BHO CAMP #4: The Retribution

By MsButterfly

3M 72.3K 5.6K

I'm Serenity Hunt. A simple woman with a simple life. Or that is what I'm trying to show everyone. Maayos na... More

BHO CAMP #4: The Retribution
CHAPTER 1 ~ Serenity ~
CHAPTER 3 ~ Kiss ~
CHAPTER 4 ~ Forever ~
CHAPTER 5 ~ Visit ~
CHAPTER 6 ~ Detective ~
CHAPTER 7 ~ Game Time ~
CHAPTER 8 ~ Unravel ~
CHAPTER 9 ~ Fifth ~
CHAPTER 10 ~ Storm ~
CHAPTER 11 ~ Ale ~
CHAPTER 12 ~ Code ~
CHAPTER 13 ~ Yat Yat and Mi Mi ~
CHAPTER 14 ~ Beauty ~
CHAPTER 15 ~ Fiancé ~
CHAPTER 16 ~ Warning ~
CHAPTER 17 ~ Tears ~
CHAPTER 18 ~ Start ~
CHAPTER 19 ~ XX ~
CHAPTER 20 ~ Promise ~
CHAPTER 21 ~ Call ~
CHAPTER 22 ~ Face ~
CHAPTER 23 ~ Failure ~
CHAPTER 24 ~ End ~
CHAPTER 25 ~ Through The Years ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Up Next

CHAPTER 2 ~ Supladong Alien ~

104K 2.5K 194
By MsButterfly

CHAPTER 2

STORM'S POV

Patakbong tinungo ko ang living room. Napangiti ako ng makita ko si Waine na tumayo sa pagkakaupo niya sa sofa at nginitian ako. Nang makalapit ako sa kaniya ay kaagad niya akong niyakap. "Long time no see, Serenity."

"Ikaw kasi eh. Ang tagal mong hindi nagpakita." sabi ko sa kaniya pagkaupo namin.

"May inayos lang ako na importanteng bagay."

"Anong importanteng bagay?" Imbis na sumagot ay nanatili siyang nakatingin sa akin na para bang may malalim siyang iniisip. Nagtatakang tinaasan ko siya ng kilay. "Waine?"

"We talked about you."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Me?"

"Yes. You." Bumuka ang bibig ko para magsalita pero naunahan na niya ako. "Do you remember anything else besides you in a car crash?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabilis na nag-iwas ako ng tingin at inabot ko ang baso ng juice na nasa mesita. Uminom ako at hindi agad nagsalita.

"W-Wala. Ano pa ba ang kailangan kong alalahanin?"

"Storm."

"Don't call me that."

Agad na pinagsisihan ko ang nasabi ko. Ibinaba ko sa mesita ang baso ng makita ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Waine. "May naaalala ka na nga."

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo."

"Gaano na karami ang naaalala mo? O nagbalik na sa iyo lahat?"

"Stop."

"Do you remember them? Your friends, your family-"

Napatigil si Waine sa pagsasalita ng mahigpit kong hinawakan ang pulsuhan niya. Kung nasasaktan man siya ay hindi ko malalaman dahil wala siyang pinakita na kahit na anong emosyon sa ginawi ko. "Stop."

"Why?" he whispered.

"I don't want to remember."

"But you do."

Umiling ako at hininaan ko pa ang boses ko upang makasiguro na siya lang ang nakakarinig. "Hindi lahat."

"What do you mean?"

"I can't remember where I came from, who my family are, kung sino ka at si Matilda sa buhay ko. Wala akong naaalala maliban sa kung ano ang ginawa sa akin ni Wyatt Claw. His name is planted in my brain. I can't forget his face, his voice, I can't forget what he did to me."

"Storm-"

"No!" I shook my head vigorously. "D-Don't call me that. That's not who I am now."

"Hindi mo maaaring baguhin kung ano ka."

Binitawan ko ang kamay niya na hawak ko pa rin at sinalubong ko ang tingin niya. "Life gave me a chance, Waine. I'm taking it."

"This is not your life."

"It is."

Hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit sa kaniya para bumulong. "Listen to me, Storm. This life...I let you borrow it to keep you safe. No one will look for you here. Hindi nila magagawang isipin ang lugar na ito dahil wala silang dahilan pa para tumingin dito. They already took what they needed here. But you can't hide here forever. Akala mo may bagong buhay ka na? Akala mo ligtas ka na? My mother thought so too and now she's dead."

