FLS #5: Felixir Gatcheco

By kidsshudnotwrite

12.3K 340 105

There is only one word to describe Felix's love, mad. Madness to the point of grooming Luisa San Diego to liv... More

i. announcement(s)
ii. fls #5: felixir gatcheco
iii. prologue
Chapter 01: Middle Child Syndrome
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07

Chapter 08

977 33 21
By kidsshudnotwrite

Chapter 08: Sundae

▰▰▰▰▰▰▰▰

/felixir/

Graduation namin.

"Congratulations!" nakangiting bati ni Luis sabay kuha ng bottled water mula sa ice chest na kanyang bitbit. "Mag-aral kang mabuti sa senior high ah."

Ngumiti nang tipid ang babaeng nakasuot ng puting toga saka nag-abot ng bente pesos. Sinuklian naman siya ni Luis ng limang tigpipiso at muling nagpasalamat. Inalis ko ang tingin sa estudyanteng bumili ng tubig ni Luis at inilipat sa mga nakapila sa gilid ng gym, naghihintay ng oras nila para magmartsa papunta sa stage.

Graduation namin pero ibang graduation ceremony ang pinuntahan ko.

I sighed then scratched my head and then sighed again. Gusto ko ring magmartsa.

I was about to sigh for the third time when a hand landed on my right arm. I flinched and then glanced irritatedly at Luis.

"Ngumiti ka nga! Graduation ng mga bata tapos ikaw, mukhang nagluluksa." Kumagat siya sa lumpiang togeng pina-plastic ni Lola para sa kanya nang sunduin niya ako sa bahay.

"Puyat lang ako," pagdadahilan ko.

Last night, Kevin and Travis called to congratulate me. I was actually waiting for one of my family members to greet me too but no one bothered.

"Inaantok ka pa pala, bakit sumama ka pa sa akin?"

Humikab ako saka muling lumingon kay Luis. It's a good thing na kahit papaano ay matino na siyang kausap hindi katulad nang una kaming magkita.

"Sabi mo sasamahan mo akong gumala kapag naubos mo ʼyang paninda mo."

Any day from now, isa-isa nang magsisipag-uwi ang mga representative ng mga kapatid ni Daddy. I doubt I can live as freely as I can now once they arrive. They'll probably drag everyone in this so-called competition of them.

Bakit ba kasi sila mag-aaway away sa mana? Buhay pa naman sina Lolo at Lola.

"Saan mo ba gustong pumunta?" kunwari ay napipilitang tanong ni Luis habang binibilang ang mga bottled water sa ice chest.

Last Sunday, after confirming from Lolo that I won the favor of my wish being granted, inaya ko si Luis na samahan ako sa mall para makabili ng damit. I have to admit, Luis' taste is really hardcore. Pinapili ko siya ng para sa kanya at ang dinampot niya ay black shirt na may green print ng kamay na naka-middle finger.

Dumaan din naman ako sa rebellious phase pero hindi ko pinakita sa damit ko.

"Ano pa bang magandang pasyalan dito?"

"Simbahan?" patanong na aniya na tila hindi pa sigurado. "Kilala ang Sariaga sa malalaking simbahan na nakatayo rito. Baka gusto mong isa-isahin."

"Ngayon habang ganyan ang suot mo?" Tinuro ko ang damit niyang pinili noong Linggo. "Nasa school ka pa tapos ganyan ang suot mo. Ikaw pa ang may ganang magsabi sa bata na mag-aral nang mabuti."

His forehead twitched. Dahan-dahan niyang tiningnan ang suot na damit at panadaliang naestatwa sa kinatatayuan niya. Pinuproseso pa yata niya sa kanyang utak ang katangahang nagawa.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin!" pabulong ngunit mariing pangkukwestiyon niya.

I chuckled then rested my chin on my fist. Hindi man gaano kahalata sa malayuan dahil sa moreno niyang balat ngunit kitang-kita sa pwesto ko ang pamumula ng kanyang tainga. "Malay ko bang sa school at graduation pa ang pupuntahan mo."

Malikot ang kanyang mga matang palingon-lingon sa paligid. He must have realized that wasn't a shy smile from the little girl but an awkward one. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo saka muling bumaling sa akin.

