Marry Me (COMPLETED)

By youramnesiagirl

7.1M 89.7K 3.6K

FIXED MARRIAGE. Uso pa ba yun? Eh paano kung yung campus hearthrob na super cold ang nakatakda mong pakasalan... More

Marry Me
Chapter 1 : Shane
Chapter 2 : Gian
Chapter 3 : Shane
Chapter 4 : Gian
Chapter 5 : Alex
Chapter 6 : Shane
Chapter 6.2 : Shane
Chapter 7 : Gian
Chapter 8 : Shane
Chapter 9 : Shane
Chapter 10 : Gian
Chapter 10.2 : Gian
Chapter 11 : Shane
Chapter 11.2 : Shane
Chapter 12 : Gian
Chapter 13 : Shane
Chapter 14 : Gian
Chapter 15 : Shane
Chapter 16 : Gian
Chapter 17 : Shane
Chapter 17.2 : Shane
Chapter 18 : Shane
Chapter 19 : Alex
Chapter 20 : Gian
Chapter 21 : Shane
Chapter 23 : Allyna
Chapter 24 : Gian
Chapter 25 : Shane
Chapter 26 : Shane
Chapter 27 : Alex
Chapter 28 : Shane
Chapter 29 : Gian
Chapter 30 : Shane
Chapter 31 : Gian
Chapter 32 : Chad
Chapter 33 : Allyna
Chapter 34 : Shane
Chapter 35 : The Final Chapter
Special Chapter 1 : Gian
Special Chapter 2 : Gian
Special Chapter 3 : Shane

Chapter 22 : Gian

136K 1.8K 88
By youramnesiagirl

Chapter 22 : Gian

Sabi ni Shane, masarap daw ang luto ko.

^____^

Natutuwa ako na nagugustuhan niya ang niluluto ko. I really like her. Pero yung nakita kong kasama niya si Alex, hindi ko yun nagustuhan.

Bakit ba sumasama siya kay Alex? Sabagay kasama naman si Allyna. Kung ganon nakilala na pala niya ang asawa ko. Sigurado ako magugustuhan niya si Shane.

Mabait si Allyna. Mga bata pa man kami, hindi na kami tumatawag nag ate sa kanya, at gustong gusto naman niya. Nagagalit nga si Lolo kapag naririnig niya na di kami tumatawag ng Ate kay Allyna kaya kapag kaharap si Lolo, automatic Ate Allyna tawag namin sa kanya.

"Allyna" yan lang ang screen name niya. Not Allyna Santillan. Hindi din naman alam sa school na kapatid siya ni Alex at pinsan ko siya. Hindi naman namin kailangang sabihin yun, but still ipinagmamalaki namin si Allyna.

**

FOUNDATION DAY.

Guest si Allyna. Nagulat nga ako, ang alam ko busy na yun eh.

Our last song is Breakeven. Hinanap ng mga mata ko si Shane habang kumakanta ako sa stage. Pero habang nasa backstage pa lang kami, hinahanap ko na siya. Mula ng mag-umpisa akong kumanta pasulyap-sulyap na ako sa kanya.

Everytime I look at her, mas ginanahan akong kumanta. Pero biglang tumabi sa kanya si Alex.

>///<

Kaya naman ibinaling ko na sa iba ang tingin ko. Bakit ba dumidikit na naman si Alex sa kanya. Diba ipinagmamalaki niya sa akin na madami siyang babae, eh di dun na siya. Shane is mine!

After our last song, nagpunta na kami sa backstage habang si Allyna naman ang kumakanta. Siguro dalawa o tatlong kanta lang ang kakantahin niya. Nang sumilip ako sa audience, wala na si Shane. Ang andon na lang ay yung dalawang kaibigan niya. Saan siya nagpunta?

~.~

Iniligpit na ng buong banda ang mga gamit namin. Nang matapos kumanta si Allyna, lumapit siya sa akin sa backstage.

"Ang taas ng energy ng mga students dito!"

"Pauwi ka na ba?" tanong ko sa kanya. Patapos na din naman ang program.

"Yah. Tatawagan ko na lang si Alex. Sasabay na lang ako sa kanya, kasi sa kanya naman ako sumabay kaninang pumunta kami dito, pero parang hindi ko siya nakita sa audience, well, knowing Alex, maybe he's just around."