"Hindi ako nagtatago."

He chuckled darkly. "And what are you doing? Alam mo na may mali. Alam mong hindi ikaw si Serenity."

"I am Serenity."

"You're not-"

"Maybe I'm not. " I said, cutting him off. "But I won't go back to who I am before. I am no one, Waine. Maybe...I don't want to be anyone."

"Then if you want to forget everything then do so. Kalimutan mo ang lahat-lahat. Lahat ng pinagdaanan mo at lahat ng tao sa buhay mo. Kalimutan mo na lahat."

"I am doing that-"

"Forget about revenge. Stop what you are doing."

Binalot ako ng lamig sa sinabi niya. "A-Anong...anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Itigil mo ang ginagawa mo kung gusto mo na ng tahimik na buhay. I don't know how long your new identity can keep you safe but if you want to...if you really want to have another life then I will die trying to let you have it. Just stop."

"Waine..."

"You're threading a dangerous ground."

Namayani ang katahimikan sa paligid namin. He knows something. He knows what I've been hiding. Kung paano niya nalaman hindi ko alam.

What I told him was the truth. I don't remember anything from my past but sometimes I get flickers. But I do know what Wyatt Claw did to me. And abilities...everything I can do before, I can still remember them. But I don't consider it mine. I consider it as a borrowed thing. Hinihiram ko ang isang bagay na naging parte ng pagkatao ko. Patuloy kong hihiramin hanggang sa matapos na ang lahat.

I'm borrowing a part of her life. Making Serenity live a double life. Until I will no longer need to share what is hers. I just need to be patient. Dadating ang panahon na magagawa kong bumuo ng sarili kong identidad at kalimutan na ang lahat ng meron ako sa nakaraan. Including Serenity.

"I hope you know what you're doing."

"Waine-"

"Think about it. Itigil mo ang lahat ng ginagawa mo at gagawin ko lahat para lang hindi na mawala sa'yo ang buhay na gusto mo na malaya sa nakaraan."

"Wala akong ginagawa, Waine. Hindi nga ako makaalis dito, ano namang gagawin ko?"

Hindi siya sumagot at sa halip ay tumayo na lang siya. Tahimik na tumayo na rin ako at kinuha ang mga pantabing ko sa mukha ko bago ko siya sinamahan hanggang makalabas kami ng gate patungo sa pinaradahan niya ng kotse. Wala pa ring umiimik sa amin hanggang makasakay na siya.

Ibinaba niya ang bintana at pilit akong nginitian. "Be safe."

"You too."

Nanatiling nakatingin lamang ako sa sasakyan niya ng pasibadin niya iyon paalis. Humugot ako ng malalim na hininga ng mawala na ang sasakyan niya sa paningin ko. I'm sorry, Waine. But I cannot stop. Someday...I want to have a life where I don't need to feel this way. Kung saan wala ng sakit at wala ng paghihirap.

Wala ng galit. But I cannot have that. Not yet.

"Hoy."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko doon ang kapit-bahay ko na alien. Karga-karga niya ang anak niya na titig na titig sa akin. "Hoy ka rin."

"Bakit ba laging may nakatakip diyan sa mukha mo?"

"Bakit ba gusto mong malaman?" masungit na tanong ko sa kaniya.

"Nagtataka lang ako. Nakilala ko kasi ang Mama mo at ang sabi niya, sinigang na baboy ang ulam niyo."

Lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Alam mo hindi ka lang pakielamero, alien ka pa. Anong kinalaman ng balabal ko sa ulam namin? Magiging manok ba ang baboy kapag inalis ko ito?"

The man rolled his eyes. "What I meant is you're not a Muslim."

"No I am not."

"Kung ganon bakit ka nakabalabal lagi?"

Hinapit ko lalo ang balabal sa mukha ko. Kabilin-bilinan iyon ni mama at papa at wala akong planong sumuway. Kahit iyon man lang hindi ko suwayin. "Wala ka na do'n."

"Siguro takas ka no?"

Napasinghap ko. The nerve! "Hindi ako takas sa presinto!"

"Wala naman akong sinabi."

