nang biglang niyang hinawakan ang mga kamay ko. Napatingin din ako sa kan'ya nang inaangat niya ito palapit sa mukha niya.

“Look at me, Tita. Look at me...” aniya na hindi ko inaasahang susundin ng katawan ko.

Nagkasalubong ang mga mata namin. Iilang distansya na lang ang namamagitan sa aming dalawa. Hindi ko na rin maintindihan kung anong nararadaman ko.

I'm clueless.

“I, Gael Sevirino Torres, twenty-one years old, your son's bestfriend, who admire you for more than seven years. I don't fvcking care if you're too old enough for me, edad lang 'yan, nagbabago, pero hindi itong nararamdaman ko. Kaya, Tita, kung hindi niyo po mamasamain, gusto na po kitang ligawan at makasama habang buhay.”

Puntang*na.

My heart just beat fast.

Continue Reading

You'll Also Like

32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
Seduced By Cher

General Fiction

3.5M 112K 20
Alejandros Vejar is happy and he is gay. Nothing is wrong with being gay. His family loved him. It took a while for his father to accept him but he s...
153K 9.2K 45
"Just because you're rich doesn't mean you take the shortcuts!" Simpleng babaeng nakapasok sa isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas pero nagbag...
58.2K 2.2K 44
Julian Verces, a gay engineering student that fell in love with a city girl. He had principles about adoring guys he like, but what if he will bend...