Savage Sandiwa

By paraiso_neo

9.6K 657 34

(Completed) TCPAA - New Generation: In a world filled with deception and hidden truths, a story unfolds. One... More

Prologue
The Birth
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55 (Last Chapter)
Epilogue
Farewell
Special Chapter #1
Special Chapter #2
Special Chapter #3

Kabanata 29

124 7 2
By paraiso_neo

Francine

F*ck this Jaryl kanina pa nakatitig sakin, kala niya ata hindi ko nakikita. Ganto siya lagi since nung bata pa kami, lagi lang siyang nakatingin sakin mula sa malayo but never attempted na kausapin ako. Kaya hindi ko alam trip niya at lagi nalang siya nakatitig sakin.

"Ky, inumin mo muna to." biglang sulpot ni Brylle at inabot kay Kyline yung dala niyang juice.

"Salamat Bry, talagang kinuhanan mo pa ko. Sabi ko naman sayo wag na." nahihiyang saad ni Kyline sakanya.

Bukod kay Jaryl, inis na inis din ako sa pagiging sweet neto ni Kyline at Brylle. Like hello nasa tabi niyo lang ako. Sweet sila pag ako lang katabi nila, tapos casual lang sila pag may iba kaming kasama.

Gustong-gusto talaga siguro nila akong nakakasaksi sa kasweetan nila ponyeta, sarap nila sapakin parehas.

"Ky? Ano bang trip ng pinsan mo na yan? Habangbuhay nalang ba siyang titig ng titig sakin?" inis na inis na saad ko kaya gulat sila napalingon saking dalawa. Kasi bigla ba naman akong nagsalita, nakalimutan pa ata nilang kasama nila ako.

"Manhid ka ba Francine, hindi pa ba obvious?" sagot ni Kyline sakin kaya napaisip ako.

Obvious?

"Obvious ang alin?" takang tanong ko sakanya.

"May gusto sayo ang pinsan ko, matagal na. Wala lang siya lakas ng loob umamin sayo." dere-deretsong sagot niya sakin. Dahilan para matahimik ako at napatingin kay Jaryl na kakwentuhan na si Kuya Gabriel.

May gusto sakin yang kumag na yan?

Paano?

"Paano nangyare yun at kailan pa siya nagkagusto sakin?" di makapaniwalang tanong ko kay Kyline.

"Ang kwento niya sakin noon nung close pa kami, tinamaan daw siya sayo nung tamaan mo siya ng sapak nung una kayong nagkita, kasi inakala mo daw na stalker siya eh hindi naman daw niya alam na iisang way lang pala pupuntahan niyo." kwento ni Kyline, napansin ko naman na nakikinig lang si Brylle at halatang nagulat sa nalaman niya.

"Tinamaan ng sapak? Teka!" I murmured at inisip ang nangyare nung araw na yun.

Flashback

"Ina, kailangan ko po ba talagang pumunta sa Ainabridge Castle? Ano ba kasing gagawin ko dun?" pagmamaktol ko sakanila. Hindi ko talaga gets kung bakit kailangan ko pa pumunta dun. I don't get them.

"Nakaset na tong araw na to Francine, wag kang makulit. Nakakahiya naman sa ibang mga Sandiwa at Sandiwu kung hindi ka pupunta. And also bata pa kayo nung huli kayong magkita ng mga kababata mo." saad ni Ina.

Oo alam ko, maliliit pa kami nung huli kaming magkita kasi di kami pinapalabas sa mga kaharian namin.

Dahil batas daw ito sa Normsantandia na lahat ng Sandiwa at Sandiwu ay makakalabas lang ng kaharian pag nasa edad na 16 years old na. At eto ako ngayong 16 na, kaya sinet nila tong meet up na to ng hindi man lang tinatanong kami kung gusto ba namin magkita-kita.

Like the hell I care!

"Pero hindi ko sila gustong makita." umiirap sa ere na sagot ko sakanya. Akmang papagalitan na sana ako ni Ina ng biglang sumulpot si Ama.

"Francine." maowtoridad na sabi at sulpot ni Ama sa kwarto ko.

"Ama, ayoko po talaga." inis na sabi ko sakanya. Pero sinamaan lang niya ako ng tingin, kaya wala na kong nagawa kundi bumangon at pumunta sa pesteng meet up na yun. Di ko talaga alam purpose nun.

Pagdating ko sa Ainabridge Castle halos maligaw-ligaw pa ko kasi hindi ko alam pasikot-sikot neto. Si Kyline? Kamusta na kaya siya?

Nung bata pa kami minsan kaming nakapagkwentuhan na hindi daw niya gusto maging Reyna, ako din naman.

Si Kyline lang talaga natatandaan ko kasi kami yung sabay isinilang while yung iba hindi ko sila kilala.