"If you want ihahatid na kita, pauwi na din naman ako", alok ko sa kanya.

"No need. Makakaabala pa yun sayo. Tatawagan ko na lang si Alex", then she get her phone.

"Hello.. Alex.. Where are you? Ihahatid mo pa ako pauwi...

...Asan ka ba?

What's that? Alex what happened? Are you okay?"

"Allyna??" tanong ko. Bakit mukha siyang alalang-alala?

"What?? Your girlfriend??! OH MY GOD! Pupuntahan kita."

~_~

"Gian, pwede mo ba akong samahan sa pinakamalapit na hospital", sabi niya saken.

Nalilito pa rin ako, sinong pupuntahan niya doon? Si Alex ba? Girlfriend? Sino naman ba ngayon ang girlfriend ni Alex? Pero wala akong panahong mag-isip.

"Okay. Let's go", at umalis na kami ni Allyna.

"Oh God, I hope she's okay", she keeps on murmuring.

"Who's at the hospital?" hindi na ako makatiis magtanong.

"Naaksidente yung girlfriend ni Alex. I met her once and I like her. Sana talaga maging okay siya."

When we arrived at the hospital, we saw Alex, may dugo ang damit niya.

"Where is she?" tanong ni Allyna. Pero sa akin siya humarap. Nakatingin lang siya sa akin.

"Alex, where is Shane?!" pasigaw na ulit ni Allyna.

SHANE??

~_~

Shane ang pangalan ng girlfriend ni Alex??

Next thing I know nakita ko na tumatakbo palapit sa amin ang Mama at Papa ni Shane.

O.O

No!

"Gian, what happened? Nasan ang anak ko? Anong lagay ni Shane?" mangiyak-ngiyak na tanong sa akin ng Mama ni Shane.

Hindi ako makapagsalita. I can't find the words to say. Hindi ko naman alam kung anong nangyari.

"Nabangga po si Shane. Iniwasan niya po yung sasakyang kasalubong niya kaya napabangga siya sa malaking puno. Nasa likod po kami ng kotse niya ng mangyari yung aksidente", si Alex ang sumagot.

Nang marinig ko yun, nanghina ako. Napaka-iresponsable kong asawa. Bakit ko hinayaang mangyari to?

Napasandal ako sa pader. Kailangan ko, dahil kung hindi baka matumba ako. Sa isang iglap maaaring mawala sa akin si Shane. Bakit ko ba siya hinayaang magdrive? Napakatanga ko! Kasalanan ko to. Napaupo ako mula sa kinatatayuan ko, at napatungo.

"Alex, diba girlfriend mo siya? Bakit magkahiwalay kayo ng kotse?" tanong ni Allyna.

"No. She's not my girlfriend. She's Gian's wife", sagot ni Alex.

O______O <----- Mukha ni Allyna.

Nilapitan ako ni Allyna.

"Gian..."mahina niyang tawag sa pangalan ko. Umupo din siya at tinabihan ako. "I didn't know." Niyakap niya ako.

When the doctor came out from the emergency room, npatayo ako at ang natatandaan ko lang sa sinabi niya ay ok na daw si Shane, pero kailangang ibenda ang kaliwang braso niya dahil naipit daw ito sa pagkakabangga. He also added that Shane has a high fever. Maaaring hindi daw nito kinaya kaya hindi napansin ang sasakyan na kasalubong niya.

Maya-maya daw ay ililipat na siya sa isa sa mga kwarto dito sa hospital.

"Salamat po sa Diyos at mabuti na ang lagay ng anak ko", sabi ng Mama ni Shane.

"Sir..", sambit ko sa harap ng ama ni Shane.

"Papa..", pagtatama niya. "Gian anak na din kita", hinawakan niya ang balikat ko.

"Papa, I'm so sorry about what happened. Napakairesponsble ko pong asawa. I should've taken good care of her", sabi ko sa Papa at Mama ni Shane.

"Anak, wala kang kasalanan sa nangyari, aksidente iyon. Ipanalangin na lang natin na gumaling siya kaagad", sabi ng Papa ni Shane.

