Let's Race

Από hadji_light

17K 738 201

Nadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manil... Περισσότερα

Let's Race
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Acknowledgment

Chapter 12

329 18 0
Από hadji_light

Chapter 12

Morning Talk

***

Kumalembang ang isang napakalakas na ingay mula sa labas ng aming kwarto. Parang tunog iyon ng isang sirena ng pulis pero may mga kakaiba pa silang idinagdag para lang magising ang diwa naming lahat.

Papungas-pungas akong bumangon habang nakalukot ang aking mukha.

"Trainees, please prepare!" sigaw ng tao sa labas. Parang naka-megaphone pa yata ang isang 'yon. Hindi iyon boses ni Miss Idda kaya baka nagsilabasan na rin ang ilan pang mga tauhan o employees dito sa training camp.

Napaupo ako sa aking kama at inilipat ang tingin kay Selin.

Singkit pa ang aking mga mata habang tinititigan ang babaeng yamot na yamot dahil sa kaganapan. Same, girl!

"In each of your rooms, a television will appear. To find out about your interview schedule today, you must keep an eye out and look for your names. Breakfast has also been prepared. Thank you for your time, and have a nice day."

Tiningnan ko naman ang oras sa aking cellphone.

6:05 AM.

Napakaaga naman pala!

Hindi ba puwedeng alas siyete kami magising?

Hay.

Napahalukipkip na lamang ako at bumagsak ang aking pisngi. Mukha na siguro akong bulldog na bruha. Well, hindi naman madaling magulo ang aking buhok dahil tuwid ito. Pero kahit na! Gusto ko pang matulog.

Umupo na rin si Selin at nagpunas-punas ng muta. "May TV raw na lalabas?" taka niyang tanong.

Tumango ako. "Oo. 'Yon ang sabi no'ng babae."

"Ilang araw na ako rito at ngayon ko lang nalaman na may TV pala." Dama ko sa boses ni Selin ang pagkainis at pagkadismaya.

Nagulat at napatalon ang aking mga selyula nang biglang may umusok sa dingding sa tapat ng aming mga kama. Wala namang amoy ito pero tila nagiging hamog na ang aming kwarto.

"What the fuck is happening?' walang emosyong bigkas ni Selin. Hanga na talaga ako sa babaeng ito dahil minsan kaya niyang lagyan ng neutral emotion ang kanyang boses. Pero . . . what the fuck is happening nga!

Nakarinig na lang ako ng isang metallic sound na parang nahahati at naghihiwalay. Hinanap ko ang tunog na iyon hanggang sa may naaninag akong liwanag mula roon sa harap namin. Hindi ko nga lang makita kung ano nga ba talaga iyon dahil sa usok na tumataklob dito.

Nakita kong tumayo na si Selin at pinapaypayan ang buong paligid. Binuksan pa niya ang bintana sa gilid para makalabas ang usok.

Nang kumaunti na ang usok, naibuka ko na lang ang aking bibig dahil sa aking nasaksihan.

"Woah," sambit ni Selin. "So ito ang TV na sinasabi nila ha. May pa-grand entrance pa," walang ganang komento niya.

Naglakad na rin siya pabalik sa kanyang kama at hinayaan lang na nakabukas ang bintana para tuluyang makatakas ang usok.

Natutok naman ang aking mata roon sa telebisyong lumitaw sa dingding. Naastigan lang ako sa nangyari kaya nakabuka pa rin ang aking bibig.

Parang ngang may naglakbay na kakaibang insekto sa aking balat kaya nagbigay ito ng kilabot pero nanabik din ako.

Bigla namang umilaw ang TV na iyon at sunud-sunod na pangalan na may orasan sa gilid nito at room number ang nagsilabasan.

"Ayan na ang mga schedule natin. Tingnan mo na ang pangalan mo, Nadine. 250 tayong lahat dito kaya mahirap hagilapin ang pangalan."

Tinanguan ko ang sinabi ni Selin bilang aking tugon.

Ipinokus ko ang aking mata roon at dahan-dahang nag-scroll pa ibaba ang listahan ng mga pangalan.

Nasa number 45 na nang makita ko ang pangalan ni Jens.

45 - Jens Ermino - 10:30 AM to 11:00 AM - RM 0521-A

Alam kong makakapasa rito sa interview si Jens. Bakas naman sa kanyang postura na kaya niyang makalagpas sa level na ito. Ang ikinakabahala ko lang kung parehas kaming nakapasa sa level three at makakalaban ko siya sa level four, gagamitin niya kaya ang kanyang kapangyarihan?

May posibilidad. Marami-rami na rin siyang naibigay na impormasyon tungkol sa kanya at sa pagiging half niya. I need to know more answers. I need to know more about Alabang.

Pakiramdam ko rin, may kinalaman ang taga-Alabang sa race na ito. Mayayaman ang mga nandoroon kaya hindi imposibleng may malaki silang ambag sa pagbuo ng kompetisyong ito. And I think, they want to rule the new Philippines if ever nga na maubos na ang mga tao dahil sa gagong Camatayan Race na ito.

