Our Brightest Tomorrow

Oleh BLACK_OF_ACE

160 15 2

She is a simple teenager whose only desire is a good future. But in an unexpected turn of events she will be... Lebih Banyak

PROLOGUE
CHPTR 01
CHPTR 02
CHPTR 04
CHPTR 05
CHPTR 06
CHPTR 07

CHPTR 03

11 1 0
Oleh BLACK_OF_ACE

"Masama ba tumulong?"halos naiiyak kong tanong kila kuya. Nasa daan kami ngayon patuloy na naglalakad at mga 'di alam kung saan pupunta. Hindi naman kami pwedeng isama ni kuya Larry sa Cavite dahil masyadong malayo. Kaya hanggat wala kaming nakikitang pwedeng upahan ay hindi niya kami iniiwan ni kuya Enzo.



"Hindi masamang tumulong,Lala. Sumobra lang tayo sa pagtulong kaya natapakan na natin ang moralidad ni papa. 'Di ba siya ang dapat na nagtataguyod sa'tin? Pero imbes na gano'n ang mangyari ay tayo ang nagtataguyod sa sarili na'tin. Tumutulong tayo para matugunan ang mga pangangailangan natin." paliwanag ni kuya Larry. Hindi ko alam kung ano ba ang paniniwalaan ko. Kung ang pagtulong ay nakabubuti o hindi. Dahil iba naman ang ipinakita sa amin ni papa. Malayong malayo sa inaasahan ko.



"Kasalanan din naman natin eh. 'Wag ka mag-alala,lilipas din ang galit sa'tin ni papa." sabi pa ni kuya Enzo at nakangiting ginulo ang buhok ko. Pagod na pagod na 'ko.




Malapit na mag alas 10. Patuloy pa rin kami sa paghanap ng matutuluyan. Walang kasiguraduhan kung makakapasok kami ni kuya Enzo bukas dahil sa sitwasyon namin ngayon. Sumasakit na rin ang paa ko sa kalalakad. Wala pa akong pahinga mula kanina dahil galing pa ko sa trabaho. Nang mapansin ni kuya Larry na nahihirapan na 'ko maglakad dahil sa gamit ko ay kinuha niya ito para siya na ang magbuhat. Ngumiti lang ito sa akin na para bang wala kami sa ganitong klase ng sitwasyon.



Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay biglang may tumigil na titanium grey na kotse. Nagulat pa ako ng bigla itong bumusina. Senyales na tumigil kami sa paglalakad. Kaagad namang humarang sa'ming dalawa ni kuya Enzo si kuya Larry na para bang handang handa na kaming protektahan sa kung ano mang pwedeng mangyari.





"Lara? Ikaw ba 'yan?" dinig kong tanong ng isang pamilyar na boses. Sumilip ako mula sa likod ni kuya at nakita ko si Mavs na sinisilip ako sa likod nila kuya.



"Sino ka?" tanong ni kuya Larry dito.



"Ah. Ako po si Maverick. Kaibigan po ni Lara." kaswal na pagpapakilala ni Mavs kay kuya.



"Lala,totoo ba sinasabi nito?" tanong naman ni kuya Enzo habang tinuturo si Mavs. Iritang hinawi ko pababa ang kamay nito na nakaduro kay Mavs.



"Oo. Kaibigan ko sa school. Roommate ko rin." sagot ko. Pero sa totoo lang ay nakakahiya na nakita niya kami sa ganitong kalagayan.




"Bakit kayo nasa tabing kalsada ng ganitong oras?May mga bag pa kayong dala." tanong naman ni Mavs. Hinila ko ito palayo ng konti kila kuya para ipaliwanag kung anong nangyari.




"Akala ko naman ay na- kidnapped ka na. Anong lagay niyo niyan ngayon? San kayo pupunta?" tanong nito sa'kin nag-aalala sa kalagayan namin.




"Hindi ko nga alam eh. Hindi naman kami pwedeng sumama kay kuya Larry sa Cavite." sagot ko. Wala na rin akong alam na pwede naming tuluyan.



"I can help." sabi pa nito na ikinagulat ko.


