#KeepCalmAndLoveTROYLANCER
MAINE'S POV
I impatiently tapped my foot at the tiled floor of the grand entrance of the hotel while waiting for my husband. He should be here already. He's actually more than an hour late.
"Still nothing from him?" Neil asked in a bored tone. He's leaning at the pillar with his arms crossed at his chest. He's a little gloomy tonight.
I shook my head. I tried calling him again but he didn't take the call.
Napag-usapan na namin ni Troy na dito na lamang magkita at 'wag na niya akong sunduin sa school dahil may dinner meeting pa siya. I tried calling his secretary but she said that Troy already left the office. He didn't even require her to accompany him.
The program is already starting. I didn't bother to go in. Hindi naman ako ang kailangan doon. Date lang naman ako ng talagang invited. Neil chose to accompany me instead of socializing with their former classmates.
"I think I'll just go home." I said in an irritated voice.
I called the police to ask if there's an accident involving my husband. I know I'm being paranoid but you can't blame me on that. Nag-aalala lamang ako kay Troy.
"I'll drive you home" he volunteered.
"How about the party?" I knotted my forehead.
"I'm not in the mood. And the bastrds are not there. There's nothing for me to enjoy" he coolly said as he held my elbow and guided me towards the entrance of the hotel.
Neil dropped me in front of our doorsteps and made his way home.
Nakasimangot na umakyat na lamang ako. Naiinis pa din ako kay Troy. Kung wala si Neil, nag-mukha na akong tanga kanina kakahintay sa kanya. At mas nakakainis na hindi ko alam kung nasaang lupalop ba siya. Nag-aalala na ako pero naiinis din ako at the same time.
Iniisip ko pa kung sino ba ang dapat kong tawagan para hanapin ang asawa ko nang matigilan ako sa pag-akyat sa hagdan.
Mga ungol ba ang naririnig ko?!
Napapikit ako nang may ala-alang bumalik sa akin. The memory of my eighteenth birthday. The memory where I saw Troy fcking my sister.
Itinulak ko ang ideya palayo sa isip ko. Hindi gagawin ni Troy 'yon ngayon!
"Hmmmm..." a girl moaned.
I can't breathe properly at the way my heart erratically beats. It's hammering in my chest, like it wants to explode anytime soon.
"Ooohhh..." a voice of a man groaned.
I held my breath as I continue walking towards one of the room... the guestroom where Catherine is staying.
I can't explain the bitterness I tasted in my mouth as I slowly walked. I can feel my own body trembling. The moans and groans I heard are like acid being splashed at my whole being. I didn't like the idea forming in my mind.
I've been in this situation before. And all the painful memories of that night are coming back.
"Oh... yes, Troy"
I know that voice! That's definitely Catherine!
Hindi ko na nagawang humakbang pa lalo palapit. Kusa nang bumigay ang mga tuhod ko at napaupo na lamang ako sa sahig. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi kumawala ang tunog ng iyak ko.
Ang sakit! Ang sakit-sakit!
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong sakit. Ito na yata ang pinakamasakit sa lahat! Dati nang may babae si Troy, pero iba ngayon. Kasi ngayon, sinabi niya na mahal niya ako!
Dahil ba hindi ko maibigay ang gusto niya, sa iba niya hahanapin?!
Ganoon lang ba ang basehan ng pagmamahal niya sa akin?! Tanginang libog 'yan!
Ang sakit na nararamdaman ko ay natabunan na ng galit. Ang patuloy na mga ungol ng mga kahayupan nila ay mas nagpapatindi ng poot na nararamdaman ko.
Kinuyom ko ang mga kamao ko at pinilit ang sarili ko na bumangon. Hindi ko sila kayang komprontahin. Ayoko na ipakita pa sa kanila kung gaano ako kahina... kung gaano ako nasasaktan.
Pinilit ko na pigilan ang umiyak. Tumungo ako sa kwarto namin ni Troy at nagpalit ng mas simpleng damit. Nag-jeans at t-shirt na lamang ako. Kinuha ko din ang susi ng kotse ni Troy sa drawer niya.
Hindi ko pinansin ang kasambahay namin at tumungo na lamang sa garahe. Sumakay ako sa LaFerrari ni Troy at pinaharurot iyon palayo sa bahay.
On my current state, gusto ko na ibangga ang kotse na 'to!
Panay ang punas ko ng luha ko gamit ang likod ng palad ko. Medyo nahihilam na ako pero wala akong pakielam. Sa ginawa ni Troy, para na din akong pinatay!
Paano niya nagawa ang bagay na 'yon? Sa mismong pamamahay pa namin.
So, habang namumuti na ang mga mata ko kakahintay sa kanya, at halos kombulsyonin na ako sa pag-aalalasa kanya, ang magaling kong asawa ay nasa bahay namin at kumakangkang ng iba!
Mas tinapakan ko pa ang accelerator!
Ganoong na lamang na iyon?! Dahil ayokong magpagalaw sa kanya ay maghahanap siya ng ibang babae na willing na willing bumukaka sa kanya?!
"Hayop ka, Troy!" napahagulgol na ako.
