OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATI...

By Ic3ythromycin

1K 132 66

Logan was forced to enter the club as a cross-dresser so that he could pay for his sister's surgery. At the s... More

P A N I M U L A
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
NOW PUBLISHED!

KABANATA 7

25 6 3
By Ic3ythromycin

“JAIRUS?!” sigaw ni Yrich. Tumakbo siya sa kinaroroonan ni Jairus at manghang tumingin. “Pwede ba tayong mag-selfy?” masaya niyang tanong, pumayag naman si Jairus kaya panay kuha na ng litrato si Yrich.

“Tama na 'yan, Yrich,” suway ko sa kanya, kaya tumigil siya at lumapit sa akin.

“Bakit 'di mo agad sinabi ate na dito nakatira si Jairus.” Kumapit siya sa braso ko at kilig na kilig habang na kay Jairus ang atensyon niya.

“Huwag mo siyang tawaging Jairus lang...Kuya Jairus ang itawag mo sa kan'ya,”

“Sorry po, nasanay kasi ako na Jairus ang tawag sa kan'ya,”

“Magkakilala ba kayo?” naguguluhan kong tanong. Saka ko lang din napagtanto na may hawak na cellphone si Yrich, sa pagkakaalam ko ay wala akong binibiling cellphone para sa kan'ya. “At saan galing 'yang hawak mong cellphone?” Dagdag kong tanong.

“Bigay ito nang kaibigan kong nurse para raw may mapaglibangan ako. Pero 'yong totoo?Hindi mo ba talaga kilala ang nag-iisang Jairus Monterolla? Ang tinaguriang internet's top 1 hot guy!”

Napalingon ako kay Jairus. Top 1 hot guy? Siya?

“Totoo ba 'yan? Si Jairus?” hindi naman sa nagdududa, gusto ko lang namigurado. Sabagay maganda naman talaga ang katawan niya, plus gwapo po siya.

“Oo nga po. Tignan mo 'to.” May kibalikot siya sa cellphone niya at ipinakita sa akin ang isang post sa facebook. Nakalagay roon ang picture ni Jairus kasama ang logo na internet's top 1 hot guy.

“Mamaya na 'yan, kakain na tayo,” natigil ang usapan namin ni Yrich nang magsalita sa likod namin si Tita Agatha.

Sabay na kaming tao na pumunta sa hapag-kainan. Nakaupo ako katabi si Jairus, si Yrich naman ay nasa harap ko, samantalang nasa magkabilang gilid naman sina Tito Ben at Tita Agatha. Habang kumakain ay nag-uusap sina Tita at Tito tungkol kay Shanah. Hindi ko naman iyon kilala kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Bumukas ang pinto at lahat kami at napatingin dito, isang babae na kaedaran lang namin ni Jairus ang bumungad sa amin, dala ang ilang maleta. Nakasuot siya ng jacket at maong na pantalon, para bang galing siya sa ibang bansa.

“Speaking of Shanah, here she is.” Tumayo si Tita Agatha at sinalubong 'yong babae.

“Hello Tita,” nakipagbeso 'yong babae kay Tita.

“How's your flight?” tanong naman ni Tito. Lumapit yong babae kay Tito at nakipagbeso rin.

“Super nakakapagod at nakakagutom.” Humawak siya sa tyan niya at bahagyang tinapiktapik ito.

“Sakto at kumakain na kami...Manang pakikihaan nga si Shanah ng plato,” utos ni Tita sa isa sa mga katulong. Umupo naman yong babae na nagngangalang Shanah sa tabi ni Yrich, nagulat pa siya nang makita kaming dalawa.

“Who are they?” Pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Yrich. Naningkit pa ang mga mata niya nang makita ang singsing sa daliri ko. “Don't tell me...”

“Meet Cristine, Jairus' fiancée—”

“Fiancee?!” pasigaw na tanong nina Shanah at Yrich. Bahagya kong itinaas ang kanan kong kamay at ipinakita ang singsing ko.

