The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Forty-Nine

186K 4.7K 903
By FGirlWriter

CHAPTER FORTY-NINE

"MOMMY, can you tell me how you and my real father got involved with each other?" tanong ni Sapphire sa ina habang kasama niya ito sa isang pamosong coffee shop na malapit lang sa bookstore niya.

Sumimsim muna ito ng frappe nito bago sumagot. "Well...I was August's student. Second year college ako. I'm eighteen, he's twenty-three. Instructor pa lang siya noon sa isa kong minor subject which is Math. He's really charming and humurous. He's a cool teacher." Napabuntong-hininga ito. "That time, may problem sa family. Naging busy sila Mama sa mga bagay that they forgot about me. Bunso kasi ako. Ako na lang ang nag-aaral noon. Iyong mga mommy naman nila Lavender, nakabukod na dahil may sari-sarili nang trabaho. Ako na lang talaga ang nasa bahay at kung kailan ako tumanda at saka ako nagrebelde because I'm just feeling neglected. Nadadala ko sa school ang problema ko sa bahay, and you know, August is a kind of teacher na maalalahanin. Napapansin niya kapag may problema ang isang estudyante niya. He tried to comfort me. Nagiging madalas iyon hanggang sa...we fell in love with each other." Pagkuwa'y nagkibit-balikat ito.

"Pero bawal ang relationship niyo... You're his student," nasabi niya habang inaayos ang kumot ni Isaiah na nasa stroller sa tabi ng upuan niya.

"Yeah, that... We kept it a secret. Kaso nabuko kami ni Darwin. That time, Darwin is a professor at naging prof ko naman siya sa isang major Math subject. I noticed that, well, he's also attracted to me. Pero mas istrikto siya at ayaw niyang masira ang titulo niya. He fought his attraction. Kahit gusto niya kaming paghiwalayin ni August, tumahimik lang siya. Pero alam kong nag-aalala talaga siya sa kapatid niya dahil alam niyang posibleng masibak sa trabaho si August kapag nalaman ng buong campus ang totoo. Mawawalan pa si August ng lisensya. Puwede rin akong ma-expelled."

"Pero tinuloy niyo pa rin?"

"Because I found out I was pregnant. Then, you know what happened after that."

Tumangu-tango siya at saka kinain ang cheesecake na in-order niya.

"Bakit mo pala natanong iyon, hija?"

She shrugged. "Just curious. We never really talked about it. Kaya natanong ko lang." Naisip niya, talagang magkaparehong-magkapareho pala ang personalidad ng totoong tatay niya at ni Johann pero mas maganda di hamak ang attitude ng asawa niya.

"Saphi, baby, did you have a chance to talk with August?" her mother softly asked.

Lihim na nilukot niya ang ilong at saka umiling. "Nah. How can we talk if no one knows where he is? Kahit si Daddy Darwin, hindi alam kung saan sumuot ang kapatid niya," walang emosyong sabi niya at saka sumubo ulit ng cheesecake. Panaka-nakang sinusulyapan niya ang anak sa stroller. "Dati, interesado pa 'kong makipag-usap. Now? Nawalan na 'ko ng gana. Kung nasaan man siya, doon na lang siya."

Hindi na nagkomento ang Mommy niya, which is good. Ayaw na rin niya pag-usapan. Everything is peaceful now, anyway. Siguro, okay nang ganoon na lang.

"Mom, since naghiwalay kayo ng ex-boyfriend mo bago ko pa ipanganganak si Isaiah, have you considered going out with Daddy Darwin?" pasimpleng tanong niya sa ina.

"Sapphire!" saway nito sa kanya at pinanlakihan pa siya ng mga mata.

She chuckled. "What? I'm just asking. Parehas naman kayong single ni Daddy. Kayo na lang."

Umiling lang ang ina habang bahagyang natatawa. Niliko nito ang usapan ngunit halata ang pamumula nito. Gusto mapaismid ni Sapphire, uso pa rin pala pakipot sa mga matatanda? Well, her mom is not exactly old dahil wala pa ito sa fifties. Pa-cute lang siguro. Nang binalik niya ang usapan tungkol sa tatay-tatayan niya ay parang pigil ang magagandang ngiti ng Mommy niya.

Ah, may chance.

Pero di na lang siya kumibo. Pagkatapos nilang kumain ng ina ay nagpaalam na rin ito dahil makikipagkita daw sa mga amiga.

"Always take care, alright?" bilin nito sa kanya at saka siya hinalikan sa ulo. Sumunod ay maingat nitong hinalikan sa bumbunan si Isaiah na mahimbing pa rin ang pagtulog.