Maya-maya pa, lumitaw na rin sa screen ang pangalan ni Selin.

152 - Selin Orpeza - 3:00 PM to 3:30 PM - RM 0507-B

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Selin.

"Mabuti naman at hapon pa ako. May oras pa para makapaghanda," aniya. "Ikaw, hindi mo pa ba nakikita pangalan mo, Nadine?"

"Ah, hindi pa. Ang tagal nga eh," tugon ko. Bahagyang naginig ang aking boses.

May posibilidad ding nasa hulihan ako at ayos lang 'yon pero nasa huli rin ang aking kaba. Sana hindi na ako abutin ng gabi dahil buong araw akong kabado. Pero, sa palagay ko, okay na rin 'yon dahil makakatanong ako rito kay Selin at kay Jens kung ano ang mga hinarap nilang tanong at kung ano ang gagawin sa interview.

"Hihintayin na lang muna kita at sabay na tayong kumain sa baba. Maghihilamos lang muna ako," paalam sa akin ni Selin.

"Sige sige."

Itinaas ko ang aking baba at ibinalik muli ang atensyon sa TV. Nasa 190 na pero wala pa rin ang aking pangalan.

Paulit-ulit kong binubulong sa aking sarili na sana hindi na ako umabot ng 200. Pero . . . lumagpas na sa mark na 'yon.

Ang schedule na nakikita ko ay 6:00 PM. Oras na rin 'yan ng dinner dito sa training camp.

Matapos naman ang ilang saglit, lumabas na ang aking pangalan kaya pumalakpak ako ng isang beses dahil ang akala ko ay wala na talaga ako o nakaligtaan lang ng mata ko ang aking pangalan.

249 - Nadine Guinto - 10:00 PM to 10:30 PM - RM 0501-A

***

Natapos na kaming mag-almusal ni Selin kaya bumalik na muli siya sa aming room. Hinanap ko naman dito sa cafeteria si Jens pero walang blonde na buhok ang nagparamdam sa akin.

Nasaan na ba 'yong Ermino Demonyo na 'yon?

Gusto ko lang naman siya makausap tungkol sa mga scientific experimentations ng mga taga-Alabang.

Lumabas na ako ng cafeteria dahil wala na ngang Jens ang nagpakita sa akin. Pumunta na lamang ako sa labas kung saan ako dinala ng lalaking 'yon, doon sa may fountain.

Pagkalabas ko ng gusali, sumalubong sa akin ang simoy ng umaga. Napatingala pa ako sa langit na tinatakpan ng polusyong ulap. Minsan naman nagpapakita ang asul na tingkad nito at nais kong makita muli 'yon. At makikita ko muli 'yon kung mababawasan na ang populasyon dito sa mundo dahil magiging kaunti na rin ang paglabas ng mga kemikal sa langit at sa paligid.

Naglakad lamang ako hanggang sa madatnan ko na 'yong fountain. At . . . nakikita ko ang isang lalaking nakakulay puting sando kaya ang kanyang biceps ay nagpamalas. May tattoo pala sa braso 'yon.

"Hello," bati ko nang makarating ako. Nakaupo lang si Jens sa gilid ng fountain habang kinokontrol ng palihim ang tubig. "Nandito ka lang pala."

"Good morning." Bakas pa sa boses niya na bagong gising din ang isang ito. Medyo malat at parang malaway.

"Good morning din." Umupo na ako sa kanyang tabi at pinanood lang ang kanyang ginagawa sa tubig. Gumagawa pa siyang ng maliliit na bolang tubig at ipinapatalbog niya iyon.

"Sorry kagabi. I acted strange. Bigla kasing nag-switch sa competition mode ang aking sarili."

Napatango na lamang ako. Sa gitna kasi ng question-and-answer portion sa announcement ni Miss Idda, bigla na lang tumayo itong si Jens at nang tatanungin ko kung saan siya pupunta, nagbago bigla ang kanyang anyo.

"Ayos lang 'yon. Lahat naman tayo nandito para sa kompetisyon, 'no? Kaya kung magiging kalaban din ang tingin mo sa akin, I truly understand that. Pero, ako, hindi muna kalaban ang tingin ko sa 'yo. Interview pa lang naman, e. Malay mo, ligwak pala ako o kaya ikaw."

Naglabas siya ng isang mabilis at mapang-uyam na hangin sa kayang ilong. "Huh? Ako? Mae-eliminate sa interview? I've been practicing for this and I am ready. Ikaw? Sa palagay ko, wala kang alam kasi outsider ka lang."

"May kapangyarihan ka lang pero pareho lang tayo ng natatanggap na pribilehiyo."

"Kaya nga, may kapangyarihan ako at ikaw wala," naglabas siya ng isang mapaglarong bungisngis sa kanyang labi. "Oh, ba't ka nga pala napunta rito? Miss mo ako?"

