Wife's Devotion

By Nananayeoh

86.6K 2.1K 87

Adriel Jimenez and Allen Sandoval are in love with each other. They share things, and problems all the time... More

Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21 (Special Content)
Kabanata 22 (Special content)
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Note

Kabanata 09

1.7K 46 0
By Nananayeoh

Humakbang ako ng dahan dahan papalapit kay Allen. Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi naman ito umiwas. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Ngayon kasama ko ang asawa ko sa espesyal na araw ko.

"Mabuti naman at nakarating ka."

Masungit na sabi ni Faith. Alam kong hindi siya pinilit ni Faith dahil ayaw niyang makipag-usap kay Allen. Ganon din si mama hindi nakikialam sa problema namin.

"Adriel I know that you're very very happy." Papa said.

Tumango ako. Hindi ko ma explain kong gaano ako kasaya ngayon. Parang lumulutang ako sa mga ulap dahil sa saya na nararamdaman.

Inilahad sa akin ni Allen ang hawak niyang bulaklak. Kaagad ko naman itong kinuha. Namamangha ako sa ganda at amoy ng bulaklak. Gustong gusto ko din ang design ng bouquet na 'to dahil kakaiba.

"Happy birthday Adi..." Bulong niya.

Matapos namin mag usap ay dumiretso na kaming lahat sa dining table. Ngayon nalang ulit naging masaya ang bahay namin ni Allen dahil nandito ang mga importanteng tao sa tabi ko.

Nagsimula na kaming kumain. Masaya ang takbo ng pag-uusap namin dahil kasama namin si mang Rio. Marami siyang ikwinento tungkol sa mga anak niyang makukulit. Hanggang sa mapunta ang usapan sa amin ni Allen.

"Eh ikaw bakit ka bumili ng bahay sa Condominium ng mga Ravino? siguro kabet mo ang babaeng Ravino no?"

Singhal ni Faith. Tinapik ko ang braso niya para manahimik. Ngunit hindi siya natinag.

"Totoo ba Allen?"

"I don't have a mistress."

"Weh sure ka?"

Allen nodded.

"Ang hirap kasi paniwalaan."

Dahil sa iritasyon ng dalawa ay nilagyan ko ng Juice ang baso ni Faith.

"Uminom ka muna."

"Mabuti nalang mabait ang asawa mo Allen. At sana naman bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon."

Umubo si papa dahil nagiging mainit na ang usapan. Pabagsak na binitawan naman ni Allen ang hawak niyang kutsara't tinidor.

Ang buong akala ko ay sisinghalan niya si Faith ngunit tumayo lang siya at naglakad palabas ng bahay.

"Allen!" Tawag ko. Akmang susundan ko na sana siya ng pigilan ako ni papa.

"I'll talk to him, kumain na kayo."

Hindi na ako nakaangal kay papa dahil kaagad na rin siyang lumabas ng bahay para sundan si Allen.

"Ang bunganga mo kasi Faith."

"Tita naman, si Adi na ang kawawa dito."

Naiintindihan ko si Faith. Alam kong naaawa na siya sakin dahil sa mga pinag-gagagawa ng pinsan niya.

"Mama..."

"A-anak..."

"Ito na po ang huling beses na pagtitiis ko kay Allen."

"What do you mean?"

"Kapag hindi na talaga nag work ang marriage namin, mag fa-file na po ako ng annulment."

Mabanggit ko lang ang salitang annulment ay sobrang tinutusok ang puso ko. Kahit na hindi ko kaya gagawin ko. Babang baba na ako sa sarili ko dahil tanging ako nalang ang lumalabas sa relasyon namin ni Allen. Mahal na mahal ko si Allen kaya nakakayanan kong tiisin lahat ng masasakit na salitang binibitawan niya, ang kinahihiya niya ako sa ibang tao at ang hindi pag uwi sa akin. Pero ngayon kong wala na talaga, wag ng pilitin.

