KABANATA 44 :: FAST FOOD
Inisantabi ko ang cellphone at nagpatuloy sa paliligo. Medyo natagalan ako dahil kaunti na lang ang shampoo. Mabuti at may nahanap ako sa cabinet.
Matapos mag-ayos ay nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame.
Kung nakakatunaw ang tingin baka kanina pa iyon bumagsak sa akin kasama ang mag-asawang butiki na panay ang habulan.
"Mama?" mahina kong usal nang makita si Mama sa paanan ng aking kama.
Bumangon ako para yakapin siya pero agad ding napaatras nang biglang manlisik ang kanyang mga mata.
"B-Bakit po kayo nandito?"
"Wala ka talagang kwenta! Ano itong grades mo?" bulyaw niya sa akin.
Sumikdo agad ang kaba sa aking dibdib nang maalala ang isang major ko na hindi kataasan ang grado. Pasado lahat pero hindi pwede sa mga magulang ko ang pasado lang.
Nangangatal ako sa sobrang kaba.
"P-Pagbubutihin ko po sa susunod-"
"Wala nang susunod! Huwag ka nang mag-aral!"
Sa lakas ng kanyang boses ay mas natuliro ang aking utak. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag na mahirap ang laboratory exam namin kaya hindi ganon kataas ang grades ko.
Hindi ko nagawa nang maayos ang microscopic research na syang exam namin sa biology dahil kasabay iyon ng iba pang subject pero gaya ng aming guro, wala ring pakealam ang aking ina.
"M-Mama..."
"Aba't sumasagot ka pa?"
Tinawid niya ang distansya namin at hinablot ang aking buhok kaya awtomatikong nanubig ang mga mata ko nang maramdaman ang sakit noo. Parang anumang oras ay hihiwalay ang buhok sa aking anit.
"Bwiset ka talaga! Sinasayang mo ang pera namin!"
Akmang sasampalin niya ako kaya agad akong umilag at ipinangtakip sa aking mukha ang braso. Doon tumama ang kanyang kamay at agad na rumirestro ang sakit na dulot niyon.
Mas lalo siyang nag puyos. Nahagilap ni Mama ang unan at iyon ang paulit-ulit na ipinapalo sa akin walang pakealam kung saan ako tatamaan.
Hindi ako makailag dahil mabilis siya. Humiga na lamang ako sa kama, patalikod sa kanya at itinakip ang braso sa aking ulo kaya katawan ko ang natatawaan.
Galit na galit oa din si mama.
"M-ma... Mag-aaral po ako..."
"Hindi na! Sapat na si Mocha na nasa ibang bansa. Dito ka na lamang sa bahay!"
Nanlumo ako nang maisip ang kapatid na madalas iminukumpara sa akin. Kapag nga naman siya ang kalaban, walang-wala ako. Mas matalino, mas maganda, mas paborito ng lahat.
Hinayaan ko siyang hampasin ako hanggang sa magsawa siya at padabog na umalis sa aking silid.
Hilam ang luha sa aking mata nang magising. Marahas rin ang pag taas baba ng aking dibdib.
Hindi ko alam kung ala-ala ba iyon o bangungot na.
Pilit kong pinakalma ang sarili habang paulit-ulit na nag-iisip ng masasayang ala-ala para lamang tabunan ang pait sa aking sistema.
Tama nga siguro sila. Ang sugat na hindi inampat, mas lumalala. Matagal na panahon kong inakala na ayos lang na saktan ako.
Dapat ngang ipagpasalamat na hinayaan nila akong mabuhay. Kahit paano kinupkop at inaruga pa din nila ako.
Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong hininga at imbis na mag senti sa kama ay binuksan ko na lamang ang kurtinang nakaharang sa glass window.
Sinalubong ako nang maliwanag na sikat nang araw.
Kung hindi ko pa chineck ang phone ko para tingnan ang mga mensahe ay hindi ko pa mapagtantong alas nwebe na ng umaga.
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako dahil sa bangungot.
Nag email si Dairene, ang lugar, petsa at mga detalye ng interview.
Noon ko lamang naalala na ang lahat ng legal documents ko ay naiwan sa Baguio. Wala pala akong nadala kahit birth certificate ko.
Gagawan ko na lang siguro ng paraan. Napag-isipan ko na din namang mabuti.
