Our Brightest Tomorrow

By BLACK_OF_ACE

161 15 2

She is a simple teenager whose only desire is a good future. But in an unexpected turn of events she will be... More

PROLOGUE
CHPTR 01
CHPTR 02
CHPTR 03
CHPTR 04
CHPTR 05
CHPTR 07

CHPTR 06

18 2 0
By BLACK_OF_ACE


"Good morning!" masiglang bati ko kay Marco na abala sa pag-aayos ng mga tables at chairs ng coffee shop. Maaga pa kaya wala pa masyadong tao sa loob. Mukhang kabubukas lang din nila.

"Lars!" bati nito sa'kin pabalik mukhang gulat pa at nandito ako ng ganito kaaga. " Bakit ka nandito?" tanong nito bago pinagmasdan ang suot ko.

I'm just wearing our club's shirt na kulay maroon.May nakatatak sa unahan na logo ng music club then our position and name sa lower part ng shirt sa likod pero hindi 'yon kita dahil naka high waisted jeans ako and I partnered it a white sneakers. Backpack purse lang ang dala ko dahil wala namang klase dahil foundation day. Extra shirt lang ang dala ko and my other stuffs.

"May...kikitain lang." sagot ko rito at inilingap ang paningin sa paligid para hanapin si Dragan.


"Akala ko naman magbubulakbol ka." pagbibiro pa nito ngunit hindi ako makasabay sa kanya dahil nakita ko na sa may dulo si Dragan.


"Sira ka! Sige na dun na 'ko." sabi ko Sabah turo sa gawi ni Dragan magsasalita pa sana ito pero hindi ko na ito hinintay pa at pumunta na lang sa kinauupuan ni Dragan.

"Staffs romance?" sabi nito pagkaupo ko dahilan para mag-init na naman ang ulo ko. Ang aga-aga gan'to ang bubungad sa'kin?!

"Bakit? Inggit ka?" he just shook his head while looking on the other side. Akala mo naman ay hindi ko siya paparulan. Hmp!


"Let's be quick. We have to help them." seryosong sabi nito. Akala mo naman ay napakalayo ng coffee shop sa Matthews eh hindi naman. Walking distance nga lang eh.

"Napaka dami mo pa kasing arte eh pwe-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nitong hablutin ang kaliwang braso at hatakin palabas sa coffee shop.

"Una na 'ko,Marco!" pagpapaalam ko pa kay Marco habang ikinakaway ang isa kong kamay. Halata naman sa kanya ang pagtataka dahil sa nakikita.Paniguradong hot seat ako nito mamaya!

"Aray ko! Teka nga! Bitawan mo 'ko!" iritang sabi ko rito dahil nasasaktan na 'ko sa sobrang higpit ng hawak niya sa braso ko.

"Oh." sabi nito habang iniaabot sa'kin ang isang kape. Tinanggap ko naman iyon dahil sayang. Grasya 'yon! Bawal tanggihan kahit galing pa sa kanya!


"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko rito habang nakasunod sa kanya. Pinagmamasdan ang binigay niya saking kape. Pinag-iisipan kung iinumin ko ba o hindi.



"About you being my slave." sagot nito. Sabi na nga ba at tungkol doon ang pag-uusapan.



"Tapos?" hindi interisado kong tanong dahil nakatuon parin ang atensyon ko sa kape na hawak hawak ko ngayon.



"You will work for me every Tuesday, Thursday and weekends. Besides M,W,F naman ang pasok mo sa coffee shop ko." sabi pa nito. Naramdaman ko naman na tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako.



"Hindi mauubos 'yan kung tititigan mo lang." sabi nito dahilan para mapatingin ako sa kanya.



"Aba! Mamaya kung ano ng inihalo mo rito 'no!" sagot ko rito bago tinanggal ang taklob no'n at inamoy ang kape. Wala namang kakaibang amoy. Bahala na!




"Oh ba't mo ininom?!" nakataas ang kilay na tanong nito sa'kin nang uminom ako sa kape. Sayang! Lumalamig na.




"Pake mo?!" iritableng sagot ko rito bago nagmamadaling pumasok sa loob ng school.





