Chained to the Past (Imperfec...

By zxantlyx

175K 2.9K 200

[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either get... More

Chained to the Past
Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part 1 of 2)
Chapter 39 (Part 2 of 2)
Chapter 40 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 2 of 2)
Epilogue
Author's Note

Chapter 6

3.8K 74 4
By zxantlyx


Chapter 6

Reminiscing the Past

I let out a loud sigh as I repeatedly shook my head to the side. Tumingin ako sa lalaking katabi ko. Tahimik lamang siyang nakatitig sa kawalan.

It's already dawn. Inabot na kami ng madaling araw dito. "Hoy, sabi mo magpapa-sober up ka lang?" pang-aasar ko sa kaniya. Pabiro ko pa itong siniko sa kaniyang braso.

He scoffed as a small smile slowly appeared on his lips. Tumingin ito sa aking gawi at mas lalo lamang lumawak ang kaniyang ngiti nang makita ako. Nagtagpo ang aming mga mata at walang ni isang gustong bumitaw.

"Did I? Masyado ka kasing madaldal, hindi na tayo nakaalis dito," sagot niya sabay tawa.

Agad akong napasinghap at saka itinaas ang aking kamay. Hinampas ko siya nang mahina sa kaniyang braso na hindi manlang niya sinubukang iwasan.

"Sino kaya yung nakikinig nang nakikinig lang dito? Kung ayaw mo pala ng magtagal tayo dito, eh di sana sinabihan mo 'ko na ayaw mo nang makinig. Tignan mo, tiklop agad bibig ko doon."

Muli itong tumawa kasabay ng mabilis niyang pagbaba mula sa aming inuupuan. Pinagmasdan ko ito habang pababa siya hangga't sa pagpagin niya ang kaniyang itim na pantalon.

Nang matapos linisin ang kaniyang pang-upo ay saka siya muling tumingin sa aking gawi. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan habang nakatitig pa rin sa akin.

Natawa na lamang ako at agad kinuha ang kaniyang kamay. He helped me get off of the big rock and even catched his jacket that was placed on top of my lap. "I'll take you home," banggit niya dahilan para manlaki ang aking mga mata.

"Eh? Talaga ba?" 'di ko makapaniwalang tanong sa kaniya.

Napakunot naman ang kaniyang noo kasabay ng pagkuha niya sa mga gamit niyang naiwan sa taas ng bato. "Why? Do you want to commute?" nagtataka nitong tanong.

"Hoy, gago, hindi!" biglaang sagot ko sabay tawa. "Hahatid mo 'ko, ah? Walang bawian 'yan," paglinaw ko pa.

Tumango lang ito at nagsimula nang maglakad sa direksyon kung nasaan ang bar. Sumunod lamang ako dito at nang makarating kami sa tapat ng kaniyang kotse ay agad naman kaming pumasok sa loob.

Medyo maliwanag na rin ang paligid. Siguro, mag-aalas-singko na rin sa umaga. Ramdam na ramdam ko na ang bigat at ang pamamaga ng aking mga mata.

Hindi pa rin pala ako nakaligtas sa pamamaga ng aking mga mata kahit hindi na naman ako umiyak ng ilang oras na. It has almost been six hours since I last cried! Dahil na rin siguro ito sa hindi ko pagtulog.

Tinanong ako ni Hugh kung saan daw ba niya ako ihahatid. Binigay ko sa kaniya ang aking address at tahimik na lamang naupo sa isang tabi.

Isinandal ko ang aking ulo sa salamin ng kotse at tumingin na lamang sa labas. Maya-maya pa'y hindi ko na lamang namalayan ay unti-unti na palang bumagsak ang talukap ng aking mga mata.

Ginising ako ni Hugh nang makarating na kami sa lugar ng aking condo. Mabilis lamang akong nagpaalam dito at agad din namang pumanhik paloob ng building.

The moment I stepped inside the small room inside my condo, I immediately felt the familiar feeling that I would never want to feel again. Brokenness and emptiness.