Tahimik lang ako na naglalakad sa pasilyo ng kaharian, kakahanap sa pinakahall at pinaggaganapan ng meet up ng maramdaman kong parang may sumusunod sakin.

Kaya medyo naalarma ako.

At pinakiramdaman mabuti yung sumusunod sakin. Tinatansya ko kung gaano siya kalayo, para alam ko kung paano siya sasaktan.

At ng maramdaman ko na medyo malapit na siya, mabilis akong hinarap siya at sinapak na siyang kinagulat niya.

"Aray!" he shouted at natumba sa sahig sa lakas ng sapak ko.

Ibinaba ko ang sarili ko at tsaka kwinelyuhan, naramdaman ko naman ang takot niya.

"Sinusundan mo ba ko?" sigaw ko sakanya.

"Sinusundan? Miss, first of all hindi kita kilala." sagot niya pero hindi pa din ako kumbisido.

"Sinungaling!" sigaw ko sa mismong mukha niya, at sasapakin ko na naman siya ulit ng biglang may sumigaw.

"Sandiwa Francine tama na!"

Teka si Ina yun ah?

Kaya napalingon ako sa likod ko habang hawak pa rin sa kwelyo yung lalaki, at nagulat ako na napakarami na pala nila. Sino yung mga kasama ni Ina?

"Ang aggressive naman ng anak mo, Chariz naku walang duda anak mo nga yan!" natatawang sambit ng katabi ni Ina. Siya ata yung sinasabi ni Ina na bestfriend niya.

Ano nga ulit pangalan nun?

"Shut up, Xhaina!" pagpapatigil niya dito pero tinawanan lang siya nito.

Nagulat nalang ako na may biglang lumapit samin, babae siya.

"Sandiwu Jaryl, di ko naman akalain na isang babae lang pala makakatalo sayo." nakangising saad nito at pinagmasdan mabuti yung tinawag niyang Sandiwu Jaryl

Teka, Sandiwu Jaryl?

"Shut up, Ky!" iritadong sabi nung Jaryl dun sa tinawag niyang Ky. At tsaka ito lumingon sakin. "Please pwede bang bitawan mo na ko? Nasasakal na ko. And also hindi kita sinusundan, sadyang nagkataon lang na iisa ang pupuntahan natin." he said dahilan para bitawan ko siya at tumayo na. Medyo narealized ko din kasi yung posisyon namin.

Nakapatong kasi ako sakanya habang hila-hila ko yung kwelyo niya. Nakita ko naman ang paglapit ng ilan sakanya at ako naman ay di nakaligtas sa batok ni Ina.

Di ko namalayang nakalapit na pala siya sakin.

"Francine, mag-uusap tayo mamaya! Kasalanan to ng magaling mong Ama kung ano-ano tinuturo sayo." inis na sabi ni Ina kaya napayuko nalang ako. Umalis siya sa harap ko at tsaka lumapit kila Jaryl.

Ng matapos sila kamustahin yung Jaryl, biglang lumapit samin yung babaeng lumapit kanina na tinawag na Ky ni Jaryl.

"You're Francine right?" tanong niya sakin.

Kaya tumango ako sakanya.

"Yes, ako nga."

"Di mo na ba ako natatandaan? Ako to si Kyline." pormal na saad niya sakin.

Kaya napangiti ako.

End of Flashback

Nagkagusto siya sakin dahil dun, di ko pa din magets kung paano at kung bakit? Pero ayoko muna kaisipin yun, marami akong mas kailangan alalahanin.

At yun ay sila Ina at ang kaharian namin. Oo ayoko maging Reyna, pero may responsibility pa din ako sa kaharian namin.

Napatingin ako sakanilang lahat na kanya-kanya ang ginagawa, gusto ko rin talaga magkaayos-ayos ang buong grupo tulad ng dati. Kahit na hindi ako palaimik talaga kahit noon pa.

Kahit ako nagalit din talaga ako sa ginawa nila kay Kyline, oo sila lang gumawa nun di ako kasali. Sakto lang nung araw na yun kasama nila ako, nung nagkahulihan na. Pero alam ko namang hindi ako damay sa galit ni Kyline kasi alam niyang hindi ko yun kayang sakyan at gawin.

Anak nga kami ng Royal Bond diba? So ramdam namin ang isa't-isa kahit di kami gaano kaclose.

Sana lang talaga magtagumpay kami sa mga binabalak namin.

Continue Reading

You'll Also Like

519K 13.6K 85
(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave of unfamiliarity engulfs her. "Why am I h...
11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
258K 6.9K 87
(COMPLETED) She's an orphan who was sent to the human realm at a young age with no recollection of who and what she is. She lived there for a few yea...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...