Pagkaalis ng Mommy niya ay bumalik siya sa bookstore niya na hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung anong magandang ipangalan at nang makakakuha na sila ng lisensiya sa BIR.

Nagbibilin na siya sa sekretarya niya ng mga kailangan pang gawin bago sila umuwi ng anak niya ng bahay. Maghahanda pa siya ng meryenda dahil malapit nang umuwi si Johann mula sa trabaho.

Ngunit lumagpas na ang alas-kuwatro ay wala pa rin ang asawa. Tatawagan niya sana ito ngunit nagising si Isaiah at kailangan niyang patahanin. Kalong na niya ang anak nang makarinig siya nang ugong ng sasakyan sa labas. Akala niya ay ang asawa niya na ngunit si Daddy Darwin lang pala.

"Hi, Dad!" bati niya rito nang buksan niya ang pinto habang buhat si Isaiah na tumigil na sa pag-iyak at gising na gising na.

"Kumusta, anak?" anito at saka naghubad ng sapatos bago pumasok ng bahay. Hinalikan nito sa bumbunan si Isaiah at bumeso naman siya sa pisngi nito.

"Okay naman, Daddy." Tumingin siya sa labas ng pinto. "Uwian na po ba? Bakit wala pa po si Johann?"

"Ah, may ginagawa pa ang asawa mo kanina kaya siguro mahuhuli ng dating. Pero pauwi na rin iyon siguro."

Tumango lang siya. Ah, kaya naman pala. Pero bakit hindi man lang siya tinawagan o pinadalhan ng text ng asawa?

Busy kasi masyado kaya siguro nakalimutan.

Sa malamang nga. Napabuga na lang siya ng hangin. "Daddy, gusto mong mag-merienda? May hinanda ako." Ibinigay niya muna rito si Isaiah at saka niya nilabas ang hinandang buko pandan.

Dalawang oras din mahigit nanatili doon ang tatay-tatayan niya at hindi pa rin dumadating si Johann. Hanggang sa umalis na si Daddy Darwin ay wala siyang natanggap ni-isang reply o tawag mula sa asawa.

Sumapit ang gabi at sinimulan nang kabahan si Sapphire. Ganoon ba ka-busy ang asawa na aabutin na ito ng gabi sa campus? Well, inaabot nga ito ng gabi roon ngunit lagi itong tatawag sa kanya para magpaalam.

Imposible namang walang pantawag sa kanya ang asawa dahil two months ago ay napilit niya itong magpa-line ng telepono para hindi na ito laging nagpapa-load sa tindahan at mag-register pa sa kung anong unlicall or what promo ng network nito.

"Nasaan na kaya ang tatay mo?" pagkausap niya kay Isaiah na nakahiga sa sofa at nakatingin sa nakabukas na TV na akala mo'y naiintindihan nito ang palabas. "Hindi naman siguro nambabae iyon?"

Tumingin sa kanya ang anak at mabilis siyang napangiti. "Siyempre, hindi ko naman pinaghihinalaan si tatay mo. Kaso, bakit hindi man lang siya mag-leave ng text message, hindi ba? Maiintindihan ko naman kung kasama niya mga pinsan niya para daw makapag-asawa na ang Ninong Charlie mo, pero bakit hindi pa rin siya nagte-text?"

Humikab na si Isaiah at nagbabadyang umiyak. Nagugutom na siguro. Binuhat niya ito at saka nag-breastfeed siya. Mabuting makatulog muna ang anak bago siya magluto ng hapunan.

Nakatulog na si Isaiah. Nakapagluto na siya ng hapunan. Nagising na ulit si Isaiah dahil napuno ang diaper nito. Napatulog niya na ito ulit. Ngunit, wala! Wala pa ring dumadating na Johann at mag-a-alas onse na ng gabi!

Nagsimula na siyang magalit, mag-alala, at mag-panic. Sapphire started to call her husband's cousins but her phone rang first.

Si Johann na ang tumatawag!

"Hello, Mister? Ano na? Ano nang nangyari sa'yo? Papatayin mo ba 'ko sa pag-aalala? May plano ka pa bang umuwi? Why, you didn't even bother to call me for the last few hours! Buti naisipan mo ngayon? At nasaan kang lupalop, ha?!" sunud-sunod agad na birada niya sa telepono pagkasagot niya.

"Misis..." ungol nito sa kabilang linya na parang may dinadaing.

Napatuwid siya ng tayo at nalusaw ang galit. "W-What happened to y-you?" alalang tanong niya.

"Ano...huwag kang magpa-panic, ha?"

"W-Why? Anong nangyari sa'yo? Nasaan ka?" aligagang tanong niya. Palakad-lakad na siya sa sala ng bahay.