"AJ just chatted at our group chat. Sa music room na raw dumiretso lahat ng officer's and members." paghabol nito sa'kin kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko para tingnan kung totoo nga. Baka mamaya ay ginu-good time lang ako nito.





"Totoo nga! Wala ka bang tiwala sa'kin?!" iritang tanong nito sa'kin nang makita na kinuha ko ang cellphone ko.




"Wala!" totoo nga! Doon na nga kami pinadidiretso.





"Sabay na tayo." sabi pa nito na ikinagulat ko.




"Sabay mo muka mo." sagot ko rito bago nagtatakbo papunta sa building kung nasaan ang room namin para ibaba muna ang bag ko.





"Naks!May pakape sa umaga!" bungad sa'kin ni Mavs na palabas na sana ng room. Nakasuot siya ng grey na shirt. Isa siya sa vice president siya ng student council kaya busy rin ang isang 'to wala namang ganap sa buhay ang sports club kaya okay lang sa kanya.



"Officer ka na niyan?" sabi ko rito nang maibaba ko ang bag ko.




"Oo! Gwapong student council! Mauna na 'ko ha! May aasikasuhin pa kami sa gymnasium." pagpapaalam nito na tinanguan ko na lang.



"Nangangamoy isda!" bungad ni Kiro nang makapasok kami ni Dragan sa loob ng music room. Akala ko ay nagbibiro lang ito kanina tungkol sa 'sabay' keme pero hindi pala. Nag-intay ang loko sa baba ng building namin kaya sabay kami papunta rito.



"Parang last week lang nagtatalo kayo sa pagiging responsableng officer." gatong ni AJ na nakangisi na ngayon sa'min.





"Responsibilidad ba 'yan ng Vice President?" sabi pang muli ni Kiro na halos pinipigilan na ang tawa.




"Gago!" singhal dito ni Dragan. Hindi ko naman na pinansin pa ang mga ito at dumiretso kila Khaycee at Jaedah na nakikinig din sa kantsawan.




"Hindi na 'ko magugulat kung malalaman ko na kayo na." sabi ni Jaedah na abala sa pagstrum sa gitara.




"Pinagsasasabi mo? Gaga! Walang gano'n!" sabi ko bago inilabas ang cellphone ko at nag scroll na lang sa IG ko. Wala naman na gasinong gagawin dahil nakaayos na ang lahat. Pinapunta lang siguro kami rito lahat para madaling hanapin.



"Meron! Don't be such a nega! You and Dragan are bagay kaya." sabi pa ni Khaycee with her conyo words again. Ewan ko ba rito. Natural na ata sa kanya ang pagiging gano'n pero ang cute pa rin tingnan.



"Dragan! Ipamigay mo 'tong name tag oh! Nang may magawa ka naman." sabi ni AJ sabay abot kay Dragan ng dalawang name tag. Ngayon ko lang nalaman na halos lahat sila ay may name tag na. Nakasuot na rin iyon sa kanila at kami na lang ni Dragan ang wala.



"Kala mo naman napakarami." angal pa nito habang isinusuot ang lace nito sa kanya. Tumayo naman ako para kuhanin ang sa'kin ngunit ganoon na lang ang pagkabigla ko ng bigla nitong isuot sa'kin ang name tag ko.



"Oh. Baka mawala ka raw,liit mo pa naman." pang-aasar pa nito sa'kin habang isinusuot ang lace.



"Tumingin...Sa'king mata...Magtapat...Ng nadarama..." kanta ni Kiro dahilan para mag si 'ayieeh' ang members at ibang officers malibsn kila AJ na tumatawa na ngayon.


Nang matapos ang opening program ay saktong lunch break na kaya bumalik na muna ko sa room para kuhanin ang bag ko. Naabutan ko naman duon si Yam na nagpapatuyo ng pawis gamit ang panyo niya habang nakatapat sa aircon. Mainit kasi sa labas kaya hinubad ko na rin ang denim jacket ko at inilagay sa likod ng bag ko.


"Papunta ka na rin sa canteen?" tanong sa'kin ni Yam habang nag-aayos ng sarili.