Naglabas ako nang malalim na buntong-hininga at dumiretso na lamang sa loob. Agad hinanap-hanap ng aking mata ang aking telepono na mabilis ko namang nadatnan sa loob ng aking kuwarto, nakapatong sa aking malambot na kama.

I reached for it as I stared at the empty lockscreen that greeted me the moment I opened it. No texts or calls from him. So, 'yon na talaga 'yon? Sure na siya?

Tinapon ko sa gilid ang aking cellphone at hinayaang bumagsak ang aking katawan sa malambot na kama. Kinuha ko ang pinakamalapit na unan at itinakip iyon sa aking mukha.

Unti-unti kong naramdaman ang paninikip ng aking dibdib, dahilan para bumilis ang aking paghinga. I can already feel the emptiness drowning me. Wala pa ngang kalahating oras simula nang makarating ako sa condo ko tapos iiyak na naman ako?

Tangina naman. Pagod na akong iyakan siya! Halos sa tatlong taon naming relasyon, dalawang taon noon ay halos buwan-buwan akong umiiyak sa kaniya!

Hindi naman kasi siya ganiyan noong simula ng relasyon namin. He was nice and really showed his effort and love for me.

We met at a billiard place. I was there because of my father. Kinailangan ko kasing puntahan ang tatay ko para pauwiin at gumagawa na ng gulo sa sobrang kalasingan. Jake was there to help me. Tinulungan niya akong maiuwi si Papa sa bahay niya.

Naalala ko pa, parehas pa kaming walang sasakyan ng mga oras na 'yon kaya pahirapan talaga kaming inuwi si Papa habang nakasakay sa tricycle. Buti na lamang talaga ay tinulungan niya ako dahil hindi ko kakayaning buhatin pauwi nang mag-isa si Papa.

He was 23 while I was only 22 that time. Isang taon na ang nakalipas pagkatapos niyang makatapos sa kolehiyo, habang ako ay kakatapos lamang. Coincidentally, we both took business related courses.

Mabilis kami nakarelate sa isa't-isa. We had so much to talk about. Our college days, halos makarelate kami sa kwento ng bawat isa tungkol sa mga subjects at experiences namin.

We also both liked partying. Though, hindi pa ako madalas ma-party ng mga panahon na iyon ay minsan ay sumasama na rin ako sa kaniya. He was probably the first person who influenced me to go to bars and party.

Dati, noong bata ako, hindi ko gusto ang masisikip at maiinit na lugar, lalo na kung maraming pawisan na tao. Pero noong inaaya niya akong mag-party, kahit alam kong mainit doon at halos siksikan ang mga pawisan na tao, sumasama ako. Siya kasi ang nag-aya eh. May magagawa ba ako kung isang aya palang niya ay halos maghumerentado na sa sobrang saya ang aking puso?

He changed me a lot. Oo, pala-kaibigan na naman ako simula noong pinanganak ako, but he made me socialize a lot more with strangers and people with different auras as mine.

Pagkatapos naming magkita sa billiard place ay halos araw-araw na kaming nagkikita. Kahit na ayaw kong makita at makasalamuha ang tatay ko ay pilit pa rin akong pumupunta sa billiard place na iyon. I used my father as an excuse just to see him.

Lagi niya akong tinutulungan kapag sinusundo ko ang aking tatay. Hangga't sa dumating ang isang araw na tanungin niya ako. He asked me if he can court me. I still clearly remember the feeling of how my heart beat the time I heard his words. I can still vividly imagine how we were facing each other as he asked me that question.

Simula palang nang magkita kami, alam kong attracted na ako sa kaniya. Type na type ko rin kasi ang kaniyang ayos. He was a very simple guy. Lagi siyang nakasuot ng puti o di kaya'y itim na t-shirt at paparesan niya iyon ng pantalon. Kulay itim pa ang kaniyang buhok noong una kaming magkita. Wala pa rin siyang ni-isang tattoo noon.

He was like the ideal man to me back then.