"Mangako kang hindi ka magagalit."

"Nasaan ka sabi?!" sigaw niya na.

"Na-kidnap ako."

"What?!"

Mahinang natawa ito. "De joke lang," kabig nito. "Nasa ospital ako. Sa Veterans. Emergency room."

Tumahip ng mabilis ang puso ni Sapphire sa kaba at napatigil siya sa paglalakad. "What the hell are you doing there?!" pasigaw na tanong pa rin niya. Wala na siyang pakialam kung magising ang mga kapitbahay nila sa lakas ng boses niya.

"Kalma lang, Misis. Ano...punta ka dito? Sunduin mo 'ko...Nasa campus pa kasi iyong kotse. Sinugod lang ako rito ng mga guard ng campus kanina."

"Shit! Shit! Shit! What happened to you ba kasi? Nasagasaan ka ba? Nag-collapse na naman dahil overfatigue?" Nagmamadali siyang pumasok sa kuwarto upang makapagpalit ng damit.

"Mahabang kuwento, eh. Katangahan ko kasi. Punta ka dito, ah? Dalhan mo 'ko ng damit. At saka papunta na diyan sina Agatha para maihatid ka rito. Pinakiusapan ko rin muna sila na kung puwede kunin muna si Isaiah. Bawal kasi bata dito sa ospital," malumanay na sabi nito habang siya ay mabilis ang pagkilos habang hinahablot ang duffel bag at kung anu-anong damit na lang nito ang nahila niya mula sa cabinet at sinuksok sa bag.

"Ano ba kasing nangyari sa'yo?" pigil na pigil ni Sapphire ang mapasigaw dahil nasa loob siya ng kuwarto at mahimbing ang tulog ng anak sa crib.

"Mamaya ko na nga ikukuwento. Kulit mo."

"Bakit ngayon ka lang tumawag?"

Napabuntong-hininga ito. "Sorry na po. Sige na. Hintayin kita, Misis, ah?" malambing na sabi nito. "Kailangang-kailangan ko ng yakap mo ngayon."

Nakagat niya ang ibabang labi at saka binaba na lang bigla ang call. Naiiyak na siya sa pag-aalala at nalaman niya pang nasa emergency room ito ng ospital. Napasinghot siya at pinigilan ang luha habang inaayos ang gamit na dadalhin at ang gamit ni Isaiah. Tumawag ulit si Johann ngunit hindi niya na sinagot. Ah, maghintay ito doon!

Dumating sina Agatha at Reeve maya-maya.

"Kami na munang bahala kay Isaiah. Napaliwanag na sa'kin ni Kuya Johann ang nangyari. Hinihintay ka na niya sa hospital," ani Agatha.

"Hmp. Buti pa sa'yo napaliwanag na kung anong nangyari," sabi lang niya at sumakay sa kotse ng mga ito habang kalong si Isaiah.

Nasa backseat siya at katabi ang one-year old na si Rainiel na nakasakay sa car-seat para sa bata. Tulog ang bata at nakapajamas. Halatang isinama lang dahil wala ring mapag-iiwanan rito. Wala rin kasing yaya sina Agatha katulad nila.

"Don't be hard on him pagkarating mo doon," sabi naman ni Reeve habang nagda-drive. Mukhang may alam na talaga sa nangyari.

"I'll try."

Tinignan pa siya ng pinsan sa rearview mirror. Umirap lang siya.

Pagkarating nila sa ospital ay siya na lang ang bumaba at kalong na ni Agatha si Isaiah. Pagkaalis ng mga ito ay agad siyang dumiretso sa emergency room dala ang bag na may damit ng asawa.

Nakita niya si Johann na nakaupo sa isang kama roon at may kausap itong matandang doktor at isang nurse. Napansin niya rin agad ang benda sa batok at likod ng ulo nito...and was it blood on his uniform?!

"Let's wait for the result of the CT scan, Mr. Anderson, para malaman natin if may nangyari ring internal bleeding. Hindi biro ang tinamo niyo. It's a miracle now na nagising ka, nakakaupo, at nagagawa pang makipag-usap. May ibang pasyente kaming nahataw rin ng malakas sa ulo o hindi inaasahang nabagok. At hindi na nagising pa ang iba."

Napangiwi si Johann. "Nakakatakot naman iyong ganoon, Doc. Buti, may awa sa'kin si Lord."

"Excuse me," singit niya na sa mga ito.

"Misis!" Ang ngiti ni Johann ay umabot yata hanggang tainga at pati ang mga mata nito ay tila nakangiti rin nang makita siya.

Binati siya ng doktor bago nagpaalam muna na aalis at babalikan na lang daw sila pagkatapos ang result ng CT Scan.