"Oo. Magpo-pony lang ako ang init." sagot ko rito. Maya- maya pa ay pumasok na si Mavs at nagdi-dribble pa kahit wala namang bola bago hinampas ang muka ni Yam.




"Ay!Sorry...akala ko kasi ring."pagbibiro pa nito dahilan para hampasin siya ng bag ni Yam.



"Kahit kailan talaga napaka epal mo!" naiiritang sabi ni Yam dito bago itinabi sa bag ang liptint at polbo niya bago nagspray ng pabango.



"Ano ba naman 'yan,Calista! Pabango mo nananapok!" reklamo ni Mavs habang umiinom ng tubig.



"Oh 'di umilag ka! Tara na Lara,gutom na 'ko" sabi pa nito.




"Teka mag la-lunch na kayo? Sama 'ko!" paghabol ni Mavs sa'min. Kaagad naman 'tong pumagitna sa'min ni Yam para akbayan kaming pareho.




"Kumusta ang music club?"tanong sa'kin ni Mavs habang naglalakad kami papunta sa canteen.




"Okay naman. Puro instruments parin ." sagot ko dahilan para maitulak ako nito bahagya.




"Nakakatanga ka kausapin alam mo ba 'yon?!" pikon na sabi nito dahilan para matawa kami ni Yam.



"Okay nga lang kasi! Ano ba gusto mong marinig?"sagot ko habang naghahanap kami ng vacant seat dahil medyo puno na ang canteen. Si Yam naman na ang nagprisinta mag-order ng pagkain namin kaya kami na lang ni Mavs ang naghanap ng mauupuan namin.




"About you and Dragan." seryosong sabi nito. Napatingin naman ako rito dahil sa tono niya. Parang galit na ewan.




"Ano?" natatawang sabi ko rito. Ano na naman kayang issue ang narinig nito.




"I'm asking about you and Dragan. Is there something that I need to know?" seryosong sabi nito bago sumandal sa upuan at pinagkrus ang braso. It makes him more handsome.


Teka...Ano?!
Lara...kaibigan mo 'yan 'wag kang malandi!



"It's just...that...we..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil alam ko na pagagalitan lang ako nito. Alam ko na sasabihin niya na nandyan naman siya para tumulong.



"What?"tanong nito muli. Naiinip na.



"We are trying to fixed the issue." sagot ko rito bago ngumiti sa kanya. Trying to convinced him.

"Really?" tanong muli nito.

"Oo nga! Ang kulit mo ha!" naiiritang sabi ko rito bago tiningnan ang phone ko dahil nag-vibrate ito.

From: Kuya Enzo
Male-late ako ng uwi mamaya may group research kami. Siguraduhin mo na nakalock lahat ng pinto at nakasarado ang mga bintana ha.

To: Kuya Enzo
Oo,kuya. Ingat ka. Text mo 'ko kapag tapos na kayo tsaka 'pag pauwi ka na.


Nang dumating na si Yam ay tinulungan ko na ito maglapag ng mga order namin dahil mukhang walang kabalak-balak tumulong si Mavs sa pinsan niya. Lalaking 'to talaga akala mo may kasamang katulong dito sa school eh.



"Here's your food,señorito." sarcastic na sabi ni Yam bago umupo sa kabilang side ng table.


"Ang tagal mo naman! Hindi ka pwede maging waitress! Mamatay na 'yung humingi sa'yo ng tubig bago ka pa makarating." reklamo dito ni Mavs at akmang pupukpukin ng kutsara si Yam pero biglang may sumulpot sa tapat ng table namin.



"Manners, Maverick." halos manlaki naman ang mata ko ng makita ko si Dragan. Parang kabute amp. Kung saan sulpot ng sulpot.



"Pre!" bati rito ni Mavs. Napatingin naman ako kay Yam nang mapansin ko na hindi ito makakilos sa kinauupuan niya.


"Ayos ka lang ba?"tanong ko rito.

"Ah...yeah! I'm alright. Don't worry." sabi pa nito pero hindi ako nakumbinsi ro'n.