"Hindi na Mavs nakakahiya naman sa'yo." sabi ko rito at tinatanggihan na agad ang alok niya kahit wala pa.




"Lara. Just let me help. Okay? Konsensya ko pa kapag may nangyaring hindi maganda sa inyo,lalo na sayo." wala na akong nagawa kundi pumayag na tulungan ni Mavs. Dinala niya kami sa unit niya para doon magpalipas ng gabi. Hindi naman na naka-angal pa si Mavs dahil si kuya Larry na ang nagsabi. Habang nasa school kami bukas ay hahanap siya ng murang apartment para sa'min ni kuya Enzo.



"Salamat Mavs ha." pagpapasalamat ko kay Mavy. Kung hindi dahil sa kanya baka sa tabing kalsada na kami magpalipas ng gabi.




"Anything,Lara. Malakas ka sa'kin 'di ba?" sabi pa nito bago ginulo ang buhok ko na natatawa pa. Hindi ko tuloy malaman kung sincere ba siya sa sinabi niya o ano.




"Kung ako nga lang ang tatanungin ay pwede kayo rito mag stay ng kuya Enzo mo. Kaso natakot ako sa kuya Larry mo. Ang laki masyado! Maskulado pa. Baka pag hindi ako pumayag ay nakaburol na 'ko bukas." pagbibiro pa nito dahilan para pareho kaming matawa. Sa lahat talaga ng sitwasyon nakukuha niya pa rin magpatawa.



"Sira ka. Sige na. Matutulog na 'ko. Salamat." sabi ko pa bago pumasok sa isa pang guestroom. Nasa kabilang guestroom sila kuya kaya solo ang kwarto. Nahirapan pa nga ako makatulog dahil hindi ako sanay sa sobrang lambot na kama.




Kaya naman kinabukasan muntikan na kaming malate ni Mavs. Hinatid pa kasi nito si kuya Enzo sa pinapasukan niyang school. Si kuya Larry naman ay maagang umalis para humanap ng apartment para sa'min ni kuya Enzo.





"Ang tahimik mo naman." puna sa'kin ni Mavs pagkapasok na'min sa gate ng school.



"Iniisip ko kasi kung paano na kami ngayon ni kuya. Kaya kaya namin? Kukuha pa si kuya Larry ng apartment. Sana naman ay 'yung mura." nag-aalalang sagot ko. May kalakihan din naman ang sweldo namin ni kuya Enzo. Pero hindi ko alam kung sasapat ba ang kinikita namin para sa gastusin. Mabuti na lang at pareho kaming full scholar.




"Don't worry about it. Andito lang ako lagi sa likod mo, Lara. Handa akong tumulong." sabi pa nito,pinapagaan ang loob ko. Tipid akong ngumiti rito at napabuntong hininga na lang.



"Lara!" sabay kaming napalingon ni Mavs sa tumawag sa'kin. Nakita ko si Dragan na seryosong naglalakad papunta sa'min ni Mavs.




"May ginawa ka ba?" takang tanong sa'kin ni Mavs.



"Wala 'no!" depensa ko sa sarili.





"Mavy." bati ni Dragan kay Mavs. Nakalimutan ko. Magkaibigan nga pala sila. Nahiwalay lang sila sa isa't-isa dahil sa pinili nilang strand.




"Una na 'ko. Mukhang may pag-uusapan kayo." sabi ni Mavs matapos batiin pabalik si Dragan. Sinamaan ko naman ito ng tingin pero ngumiti lang ito ng nakakaasar bago tuluyang iwan ako kasama itong si Dragan. Malas ba 'ko?




"Lara." tawag nito sa'kin nang mauna akong maglakad sa kanya. Alangan namang sabay kami 'di ba?! Ano na lang iisipin ng mga estudyanteng makakakita sa'min? Lalo na at ang alam nila ay ako ang nagkalat ng issue kahit hindi naman.




"Ano?!" iritableng tanong ko rito. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito.