Pansamantalang pagkakakitaan lang naman ang hanap ko dahil pagkatapos ng anim na buwang kontrata kay Kleindro, lilipat ako sa mas payapang lugar. Probably Siargao or Zambales. Bahala na kung saan ako dalhin ng tadhana.
Pinalipas ko ang buong araw sa pag i-stretching at yoga. Nanunuod ako ng video sa internet at sinasabayan ko iyon. Mabuti na lamang nagdala ako ng extrang damit kagabi, iyon na lamang ang pinatyagaan ko.
Saktong leggings at racerback tshirt naman iyon kaya ayos na din.
Pagod na pagod ako nang pumatak ang alas onse. Kung hindi pa nag text si Dairene nagyayayang mag lunch ay hindi pa ako titigil.
Madali akong naligo at nagbihis. Wala naman si Kleindro sa master's bedroom kaya malaya akong nakakakilos doon.
Hindi ko alam kung hinahayaan nya ba ako sa mga gusto kong gawin o wala lang talaga siyang pakealam.
The thought of him just letting me be pissed me off. He didn't even make a move para kausapin ako.
I rolled my eyes.
Ano pa nga bang aasahan ko?
Bumaba ako matapos mag-ayos. Ang mga bodyguard ay nasa labas ng penthouse. Mabuti na lamang at 24/7 yata ang duty ni Roy, nasa labas siya.
Naabutan ko si Kleindro na kausap si Roy. Mukhang seryoso kung ano man ang pinag-uusapan nila dahil malayo sa iba kaya imbis na lumapit ay humalukipkip ako sa kinatatayuan, pinanatili ang malayong distansya sa kanila.
Roy is in his usual three piece suit. Baka yun ang uniform ng men in black ni Kleindro. And speaking of Mr. Arrogant, mukhang walang balak magtrabaho ngayon.
He's wearing a white v-neck shirt and a cream board shorts. Simple clothes doesn't make him less attractive. Well what do you expect Vanna? Any cloth will surely suit him, kahit yata sako ng harina o dahon ng saging.
Napapitlag ako nang lumingon siya sa gawi ko.
Sumalubong sa akin ang malawak niyang ngisi na hindi umabot sa pagod niyang mata.
"Good morning Mrs. Lavaigne!" masiglang bati ni Kleindro.
Gusto ko siyang irapan.
Manhid! How can he act like nothing happened! It bruised my ego! Duh! He wasted my freaking effort.
"I'm going out."
"Can I come with you?" masigla ulit niyang tanong this time kita ko na ang totoong saya sa kanyang mata.
"No. I'm going alone," diretsang saad ko.
Umawang ang kanyang labi pero walang lumabas na salita doon kaya inunahan ko na sya.
"It's either you let me go out alone, or... tatakas ako. Ikaw din baka hindi na ako umuwi sayo..."
Unti-unting nawala ang sigla niya hanggang sa naging blangko na ang kanyang mukha.
Seeing him like this brings a hollow thing inside my stomach. Parang gusto ko na lang tuloy manatili sa bahay at aundin ang mga gusto nya.
"Sige, wag mong ioff ang phone mo para ma-locate kita in case of emergency."
Mas lalong bumigat ang loob ko dahil sa pagsuko nya. I'm expecting him to boss around and make me obey what he wants, not like this.
Tumikhim ako pero nagsalita.
Tiningnan ko siya para makita kung maya sasabihin pa pero nakatingin lang din sya sa akin, hindi ko pa din mabasa ang kanyang mukha.
"Roy will drive for you. No monkey business, Vanna I hve eyes everywhere."
There! Mr. Arrogant is back bossing around.
Inirapan ko lamang siya at saka naunang maglakad papunta sa elevator.
Walang sinabi si Roy ni katiting habang nasa sasakyan kami maliban sa pagtatanong kung saan niya ako ibaba.
Maaga akong fifteen minutes nang makarating sa mall na pinag-usapan namin ni Dairene kaya naman naglakad-lakad muna ako.
Roy is in the parking. Hihintayin nya daw ako at hindi siya aalis doon.
Tinext ko na si Dairene na nakarating na ako habang tumitingin-tingin sa paligid.
"Ma'am! Naku ang ganda-ganda nyo po, siguradong bagay sa inyo ang items namin."