Nang sagutin ko siyang pwede siyang manligaw sa akin ay agad kong naramdaman ang effort na ginagawa niya. I still remember him impulsively hugging me tight the night I said that he can court me! I was taken aback, yet I let him be because I also wanted it. We were both smiling widely at each other, the tips of our lips can already reach the moon.

Halos isang buwan siyang nanligaw sa akin. Walang palyang hindi niya ako sinundo sa trabaho. Halos linggo-linggo rin ay binibigyan niya ako ng iba't-ibang regalo o di kaya'y mga bulaklak. There was even a time that he sent me dozens of flowers in the office! Nakakahiya kung maiisip ko sa ngayon, pero noong mga oras na 'yon ay tanging kilig lang ang nararamdaman ko.

Halos lahat ay ibigay niya na sa akin. Isang buwan palang siyang nanliligaw sa akin ay biglaan siyang nanalo sa lotto. He won a decent amount of money. And I was surprised that he spent almost all of it on me. Binili niya ako ng mga kung ano-anong mamahaling bagay. Mayroon pa ngang ticket para sa isang vacation sa akin.

Hindi rin siya pumalyang hindi ako tawagan o i-text kahit isang araw lamang. He showers me with compliments almost every single time we were together. Minsan ay kahit sa tawag lamang ay biglaan na lamang niya akong i-cocompliment, kahit nasa kalagitnaan kami ng isang topic.

Almost a month and a half in his courtship, I experienced the first time he got jealous. It was because of one of my co-worker. Nakita lang niyang nahawakan ang aking kamay dahil tinulungan akong ligpitin ang mga nahulog kong gamit ay agad-agad siyang nagselos.

It felt... nice. That somehow, his feelings for me were true since he got jealous. It's an uncontrollable feeling that you only feel when you extremely like someone.

Two months in, he started to get a lot more persuasive and clingy. He started to randomly hold my hands whenever we were out on a date that made me secretly happy. Nagsimula na rin siyang magparinig sa akin. Na kung kailan ko ba siya sasagutin.

It was definitely overwhelming at first. Hindi kasi ako sanay nang may ganoong lalaki na tatratuhin akong ganoon? I only experienced effortless love from the past boyfriends I've had. Unlike them, Jake was very different. He really loved me. And he showed it through his actions.

Hindi ko nga alam na may pag-asa pa pala akong makaramdam ng ganoong klase ng pagmamahal mula sa mga lalaki. He set the standards for me so high. Sa lahat ng sumubok na maging karelasyon ko ay siya ang pinakama-effort.

May time pa nga na lagi kong nakukwento sa kaniya na siya ang pinakama-effort kong naging manliligaw. Palabiro pa niya akong inaasar na baka daw kasi kami na talaga ang para sa isa't-isa.

Ginawa rin naming joke 'yong pangalan naming dalawa. Masyado kasing magkaparehas. I was named Jade Emersyn, while he was names Jake Emerson.

Naging joke pa namin iyon na baka kami na talaga ang magka-soulmates. It was like we were really meant to be.

I believed him and I already made it official only after two months of meeting him. It really felt like we were meant for each other. We fit and complement each other. It felt like he was the best man that I could ever ask for. That finally, after years of being treated wrong by different men, someone was sent to me, to finally treat me right.

But, I thought wrong. He was sweet, loving, and caring in our first year together. But just like how he quickly changed me when I met him, he also changed his own self.

Na isang araw, nagising na lamang ako, nag-iba na siya. Na isang araw, parang hindi na siya ang dating lalaking nakilala ko.

Lagi na siyang pumupunta sa iba't-ibang bar nang hindi ako sinasama. Kung isasama man niya ako ay iiwan lamang ako at makikipaglaro sa kaniyang mga kakilala kahit alam na niyang wala akong kakilala sa lugar na iyon.

Nagsimula na rin siyang pumunta sa akin nang sobrang lasing. Na minsan, dahil sa sobrang kalasingan niya ay biglaan na lamang kaming nag-aaway tungkol doon. Mabilis kasi siyang mairita, lalo na kung nalalasing.

