The Ex-Girlfriend's Revenge

By Sil3ntcry

2.5K 235 38

Kirsten Ophelia Priestley dated the popular guy in college- Pearce Clarence Arthur. Things didn't go well bet... More

Chapter 1:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14
Chapter 15

Chapter 2:

167 20 3
By Sil3ntcry

Kirsten's POV:

"Hoy babae! Sa'n punta mo?", kunot noong tanong sa akin ni Betty habang nag-aayos ng gamit sa bag niya nang madaanan ko siya sa station niya.

"Uuwi.", simple at deretsong sagot ko.

Mas kumunot 'yong noo niya at nagtataka akong tinignan. Isinabit niya sa kanang balikat ang bag at nag pamewang sa harap ko.

"Anong uuwi teh? My company dinner tayo dae! It's to welcome Mr. Arthur sa Top It Up Ventures! Secretary ka tapos uuwi ka?", bulalas sa akin ni Betty.

Marami pa kaya akong gagawing adjustments ngayong I'm under someone new, hello? Isa pa, kailangan ko mag-isip... Malalim na pag-iisip kung paano ko maisasakatuparan ang aking mga plano sa paghihiganti sa walangh*yang lalaking 'yon! Ayoko ring sumama sa company dinner na 'yan, nakakadiri palang huminga ng iisang hangin kasama ang kup*l na 'yon.

Nagkunware akong umubo.

"Masama kasi pakiramdam ko, Betty. Alam mo na, galing akong probinsya, wala pa akong pahinga.", palusot ko na mataimtim kong hinihiling na gumana.

Lumapit sa akin si Betty at inilapat ang likuran ng kanyang kamay sa aking noo;

"Nakuuuu! Ang init mo nga! Grabe!", reaksyon niya habang nakalapat parin likuran ng kamay niya sa noo ako.

Ako naman 'tong tango ng tango bilang pag sang-ayon sa kanya habang nakanguso, nang biglang kumapit siya ng sobrang higpit sa kaliwang braso ko kaya namimilog na mga mata akong napatingin sa kanya.

"Alak ang gamot sa peke mong lagnat, halika na! Rinig ko andoon rin fiancee ni Sir Clarence natin. Ang sabi maganda, need natin tignan kung totoo kasi hindi ako papayag na may mas maganda sayo.", hila sa akin ni Betty pero hindi ako natinag, bagkus ako'y napako sa aking kinatatayuan.

Nabingi ata ako ng iilang segundo. Fiancee!? Napangiwi akong tumingin kay Betty, ano pinagsasabi nito?

"Anong Fiancee? Si Pear- I mean, si Sir Clarence may fiancee?", hindi ko makapaniwalang tanong at binigyan naman ako ni Betty ng tango bilang sagot.

Fiancee? May fiancee ang lalaking 'yon? Tapos nakikipaglaplapan kay Agnes sa opisina niya? Hindi naman siguro si Agnes fiancee niya  kasi Betty would've known.

Grabe. May fiancee na't lahat-lahat, 'di man lang talaga magawa maging loyal.

Napapilantik ako ng buhok tapos malakas na natamaan sa mukha si Betty.

"Hala sorry Betty hahaha. Tara na, hindi na pala masama pakiramdam ko.", ako na mismo humila kay Betty bago pa mag-react sa pagtama ng buhok ko sa mukha niya.

May naisip akong ka-demonyohan bigla. Humanda ka Pearce Clarence Arthur.

-----

Sa isang sikat na restaurant kami nagtipon para sa company dinner, It's called Namescapes. Rinig ko gwapo may-ari ng resto na 'to kaya lang wala daw sa Pilipinas as of the moment, nasa ibang bansa. Sayang hahahah.

So, we're sectioned off from the main dining area, it's like a private space for us only.

Andito na kami lahat pero syempre wala pa si Pearce at fiancee niya kuno, pa-bida talaga ang lalaking 'yon kahit kailan eh.

"Banyo lang ako.", bulong ko kay Betty kasi nakakainip naman mag-antay 'di ba? Gusto ko na magakalat hahhaha.