Matapos kong marinig ang mga iyon, hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko. Ni hindi ko nga inaalam kung asan ba siya, kung kumain na ba siya, kung sino ba ang kasama niya. Wala akong kwentang asawa.

Pagkatapos ng ilang sandali, nasa isang kwarto na si Shane. Natutulog pa siya dala yata ng gamot. Nakabenda na din ang kaliwang kamay niya.

Nagpaalam na sina Allyna, kasama na niyang umuwi si Alex. Si Alex, na nagligtas sa kanya. Ako dapat ang gumagawa non, I am his protector, pero wala akong nagawa.

"Shane, I'm really sorry. Hinding hindi ko na hahayaang maulit ito. From now on, I'll do my duty as your husband. Aalagaan kita, poprotektahan at mamahalin", sabi ko kay Shane habang natutulog siya. Kami lang dalawa ang nasa kwarto. Lumabas muna sandali ang Mama at Papa niya para bumili ng pagkain.

Hawak-hawak ko ang kanang kamay niya. Hinalikan ko ito at pinagmasdan siya. May galos siya sa mukha pero mukhang mababaw lang naman. Nagmulat siya ng mata.

"Shane..." sambit ko. Nakita ko ang pagkalito sa mata niya.

"Gian.. Bakit ako??-- Aww!", pinipilit niyang gumalaw.

"Huwag ka munang magkikibo. Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Masasakit ang katawan ko. Anong nangyari?"

"Naaksidente ka. Shane, I'm sorry." Tiningnan niya ang sarili niya at nakita niya ang kaliwang kamay niyang may benda.

"Sabi ng doctor ok ka na naman daw pero kailangan pang obserbahan, pati yang kamay mo."

"Sino ang nagdala sakin dito sa hospital?"

"Si Alex", tipid kong sagot. Umiwas siya ng tingin sa akin, kung dahil ba sa inaaalala ba niya ang mga nangyari, hindi ako sigurado.

"Naaalala ko na", sabi niya. Bigla namang dumating ang Mama at Papa niya.

"Shane, anak, mabuti naman at gising ka na", halos takbuhin siya ng Mama niya mula sa pintuan ng kwarto. "Kamusta ka? Anong masakit sayo? Diyos ko, ang anak ko!"

"Medyo masakit pa po ang katawan ko."

"Ah, teka, anong gusto mong kainin?" tanong naman ng Papa niya.

"Kahit na po ano. Hindi naman po ako nagugutom."

"Ikaw Gian, kumain ka na ba? Kung gusto mo umuwi ka muna at bumalik ka na lang bukas. Wag kang magalala kay Shane, babantayan muna namin siya", sabi sa akin ng Mama ni Shane.

"Hindi po. Ok lang po ako. Dito po ako matutulog. Ako na lang po ang magbabantay sa asawa ko", sabi ko.

Hindi ako pwedeng matulog sa bahay ng mag-isa. Hindi mapapanatag ang loob ko.

"O siya, ganito na lang, kung gusto mo, umuwi ka muna at magpalit ka ng damit, pagkabalik mo dito, uuwi na kami", her father suggested.

Ganon na nga lang ang ginawa ko. Umuwi ako para magpalit ng damit at kumuha ng gamit ni Shane, bumalik ako kaagad.

"Gusto mo bang kumain muna?" tanong ko kay Shane, kami na lang dalawa ang nasa kwarto. Binubuklat ko ang pagkain na binili ng Mama ni Shane.

"Kumain na ako noong umuwi ka. Ikaw ang dapat kumain, sigurado ako hindi ka pa naghahapunan", sabi niya. Natutuwa ako kasi concern pala siya sa akin.

Sabagay tama siya, hindi pa nga ako naghahapunan. Nagmeryenda lang ako kanina. Kanina hindi ako nakakaramdam ng gutom dala na rin siguro ng pag-aalala ko sa kanya.

"May 2-piece chicken pa dyan at tsaka Big Mac. Para sayo yan", sabi niya at nakita ko nga ang supot ng Mcdonalds.

Pagkatapos kong kumain, umupo ako sa tabi niya. Nakaupo din siya sa kama, nakasandal ang likod niya sa unan.

"Ah, Gian, sigurado ka ba na ayos lang sayo na bantayan mo ako?" tanong niya, tumingin siya sa akin.