"Anak pero—"

"Tita kinausap ko na si Duke, handa siya maging abogado ni Adi."

Kinausap ako ni Faith 'nong isang araw na tutulungan niya akong mag file ng annulment. Alam kong matagal na proseso ito at malaki ang gagastusin. Pero kaya ko naman ang lahat ng 'yon dahil may sarili naman akong pera.

"Sure kana ba sa desisyon mo anak?"

I nodded. Kahit na maghiwalay kami ni Allen ay hindi parin naman mawawala ang connection ko sa pamilya niya dahil pamilya ko narin naman sila.

Hindi mawala ang ngiti ko habang tinitignan ang mga regalo nila sa'kin. Parang maiiyak ako sa saya.

"Adi, tanggapin mo ang regalo ko. Pasensya na ito lang ang nakayanan ko."

Niyakap ko si Mang Rio. Parang ama ko na siya dahil simula 'nong ikinasal kami ni Allen ay siya ang palagi kong kasama. Driver siya ng mama ni Allen kaya napalapit narin ako sa kaniya.

Binuksan ko ang bigay niyang regalo at biglang nanlambot ang puso ko ng makita ko kong anong laman ng paper bag. Ito yong pang-ipit na nakita namin sa Divisoria na bibilhin ko sana. Ngunit hindi ko na nabili dahil biglang tumawag 'non si Allen at lasing na lasing.

"Mang Rio salamat po!" Muli ko siyang niyakap.

"Walang ano man anak..."

"Adi ito naman ang regalo ko sayo..."

Inabot sa'kin ni mama ang hawak niyang paper bag. Binuksan ko ito at gumuhit ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang painting ng lalake at babae sa ilalim ng buwan.

Alam ni mama na mahilig ako sa mga paintings dahil mahilig akong mag design ng mga gamit sa bahay. Mahigpit kong niyakap si mama.

"Thank you ma!"

"You're welcome anak!"

"Oh day eto regalo ko."

Binato ni Faith ang isang carton na kulay pula. Tumawa pa siya ng hindi ko nasalo.

"Dapat suotin mo yan ha!"

Napangiwi ako ng makita ko ang laman. Sabay sabay naman silang tumawa.

"Faith ano to?"

"Damit syempre!"

Hindi lang basta damit. Bistida iyon na pangtulog. Sobrang nipis ng tela yong tipong kapag hindi ka nagsuot ng panty at bra ay makikita talaga ang kabuoan mo.

"Ang suot mo kasi kapag natutulog ka ay mas malaki pa sayo yong damit, kaya hindi ka inuuwian ng asawa mo eh."

"Faith!" Suway ko.

Napansin ko naman na ngumisi si Allen dahil sa sinabi ng pinsan niya. Did he smile? like he did? dapat bang suotin ko ang damit na to para umuwi na siya sakin?

Lumapit naman sa'kin si Bevei bitbit ang isang papel.

"Ate I am sorry po k-kasi wala akong m-money to buy you a gift po.....ito nalang ang gift ko sayo ate..."

Inabot niya sakin ang papel na may drawing. Inexplain niya kong ano ang ibig sabihin ng drawing na 'yon.

"This is kuya, and you a-and your future b-baby. And this is me... D-dahil po wala pa kayong b-baby ay a-ako muna ang b-baby niyo po..."

I hugged her tight. Kahit na malabo ng mangyari ang baby na sinasabi ni Bevei ay masaya ako dahil sa drawing niya. Sana nga totoo nalang.

"Adi my dear, hindi ko alam kong anong gusto mong regalo. Kaya bibigyan nalang kita ng resort."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni papa. Bibigyan niya ako ng resort? at ano naman ang gagawin ko sa resort na yon? ibenta para magkapera?

"Papa hindi naman po ako marunong magpatakbo ng business na yan." Sabi ko sabay tawa.