Hinarap niya si Johann at hindi niya maalis ang tingin sa nakabendang batok at likod ng ulo nito. "Anong gulo ang pinasok mo, ha?!" mahinang anas niya rito habang nanlalaki ang mga mata. "Anong nangyari diyan sa ulo mo? Why do you have blood on your clothes? Nagkaroon ba ng fraternity fight sa campus? Nagpakabayani ka ba at tumulong kaya ka nadamay, ha?!" sabay hampas niya ng malakas sa braso nito.

Ngumisi lang ito. "Kumusta na 'ko? Okay naman, Misis. I love you, too."

Hinampas niya ulit ito sa braso. "And you have the decency to joke around, huh?!" Hindi siya sumisigaw at pabulong lang ang bawat pagsinghal rito ngunit sa tingin niya ay umuusok na ang tainga niya sa sobrang gigil. "You crazy fool! Pinag-alala mo 'ko! Pag-uwi natin ng bahay. Hinding-hindi kita palalapitin kay Isaiah!"

Napangiwi ito at nagyuko ng ulo. "I'm really sorry, Misis..."

Napabuga siya ng hangin at mabilis na kinalas ang butones ng uniform nito.

Gulat na napaangat ito ng tingin at pinigilan ang kamay niya. "Misis, aggressive? Huwag dito. Walang kumot, hihi. Huwag po-"

"Idiot! Change your clothes! Ayokong nakikita ang dugo diyan sa likod ng damit mo." Binawi niya ang kamay rito at saka siya naghanap ng damit sa loob ng bag na puwede nitong ipamalit.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Ganito kasi ang nangyari..." Nag-umpisa itong magkuwento mula nang bigyan ito ni Cindy ng box of cookies para magpasalamat sa tulong nito sa bata hanggang sa nakausap nito ang nobyo ni Cindy na si Neil para bigyan ito ng babala. "Ayun, gusto kong marinig ang sasabihin niya. Pero naguguluhan ako masyado. Ayokong husgahan si Cindy dahil mabait nga iyon. Pero para kasing totoo ang mga sinasabi ni Neil. Uuwi na sana ako nang...maramdaman ko na lang na may humataw sa batok at ulo ko."

Kumuyom ang mga kamay niya. "That hustler bitch! Si Cindy! Iyong batang iyon ang siguradong humampas sa'yo! Sabi mo may dala siyang baseball bat? So, she's the freaking freak! The eff!"

"Shh! Huwag kang ganyan. Iyong naramdaman kong paghampas, hindi pambihirang lakas. Alam kong hindi babae ang may gawa," siguradong sabi nito.

"So, sino? Si Neil?" sakastikong sabi niya. "Eh, ano naman mapapala niya kung hampasin ka niya?"

"Eh ano rin bang mapapala ni Cindy kung siya nga ang humampas?" anito na parang pinagtatanggol pa ang malanding estudyante nito. Napakunot-noo nito. "At bakit pa 'ko kailangang hampasin kung iiwan rin pala ako doon? Buti na lang nag-iikot ang guards bago mag-lock ng mga room, nang nakita nila akong walang malay at dumudugo ang ulo, sinugod agad ako rito. Hindi ganoon karami ang nawalang dugo. Unconcious ako for six hours. Buti...buti nagising pa 'ko. Akala ko, katapusan ko na..." pahina nang pahina ang boses ni Johann habang nakayuko.

Pagkatapos ay nag-angat ito ng tingin at nakita niya ang paglamlam ng mga mata nito at ang naghalo-halong emosyon doon. "Akala ko, h-hindi na kita makikita...kayo ni Isaiah."

She bit her lower lip and turned her back. Kunwari ay inaayos niya ang mga gamit sa loob ng bag na nakapatong sa isang stool chair, ngunit sa totoo lang ay sumasakit ang puso niya dahil naiisip niya ang posibleng helpless nitong itsura kanina. She held back her tears. Sinong walang puso ang gagawa niyon sa asawa niya? Of all people, kay Johann pa?

"Kapag nakita mo iyang Cindy o Neil na iyan, huwag na huwag ka nang lalapit sa kanila. I swear they're going to jail!" gigil na wika niya sabay harap rito. Nakapagpalit na ito ng shirt at tinutupi nito ang uniform.

"Mga bata lang iyon. Huwag na nating patulan. Siguro mas magandang i-report ko na lang agad 'to sa guidance kung sakali ngang isa sa kanila ang may kagagawan," mahinahong wika nito.

"Huwag ka nang lalapit sa mga iyon! Lalo na iyang Cindy na iyan! I knew she was trouble from the first time I saw her. At ikaw...ikaw!" Dinuro niya pa ito. "Kita mo nang resulta nang masyado mong pa-superman? Pabida ka, eh! Ayan ang napala mo!"