"Can I sit here? Wala na kasing vacant." sabi ni Dragan dahilan para mapatingin ako sa buong canteen. Puno na nga. Pero may mga vacant din naman kagaya dun sa table ng mga cheerleader na dito sa pwesto namin nakatingin. Duon sa mga juniors na puro babae rin at dito rin nakatingin. Halos lahat ng may vacant ay puro babae mga dito pa nakatingin. Dahil siguro kay Mavs at sa damuhong Dragan na 'to.




"Okay lang ba sa inyo? Calista...Lara?" tanong sa'min ni Mavs tumango lang naman si Yam at ipinagpatuloy ang pagkain kaya tumango na rin ako kahit labag sa loob ko.



"Thanks." sabi pa ni Dragan bago naupo. Tahimik lang naman kami ni Yam habang kumain. Hinayaan na namin na 'yung dalawa na lang ang mag-usap dahil wala naman akong gana kausapin ang lalaking 'to. Ang epal!


Nang matapos kami ay sabay sabay na rin kaming lumabas sa canteen. Dahil nga sa ayoko makasalamuha ang Dragan na 'yon ay nagpaalam na lang ako sa mga ito na mag CR lang ako at sinabing mauna na sila. Sasama pa sana sa'kin si Yam pero sinabi kong kaya ko naman kaya hindi na rin ako nagpumilit pa. Napapansin ko kasi na may crush siya kay Dragan kaya hinayaan ko na siya sa dalawang 'yon para naman makasama niya si Dragan.


Ano naman kayang nagustohan ni Yam sa lalaking 'yon? Masyadong mayabang! Akala mo kung sino. Porket mayaman grabe kung umasta! Haysst.




"Lara,right?" tanong sa'kin nung isang babae nang mapansin ako sa loob ng CR.


"Oo. Bakit mo natanong?" sagot ko rito. Nagtataka kung bakit alam niya ang pangalan ko. Gaga! Kalat nga pala na ako ang nagpakalat ng issue tungkol kay Dragan. Nakakainis naman!



"Well...I'm Zamira. Ikaw 'yung sa coffee shop 'di ba? Anyways... I'm not going to hurt you I'm not like that don't worry." sabi pa nito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko ay fangirls 'to ni Dragan na gusto akong awayin dahil sa issue.


"I'm just concern about you." dagdag nito na siyang ipinagtaka ko.


"Concern? T-teka, bakit?" takang tanong ko rito. Ni-lock naman niya muna ang pinto bago bumalik sa harap ko mukhang seryoso ang sasabihin.



"You know how famous Dragan is in this school...And Maverick too. You're so close with them." sabi nito bago hinawakan ang kamay ko. " I'm worried about you. You know how many fangirls they have, and they're so toxic! They might harm you." dagdag pa nito. Dati ko pa naman naiisip ang tungkol do'n simula no'ng maging kaibigan ko si Mavs. Tapos dumagdag pa si Dragan.



"Salamat sa concern mo pero... Hindi naman siguro dadating sa gano'ng point. Matagal ko ng kaibigan si Mavs at wala naman akong na e-encounter na gano'n." totoo 'yun. Hindi ko nararanasan ang ma-bully dahil lang sa malapit ako kay Mavs.




"Mag-iingat ka lang,Lara. It's a warning. Hindi natin masasabi kung kailan sila gagawa ng 'di maganda sa'yo." sabi nito bago ngumiti sa'kin at tuluyan ng lumabas. Naiwan naman ako rito na nakatunganga. Iniisip kung may posibilidad nga ba na mangyari ang bagay na 'yon.


Napailing na lang naman ako sa naiisip na pwedeng mangyari kung magkakatotoo nga ang sinabi ni Zamira sa'kin. Hindi naman siguro mangyayari 'yon.


Nang makarating ako sa music room ay naghahanda na sila para sa last performance namin at duon na ko kakanta. Nakaayos na sa may stage ang mga instruments na gagamitin na'min at mag- start na raw 'yon mamayang 1:00 PM then after no'n ay pwede na magbukas ng booth.



"Lara okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Khaycee nang mapansin na masyado akong tahimik. Iniisip ko kasi ang sinabi ni Zamira. Bakit pa kasi ako pumunta sa cr?!



"Ah...Oo. Okay lang ako."sagot ko rito bago ngumiti sa kanya para makumbinsi ito.


"Sigurado ka,Lara? May masakit ba sa'yo? Pwede kaming magpalit ng vocalist kung hindi mo kaya mag-perform." sabat ni Kiro na nakikiusyoso na sa'min.



"Oo. Okay lang ako. Wala akong sakit. May iniisip lang ako." sagot ko naman para 'wag na mag-alala ang mga ito.



"Stand by na tayo." sabi ni AJ kaya pumwesto na kami sa may stage. Ngumiti naman ako kay Khaycee para hindi na 'to mag-alala pa sa'kin. But as long as I stood up infront. Napansin ko ang biglang pagbabago ng itsura ng mga estudyante.Especially girls. Juniors and seniors. Hindi ko naman na pinagtuonan ng pansin ang mga ito at inabala ang sarili ko sa pag te-test ng mic.




"As the continuation of our program. Let's give a round of applause to music club!" sabi ni Mavs na siyang emcee. Nag cheer pa ito sa'kin bago pumunta sa harap ng stage para doon ipagpatuloy ang pag c-cheer. Nag-umpisa naman na sila kaya sa tugtog ko na itinuon ang pansin ko.


"When I was young...I played for fun...Made up the words...Nobody heard...But now I see...All eyes on me...And suddenly...I'm in a dream." sa pagkanta ko ay biglang nagsipag-iritan sila Khayce mula sa gilid maging ang ibang officers at members ng music club. Ganoon din naman si Yam at si Mavs na Todo cheer sa unahan at nagtatatalon pa.

"Here I am...Being who I want...Giving what I got...Never a doubt now...Here I go...Burning like a spark...Light up the dark again." sa sobrang sigla ng banda sa likod ko ay 'di ko na napigilan pa na sumabay sa saliw ng musika. Wala na 'kong pakialam pa sa nasa harapan ko. Ipinagpatuloy ko lang ang pagsabay sa musika habang gumagawa ng galaw na babagay sa kanta. Nililibot ko rin ang bawat sulok ng stage na animoy nasa concert.


"There's a star that's right inside you...So come on and let it out...Find out what you're about and just shout..."Here I Am"" pagpapatuloy ko nakita ko kahit napapansin ko na hindi nae-entertain ang ibang mga juniors at seniors. Nakita ko rin sa harapan si Zamira na ngumiti sa'kin at nag thumbs up pa. Nagsasabing ayos ang ipinapakita ko.



"Here I go!...Burning like a spark...Light up the dark again...Again...Again...Again...Again and again and again and again...Here we go!" itinaas ko pa ang kamay ko nang maisigaw ko ang 'here we go'. Ngunit sa kabila ng pag-irit at kabi-kabilang cheer ng iba ay mas namuo ang pag 'boo' kasunod nuon ay ang sunod sunod na pagbabato sa'kin ng itlog dahilan para mapatalikod ako para hindi matamaan ang mukha ko.Kitang-kita ko kung paano nag panic sila Kiro para malapitan ako.



"All those students who did this will we reported." dinig kong sabi ni Mavs gamit ang microphone.


"Oh my gosh! Are you okay?!" nag-aalalang tanong sa'kin ni Zamira na nakatayo na sa harapan ko ngayon. Samantalang ang ibang members at officers ng club ay nasa likuran ko para tumigil na ang mga nambabato sa'kin.


"I told you! They might do this!" sabi pa ni Zamira na bakas ang pagkainis sa tono ng pananalita nito pero nakukuha pa rin kumalma.



"Lara. Let's go." sabi pa ni Mavs bago ako inakay paalis sa stage. Sila Kiro naman ay naiwan doon para ayusin ang gulong nangyari. Habang si Zamira naman ay sumama na rin sa'min.


"Lara!" sigaw ni Yam dala-dala na ang bag ko. Mukhang galing pa ito sa room namin para kunin ang jacket at bag ko na may extra shirt.



"Mavy stay here. Sasamahan lang namin siya sa CR para makapagpalit siya." sabi ni Zamira kay Mavs bago nila ako tuluyang samahan sa loob ng CR.