"Anong wala-"

"Takas sa mental ang dapat na sasabihin ko."

Naningkit ang mga mata ko sa galit sa sinabi niya. Wala pa akong nakilalang tao na kasing bastos niya. At anong klase ng tao ang ganito makipag-usap sa taong isang beses niya pa lang nakilala? "Wala ka talagang manners!"

Bago pa siya makapagsalita ay pumalahaw ng iyak ang batang karga niya. Umangat ang mga kamay ng bata sa direksyon ko na namumula na ang mukha sa pag-iyak.

Nawala ang kasupladuhan ng lalaki at lumambot ang ekspresyon niya habang pinatatahan niya ang anak niya. "Shh, baby. Sorry na. 'Wag kang mag-alala ilalayo na kita sa maingay na babae na iyan, ha?"

Aba't! Sino kaya ang una sa aming dalawa? "Umalis na nga kayo sa harapan ko. Patahanin mo na ang baby mo na umiiyak siguro dahil sa sobrang kaweirduhan mo."

"Umiiyak siya dahil maingay ka."

"Ako ba ang may kasalanan eh ikaw itong bastos? Bakit ba nandito ka sa tapat ng bahay namin? Magnanakaw ka no?"

"Na may dalang bata?"

Sinimangutan ko siya. "Malay ko ba sa mga bagong modus ngayon."

"Nandito lang ako para bumili ng kape."

Umabot na ata sa China ang kilay ko sa sinabi niya. Kung ano-ano pang sinabi biibili lang pala ng kape. "At bakit sa amin? Bumili ka sa tindahan kung gusto mo."

Tinignan niya ako na para bang chinecheck niya ako kung nasa tama pa ba akong pag-iisip. "Kape ang negosyo ninyo di ba? Iyon ang sabi ng nanay mo at sinabi niya rin sa akin na kapag gusto ko pumunta lang ako sa inyo. Nakadrugs ka ba?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong sigawan siya. Nang sa tingin ko ay kalmado na ako ay muli akong nagsalita. "Hindi. Ganito lang talaga ako makipag-usap sa alien na pakielamero."

"Hoy!"

"Hoy ka din!"

"Pabili ng kape!"

Nilingon ko siya at tinignan ng masama. Inirapan ko siya pagkatapos at nagpatuloy na sa pagpasok. "Sumunod ka."

Nang makapasok kami sa gate ay nilingon ko ang guard na napapangiti. "Kuya Nato papasukin niyo po ang lalaking iyan. Alam kong hindi siya mukhang tao at hindi din katiwatiwala ang itsura niya pero bibili lang talaga siya ng kape."

"Yes, Ma'am."

Naramdaman ko na nakasunod sa akin ang lalaki. Nang makapasok kami ay muling nagsalita ang lalaki. "Anong ibig mong sabihin na hindi ako katiwa-tiwala?"

"Mukha kang magnanakaw." sagot ko.

"Wow. Nagsalita ang hindi mukhang kakaiba."

Hindi ko na siya sinagot at nagdadabog na tinungo ko ang kusina. May kinuha ako sa counter at ibinato ko iyon sa lalake na nasalo naman niya. "O, ayan. Masaya ka na?"

"Hindi pa."

Ibinaba niya ang anak niya sa gitnang kitchen island at kinausap iyon saglit. Kahit na batang-bata pa ay mukhang nakakaintindi naman ang bata at nakasemi indian sit lang na umupo roon.

Napaatras ako ng humakbang palapit sa akin ang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang matigas na counter sa likod ko. "A-Anong ginagawa mo?"

Imbis na sumagot ay nagpatuloy lang siya. Nang halos ilang pulgada na lang ang layo niya sa akin sa pagkagulat ko ay bigla niya akong hinawi sa isang tabi at nagsimula na siyang magtingin sa mga kape na nakapatong sa counter.

"Haharang-harang." bumubulong na sabi niya. "Ako ang pipili at baka expired pa ang ibigay mo sa akin."

"Bastos!" sigaw ko.

Marahil nagulat sa sigaw ko ay pumalahaw na naman ng iyak ang bata. Akmang lalapitan ng lalaki ang anak niya pero pinigilan ko siya. "Ako na at ng matapos ka na diyan para makalayas ka na sa paningin ko."