“Mababaliw ata ako dito,” hindi na tinapos ni Yrich ang kinakain niya at mabilis siyang naglakad papuntan sa kwarto. Si Shanah naman ay bahagyang hinila si Tita Agatha at tila ba ako ang pinag-uusapan nila.

Ano kayang problema ni Yrich at bigla na lang umalis?

Nabigla ako nanghawakan ni Jairus ang kamay ko. Marahan niya itong tinapik-tapik at ibinulong ang mga katagang, “Ayos lang ang lahat, don't worry.” Ngumiti na lang ako ng peke at ipinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos akong kumain ay nagderetso ako sa kwarto namin ni Yrich. Gusto ko siyang kausapin kung bakit bigala na lang siyang umalis. Naabutan ko naman siyang nakaupo sa kama habang mag-ta-type sa cellphone.

“Yrich...” Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang buhok niya. May suot pa rin siyang bandage dahil hindi pa gaanong magaling ang tahi niya sa ulo. Hinawi ko ang ulo niya at ipinatong sa balikat ko. “May problema ka ba?” Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-ta-type at mukhang ayaw niya akong makausap.

Umalis siya sa tabi ko at pumunta sa ibang bahagi ng kwarto. Napailing na lang ako at lumabas na rin ng kwarto, siguro ay magpapahangin na muna ako sa labas.

Dama ko ang hangin na dumadampi sa balat ko, hindi naman ito ganun kalamig pero napapayakap pa rin ako sa sarili ko. Napaigtad ako sa gulat nang may jacket na bigla na lang ibinalot sa katawan ko. Tinignan ko kung sino ito at ito'y si Jairus, suot ang isang matamis na ngiti.

“Ok ka lang?” tanong niya. Tumingin ako sa kalangitan at saka nagpalabas ng isang buntong hininga. “I think you're not,”

“Si Yrich kasi—”

“Jairus!” Nahinto ako sa pagsasalita nang dumating si Shanah. Lumapit siya kay Jairus at kumapit sa braso nito. Biglang kumirot ang puso ko, para akong sinaksak sa dibdib ng ilang beses habang nakatingin sa kanilang dalawa.

“Anong 'yong tungkol kay Yrich?” basag ni Jaurus sa katahimikan

Umiling ako. “Wala, hindi naman importante,”

“Hi Cristine, hindi pa nga pala ako nagpapakilala...I'm Shanah Serrano, yes the one and only na nagapagmana ng Serrano fashion tycoon,” mayabang niyang pagpapakilala. Kumukulo ang dugo ko sa kan'ya, para bang wala siyang gagawing maganda sa buhay ko. “Alam mo ba kung bakit ako nandito?” dagdag niya.

“Hindi, bakit?” curious ako kung bakit siya nandito, samantalang hindi naman siya kamag-anak ng mga Monterolla.

“Well...I'm Jairus childhood bestfried,” Pilit na inaalis ni Jairus ang kamay ni Shanah, pero pilit din namang hinihigpitan ni Shanah ang pagkapit. “At alam mo bang kapag umabot kami ng twenty, kahit na may mga girlfriend o boyfriend kami ay kami ang magpapakasal? Nakakatawa 'di ba? Si Jairus ang nakaisip nun,” nahina siyang tumawa na may patakip-takip pa sa bibig.

Umirap ako nang hindi nila namamalayan, nakakakulo ng dugo. Kunti na lang at masasapak ko na 'tong babaeng 'to. Napatingin naman ako kay Jairus, hindi man lang niya tinutulan ang tinabi ni Shanah. Bahala kayong magsamang dalawa.

Naglakad ako paalis, narinig ko pang tinawag ako ni Jairus pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Gusto ko lang naman magpahangin, pero sama pa ng loob ang makuha ko. Hindi ko naramdaman na sumunod pala sa akin si Jairus. Hinawakan niya ang kamay ko at pinatigil sa paglalakad.