"Ipinaglihi ka ba sa sama ng loob ng nanay mo ha? Sa t'wing makikita kita lagi na lang mainit ang ulo mo." singhal nito sa'kin bago ako sinabayan maglakad. Magkalapit lang ang building ng STEM at HUMSS strand. Four story building 'yon at sa pinakataas ang department ng bawat strand. Bawat building may sariling department at cubicle ng mga adviser ng bawat section kaya easy access.




"Paanong 'di iinit ang ulo ko eh mukha mo nakikita ko." sagot ko rito pabalik. Ewan ko ba! Kapag nakikita ko ang lalaking 'to awtomatikong nag-iinit na ang ulo ko. Siguro gawa na rin no'ng issue na hindi naman ako ang nagkalat.




"Kapal naman ng mukha mo! Pasalamat ka nga at nakakakita ka ng gwapo." Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nito.




"Ako pa ang makapal ang mukha ha... Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?" Napakahangin masyado akala mo naman ay siya ang pinaka gwapong lalaki sa buong mundo.




"Hindi. Totoo naman na gwapo ako eh." sagot nito. Nakakadiri ang mga sinasabi niya. Hindi ko kaya!




"Bakit ka ba sabay ng sabay sa'kin ha?!Anong kailangan mo?" tanong ko rito nang malapit na kami sa building na'min.




"About your punishment." seryosong sabi nito bago tumigil sa harap ko.




"Hindi nga ako 'yung nagkalat ng issue!" naiinis na sabi ko rito. Para na 'kong sirang plaka kakasabi sa kanya na hindi nga ako ang nagkalat ng issue. Pero parang wala naman siyang naririnig at ipinagpipilitan pa na ako 'yon dahil nalaman niya raw. Fake news.




"Don't deny it." he leaned closer. Sapat lang para magpantay ang mga mukha namin.




"Bahala ka sa buhay mo." sabi ko rito at naglakad na paalis. Nabunggo ko pa ang braso nito pero ako rin ang muntik ng matumba. Ngunit gano'n na lamang ang pagkabigla ko dahil sa sinabi nito.




"Be my slave." sabi nito na nakapagpatigil sa'kin sa paglalakad. Nilingon ko pa ito at nagtatakang tiningnan kung hindi ba 'to nagbibiro.



"Be my slave,Lara." pag-uulit pa nito. Ako?!Slave?!Ni Dragan?!




"Ayoko!Hindi ko naman kasalanan tas ako pagbabayarin mo?!"pagmamatigas ko pa. Ang dami ko na ngang iniisip dadagdag pa siya?Ang kapal naman.




"I know your situation right now. I'll pay you."sagot nito na ikinabigla ko. Paanong nalaman niya ang sitwasyon ko ngayon? Sinabi kaya sa kanya ni Mavs.



"Ano?" nagugulohang tanong ko rito.



"Be my slave then I will pay you. Kung gusto mong doblehin ko, it's not a problem." pagpapaliwanag pa nito. " 30 days,Lara. Be my slave for just 30 days." dagdag pa nito dahilan para mapaisip ako.




"How did you know my situation?" halos pabulong ko ng tanong dito. Nagtataka kung paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon.



"I have my ways,Lara." seryosong sabi nito at pilit na ngumiti bago ako tuluyang iwan dito. Pero tumigil ito at muli akong hinarap.



"I'll wait for your answer." sabi pa nito bago tuluyang umalis. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. 30 days lang 'yon at may bayad pa. Alam ko na makakatulong 'yon sa'min ni kuya pero hindi ko alam kung papayag ba ako lalo na at alam kong hindi naman ako ang may kagagawan no'ng kumalat na issue sa buong campus.




Wala naman sigurong mawawala kung tatanggapin ko ang parusa na hindi naman dapat sa'kin...

🌻
WORK OF FICTION

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

89.8K 5.6K 31
{مُكْتمِلة} {مترجمة} كِيمْ تَايْهِيُونْغْ فِي عَلَاقَةٍ سِرِّيَّةٍ مَعَ الْمُدِيرِ التَّنْفِيذِيِّ الَّذِي يَعْمَلُ لَدَيْهِ. جِيُونْ جُونْغِكُوكْ...
230K 6.8K 49
we young & turnt ho.
198K 9.7K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
1.1M 59.6K 38
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...