"Gago! Kahit na mawala ka pa, never!"

"Sus, palusot ka pa. I can sense your blood right now and you're telling a lie."

No, you are the one who's telling a lie. Alam ko sa sarili ko ang nararamdaman ko. Sira ulo talaga 'tong nilalang na 'to.

"Kanina pa kasi kita hinahanap para makapagtanong pa ako. Saktong nandito ka pala."

"I-interview-hin mo na ako? Alam ko, ten o'clock pa ng umaga ang schedule ko ha."

"Bobo. May powers ka nga, pero bobo."

"May powers ako at hindi ako bobo, Binibining Gold. At saka, biniyayaan din ako ng angking ganda bilang isang lalaki." Inangat niya ang kanyang braso at ipinamalas ang kanyang muscle doon.

Mukha lang siyang tanga.

"Magbigay ka pa nga ng information tungkol sa mga taga-Alabang at sa uri mo."

"Medyo masakit 'yong uri ha. Ouch." Ipinatong pa niya sa kanyang dibdib ang kanyang kamay na tila nasaksak ng kung anuman. Isip-bata! Naku!

"Puwede ba? Seryoso."

"Okay, Okay. Ano'ng gusto mong malaman?"

"May kinalaman ba ang mga taga-Alabang sa Camatayan Race?"

"Hmm. Mayro'n."

"Ano?"

"Sila ang sponsor sa ibang training camps. My parents, especially my Dad, are sponsoring this training camp. Pero may mga outsider din na nag-i-sponsor nito. Hindi naman kasi lahat ng outsider mahihirap, 'no."

"Oo alam ko. May mga nakita na akong outsider na medyo maangat 'no!"

"Okay," irap niyang sagot. Ang moody talaga ng lalaking 'to. Sarap bunutin 'yang dayami mong buhok.

"Eh, 'yong napaalis na may kapangyarihan 'di ba half din."

"In-explain ko na sa 'yo 'to, Binibining Gold. Bawal ang isa pang half sa training camp. Ang rule na 'yon ay alam lang ng mga halves at ng ilang mga taga-councils at mga namamahala, gaya ni Miss Idda. Wala rin siyang inilabas na katunayan na sponsor ang magulang niyang taga-Alabang kaya he needed to go. Ako, bilang mas may malaking ambag, ako ang nag-stay."

"I understand now."

"Ikaw siguro itong may mahina ang utak. Ipinaliwanag ko na sa 'yo 'to, eh."

Tinarayan ko na lang ang sinabi niya at humagikhik muli siya.

"Oh, may itatanong ka pa ba? Kasi, anumang oras ay maghahanda na ako para sa interview ko."

"Mayro'n pa."

"Ano?"

"May meaning ba 'yang tattoo na 'yan?"

"Ito?" Itinuro niya ang tattoo sa kanyang braso. Maraming scribbles doon kaya hindi ko mahinuha ang itsura nito. Basta mukha siyang triangle. "Simbolo ito ng mga Halves. Kaya malalaman mo ang isang tao kung Half ba siya dahil dito. Hindi ito tattoo. We have had this since we were born. Same with people in Alabang, may sarili silang simbolo. Pero iba-iba raw sabi ni Papa, unlike sa aming mga Half na pare-parehas lang." Kinapa-kapa pa niya iyon saka tumayo. "O siya, maghahanda na ako. Babalitaan kita kung ano'ng nangyari."

Tumakbo na siya palayo sa akin at kumaway na ako.

Lumingon din siya bago pumasok sa gusali. Ikinumpas pa niya ang kanyang kamay kaya isang malaking alon mula sa fountain na ito ang umangat na nagpaligo sa akin. Nabasa ang buo kong katawan at ang napahangos ako dahil sa nangyari.

Tila kumulo ang aking dugo at ang usok ay lumalabas na sa aking tainga.

"ERMINO DEMONYO!" sigaw ko habang nakakuyom ang aking bagang.

Mabilis siyang pumasok sa gusali habang humahalakhak.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

196K 5.1K 31
Summer break panahon kung saan ang bawat estudyante ay pahinga sa aralin at sakit ng ulo dahil sa pagsusulit. Nagkayayaan ang barkada nila Lyrika na...
602K 21.3K 47
[Wattys 2016 Winner] [2021 UPDATE: ON MAJOR REVISIONS] Si Arielle ay ang babaeng nagsisimbolo na hindi lahat ng tao ay perpekto. Siya ay literal na...
57.2K 5.2K 65
Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristello na mukhang pera ang dormmate slash bes...
Wages Of Sin Από greenbloodcell

Επιστημονικής φαντασίας

316K 13K 35
Do you feel weird? Because Creep does. Always. [W A R N I N G: Unedited.] •Wattys2018's Official Longlist and Shortlist.• •Wattys2019's Winner in Sci...