“Mag-usap tayo,” saad niya sa malumanay na boses. Para akong na hiptosimo at bigla na lang akong huminto. Iniharap niya ako sa kan'ya at bigla na lang akong niyakap. Pinilit kong kumakawala sa pagkakayakap niya, pero ayaw niya akong pakalawan. “Please, lets stay like this,”

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko at inilagay niya sa likod ng buhok ko. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at hindi ko maiwasang mamula. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin, wala na akong nagawa kung 'di ang pumikit at hintaying dumampi ang labi niya sa akin.

Nahinto kami sa ginagawa namin nang makarinig kami ng padabong na pagsara ng pinto, at galing ito sa kwarto namin ni Yrich.

“Aalis pala ako, just feel at home,” nahihiya kaming nagpaalam sa isa't-isa. Hindi ko na naibalik ang jacket niya dahil mukhang nagmamadali siya. Dumeretsyo na lang ako sa kwarto namin ni Yrich at binuksan ito.

“Yrich...” tawag ko sa pangalan niya. Lumapit ako sa kan'ya at hinagod ang likod niya.

“Bakit siya?” galit ang boses nito na naging dahilan para umurong ang dila ko at maestatwa. Kahit na kailan ay hindi pa ito nagagawa sa akin ni Yrich. May nagawa ba akong masama sa kan'ya? “Bakit si Jairus pa?”

“B-Bakit? anong meron sa kan'ya?”

“Hindi mo ba gets? Gusto ko siya, gusto ko si Jairus...” umiyak siya. Hindi ko alam kung paano ko siya papakalmahin.

“S-Sorry,” hindi ko alam kung bakit ako nanghihingi ng tawad, pero dapat nga ba?

Iwinaksi niya ang kamay ko na dapat ay pupunas sa mga luha niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, nang dahil lang sa isang lalaki— nang dahil lang kay Jairus. Lumayo siya ng bahagya sa akin at hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Ano bang dapat kong gawin?

“Iwanan mo muna ako,” mahinahon niyang saad. Hindi ako sumunod sa kan'ya, nagulat na lang ako nang tumingin siya sa akin ng galit. “Ang sabi iwan mo ako!” Hindi pa rin ako umaalis, ayokong iwan siya na ganito. “P'wes kung ayaw mo, ako na lang ang aalis,” Nagsimula siyang maglakad paalis pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Huminto siya at nakatalikod lang siya sa akin. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Gusto kong mapag-isa!” sigaw niya, nanatili siyang nakatalikod sa akin.

Masakit. Masakit na nagkakaganito ang kapatid ko dahil lang kay Jairus. Sa dimami-rami ng lalaki sa mundo bakit si Jairus pa? Bakit siya pa ang pinag-aagawan namin?

Wala na akong nagawa kung 'di ang bitiwan ang kamay niya at hayaang magpalamig ng ulo. Dere-deretsyo naman siyang lumabas ng kwarto at naiwan akong tulala. Ilang segundo lang ay bumalik siya. Nabila ako nang isigaw niya ang salitang “Kuya!” Lumapit ako sa kan'ya at tinakpan ang bibig niya.

“Hindi ba sabi ko 'wag mo akong tawaging kuya?”

“Pano kung ayaw ko? Kuya, kuya kuya,”

“Yrich, please tumigil ka na,”

“You're not Cristine...Kuya,”

Narinig kong tumunog ang doorknob, dahan-dahan itong bumukas, pero ang puso ko ay pabilis ng pabilis sa pagtibok.

So...hindi ka pala tunay na babae?” Pumasok ng biglaan si Shana sa kwarto namin.

Continue Reading

You'll Also Like

227K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
7.5K 217 29
Paano kung nagka-gusto ka sa kapwa mo lalaki pero wala kang lakas ng loob sabihin ito. Ano ang dapat mong gawin? Itatago na lang ba ito o mag lalakas...