"Kasalanan mo 'to!" Luis exclaimed as he threw the plastic which was used to wrap his lumpia. Natatawa ko naman itong sinalo at tinapon sa basurahan na malapit sa akin. He's quick to get his temper work up.

"Bakit parang kasalanan ko pa?" I asked while clutching my chest to tease him.

"Sabi mo noong binili natin, bagay sa akin. Kaya sinuot ko ngayon."

I lied.

Hindi talaga bagay sa kanya pero tuwang-tuwa siya sa ganoong design ng damit kaya hindi ko na pinakialaman ang desisyon niyang bilhin. Ako naman ang nag-offer ng libre. .

"Ilang piraso na lang ba ʼyan?" I asked pointing at his products. Ilang araw na siyang nagbebenta ng tubig pero hindi pa rin niya nauubos ang paninda.

"Trenta pa." He sighed and the scratching of his head became fiercer. Is he in dire need of money?

"Bilhin ko na lang lahat para masamahan mo na akong gumala?"

"Ayoko!" walang pagdadalawang-isip na pagtutol ni Luis. Sinamaan niya pa ako ng tingin. Itinutok pa niya sa akin bilang panakot ang bottled water na naka-display.

I figured out he'd reject my offer. He's the type to avoid getting favors from the others. If he accepts one, he's sure to return it. I noticed it with the menstrual stain incident. He didn't just gave me a perfunctory gift but rather something valuable. He risked being outcast again by his peers.

"Lipat tayo ng pwesto." Tumayo ako saka pinagpag ang damit. Hindi siya gumalaw kaya inabot ko ang tali ng ice chest. "Dito mo ba gustong magtinda?"

He shook his head. Tumayo na rin siya ngunit halata sa mga mata niyang gusto niyang dito magtinda. Pabalik-balik ang tingin niya sa mga estudyanteng nagpi-picture-picture.

"We can stay and try to-"

"Tara na! Sa terminal na lang tayo magbenta," pagputol niya sa sinasabi ko.

Inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa tali ng chest. Isinukbit niya ito sa patpatin niyang braso. Kung hindi ko nakita kung paano nanginig ang balikat niya, aakalain kong kayang-kaya ng kanyang katawan ang pagbubuhat.

Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya dahilan upang mapahinto rin siya sa paglalakad. Walang sabi-sabing kinuha ko ang ice chest at sa balikat ko isinabit. Nagpumiglas pa siya ngunit wala rin siyang nagawa nang hawakan ko ang ulo niya upang pigilan siyang gumalaw.

"Ako na nga sabi." Inalis ko ang pagkakahawak ko sa kanyang ulo. "Mamaya sabihin ng mga nakakakita ay inaabuso kita."

"Mamaya mga nakakakilala naman sa akin ang magsabi na inaabuso ko ang amo ko," sagot niya ikinatigil namin pareho. It sounded so wrong to me actually. It was as if he drew the line between us and he had forgotten how he promised to be friends with me.

"Akala ko ba magkaibigan tayo?" Hindi siya sumagot. He might have realized his statement was wrong.

"Malapit lang ba dito ang college?" pag-iiba ko ng usapan.

"Isang tricycle lang mula rito," sagot ni Luis habang sabay kaming naglalakad palayo sa gymnasium.

▰▰▰▰ღ▰▰▰▰

Naubos ang paninda ni Luis, salamat sa akin.

I suggested na sa college school kami tumambay para magbenta. Sakto namang walang official cafeteria ang loob ng Sariaga State University at lahat ng nasa loob ay puro stalls lang. Kakilala ni Luis ang guard sa gate 2, malapit sa pwesto ng mga stalls kaya nakapasok kami at doon inilatag ang kanyang paninda.

Iyong isang stall din na may panindang bottled water ay binarkada ko para hindi magalit kasi aagawin namin ang mga customer niya. Ngunit kahit dumami ang tao ay wala pa ring lumalapit kay Luis. He's easy to spot especially with his disco ball hair highlights.

As a good friend, nagpresenta akong ako na ang magbenta. I don't know what charms I have but soon, students started to flock around us.

Ngayon, sinusuklian ni Luis ang huling customer namin.

"Ngayon ko lang kayo nakita rito. High school? Bakasyon?" tanong ng babaeng tindera rin dito matapos makuha ang sukli mula kay Luis.

