Remember Me (AMNESIA SERIES #...

By thornswocrown

1.2K 44 2

they're happy and soon to be married until one day,he got into an accident that Changed their whole life. May... More

A/N
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9

Chapter 8

43 1 0
By thornswocrown

Chandria's Pov

"Hoy miss ngiti ka rin minsan, mas bagay mo ganon."

"Hoyy miss ano ba kasing name mo?"

"Hoyy miss ganda mo ah"

"Tskk sungit talaga neto oh"

"Chandria, HAHA so Hautea Chandria pala ang name mo, simula ngayon tatawagin na kitang Hautea ayos ba yon" naka ngising sabi sakin nitong lalaki, hindi ko alam ang name niya basta ang alam ko kang lagi niya akong kinukulit at hindi tinatantanan.

"Bakit sino nag bigay sayo nang pahintulot na tawagin ako niyan? Saka di tayo close noh" pag susungit ko naman na sabi dito.

"Edi makikipag close, kaya nga kita kinukulit para maging close tayo e.. sige na payag ka, ano friends?" Nakangiting aniya niya habang inaabot saakin ang kanyang kamay.

"Tsk" sabi ko lang dito at tumalikod na para sana umalis ng bigla niyang hablutin ang kamay ko at siya na mismo ang nakipagshake hands nang kamay ko sa sarili niya.

"Ayan friends, ako nga pala si Aeign Zachary" nakangiting sabi nito saakin.

Nagising ako sa aking kama dahil sa liwanag na nagmumula sa aking bintana, umaga na pala ang sakit na nang tyan ko.. gutom na talaga ako.

Bababa na sana ako saaking kama nang biglang pumasok sa aking kwarto si Chase kasama si Chrysler.

"Good morning ate"
"Morning"

Sabay na sabi saakin ni chase at Chrysler pagkatapos ay hinalikan ako sa pisnge ni Chrysler at iniabot naman saakin ni chase ang dala niyang pagkain.

"Kain na princess, alam kong gutom ka at mukhang buong isang araw ka atang 'di kumain kahapon" sabi nito saakin habang inaayos ang mga pagkain.

Kahapon? Ano nga bang nangyari kahapon? Ah oo nga pala nakita ko si aeign sa isang restaurant na pagkakainan ko sana tas nakapag usap kami at...

Sinabi niya saaking kasal na siya at huwag ko na siyang guguluhin pa.

Napansin ata ni chase at Chrysler ang tila nagbago kong reaksyon kaya niyakap nila ako, lalo na si Chrysler niyakap niya ako nang mahigpit sabay sabing.

"Smile always ate, i love you, we love you don't think about it too much ok" sweet na pagkasabi saakin nito pagkatapos ay sinabihan na muna siya ni chase na bumaba na at nang makakain na rin ito dahil may pasok pa ito.

"Halika nga dito" sabi saakin ni chase saka ako hinila at inakbayan. "Kumain kana lang muna dria, 'wag mo muna yun isipin ha, alam kong masakit pero kumain ka muna para may laman yang tyan mo at para naman may lakas kapa mamaya umiyak ha" alam kong may kasamang biro ang sinabi nito pero mas ramdam ko pa din talaga ang pag-aalala nito saakin, kuya's concerned.

"Kumain kana lang muna d'yan ha, o baka naman gusto mong subuan pa kita?" Pang aasar nito saakin na agad ko ding sinamaan nang tingin.

"Just kidding o basta ubusin mo yan ha, baba nako aasikasuhin ko lang si Chrysler. Basta pag naiiyak kana at hindi mo na kaya, tawagin mo lang ako ha pupunta ako ka agad agad. Kuya's here Chandria 'di ka nag iisa always remember that." Sabi nito saakin bago tumayo at tuluyan na ngang lumabas ng aking silid

Kahit ayaw ko o kahit pa wala akong lakas ay kumain pa din ako, sa bawat pag subo ko ay siyang unti unti ding pagkalaglag nang aking mga luha.

Ganito yata talaga pag 'di mo matanggap ang mga nangyayari sa paligid mo.

Sana panaginip na lang ang lahat ng ito. Sana nga.

Kahit na hirap ay pinilit ko na kumain at maubos ang aking pagkain pag katapos ay pinilit kong tumayo at gawin ang aking kadalasang mga ginagawa.

Tatlong araw na ganon ang aking parating ginagawa at lagi rin nila akong dinadalhan na lang ng pag kain. Pero ngayon ay gusto ko na munang umalis dito, marami kaming naging ala-ala ni Aeign dito kung kaya't lalo lamang akong nasasaktan.

Tapos ko na ang ibinigay na pag kain saakin nila chry at chase kanina kaya naman

Nang matapos na ako ay bumaba na ako at dinala ko na din ang aking pinag kainan.

Pag kadala ko nito sa kusina ay sakto namang pag dating ni Chase.

Umalis kasi siya kanina dahil inihatid niya si Chrysler may pasok kasi ito ngayon.

"Oh, bat bihis na bihis ka, aalis ka?" Nagtataka ako nitong tinignan

"Oo e aalis muna ako." Sabi ko namn sakanya

"Teka ayos kana ba? Baka kung mapano ka samahan na lang kita gusto mo?"