Kung hindi ito nagmagandang-loob na i-comfort si Cindy o magbigay ng payo para sa papansing dalaga na iyon, eh di sana ay hindi masasaktan si Johann?

Sasagot sana si Johann ngunit naisip nitong itikom na lang ang bibig. Inabot nito ang kamay niya at saka siya marahang hinila. Pagkuwa'y hinapit siya nito sa baywang, pinalibot ang mga braso roon, at isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib.

"Sorry, Misis, pinag-alala kita. Pasensya na talaga." Mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Huwag ka nang magalit, pakiusap? Pasensya na kung maawain masyado ang mister mo. Pasensya na kung mabilis akong nauuto dahil mabilis akong magtiwala...pasensya na talaga, Misis..." mapagkumbabang sabi nito.

Sapphire's heart melted by his meekness. She knew, Johann does not need a nagging wife for now. He needs a bestfriend to lean on and a partner to hold on to.

Niyakap niya rin ito at marahang hinagod ang mga nakabendang parte sa ulo at batok nito. Kumislot ito na parang nasaktan pero hindi nagsalita.

Sa may bandang balikat niya na lang ito niyakap at saka hinalikan ang tuktok ng ulo nito. "I'm sorry, Mister...Sobrang nag-aalala lang talaga ako. H-Hindi ako galit..."

Huminga ito ng malalim at mas pinag-igihan pa ang pagyakap sa kanya na para bang takot na takot ito na makawala siya.

They hugged each other in silence and they both understand that it's the best way to do now. They don't have to talk about who hurt him or why would someone harm Johann. Ang kailangan nila ngayon ay ang isa't isa.

After a while, dumating na ang result ng CT scan at wala namang pangit sa naging outcome. No internal bleeding or any internal damage sa ulo nito. His skull is flawless at mas matigas pa kaysa sa bato. Binigyan sila ng reseta ng mga gamot na puwedeng inumin ni Johann upang gumaling agad ang tinamong pinsala sa batok at ulo.

She paid the bill and they decided to go home. Alas tres na rin ng madaling araw at parehas silang walang kotse.

"Are we gonna ride a cab at this hour?" tanong niya sa asawa habang nasa labas na sila ng main-entrance ng ospital.

"May susundo sa'tin," nakangiting sabi ni Johann. "Tinawagan ko ang isa sa mga super friends ko. Tentenenen!"

At saktong may pumaradang Audi sa harap nila. Nagbaba ng bintana ang driver.

"Hello! Good morning!" masiglang bati nito sa kanila.

Napataas siya ng kilay at napahalukipkip. "Prince."

The brown-eyed mestizo smiled at her. "Hanggang ngayon pikon ka pa rin sa'kin, Sapphire?" Nag-puppy eyes ito. "Sorry na po sa pagnanakaw sa'yo ng halik nang six years old ka pa lang. Cute mo kasi noon, eh. Mukhang siopao."

Hindi naman na siya galit dahil doon. Wala lang. Asar lang talaga siya kay Prince mula pagkabata. Inirapan niya ito at saka siya napilitang sumakay sa backseat dahil binuksan ni Johann ang pinto para sa kanya. Ang asawa niya ay sa harap umupo katabi ni Prince.

"Uy, salamat, pare, ah? Pumayag ka magpa-istorbo," sabi ni Johann rito.

"That's what friends are for! Ikaw pa ba? Lakas mo sa'kin, eh. Mahal kita, brod!" nakangising biro ni Prince.

Ngumuso si Johann. "Pa-kiss nga!"

"Later. Nagda-drive pa 'ko."

Nagtawanan ang mga ito at saka nag-high five.

"Gays," bulong niya. Napailing-iling na lang si Sapphire sa likod. Kaya siguro magkasundo na magkasundo ang mga ito kahit two years ago lang nagkakilala. Parehong maloko at hindi takot magbakla-baklaan.

"Kumusta ka naman pala? Mukhang malaki ang galit sa'yo nang nanghampas, ah!"

"Buti kamo sa likod ako hinataw. Ayos na rin iyon. Pogi pa rin naman ako."

Prince laughed. "Kabuhayan natin iyan. Huwag mong ipapakialam ang mukha mo, pare. Mag-o-audition pa tayo sa PBB."

Nagtawanan na naman ang mga ito. Tinignan ni Sapphire si Johann na buong ligaya ang pagtawa na para bang walang iniinda.

"Kumusta na pala si Trisha?"