Nagulat na lang ako sa pagsulpot ng isang maputing babae sa gilid ko.
Kahit hindi ako katangkaran pero dahil sa heels ng suot kong ankle high boots mas lumamang ang height ko sa kanya. Nakasuot siya ng kulay baby pink na polo shirt at itim na jeans pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang suot niyang sumbrero na may nakalagay na Back2Basic.
May dala-dala siyang maraming flier kaya wala akong nagawa nang iabot niya sa akin ang isa.
"Ma'am sama ka? Dun yung store namin sa kabila. Please... Baka magalit si Boss pag walang costumer. Pramis bagay sayo."
She looks very accommodating and friendly kaya naman nagpahila ako.
Naglakad kami papunta sa isang kulay pink na store di nga kalayuan sa pwesto ko kanina at halos malaglag ang panga ko nang makitang store yun ng mga baby items.
Gulantang kong nilingon ang babaeng nakangiti pa rin nang wagas, proud na tinitingnan ang mga paninda nila at ang ilang tao sa loob ng store. Parang achievement na iyon para sa kanya.
"Uhm... Miss kase hindi naman ako buntis eh..."
Ngumisi siya nang balingan ako imbis na magsorry.
"Eh dun din naman pupunta yun. Diba ikaw yung asawa ni Kleindro Lavaigne?"
"P-Paano mo nalaman?"
"Hello?! Hottest couple in town! Ang swerte ko nga wala kang bodyguard ngayon nakakatakot pa naman yung mga naka itim."
I'm speechless.
May nakakakilala pala sakin at nakakaalam ng existence ko? I mean... I'm just a nobody yet she looks so amazed of me.
"Mamili ka na, Ma'am. Fifty percent off kase opening week namin."
Tumango-tango ako kahit wala sanang balak na magtagal. Kailangan ko din naman na puntahan si Dairene.
Dinala niya ako sa aisle ng mga baby cribs at saka doon iniwan.
I was about to touch a cute pink crib when my phone vibrated.
Agad ko iyong kinuha sa coin purse na dala-dala ko.
Dairene:
Vanna sorry emergency. I can't make it. I'll explain later.
Bumuntong hininga ako at ibinalik ang cellphone sa kinalalagyan nito.
I was about to leave when a dinasour stuff toy caught my attention. Kulay green iyon pero may colorful na wig. Cute.
Kinuha ko iyon at pinakatitigang maigi.
May sulat pa sa dibdib niyon na 'Mommy's baby'.
"Practice?"
Napapitlag ako nang may magsalita sa gilid ko.
Bumawi muna ako sa pagkagulat bago hinarap si Kendrick.
"Saan?"
Itinuro niya ang stuff toy na hawak ko kaya naibaba ko yun agad.
"H-Hindi ako buntis ah. Hinila lang ako nung babae."
"Alam ko. Nakita kita kanina kaya sumunod ako."
Ngumiwi ako sa kanya.
"Eww... Stalker."
Tumawa siya ng mahina.
"Pwede rin. Pero nagtataka lang ako kung bakit parang mag-isa ka ngayon. Where are the black guys?"
Nagkibit-balikat ako, not wanting to explain more.
Baka maungkat na naman ang mga bagay na nagpapakulo ng dugo ko.
"Wala ka talagang kasama? Meryenda?"
As if in a cue, naramdaman ko ang pagrereklamo ng tiyan ko kaya hindi na ako tumanggi. Halos makalimutan ko nang hindi nga pala ako napapadpad sa kusina at dining lately. Malamang nagwawala na ang mga alaga kong anaconda.
Napadpad kami sa isang fast food at strangely, masarap ang mga pagkain sa paningin ko.
"Mauubos mo kaya iyon?" Kendrick asked, pertaining to my orders.
"Oo noh! Masarap ang pagkain paglibre mo."
"Mamumulubi naman yata ako sayo."
I made a face.
Hindi ko alam kung bakit komportable akong kausap siya. Well... Kleindro's friends are mine too.
"Oo nga pala, bat ka naman napadpad dito sa mall? Wala ka bang work?" tanong ko habang kumakain kami.
Nagkibit-balikat siya.
"It's Sunday. Free day."
Napatango-tango ako.
Baka kaya hindi nakabihis si Kleindro?
Argh! Nevermind.