"Hindi na, ok na'ko 'wag mo na akong alalahanin"

"Pero baka kung mapano ka, wala ka pa naman sa sarili mo ngayon." Nag aalalang sambit niya saakin

"Hindi na, kuya. kaya ko na saka gusto ko rin muna pumunta sa mapayapang lugar na ako lang mag isa.... lalo lang kasi akong nakakaramdam ng matinding lungkot at sakit kapag nandito lamang ako" sambit ko naman sakanya kasama ang isang pilit na ngiti

"Huwag kang ngumiti kung hindi ka talaga masaya, tandaan mo Chandria kuya mo ako.. kapamilya mo'ko hindi mo kailangang mag panggap saakin. 'Wag kang mahiya na mag sabi saakin andito lang ako palagi" sabi niya sa isnag sinseryong boses

Kaya namn yumakap ako sakanya naiyak ako sa kanyang sinabi, laking pag papasalamat ko pa rin talaga na may kapatid ako, pinunasan ko muna ang luha ko bago bumitaw sa kanya.

"Oo kuya salamat"

"Wala yon, basta lagi lang ako nandito love na love ka ni kuya lagi mong tatandaan 'yan" sabi nito saakin habng hawak ang aking pisnge.

Tumango na lamang ako sakanya
"Aalis na ako kuya, paalam"

"Sige, mag iingat ka ha tawag ka lang pag 'di mo na kaya on the way agad 'to"

Sabi pa nito at tinanguan ko na lamang bago ako tumalikod at saka nag punta sa aking sasakyan at pinaandar na ito.

Habang nasa byahe pinipigilan ko talaga na 'wag muna isipin ang mga nangyare dahil masyadong delikado lalo pa't nag dadrive ako, mamaya ko na lang siguro iisipin kapag nasa payapa at tahimik na lugar na ako.

Actually hindi ko rin alam kung saan ako patungo, siguro titigil na lamang ako sa makikita ko na isang lugar na payapa at wala gaanong tao.

Hanggang sa may makita nga ako na isang lugar, walang tao dito at tahimik na madaming puno para itong isang parke na hindi na pinupuntahan pa.

Kung sabagay may malapit lapit na villa dito na halata mong mayayaman ang nakatira, kung kaya't wala ka rin talagang makikita na mga tao sa labas.

Marahil ay hindi nalabas ang mga tao dito sapagkat abala sila sakani kanilang mga gadget ngayon lalo na ang mga bata.

Pag kakita ko sa kugar na ito, ay agad ko nang ipinarada ang aking sasakyan dito.

Pag katapos ay bumaba na ako.
Wala akong dinala, ang bag at cellphone ko ay aking iniwan sa aking sasakyan.

Gusto ko na matahimik muna ang aking isipan.

Naupo lamang ako sa isang upuan dito sa parkeng ito malayo layo sa kalsada, nandito ako sa medyo tago dahil ayaw ko na may makakita saakin kung sakali mang maiyak ako.

Nakatingin lang ako sa paligid at nilalanghap ang sariwang hangin habang nakikinig sa awit ng mga ibon nang may makita akong dalwang tao na nag lalakad.

Hindi ko man rinig ay alam ko kung gaano sila kasaya sa isa't isa, mukhang mayaman at masungit yung babae habang masiyahin naman ang lalaki at pilit siya nitong pinangingiti.

Sa aking simpleng pag mamasid ay 'di ko na namalayan na may luha na palang tumutulo sa aking mga mata.

Habang nakatingin sa kanila ay naaalala ko bigla ang nakaraan namin ni Aeign, gan'yang gan'yan din kami NOON.





*_____________________________________*

"Hauteaaaaa" tawag sakin ni asungot habang naglalakad ako papunta ng canteen

"Ano na naman ba 'yon? Saka pwede ba kelan ako pumayag na tawagin mo 'ko sa 1st name ko, wala akong natatandaan na pumayag ako saka 'di tayo close ano." Inis na sabi ko dito, badtrip talaga tong asungot na to lagi na lang sunod ng sunod kahit saan.

"Ito naman masyadong hot, chill beb" sabi nito saakin na may kasamang kindat errrrr

"Pwede ba? Tantanan mo nga ako" nakakabadtrip talaga tong lalaki na toh

"Masyado ka kasing mainitin ang ulo, try mo kaya minsan ngumiti noh bagay mo ganon" sabi nito saakin saka hinawakan yung pisngi ko at pinipa smile ako gamit ang thumb niya.

Hinampas ko naman agad ang kanyang kamay "Pwede ba mind your own fcking business?" Sambit ko sakanya bago siya irapan at bilisan ang aking pag lalakad, ngunit para saan ang salitang sunod nang sunod kung hindi niya ako sinundan diba

At ganon nga ang laging nangyayari, masyado siyang maingay, makulit, sunod nang sunod sobrang jolly niya na kahit na anong sabihin ko hindi niya ako nilulubayan.