Palabas na ako sa parang private room namin nang makasalubong ko si Pearce na may kasamang babae na nakakapit sa braso niya.

Napahinto ako at napatitig sa pamilyar na babae.

Hannah.

The woman he dated after ruthlessly breaking up with me. No, the woman he cheated with on me.

What the hell is this? He stayed with her and is now marrying her after dumping me? What kind of insult is this? The promises he made, to stay together for so many years and to get married after... None of it happened. Ako 'yong pinangakuan pero sa ibang babae niya tinutupad.

How cruel, Pearce. How can you be so cruel to me?

"Nakaharang ka sa daan, Ms. Priestley.", tugon nito.

Agad akong natauhan. 

Hannah is just as surprised as me, supposing her reaction.

"Yeah, my bad.", wika ko at nagbigay daan sa kanilang dalawa para makapasok sila sa loob.

Bago pa may maipakita akong 'di kanais-nais na reaksyon ay patuloy akong lumabas doon at tumungo ng banyo gaya ng pinagpaalam ko kay Betty.

Kaharap ko ang sariling repleksyon sa salamin sa loob ng restroom, ilang ulit na ako naghilamos at gulat pa rin ako.

Hannah pursued being an actress before pero she wasn't that successful. Nawala nalang siya bigla sa limelight, I never thought na hanggang ngayon ay sila pa rin pala ni Pearce.

I can't even explain what I'm feeling right now, 7 years ago hanggang ngayon, sa tuwing nakikita ko silang magkasama... I still feel betrayed.

Pearce has become a torture to me, a pain that I can't seem to mend. All this time, he's like a serious illness with no cure. 

Nag-retouch ako sa banyo kasi natanggal na makeup ko kakahilamos ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon pero bumalik rin ako nang ma-convince ko ang sarili ko na kaya ko na.

Nang makabalik ako ay masaya na silang nagkwe-kwentuhan. May mga pagkain at inumin na sa mesa.

Naupo ako sa tabi ni Betty na deretso lang ang tingin kasi ayoko mag abot ang mga tingin namin ni Pearce o ni Hannah.

Hindi sana ako magiging ganito kung hindi si Hannah ang fiancee niya, talagang magpapakasal sa babaeng kasama niyang manloko sa akin. Ano 'yon? Naisipan niya magtino pagkatapos magloko sa akin?

Tumino nga ba? Alam ba ng Fiancee niya mga ginagawa niya? Katulad no'ng nakita ko kaninang umaga? Well, of course she knows, it's expected that she should... He cheated on me with her.

Kanina confident pa ako ipahiya si Pearce sa harap ng fiancee niya pero I can't even do that now, magpaparinig ako na may kachuk-chakan si Pearce sa office niya kanina? Kahit na Hannah herself knows na babaero talaga 'yang fiancee niya noon pa.

Dapat pala talaga umuwi nalang ako. 

Ayun kumain nalang ako, nilabas ko ata lahat ng sama ng loob ko sa mga pagkain.

"Hinay-hinay lang Kirsten, gutom na gutom ba? hahaha"

"Oh tubig muna, baka mabilaukan ka."

"Galit ka ba sa pagkain? hahaha"

Reaksyon sa akin ng mga kasamahan ko nang mapansin ako. Awkward nalang akong natawa, tahimik lang naman akong kumakain, ba't nasa sa akin na ang atensyon?

"Babae ka, magpunas ka nga ng bibig.", abot sa akin  ng tissue.

"Ang cute mo talaga Kirsten hahaha."

"Akala ko ba diet ka?"

Itigil niyo pag pansin sa akin, nananahimik ako dito.

"It seems that Miss Priestley is really famous with her co-workers, huh?", biglang sabat ni Pearce.

Pwede 'wag kang sumabat? Hindi ka kasali sa usapan! Sa lahat ng tao dito, boses mo lang at ni Hannah ayokong marinig balakubak ka!

"Opo, Sir Arthur. Sikat talaga si Kirsten kahit sa ibang departments, masipag, mabait tapos maganda pa. A lot of contracts were signed all thanks to her, nagugustuhan talaga siya agad ng mga partners natin, lalo na mga clients kaya pinapahalagahan namin 'yan at ni Boss Carmel.", nakangiting sagot ng isang kasamahan ko sa trabaho kay Pearce.

Nahiya tuloy ako, ano ba! Maganda? Parang tenge 'to hahahah.

"She would've been in a higher position right now, because of her great contributions to our company but she's really humble and wants to stay to where she started.", imik no'ng isa ko pang kasamahan.

Tuwang-tuwa na sana ako nang makita ko nag-smirk si Pearce. 

Tumingin siya sa akin at sinalubong ko 'yon nang nakataas ang kilay.

"Must be the reason why you're quiet bold, Miss Priestley. Not accepting an offer for higher positions, huh? Is it really because you're humble? Not because your skills is not up to par with the position?", insulto nito sa akin ng nakangisi.

Nakita ko ang pag hila ni Hannah sa braso ni Pearce ng mahina, parang inaawat niya.

A moment of silence. Hindi inaasahan ng mga kasamahan ko na gano'n isasagot niya.

"Kidding.", singit niya pagkatapos ng halos dalawang minuto na katahimikan, ng nakangiti.

Awkward naman na tumawa sabay niya mga kasamahan ko, tinitignan ang reaksyon ko.

They can even feel the tension between be and Pearce.

I can't help but chuckle, nakakapikon ang lalaking 'to. Look how brazen he is.

"Of course, Mr. Arthur. Imagine sa'n ka pupulutin sa oras na tinanggap ko offers ng Tita mo. But, oh well, you'll get it easily than me. Kailangan ko pa kasi paghirapan while you have the connections.", nakangisi kong banat pabalik sa kanya at saka ininom ang alak na kanina ko pa hindi ginagalaw kasi hindi naman talaga ako umiinom.

Natahimik ulit ang lahat.

Ibinaba ko 'yong baso ng alak at malakas na pinilantik ang buhok ko, pero this time hindi na natamaan si Betty. Kawawa naman 'pag nagkataon hahahah.

"Kidding hahahhaha", gaya ko sa kanya ngunit may kasamang sarcastic na tawa.

Napainom siya ng alak ng wala sa orasna may matatalim na tingin sa akin.

Oh? 'Wag mo ako tignan ng ganyan, Sir! Nananahimik ako dito at tinarget mo ako. Baka akala mo ako pa rin 'yong babaeng niloko mo noon? I can stab you with my words at sayo ko 'yon natutunan.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa aking bulsa, dinedma ko nalang matatalim na tingin sa akin ni Pearce at tinignan kung sino ang tumatawag- kapatid ko.

"Kapatid mo?", bulong na tanong sa akin ni Betty nang makitang nakatingin ako sa cellphone.

"Oo, sagutin ko lang.", bulong ko rin na sagot sa kanya at saka napatayo.

Pumunta ako sa medyo malayo, sasagutin ko na sana ang tawag kaya lang missed call na siya.

I was about to call my sister nang makaramdam ako ng presensya sa likuran ko kaya napalingon ako.

"May kailangan ka?", tanong ko kay Hannah.

Bakit ako sinundan ng babaeng 'to?

Binigyan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. OO beh, confirmed, kahit anong tingin mo ay mas maganda ako.

"I'm glad that you're doing great after all these years.", imik niya.

Sinundan niya lang ba ako para sabihin 'yan?

"Bakit? Akala mo ba hanggang ngayon ay magluluksa ako?", I simpered.

Hindi na ako nagluluksa beh, galit na galit lang.

"Well, I'm just saying that I'm glad. Anyways...", nagdadalawang isip niyang panimula.

Sabi ko na nga ba, may tukoy to sa akin kaya sinundan ako.

She took something from her purse at inilahad sa akin 'yon, inabot ko and it's a business card.

"I own a fashion line, baka interesado ka.", she uttered.

Natawa ako habang tinitignan ang business card niya. Ang aga naman akong bakuran.