"Next year na uuwi," sabik na imporma ni Prince. "Next year na magtatapos ang kontrata niya sa Fresh Music. May Fairytale Wedding rin kami, June next year. Punta kayo. Pang-fairytale ang attire."

"Puwede ako mag-Superman?"

"Ayos iyan! Sure!"

Lumingon sa kanya si Johann. "Tapos ikaw, Misis, si Wonderwoman!"

"Oh, please," nagigimbal na sambit niya. Ngumiwi siya at umiling-iling.

"Sige na! Tapos si Isaiah si Robin. Iyong baby girl natin si Star Fire."

"May baby girl na ba kayo? Kapapanganak lang ni Sapphire nung isang buwan, ah?" ani Prince.

"Wala pa. In the making pa lang," nakangising sabi ni Johann. "Next year pa naman ang grand wedding niyo di'ba? May time pa 'ko."

"Hanep! Idol!"

Naikot na lang ni Sapphire ang mga mata at nanatiling tahimik dahil puro kalokohan lang naman ang topic ng dalawa sa harap. Sinandal niya ang ulo at pumikit. Iidlip muna siya dahil kahit madaling araw pala ay may kaunting traffic pa rin.

Maya-maya ay napansin niyang natahimik ang dalawa. Iyon pala pabulong nang nag-uusap.

Hindi siya dumilat at mas nagkunwaring tulog habang pinag-igi niya ang pakikinig.

"Huwag ka pakampante. Hindi puwedeng hinampas ka lang at bastang iiwan doon nang ganoon lang," narinig niyang bulong ni Prince kay Johann.

"Iyon din iniisip ko. O baka akala nang nanghampas sa'kin, napatay niya 'ko kaya ako iniwan lang basta doon? Pero wala naman akong kaaway. At napakaimposible na gusto akong ipahamak ni Cindy o ni Neil dahil wala naman akong ginagawa sa kanila."

"Dobleng ingat lang, pare. Mag-imbestiga ka. Kung trip lang iyan nang mga frat sa campus, maso-solusyonan iyan. Pero kung psycho ang isa sa nabanggit mong estudyante, maghanda ka. Mamaya, hindi lang ikaw ang professor na mapahamak."

Iyon din ang kanina pa naiisip ni Sapphire na hindi niya lang masabi sa asawa. She can smell danger.

"Sige. Ako nang bahala. Nga pala iyong ano, naano na?"

"Yup!"

"Good, good."

Huh? Ano daw?

Pero wala na siyang narinig ulit na tungkol doon dahil nagsimula na namang magbiruan ang dalawa.

"Prince, bukas hindi ako papasok, puwede bang ikaw na lang kumuha ng Mercedes ko sa campus?"

"Wow! Abuso ka yata?"

"Tumulong ka na, eh! Lubus-lubusin mo na. Takas ka lang sandali sa opisina mo. Sige na, dodoblehin ko iyong kiss ko sa'yo," tumatawang wika ni Johann.

Tawa nang tawa si Prince. "Baka pagalitan ako ni Trisha."

"Sa kiss ko?"

"Ogag. Sa pagtakas sa opisina."

"So, hindi niya tayo pagagalitan kapag hinalikan kita?"

"Vi-video-han niya pa tayo."

"Cool! Kunin mo kotse ko bukas, ah? Hatid mo sa bahay."

"All right. Fine!"

"Labyu, fafa Prince!"

"Labyu, too."

Sinipa ni Sapphire ang likod ng upuan nina Prince at Johann. Natawa lang ang mga ito at saka nag-fist bump.

***

TANGHALI na nagising si Sapphire kinabukasan dahil halos alas-singko na rin sila nakauwi ni Johann at nakatulog agad silang dalawa.

Pagbangon niya ay wala na si Johann sa tabi niya. Baka nasa kusina ito dahil sa naririnig niyang pagkalansing.

Pagtingin niya sa crib ay wala pa si Isaiah. Baka hindi pa naihahatid nila Agatha. Na-miss na niya agad ang anak.

Bumangon siya, nag-inat-inat, tumungo sa banyo at saka naghilamos at nagsepilyo. Pagkalabas niya ng banyo ay nakita niyang nagsasaing pala ang asawa niya. Sa kalan ito nagsaing dahil nasira kahapon ang rice cooker nila at hindi pa siya nakakabili ng bago.

"Good...afternoon..." bati niya sa asawa habang napapahikab pa.

Nilingon siya nito at nginitian. "Magandang tanghali rin. Misis! Tinimplahan kita ng gatas. Nandoon sa lamesa."

"Thanks." Tumungo siya sa lamesa at nakita nga ang isang mug ng mainit na gatas roon. "Wala pa si Isaiah?"