"Hindi mo mapapatahan si Ale."

"Yeah right. He's just a baby." Itinuro ko ang mga kape. "Simulan mo na o umalis na lang kayo. Pinaiinit mo na talaga ang ulo ko."

Binigyan ako ng matalim na tingin ng lalaki bago ibinalik ang tingin sa mga kape. Nilapitan ko naman ang bata at pinindot ko gamit ng hintuturo ko ang pisngi niya. "Shh. Ang ingay mo."

Sa pagkagulat ko ay huminto ang pag-iyak ng bata at animo napako ang tingin sa akin. Nilingon ko ang lalaki na napatigil din sa ginagawa at halata ang pagkagulat sa mga mata na nakatingin sa amin ngayon ng anak niya. "What? Bilisan mo nga diyan."

"Whatever."

Ibinalik ko ang mga mata ko sa bata. Napayuko ako ng umangat ang kamay niya at hinila ang dulo ng balabal ko. Maagap na hinawakan ko ang balabal pero bahagya ng natanggal ang pagkakatakip non.

"Ma...?"

Napadiretso ako sa pagkagulat sa sinabi ng nakabungisngis na ngayon na bata. Hindi ko alam kung bakit pero animo may tumarak sa puso ko sa munting salita na iyon. Inipit ko ang balabal para matakpan ang mukha ko at nilingon ang lalaki na ngayon ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin.

"W-What did he just say?" he asked.

"Hindi...hindi ko alam kung bakit niya ako tinawag na gano'n-"

"It's his first word." he keep whispering. "He's premature and he went through a lot of trauma. That's why he can't walk without guidance and he still can't speak yet."

Pain crossed the man's face as he looked at his son. Tahimik na kinarga niya ang bata at may ibinaba sa kitchen island. "Bayad sa kape."

Pagkasabi niyon ay walang salitang lumabas ng kusina ang lalaki. Sinundan ko ng tingin ang mag-ama. I don't know why I'm feeling like this.Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko sa sobra-sobrang emosyon.

Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

HUMALIK ako sa pisngi ni Mama at Papa na kasalukuyang nakaupo sa sofa at nanonood ng paborito nilang palabas tuwing gabi.

"Matutulog na po ako."

"Good night, iha." sabi sa akin ni mama habang ang ama ko naman na nakatutok ang atensyon sa pinapanood ay tumango na lang.

Tahimik na umakyat na ako ng hagdanan pero imbis na tumuloy sa kwarto ay nagtungo ako sa attic. Nang makarating roon ay kinuha ko sa bulsa ko ang susi at walang-ingay na binuksan ko ang pintuan.

Malinis ang attic dahil matagal ko na iyong pinalinis sa mga kawaksi. Sinabi ko din kaila Mama at Papa na kung pwede ay ako na lang ang gagamit ng attic. Pumayag naman sila at hindi na nagtanong pa kung anong gagawin ko roon.

Isinarado ko ang pintuan pagkapasok. Dumiretso ako sa lamesa sa isang sulok at umupo ako sa upuan roon. Iniangat ko ang ibabaw ng lamesa at kinuha ko ang maliit na metal case na nasa loob. I put the combination and the case opened.

I tiny smile curved my lips as I touched the knife inside. It's mine. My very special knife, Reaper. Maliit lang iyon pero may buton na maaaring pindutin kapag nagawa ng isaksak sa katawan ng tao na siyang magiging dahilan para lumabas ang mga blade na nakakabit doon. Once turned, it can cause massive damage inside the body but less mess outside it.

With one swift movement I threw it. The knife sticking into a picture near the door. Lumapit ako roon para hugutin ang kutsilyo at binasa ang pangalan sa baba ng larawan.

"You're next."

Continue Reading

You'll Also Like

502K 11.1K 26
Warning: R 16+ | spg TW: AGE GAP Vasiliadis Series: A 38 years old man and an 18 years old girl? Lucifer Maximus Vasiliadis will do everything just t...
974K 19.5K 9
I'm Denaley Brel Siyreen Montevedre, ang dyosa na nakalaan lamang para kay Rushmore Chandler. Kailangan iyon makita ng binata. Na sa isang Den Montev...
170K 6.7K 59
The world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost pho...
56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...