"No, thanks.", balik ko sa kanya ng card niya pero ayaw niya kunin.

"I am happy and contented kung saan ako nagtratrabaho ngayon, as to what purpose you're offering me a job for, wala akong pake. Stay professional, Hannah.", bitaw ko sa card niya kasi ayaw niya kunin kaya ayun, fly high butterfly.

Akmang tatalikuran ko na sana siya nang maalala na kailangan ko pa tawagan kapatid ko nang hindi pa pala tapos magsalita ang bruha.

"I'm warning you, do not touch anything that isn't yours.", may diin niyang babala.

Oh my god, ang funny talaga ng couple na 'to. Inuunahan ako.

"Are you scared? Na mangyari sa'yo ang nangyari sa akin? Anong feeling, Hannah? 'Yong tipong ikaw ang girlfriend pero any time pwede may umagaw ng pagmamay-ari mo?", nakangisi kong tanong, I am so entertained right now.

"I can pay you higher.", may nginig sa boses niyang sabi.

Aba, nerbyosa si Madame. Takot  maagawan ng ex-girlfriend na niloko nila noon. Gusto agad akong ilayo sa jowa niya.

"Hannah?"

Sabay kaming napatingin ni Hannah sa tumawag sa kanya. It's Pearce.

Awwwww ang sweet naman, pwe!

Ibinalik ni Hannah tingin niya sa akin.

"Wala kang pagsasabihan ng naging usapan natin. Think about my offer.", mahina niyang sabi, on the other hand, Pearce is walking towards us.

"Di ko na kailangang pag-isipan, 'di ko kailangan at gusto ng pera mo kasi...", hinto ko ng saglit.

"... iba ang kailangan at gusto ko.", dagdag ko nang nakatingin kay Pearce.

Kung makikita niyo lang reaksyon ni Hannah, graceful pa siya tignan kanina, hindi makabasag pinggan pero dahil sa sinabi ko ay kulang nalang sasaniban na siya.

Demonyo na nagbabalat-kayo na anghel.

"What's happening here?", chismis agad ni Pearce nang makalapit siya.

Tignan mo naman si Hannah Santita, mukhang mabait na ulit.

Girl, mas iinisin pa kita. Akala mo hindi ko alam? Ikaw nag uutos dati sa mga bumu-bully sa akin?

Lumapit ako sa kanilang dalawa ni Pearce kaya ang lola niyong may sungay na tinatago ay napahawak agad sa barso ni Pearce, bakod yarn?

In a very sensual way, I placed my hand in one of Pearce's shoulders, 'yon pa lang ginawa ko ah? Tapos 'yong ugat sa noo ni Hannah, puputok na hahahah.

"Nagkakamustahan lang.", sagot ko sa tanong ni Pearce kanina, nagtataka siyang nakatingin sa akin.

Bumitaw ako sa balikat ni Pearce na may kasamang hagod.

"Ciao.", pamamaalam ko na may kasamang kindat sa kanilang dalawa.

Oo, para sa inyong dalawa kasi bagay kayo, mga higad!

Pagbalik ko sa private room namin ay kinuha ko agad ang bag ko at nagpaalam sa mga kasamahan ko. Nang balikan ko kasi ng tawag ang kapatid ko ay hindi na sumasagot, nag-alala naman ako.

Nadaanan ko si Pearce at Hannah na parang nagtatalo kung kaya't napangisi ako sa tuwa.

Nagsisimula pa lang ako, hindi niyo na kinakaya?

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na sana hindi si Hannah ang naging Fiancee niya. Pak one, Pak all. Doble ang saya.

Tignan ko lang kung matuloy pa kasal niyo. Demonyo na kung demonyo, sinira noiyo ako noo, sisirain ko rin kayo ngayon.

Well, I have better plans for tomorrow, the next day and the next day. Naiisip ko pa lang ay nae-excite na ako.

I can't wait to see your reaction, Pearce.

----------------------------------















Continue Reading

You'll Also Like

Gapang By vhfc_13

Short Story

13.4K 35 23
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)
441K 16.4K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
167K 9.5K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
523K 19.1K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"