"Ikaw na ang bahala kong anong gusto mong gawin. Basta ipapa transfer ko nalang sa pangalan mo ang isang resort na pag mamay-ari namin sa Batanes."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni papa. Seryoso siya sa sinasabi niya. Alam kong marami silang resorts na pagmamay-ari pero sure ba siyang bibigyan niya ako ng isa?

"Pinaayos ko na sa secretary ko, ikaw nalang ang bahala mag-isip kong anong ipapangalan mo sa resort mo."

Mahigpit kong niyakap si papa. "Thank you pa!"

"You're welcome anak."

"Wow ang bongga naman ng pa birthday gift mo tito ha." Natatawang sabi ni Faith.

"Oh ikaw Allen nasaan ang regalo mo?" Singhal niyang muli pero kay Allen na.

Hindi sumagot si Allen. Nakatingin na kaming lahat sa kaniya. Okay lang naman sa'kin kahit na wala siyang regalo. Ang importante ay nandito siya.

"Ha! pwede ba 'yon walang regalo sayo 'yong asawa mo."

"Faith okay lang, hindi naman mahalaga sa'kin ang regalo eh basta masaya ako dahil nandito si Allen."

I saw them smile.

"Oh siya ikaw na ang reyna!"

Matapos namin mag usap ay napag pasyahan nila na umuwi na dahil inaantok na si Bevei. Ako nalang ulit mag isa dito.

Inihatid ko sila sa labas at nag paalam narin.

"Oh Allen pasabay ako ha sa Ravino din ako bababa eh." Ani Faith.

"I'll stay here..."

"You what?"

Halos ako din ay nagulat dahil sa sinabi ni Allen. Dito siya matutulog? hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng mga paro paro sa tyan ko!

"Tsk! I'll sleep here..."

Nagkatinginan naman kami ni Faith. Hindi kami makapaniwala pareho dahil sa kakaibang simoy ng hangin. Sana hindi na niya bawiin ang sinabi niya.

"Oh siya kina tita nalang ako sasakay."

Tumalikod na si Faith.

"Bye! Bye! Faith.." Pagpapaalam ko.

Lumingon siya at tinuro kaming dalawa ni Allen.

Ilang segundo pa ay nakaalis na silang lahat. Kami nalang ang naiwan ni Allen. Hindi ko alam kong paano ko babasagin ang katahimikan. Dahil ramdam ko ang mga lamok na kumakagat sa paa ko ay niyaya ko na siyang pumasok sa loob.

"Pumasok na tayo, maraming lamok dito."

Akmang tatalikod na ako ng higitin niya ang kamay ko. Napatayo naman ako ng tuwid ng i unlock niya ang kwintas na bigay niya 'nuon.

"A-anong ginagawa mo Allen?"

Nang ma unlocked na niya ay may hinugot niya sa kaniyang bulsa. Isang maliit na box ang nakita ko. Binuksan niya ito at kinuha ang silver na kwintas.

Napaka cute ng pendant. Sobrang liit lang niya pero kaaya-aya.

"This is my gift, do you like it?"

I nodded.

Nang ma locked na niya ang kwintas ay dahan dahan niya akong hinalikan sa nuo.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Nang matapos niya akong halikan sa nuo ay dahan dahan niyang nilapit sakin ang mukha niya at sa wakas ay naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko.

I can't believe this!

Kong saan nakapag desisyon na akong sumuko ay siya ding paglapit ni Allen. Nabura lahat ng mga plano ko lalong lalo na ang annulment. Hindi ko alam pero masaya ako, sobrang saya. Ang bawat halik niya ay nakakalason.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 34.8K 58
Vincent Louie Sebastian : a play boy hottie Scarlet Samantha Lucas : a drop dead gorgeous old fashioned girl .
68.2K 4K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
559K 8.5K 25
She is the legal wife, yet she's the named Mistress..
2.7M 44.8K 58
[Book 2 of 3] Tears shed, sacrifices has been made, complications hindered. After the long story of chase and heart breaks, Derick and Erica managed...