"Oo naman. Shane, asawa mo ako kaya normal lang na bantayan kita", huli na bago ko naisip ang mga salitang binitiwan ko.

Bantayan? Hindi ba't yun nga ang hindi ko nagawa kaya andito siya ngayon. Pero sa tingin ko hindi pa naman huli ang lahat, makakabawi pa ako.

"Pero hindi mo naman kailangang gawin to. Alam naman natin na.."

"I'm sorry Shane, sorry kung nangyari sa'yo to. Asawa mo ako, dapat inaalagaan kita. Ayaw mo bang ako ang magbantay sayo? Ayaw mo na ba akong makita?", natanong ko sa kanya. Galit ba siya sa akin?

Sunod sunod ang iling niya.

"Gian, hindi ganon. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari. Baka lang kasi makaabala sayo to--"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

Hinawakan ko ang pisngi niya. "Kahit kailan hindi ka magiging abala sakin. From now on, you'll be my priority."

Then she smiled. I can't believe I made her smile.

^_______^

**

Pagkatapos ng ilang araw, nakalabas na din si Shane sa hospital.

Isang linggo siyang hindi nakapasok sa school, kaya naman pagkakatapos ng klase ko ay umuuwi na kaagad ako, hindi na ako nakakasama sa pakikipagjam kina Chad, at naiiintindihan naman nila yon.

Hindi ko din hinahayaang makalimutan ang pag-inom niya ng gamot.

Palagi akong nagtetxt sa kanya.

Text ko: |Wifey, don't forget to take your medicine, ok. Just call me when you need me.|

She will always reply: |Okay. Thanks. Don't worry ok lang ako dito.|

Text ko: |Ok. Uwi ako ng maaga. I miss you|

I really miss her. Kasi ngayon palagi na kaming nag-uusap. Hindi na kami nag-aaway. Nakakatuwa nga kasi nakikinig na siya sa akin.

Yung nangyaring aksidente, hindi na namin ipinaalam kay Lolo kasi baka mag-alala pa siya eh ok na naman si Shane. Tsaka wala naman siya dito sa bansa.

"Gian, papasok na ako sa Monday", sabi niya sa akin while we are having our dinner.

"Are you sure? Kaya mo na ba?"

"Oo. Kaya ko na, tsaka madami na akong namimiss na lesson."

"Sige. Sabi mo eh."

**

Monday.

"Let's go", yaya ko sa kanya nang papasok na kami sa school.

O__O <---- mukha ni Shane. Natulala pa.

"Why?" tanong ko.

"Sige na, mauna ka na magcocommute na lang ako", sabi ni Shane.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang dalawang balikat.

"Anong magcocommute? Hindi ka magcocommute. Wifey, simula ngayon sasabay ka na sa akin sa pagpasok sa school. I wont even let you drive", sabi ko sa kanya.

"Pero Gian, akala ko.."

"No. You heard me. Hindi ko hahayaang may mangyari na namang masama sayo. Halika na."

**

I knew it. Pagtitinginan kami sa school dahil magkasabay kami pumasok, pero wala na akong pakialam. Isipin na nila ang gusto nilang isipin.

Inihatid ko pa si Shane sa classroom niya.

"Are you sure you'll be ok?" tanong ko sa kanya bago sya pumasok sa classroom niya. Nakabenda pa din kasi ang kamay niya.

"Oo. Wag ka ng mag-alala", sagot niya.

"Sige. Pumasok ka na. Susunduin na lang kita mamaya."

"Gian! Napadaan ka sa classroom namin. Are you looking for me?" ^___^ <--- si Bree yan.

"Ah, no. Inihatid ko lang si Shane. Sige", umalis na ako.

**

Sunday.

*ding dong*

~_~

Who could it be?

Tiningnan ko kung sino ang nasa labas.

(-.-")

Ang pinakamakulet na babaeng kilala ko.

Continue Reading

You'll Also Like

637K 39.8K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
53.9M 758K 91
Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin ni...
2.4K 108 7
||COMPLETED|| " I h-hope you'll be happy with her... This is the last time you will see me Gael, I let you go. Pagod na ako. Sobrang sakit mong mahal...
68.3M 895K 84
[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University...