Akala ko maayos na ang lahat. Akala ko wala na kaming magiging problema. Akala ko ay ayos na ang lahat kapag mahal na niya ako.
"Ang tanga ko. Tangina niya!" nanggigil na sabi ko. Hindi ko naisip ni sa hinagap ko na makakapagsalita ako ng ganito. Pero 'yong sakit at poot ay sobra na, parang hindi ko na kayang kimkimin.
Hindi ko maisip ang dahilan niya. Kulang pa ba ako? Halos naibigay ko na nga sa kanya ang lahat. Kaonting pahinga lang naman ang hinihingi ko.
"How dare he?" bulong ko sa kawalan.
Hindi ko ininda ang pulis na nakasunod na sa akin. Over speeding? I don't care!
Nang umilaw ang cellphone ko na nasa passenger seat ay nagbagal ako ng kaonti.
Honey calling...
Napangisi na lamang ako.
Bakit? Nakaraos na siya kaya naalala na niya ako?
Inihinto ko ang kotse sa gilid at binuksan ang bintana para ihagis ang cellphone ko sa kalsada. Nakita ko kung paano iyon nasira nang madaanan ng isang truck.
"Lisensya mo?" inis na tanong ng pulis sa akin.
Tinignan ko lamang siya. Pakiramdam ko ay pula ang lahat ng nasa paligid ko.
Bumaling muli ako sa harapan at pinaharurot na ang sasakyan. Muli ay humahabol na naman sa akin ang pulis. Asa naman siya na maabutan niya ang milyun-milyong kotse na 'to ni Troy.
Ipinarada ko ang kotse sa labas ng isang bar. Inabutan ko na lamang ang pulis ng sampung libo.
"Pasensya na po" sabi ko sa kanya at tumalikod na. Mabuti naman at nanahimik na at pinabayaan na lamang ako.
Lahat ng alam ko na hard drinks ay inorder ko. I party like there's no tomorrow. I am hoping that this will help ease the pain. Pero ni katiting, hindi naman nabawasan ang sakit. Parang nadadagdagan pa nga sa bawat pagpatak ng minuto.
"Pangit ba ako?" tanong ko sa bartender
"Hindi po ma'am" nakangiting sagot niya "Napakaganda niyo nga po"
"E bakit nambababae pa ang asawa ko?!" galit na sigaw ko sa kanya. "Ang problema kasi sa inyong mga lalaki, napaka-libog niyo! Kaya nga ang utak nilagay sa ulo at hindi sa puson ay para gamitin para mag-isip! Tama ba na kumuha ng ibang parausan kapag ayaw ng asawa?! Ha? Sumagot ka!" napahagulgol na ako.
Alam ko na may tama na ako. Hindi pa ako kumakain ng dinner tapos ay nagpapakalasing pa ako ngayon.
Pero kahit na gaano pa ako kalasing ay hindi naman mawala-wala ang sakit sa pesteng puso ko.
THIRD PERSON'S POV
Nang magsimula si Maine na ibato ang baso sa bartender at magsisigaw ng sama ng loob niya ay lumapit na ang dalawang bouncers para ilabas na siya ng bar.
"Don't touch me! Don't you know who I am? I am the wife of Troy Lancer Jerk Amante" nagwawalang sabi ni Maine.
Umirap si Maine sa kawalan nang halos patapon na itinulak siya ng mga lalaki palabas ng bar. Pasuray-suray na naglakad siya.
"Miss, okay ka lang?" tanong ng isang lalaki na lumapit sa kanya
"Get lost! I'm married to the sh!ttiest man in Earth!" bulyaw ni Maine at nagpatuloy sa paglalakad.
"Asan na 'yon?" takang tanong ni Maine at napakamot pa sa ulo nang hindi niya makita ang sasakyan sa pinag-iwanan niya kanina.
Ang kotse kasi ay basta na lamang ipinarada ni Maine at nakaharang sa daan kaya nahila ng towing service.
"Sandali nga! Ang yabang mo!" hablot ng lalaki sa braso ni Maine.
Pagharap ni Maine sa lalaki ay agad na dumapo ang palad niya sa mukha ng lalaki. "Bitiwan mo ako!" pilit na inaagaw niya ang braso niya.
Galit na tinignan siya ng lalaki. Nakainom na din ang lalaki at ang pagpapahiyang ginawa ni Maine sa kanya ay hindi niya basta mapapalampas.
"Ano ba'ng pinagmamalaki mo? Wala ka namang dede!" sigaw ng lalaki sa mukha ni Maine. Naghiyawan ang mga kabarkada ng lalaki.
Maine glared at the man. She gave him an instep then punch him hard in his face, targeting his nose. The man back out at the sudden attack.
"You, btch!" galit na sabi ng lalaki at akmang susuntukin si Maine pero inunahan itong sipain ni Maine sa crotch niya
Lahat ng galit ni Maine sa asawa ay sa lalaki niya ibinuhos. Pinag-aral siya ni Troy ng self-defense noon para sa pag-aaral niya daw sa London.