"Grade twelve po." Itinuro ko si Luis. "Grade eleven siya."

"Naabutan ng K-12," tatango-tangong aniya saka muling lumagok ng tubig. "Kailan graduation mo?"

"Ngayon po." I gave her a careless smile. It could mask off my real feelings and give off that 'I couldn't care less' atmosphere.

Hindi na pinagpatuloy ng ginang ang usapan. Nagpaalam na siya kaya nagpasalamat ako at sinegundahan din ni Luis

"Kailangan na kailangan mo ba ng pera?" tanong ko nang makaalis na ang babae. Hindi ko na natiis na hindi tanungin.

Binitbit niya ang ice chest saka nagsimulang maglakad bago lumingon sa akin para sagutin ang tanong ko.

"Kailangan ni Tatay bukas," sagot niya habang binibilang ang kinita niya ngayong araw.

"Magkano na ang naipon mo?" tanong ko ulit. This time, I just wanted to talk to him.

"500. Kasya na siguro ito para makabili ng regalo si tatay para kay Isadora."

"Sino si Isadora? Nililigawan ng Lolo mo?"

"Tanga! Apo ni Tatay! Pinsan ko! Debut niya sa Biyernes at gustong dumalo ni tatay kaso wala siyang pambili ng regalo."

I shuddered hearing the word 'debut'. Nagka-trauma na yata ako.

"Alam mo, noong isang araw, sobrang laki ng ngiti ni Tatay habang nagkukwento si Ka Orly ng tungkol sa debut ng anak niya. May sayawan pa nga raw na naganap. Gusto rin ni Tatay na isayaw si Isadora."

Kumikinang ang mga mata niya habang nagkukwento. Parang siya pa ang mas excited kaysa sa lolo niya. A smile masking my self-mockery formed on my lips. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko. His age, I was busy boasting about my guidance records trying to gain some attention from my parents.

"Anong bibilhin mong regalo?"

Sa pagkakaalam ko ay empleyado rin sa plantasyon ang lolo nila. He should have asked Lolo for any work that pays better than that of 500. I'm sure Lolo would gladly provide money and to some extent send a gift too.

"Damit na lang siguro. May nakita akong magandang bestida sa palengke noong isang araw."

"Huwag kang bibili ng damit! Maawa ka sa pinsan mo," payo ko habang pinipilit na huwag tawanan ang taste niya sa damit.

"Maganda naman ʼyung napili ko! Madami ngang tumitingin doon," pagdipensa niya sa damit. "Buti nga napakiusapan ko ʼyung tindera na huwag munang ibenta hanggang ngayon."

"Oo na. Oo na. Bilisan mong maglakad baka may makauna pa sa magandang bestida mo." I encircled my arms around his neck and jokingly drag him outside the gate.

Pinipilit niyang alisin ang braso ko ngunit hindi ako pumalag. Sa huli ay kinagat niya ito kaya wala akong choice kung hindi pakawalan siya.

"Saglit lang kasi sabi," inis na asik ng bata. Ginulo ko lang ang buhok niya bilang sagot. "Punta tayong Jabilee. Libre ko."

"Anong gagawin natin doon?"

"Boplaks, kakain malamang," Luis chided giving me another- mag-isip ka nga-look. Saka ko lang din na-realize ang walang kwentang tanong ko.

"I mean, bakit sa Jabilee? Kung libre mo, sa fishball-an na lang tayo. Kung gusto mo talaga sa Jabilee, ako na ang manlilibre."

"Ako ang manlilibre! Graduation mo ʼdi ba? Tuwing graduation namin ni ate dinadala kami ni tatay sa Jabilee."

"Malaki na ako."

"Edi sa McGo." Inis niyang hinawakan ang pulsuhan ko. "Huwag ka ng maraming dada para kang babae eh."

With that, he won. He bought me a sundae. Saka na raw iyong chicken and rice kapag nakabenta siya ulit ng tubig.

▰▰▰▰▰▰▰▰

I changed the fastfoods' names pero halata naman siguro kung ano ang tinutukoy ko haha. Anyway, I'm back. Balik ulit sa regular schedule na once a week and kung papayagan ay dalawang beses.

Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

861K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...