"Mamayang hapon na lang daw ihahatid nina Agatha. Nalilibang daw masyado si Rainiel na laruin si Isaiah, eh. Cousin bonding lang daw muna."

Tumangu-tango siya at saka sumimsim ng gatas. "Kumusta na iyang mga sugat mo?"

"Papalitan ko na ng bandage mamaya. Tulungan mo 'ko?"

She nodded. "Sure."

Namagitan ang katahamikan sa kanila. She quietly finished her milk while Johann's guarding the rice. Hindi ito pumasok dahil pinayuhan ng doktor na magpahinga muna.

Tumikhim si Johann. Mukhang may gustong sabihin. Kaya naman tumingin siya rito. Nakaupo siya sa lamesa habang ito ay nakatayo malapit sa kalan.

"Misis, hanggang ngayon iniisip mo pa rin siguro na kaya ako napahamak dahil nga tinulungan ko si Cindy. Alam kong sa mga kuwento nang nagyari sa'kin, sa kanya nakaturo ang sisi. Pero kasi, kutob ko talaga ay hindi siya ang may gawa nito," he said with confidence while looking at the stove.

Hindi siya umimik at hinayaan lang ito.

"Pero kung siya nga ang may kagagawan nito o hindi, hindi ko naman pagsisihan na binigyan ko siya ng payo at binahagi sa kanya ang natutunan ko sa buhay. Ang intensyon ko ay tumulong sa kapwa-kahit sino pa ang nandoon sa kalagayan niya nang araw na iyon na nakita ko siyang mag-isang umiiyak, kahit papaano tutulungan ko pa rin. Hindi ko kasi kayang pigilan... Kung puwede naman akong tumulong bakit hindi ko gawin? Kung may magagawa naman ako para mapagaan ang loob ng isang tao, bakit ko papalagpasin?

"I'm not after me playing the hero. Hindi ko gustong magpabida sa laging pagtulong. Ang gusto ko lang... kahit papaano, maibahagi ko ang kayang gawin ng Diyos para sa mga pinanghihinaan ng loob. Si Lord ang binibida ko at hindi ang sarili ko. Kung ang intensyon ng isang tao ay ang purong pagtulong at pakikipagkapwa, walang masama doon. Ang problema lang ay sa taong inalayan mo ng tulong-kung magpapasalamat ba siya o tatraydurin ka pa niya."

"Dahil diyan sa paniniwala mong iyan, mas mapapahamak ka. You're too trusting. Sa mundong ito, iisipin mo rin ang kaligtasan mo, Johann. You can be helpful, yes. Pero mamili ka lang ng tutulungan," matigas na sabi niya.

"Bakit si Jesus ba, namili ng tutulungan nung panahon niya?"

"Hindi ka si Jesus."

Nilingon siya nito. "Hindi nga. Pero, Kristiyano tayo, Sapphire. Yes, we're still imperfect. We still sin. Pero sa puso natin, nandoon ang Diyos. At paano mo maipapakita na nagwo-work si Lord sa puso mo? How can someone witness the glory of God in your life? Kapag totoo ang paniniwala mo, nagiging Christ-like tayo. Sa pananalita, sa pagkilos, sa pagdedesisyon. Automatic iyon. Kapag nakikita ng tao sa'yo iyon, mas maniniwala sila na totoo ang Diyos. Na totoo ang pag-asa, ang pag-ibig, at ang forever."

Napakurap siya at hindi makapagsalita. She was astounded by what Johann defiantly stood for. Sa paglipas ng maraming buwan at sa pag-iisang taon nila nang pagsasama ay parang pa-level up nang pa-level up ang pakikipag-"talk holy" sa kanya ng mister.

Lumapit sa kanya ang asawa at umupo sa tabi niya. He looked at her intently and squeezed her hand. "Doon tayo lagi sa God side, Misis. Ikapahamak man natin, we must still stand in our faith. Pero, hinding-hindi tayo pababayaan ni Lord. Kaya sana kapag dumating iyong panahon na kailangan mong tumulong, tumulong ka lang. Mahirap mag-trust sa panahon ngayon, but you don't trust people. You trust God. You must believe that whoever calls for your help, God gave that responsibility to you for a reason."

Napalunok siya. "Johann..."

Dinampian siya nito munting halik sa mga labi.

Kinutuban siya bigla. May ibig itong ipahiwatig. Nararamdaman niya. He's not just talking holy. He wants to say something.

Seryoso na ang buong mukha nito at walang hint ng playful side nito.

May narinig nila sa labas na sirena ng mga pulis. Sunod ay ang sunud-sunod na pagkatok sa gate nila.