Nang makita ni Maine na lalapit ang mga kasama ng lalaki ay nagmamadaling tumalikod na siya. Nakainom siya pero hindi pa naman siya lasing na lasing. Alam niya pa din kung nasa panganib na ba siya.
Sa pagtalikod ni Maine ay bigla siyang nahagip ng isang humahagibis na sasakyan. Nasanggi lamang siya at hindi naman grabe ang pinsala niya pero napaupo pa rin siya dahil sa impact.
"Aaahh..." daing ni Maine at nasapo niya ang puson dahil sa matinding kirot.
Agad na nagsilapitan ang mga tao sa gawi niya.
"I..." hindi na natapos ni Maine ang sasabihin dahil nawalan na siya ng malay dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya.
May isang tao na nakakita ang nagmagandang loob na dalhin siya sa ospital. Agad na inasikaso si Maine sa emergency room.
Dahil walang nakitang identification sa kanya o kahit na ano na pag-aari niya ay nagpasya na hintayin na lamang siyang magising para malaman kung sino ang tatawagan. Hindi na din nahintay ng nagdala sa kanya ang paggising niya at umalis na.
MAINE'S POV
Hindi ko na alam kung ano pa ba ang uunahin ko sa dami ng masakit sa akin.
Namulatan ko ang isang puting kisame. Pilit na inaalala ko ang nangyari kagabi. Sa tingin ko kasi ay nasa ospital ako. Hindi ko na kailangan itanong pa ang famous na 'Nasaan ako?'
Pinindot ko ang intercom at hindi nagtagal ay may pumasok na nurse.
"How are you feeling?" tanong niya at agad na sinuri ang nakakabit sa akin.
"Thirsty" sagot ko sa paos na boses
Tumango siya. "And?" tanong niya pa
"My head hurts and I can't explain but I feel like there's something wrong with. Can you tell me what happened and what time is it" sagot ko at pilit na bumangon sa kama.
"You've been unconscious for ten hours. What's your name?" tanong niya
"Charmaine Amante" mapait na sagot ko. Sa pagbanggit ko ng 'Amante' ay naramdaman ko na naman ang sakit.
Binigyan niya ako ng tubig at umalis para daw tawagin ang doctor ko.
Habang wala pa sila ay pinakiramdaman ko ang katawan ko. Nararamdaman at naigagalaw ko pa naman ang mga kamay at paa ko. Nakakakita, nakakapagsalita at nakakarinig pa naman ako. Wala naman mali sa akin.
"Good morning, Mrs. Amante" pormal na bati sa akin ng doctor.
Kinunutan ko siya ng noo.
"Sa tingin ko ay mas makabubuti kung tatawagan mo ang asawa mo" sabi niya
Kakakilala lang nila sa akin pero nai-conclude na nila na may asawa na ako?
Tinignan ko ang kamay ko. Wala ang wedding ring ko dahil itinapon ko iyon sa dashboard ng kotse bago ako bumaba.
"Wala akong asawa" masungit na sabi ko.
"Oh" mukhang nabigla ang doctor sa inasal ko. Tumikhim siya. "I'm sorry, Miss Amante" may diin ang pagbanggit niya ng 'miss'
"What's wrong with me?" tanong ko. "Pwede na ba akong lumabas?"
Tumikhim muli siya. "I'm sorry, we did everything we can but..."
Inip na hinintay ko ang sasabihin niya. Bakit kailangan pang ibitin? May malubhang sakit ba ako? Mamamatay na ba ako?
"... the baby didn't make it" malungkot na sabi niya
"What?" litong tanong ko.
Ano ba'ng sinasabi niya?
"You had a miscarriage, Miss Amante. You're..."
Hindi ko na naintindi ang mga sinasabi pa niya. Kusang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang ulo ko.
Baby?
Napasapo ako sa sinapupunan ko.
"The baby is... gone?" wala sa sarili na tanong ko.
"I'm sorry" malungkot na sabi ng doctor at nagpaalam na na aalis.
Natutulalang tumingin ako sa nakapinid na pinto. Umaasam na may biglang papasok at sasabihin na nasa isang sitcom lamang ako at isang malaking prank lamang ang lahat.
Hindi ko na napigilan na mapahagulgol nang mag-sink in sa akin ang lahat.
Nawala ang baby ko na hindi ko man lamang nalaman na nasa sinapupunan ko pala.
Ano'ng klase akong ina. Ano'ng klase akong tao?
Bakit hindi ko naisip na posibleng buntis ako. Masyado akong naging masaya na nakaligtaan ko na ang mga bagay sa paligid ko.
"I'm sorry..." hingi ko ng tawad sa anghel na napabayaan ko.
Everything is gone...
Lahat na nawala. Lahat nawala dahil sa kahinaan ko.
Masakit na 'yong nagawa sa akin ni Troy. Pero mas masakit na nawala 'yong anak ko dahil sa kapabayaan ko.
Masakit na wala akong magawa kung hindi iiyak na lamang ang nawala sa akin.
"I'm sorry, baby" hagulgol ko. "I'm sorry..."
______________________________________
April 21, 2015 (Tuesday) — 23:59