   *___________________________________*

Palagi siyang nasa tabi ko noon at sunod nang sunod hindi lang para bwisitin ako. Palagi rin siyang nasa tabi ko sa tuwing may problema ako o sa lahat nang nangyayari saakin.

Mas kilala na nga yata niya ako kesa sa mga kaibigan ko, yun din ang dahilan kung kaya't nagi mag best friend kami at hindi ko namalayan na unti unti ko na siyang nagugustuhan.

Hindi na kumpleto ang araw ko kung hindi niya ko bubwistin o kung hindi ko siya kasama.

Pero lahat yan ay NOON na lamang dahil ngayon?

Wala na ang asungot na laging nakasunod saakin.

Wala na si Aeign na lagi kong karamay sa tuwing may problema o nalulungkot ako.

Wala na si Love na nandito at kasama ko sa lahat nang bagay.

Wala na siya, Wala na siya saakin.

Patuloy lamang sa pag agos ang aking mga luha habang inaalala ang lahat.

Love, bumalik kana oh please
Kailangan kita ngayon. Kailangan ko ang mga biro mo para sumaya ako.
Kailangan ko ang balikat mo na masasandalan ko sa tuwing naiyak ako.
Kailangan ko ang mga bisig mo nayayakapin ako sa tuwing nahihirapan ako, Love kailangan kita.

May nakita ako na papasok pa kaya pumunta ako at nang makarating ako nasa medyo dulo neto  ay para akong nasa bundok.

Ang ganda, dito pwede ko na mailabas ang lahat ng aking hinanakit, kung kaya naman ay sumigaw ako.

"Arghhhh"
"Ahhhhhhh"

Paulit ulit lamang akong sumigaw hanggang sa mapaos ako at mapaupo na lamang sa damuhan ngunit patuloy pa din sinisigaw nang mahina ang lahat nang sakit.

Napatingin ako sa mga ulap tinignan ko ito habang naluha na nakaupo sa damuhan

"Lord, bakit po? Bakit po nangyayari ang mga to? Masama po ba ako? Masama po ba akong tao? Hindi ko po ba deserve na maging masaya? Kasi Lord ang sakit sakit na po e." Kahit paos ay isinigaw ko iyon habang nakatingin sa mga ulap.

Alam kong hindi ko dapat na sisihin ang nasa taas subalit sobrang sakit na talaga nang nararamdaman ko, para bang gusto ko na lang din mawala

"Bakit po? Bakit po nangyayari to? Bakit mo po hinahayaang mangyari to? Hindi naman po ako naging masang anak at kaibigan ah kaya Lord bakit?
Pakiusap po sagutin niyo po ako kasi, hindi ko na po alam ang gagawin ko e hirap na hirap na po ako, halos mabaliw na po ako." Saaking patuloy na pagsigaw ay patuloy rin ang pag agos nang aking mga luha.

"Lord please sabihin niyo na po, kasi po kung pag subok po ito para mas lalo akong maging matatag Lord hindi ko na po kaya, hindi po ako isa sa mga malalakas at matitibay mo na alagad kaya po sabihin niyo na po" pahina na nang pahina ang aking boses hanggang sa wala na akong boses na maisigaw at ang tanging nagawa ko na lamang ay ang tumitig sa mga ulap habang naluha at patuloy na sumisigaw sa aking isip

Lord, no'ng una na akala ko kinuha niyo na saakin si Aeign ay halos gumuho na ang aking mundo, ngunit hindi siya nawala sapagkat nawawala lamang siya kung kaya't kahit matagal, kahit miss na miss ko na siya Lord umasa ako naghintay ako kahit walang kasiguraduhan iniisip ko na lahat nang nangyayaring ito ay may dahilan Lord hinintay ko si Aeign, hinanap ko siya kahit nawawalan na ako nang pag asa na makita ko siya. humiling ako sainyo na sana pag tagpuin mo na uli kami pero bakit? Bakit po iba na siya ngayon.
Lagi mo akong binibigayn nang dahilan para mag patuloy pero ang kadugtong nito lagi ay puro sakit. LORD DO I REALLY DESERVE THIS? ano po ba yung kasalanan ko, para parusahan niyo ako nang ganito.

Patuloy ako sa pag iyak at napayuko na, hindi ko na alam ang gagawin ko

Durog na durog na ako, ubos na ubos na yung sarili ko, ilang taon kong hindi inaalala ang sarili ko.

Lintik na pag mamahal yan, ang sakit sakit.

Patuloy lang ako sa pag iyak nang biglang.

"Oh, naiyak ka na naman?"

To be continue..............

Thank you for reading
Please don't forget to like po.

~Rosas_rose

Continue Reading

You'll Also Like

417K 12.6K 37
The Sokolov brothers are everything most girls want. Intimidating, tall, broody, they are everything to lust after. Not that they... particularly car...
2M 111K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
142K 7.7K 40
𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐎𝐍𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐅𝐀𝐈𝐓𝐇 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 Aarohi and Siddharth's tale began unexpectedly at her brother's wedding. Their connection spa...
747K 39.5K 21
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐀𝐧𝐢𝐤𝐚 𝐑𝐚𝐢 𝐱 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐫 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ...