Once Upon A Wish (COMPLETED)

By Shiiifu

381 22 9

Be careful what you wish for because you just might get it. ;) April 13, 2015 More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter six
Chapter Seven
Chapter Eight
Epilogue

Prologue

132 4 0
By Shiiifu

Ang simula ng lahat....

"Shot pa! please Jane, it's my birthday." sabi ni Erin.

"Okay okay." sabi ko sabay tawa.

Pagkatapos kong inumin ang laman ng baso na binigay sa akin ni Erin ay biglang tumunog ang phone ko. Pag-tingin ko si Ralph, boyfriend ko, tumatawag.

"Hello, san ka?" bungad nya agad sa akin.

"Babe, diba sabi ko naman sayo na pupunta ako sa birthday ng kaibigan ko, si Erin, remember?"

"Yeah, I remember Erin but ang di ko matandaan kung pinayagan ba kitang pumunta dyan? diba sinabi ko na sa'yo na wag kang pumunta dyan kasi alam ko na mag-iinuman lang kayo."

"Hello? babe? syempre mag-iinuman talaga kami, party 'to! tsaka ano ka ba naman, ang tanda tanda ko na para pagbawalan mo pa para pumunta sa mga ganitong party, daig mo pa sila mommy."

" I saw an instagram post of Erin and  there are  too many guys there."

"Ano ka ba naman Ralph, mga friends namin yun. Ano ba, wag ka namang KJ."

"Hindi ako nagiging KJ, iniisip lang kita. Pano pag nalasing ka, pano ka? baka bastusin ka ng mga lalaki dyan, umuwi ka na!"

"No Ralph, I'm not going home."

"Okay then, you leave me no choice. Pupuntahan kita dyan."

"Hindi mo pwedeng gawin 'to sa akin. Besides, hindi mo alam kung nasaan ako."

" I can and I know where you are. Remember the instagram post? may location na nakalagay."

"I hate you!" binabaan ko na sya ng phone.

Nakakainis sya! Bakit ba wala syang tiwala sa akin?! Bakit ba ganyan sya?! bakit sobrang nakakasakal na!

Inis na inis akong pumasok sa loob ng bar. 

"Oh anong nangyari? ba't ganyan mukha mo?" tanong sa akin ni Erin.

"Nakaka badtrip yung boyfriend ko." sagot ko.

"Si Ralph? why?"

"Umaatake na naman ang pagiging over protective and pagiging KJ. Kainis!"

"Nasasakal ka na? hiwalayan mo na." sabi ni Mark, isa sa mga friend namin.

"Sira ka ba? kahit pa nakakasakal hindi ko naman kayang hiwalayan yun, mahal na mahal ko yun, no." sagot ko.

"Edi magtiis ka." sagot ni Erin.

Hindi na ako sumagot at ininom ko na lang isang baso ng ewan ko ba kung ano 'to. Hindi ko na namalayan na nakarami na ako, nakaka adik naman kasi yung ininom ko, ang sarap. Medyo nakaramdam na ako ng pagkahilo at pagka antok.

"Jane... uy jane... jane!" yugyog sa akin ni Erin.

Medyo nakapikit na ako, tinatamad ako sumagot.

"Mmmh?"

"Si Ralph, nandyan!" 

Sa sobrang gulat ko napamulat at napabangon ako. 

"Nasaan?" tanong ko at itinuro naman ni Erin kung nasaan.

Paglingon ko sa direksyon kung nasaan si Ralph, sakto namang lumingon din sya sa akin. Patay.

Pumunta agad sya sa akin.

"Lets go." mahinahon nyang sabi.

"No."

"Jane, lets go."

Tumingin ako kay Erin at tumango na lang sya. Ano pa nga ba, edi sumama na ako kay Ralph kahit ayoko pa.

Nang makarating kami sa labas bigla akong sumuka. Nahihilo na kasi talaga ako. Agad naman akong inalalayan ni Ralph sa pagsuka.

"Yan na nga sinasabi ko, kaya ayoko kitang papuntahin sa mga ganito, malalasing ka lang tapos pag-gising mo bukas ng umaga, sasama pakiramdam m--"

"Pwede ba tama na!" pinunasan ko ang bibig ko bago magpatuloy ulit.

"Nakakasakal ka na...Alam mo ba sa ginagawa mo mawawalan ako ng kaibigan. Ano bang hindi mo maintindihan sa kaya ko naman ang sarili ko!"

"Nag-aalala lang ako sayo."

"Nag-aalala o wala ka lang tiwala sa akin? kasi alam mo, nakakasawa na. Nakakasakal na!"

"I'm sorry"

"Ganito na lang tayo palagi.  Sorry ka ng sorry, anong magagawa ng sorry mo? kahit minsan Ralph, bigayan mo naman ako ng oras para sa sarili ko!"

"Jane---"

"Uwi na ako." sabi ko.

"Hahatid kita."

"No! I can handle myself."

"Jane please--"

"No!"

Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagdrive na. Kahit nahihilo ako, kaya ko naman. Gusto ko na lang muna ng space. Baka sa sobrang sakal ko na kasi baka makapagdesisyon ako ng basta basta.

Madilim na ang daan, nahihilo pa ako kaya huminto muna ako para magpawala ng hilo. Aba ayos din 'tong nahintuan ko, kitang kita ang view ng city kaya lang medyo may mga kalat.

Napatingin ako sa isang parang vintage na telepono. Yung di ikot pa yung mga number. Kinuha ko, ang ganda, sayang naman 'to.

Nakaisip ako ng magandang idea. Gusto ko ng makakausap dito ko na lang sa telephone na 'to ilalabas lahat.

Itinapat ko sa tenga ko ang telepono at inimagine ko na may kausap ako sa kabilang linya.

"Alam mo mahal na mahal ko naman si Ralph, lagi nya akong napapasaya tsaka lahat ng perfect boyfriend material nasa kanya na. Lagi syang nandyan para sa akin, pag kailangan ko ng maiiyakan nandyan lang sya lagi at higit sa lahat mahal na mahal nya rin ako..." napahinto ako. naiiyak kasi ako.

"kaso, alam mo yun... nakakasakal na sya. Minsan kahit alam kong concern lang sya parang ang lumalabas na wala syang tiwala sa akin. Lagi nya akong pinagbabawalan lalo na kapag di ko sya kasama sa pupuntahan ko. Parang yung mundo nya sa akin nya lang pinapaikot, parang gusto nya kami lang sa mundo..."

"Sana... makalimutan nya naman ako, sana kahit papaano bigyan nya naman ako ng chance na mabuhay para sa sarili ko, sana makalimutan nya muna ako. Pero alam ko naman na hindi mangyayari yun. Kasi baka sa pagwish ko ng konting space hindi nya pa mapagbigayan..."

Binaba ko na ang telepono. Nagulat na lang ako ng biglang umilaw ang telepono. Anong nangyayari? Mas lalong tumingkad pa ang ilaw. Maya maya'y biglang nag-ring ang telephone.

Sinagot ko. "he-hello?" 

"Your wish is my command..." sabi ng nasa kabilang linya.

what? binitawan ko ang telepono sa sobrang takot na may nagsalita sa kabilang linya.  Agad akong sumakay ng kotse at umalis na.

Your wish is my command? joke ba yun.

ONCE UPON A WISH

Continue Reading

You'll Also Like

119K 3K 28
GXG
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."