Natagpuan na lang ni Sapphire ang sarili na nakaharap na sa mga pulis habang hawak ni Johann nang mahigpit ang kamay niya.

"Mr. Johann Anderson?" ani ng isang pulis. "Puwede po ba kayong maanyayahan sa presinto? Puwede po kayong tumawag ng abogado kung gusto niyo. Sumama lang po kayo sa'min ng maayos."

May isang pulis ang lumapit sa kanila na may hawak na posas. Nagsimulang maglabasan ang mga kapitbahay nila at nakiusyoso sa mga nangyayari.

"Wait, wait...what's happening?!" naguguluhang wika niya.

"Mrs. Anderson, kailangan lang po naming isama si Sir sa presinto upang tanungin ng ilang mga bagay."

"Are you arresting my husband?! Anong kasalan niya? No! Huwag mo siyang kakabitan ng posas!" malakas na tinulak niya ang isang pulis.

"Misis, sandali." Pinigilan siya ni Johann sa baywang at niyakap siya nang mahigpit. "Tawagan mo si Ramses, ah? Sabihin mo sumunod siya sa presinto."

Tinulak niya rin ito. Naiinis siya dahil wala siyang maintindihan sa mga nangyayari.

"W-What's happening?" diretsang-tanong niya.

Lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. "Tumawag si Prince kaninang umaga dahil pumunta siya ng campus para kunin ang kotse natin. Nagkakagulo daw doon. Nakibalita siya. Cindy was almost dead nang makita sa isang bodega malapit sa faculty room namin," bulong nito.

Nanayo ang balahibo sa batok ni Sapphire at nanlaki ang mga mata. Malakas siyang napasinghap. "W-What?! H-how..."

"Hindi ko rin alam. Pero, nasugod siya sa ospital and she's still alive. Pero unconcious pa rin. Ang sabi ng mga nag-imbestiga, she was raped."

"Oh, no...No... no..." napailing-iling siya at hinarao ito. "What does that mean?"

Napalunok ito. "Ako ang huling kasama niya na nakita ng mga estudyante."

No! This can't be good! Ayaw niya nang pakinggan ang susunod.

"Number one suspect nila ako."

"No! This can't be! Hindi ka rapist!" matatag na sabi niya.

"Siyempre, hindi. 'Tong mukha ba na 'to mangre-rape?" sabay turo sa mukha nito.

"Mr. Anderson, sumama na po kayo sa'min," malumanay na wika pa rin ng isang pulis.

"Walang kasalanan ang asawa ko!"

"Kami na po ang bahalang tumuklas niyan," sabi sa kanya ng pulis na mukhang naiinis na sa pagbubunganga niya. "Sir, tayo na po?"

Hindi umalma si Johann. Kalmadong binigay nito ang mga kamay para posasan. Nanigas na siya sa kinatatayuan at nawalan na ng sasabihin. "J-Johann..."

Nakita niya kung paanong inakay ng mga pulis ang asawa niya papunta sa kotse ng mga ito.

Nilingon siya ni Johann at nginitian. "Tandaan mo ang sinabi ko, Misis, ha?"

"I'll call Ramses. But I'll also bring the best lawyers in this country!"

Natawa ito. "Hindi iyon."

Trust God.

"Mister..." Tuluyan na siyang naluha. Pero teka, eh bakit ba siya naiiyak? Panigurado namang walang kasalanan ang asawa niya kaya hindi ito makukulong!

"Sir, pumasok na po kayo sa kotse."

"Sandali lang po. May ibibilin pa 'ko sa asawa ko," sabi ni Johann at saka ulit lumingon sa kanya.

"Misis, yung sinaing pala, ha! Paki-hinaan iyong apoy pagkatapos kumulo!" malakas na bilin nito bago pumasok ng police mobil.

Nagtawanan ang mga kapitbahay na ususero. Natawa na rin tuloy siya bago pumasok sa bahay.

Hindi niya agad tinawagan ang abogadong pinsan nito.

What she did first was kneel down in prayer.


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome 

Continue Reading

You'll Also Like

17.5K 259 10
WALANG HIHINGA! WALANG HIHINGA! Char hahaha De, para sa mga naghahanap ng story guide ni Lena. Bisita po muna kayo rito para alam ninyo kung ano ang...
642K 24.8K 29
Ang mga babaeng Salamanca ay para lamang sa mga lalaking Valleroso. Sina Arc at Lass ay ikinasal dahil sa tradisyon ng kanilang mga pamilya. Sa una p...
5.9M 111K 32
COMPLETED || General Fiction || Light Romance || Mature Cover by: xxsleep_addictxx -- WARNING! TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS ARE PRESENT IN THIS STOR...
3.1M 73.4K 21
Ang pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this t...