"Lara okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Yam habang iniaabot sa'kin ang damit ko.


"Okay lang." halos mapiyok kong sabi bago nagsimulang tumulo ang luha ko.


"Don't cry. Those students would be punished for what they've done." pagpapaamo pa ni Zamira sa'kin.



"She's right. Go and get change. Hintayin ka namin." sabi pa ni Yam bago ngumiti sa'kin. Pumasok naman ako sa isang cubicle at doon nagbihis. Nang makalabas ako ay dumiretso ako sa sink para basain ang buhok ko dahil nalagyan din ito ng itlog.


"Here. Good thing may shampoo rito because they allowing us na manligo rito. I'm pretty sure it's for athletes but used it." sabi ni Zamira. Nang makatapos ako ay kinuha ko sa bag ko ang face towel ko na para tuyuin ang buhok ko.



"Mavy just texted me. Nasa may music room daw siya dun na raw tayo dumiretso." sabi pa ni Yam kaya naman ng maayos ko ang sarili ko ay tahimik akong sumunod sa kanila papunta sa music room.


As we enter to it,everyone is staring at me. Worried. Napatungo naman ako ng maramdaman ko na naman ang nagbabadyang luha. Ngunit agad ding kumawala 'yon ng bigla akong yakapin ni Mavs.


"Lara..."iyon pa lang ang nasasabi nito pero lalo lang akong naiyak at napayapos din dito.



"Shh... Okay na... Ginagawan na ng paraan ng ibang student council. Don't worry." sabi pa nito sa'kin habang hinahaplos ang ulo ko.


"Nakakahiya..." sabi ko pa habang patuloy pa rin ang pag-iyak.


"No...You did your best. It was pretty smooth and great."sabi pa nito pilit pinapagaan ang loob ko. Kumalas naman ito sa pagkakayakap sa'kin para iharap sa kanya ang mukha ko. Tumungo naman ako para hindi nila makita ang itsura ko.



"You sang the song well. Sila ang may problema, okay? Hindi ikaw." pinunasan naman nito ang luha ko bago pinaupo.




"It's okay,Lara. Ang galing galing mo nga kanina! Para akong tumutugtog sa concert! Mga tanga lang nambato sa'yo ng itlog." sabi pa ni Kiro,pinapagaan ang loob ko.



"Oo nga,Lara. You did well. Sabi nga ni Mavy...hindi ikaw ang may kasalanan. Don't worry they will pay for they have done." sabi pa ni AJ.

Nang dahil sa nangyari hindi ko na alam kung may mukha pa ba 'kong ihaharap bukas sa pagpasok ko muli rito sa dati'y tinuturing kong payapa na lugar ngunit ngayon ay hindi na.


Ngunit akala ko ay dito na nagtapos ang lahat...hindi pa pala..



🌻
WORK OF FICTION




Continue Reading

You'll Also Like

751K 2.8K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
91.3K 324 13
As the title says
43.6K 2.7K 15
ุงู„ูƒุงุชุจู‡ : ุฑู†ุฏ ุงู„ุณุจูŠุนูŠโœ๐Ÿผ ุฑูˆุงูŠุชูŠ ุงู„ุงูˆู„ู‰ ุฃุชู…ู†ู‰ ุชุนุฌุจูƒู… ูˆุงุณุชู…ุชุนูˆ...
215K 10.3K 57
แ€„แ€šแ€บแ€„แ€šแ€บแ€€แ€แ€Šแ€บแ€ธแ€€ แ€›แ€„แ€บแ€ทแ€€แ€ปแ€€แ€บแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฑแ€ซแ€„แ€บแ€ธแ€†แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€กแ€™แ€ผแ€ฒแ€œแ€ฏแ€•แ€บแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€œแ€ฑแ€ธ แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธ แ€แ€ผแ€ฐแ€แ€ผแ€ฌแ€œแ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธแ€€ แ€•แ€ญแ€ฏแ€ธแ€Ÿแ€•แ€บแ€–แ€ผแ€ฐแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€แ€ถแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€™แ€œแ€ฑแ€ธ แ€”แ€ฑแ€แ€ผ...