Halos isang taon na paulit-ulit kami ng away. Selos doon, selos dito. Kulang na lamang ay kahit mahawakan lang ng isang lalaking ang isang hibla ng aking buhok ay sapakin niya na rin ang lalaking iyon.

He even started to fight other men in bars whenever he sees them looking at me. Minsan ay napapahiya pa kami dahil hindi naman talaga ako ang tinitignan ng iba. He got overly jealous over everything!

Kung noong una ay natutuwa pa akong nagseselos siya kapag dating sa akin, ngunit mabilis lamang din akong nagsawa sa ganoon niya. Lalo na noong halos lahat nalang ay punahin niya. Kahit nga ang team leader namin ay inakusahan niya nang may gusto sa akin dahil lamang inaya ako para sa isang dinner ng buong team.

Those traits were only the ones I read in some books. In books or movies, nakakakilig pa siya. Pero sa totoong buhay, sobrang nakakasakal. Hindi na ako makahinga.

Pero wala akong magawa dahil mahal ko siya eh.

On our third year, he started to get violent. Hindi ko alam ang nangyari sa kaniya. Para bang ang nakilala kong Jake noon ay hindi na siya ang karelasyon ko ngayon. But, my love for him never faded.

Na kahit ilang beses na kaming muntikan nang maghiwalay ay umaasa pa rin akong babalik siya sa dati. Babalik siya eh. Babalik pa ang dating siya.

Hindi ko na lamang namalayan ay unti-unti na palang tumutulo ang luha mula sa aking mga mata. Reminiscing about our past makes me sad. Bakit siya naging ganoon? May mali rin ba akong nagawa at hinayaan siyang maging ganoon? Masama ba akong girlfriend at hindi ko napansin ang pagbabago niya?

Tuluyan nang sumikip ang aking dibdib na para bang pinipiga nang sobra-sobra ang aking puso. It feels like someone is crushing it into millions of pieces. Because of the pain, my lungs were also being knocked out of air.

Madiin akong kumagat sa aking pang-ibabang labi at sinubukang lunukin ang nakabara sa aking lalamunan.

Hindi ko na dapat siya iniiyakan pa! Halos dalawang taon na akong umiiyak nang dahil sa kaniya, hindi pa ba 'yon sapat?

Unti-unting umaandar ang oras hangga't sa oras na para pumasok ako ng trabaho. I wore a pair of sunglasses to cover my swollen and red eyes. Alam ko namang kahit magsuot ako nito ay automatic nang malalaman nina Nica at Maia na umiyak na naman ako.

Ay, bahala na! Sanay na naman silang makita akong ganito.

Tama nga ang aking hinala. Pagkapasok na pagkapasok pa lamang nila ay alam na agad nila.

Naramdaman ko na lamang ang pagtusok ng daliri sa aking balikat dahilan para itaas ko ang aking tingin. Nakatungo kasi ako sa aking desk dahil ayaw kong mahalata ako ng iba kong katrabaho.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Maia.

"Woke up on the wrong side of the bed?" pang-aasar nito.

Naglabas ako ng mahinang buntong-hininga kasabay ng pagbagsak ng aking balikat. Hindi ko ba alam kung seseryosohin ko ba 'tong si Maia o hindi eh.

Umiling ako bilang sagot at luminga-linga sa buong paligid. Wala namang ibang taong malapit sa amin kaya ayos lang na hubarin ko nang sandali ang aking shades. Napataas ang kaniyang kilay nang makita ang aking mga namamagang mata.

"Did you cry again?" tanong nito sa akin. Agad akong tumango at mabilis na ibinalik ang aking shades. "Why?" dagdag pa nito.

"I tried to get back with Jake last night. I took a ride to his apartment but he never even opened his door for me. I shouted and pleaded for us to get back together or at least for him to talk to me, but it didn't happen. He even had the audacity to turn the lights off even though I already saw it lit up!" kwento ko sa kaniya.

Kwinento at nilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa kaniya at pati na rin kay Nica nang makarating ito.

"Ang sakit sakit..." bulong ko. "Mahal na mahal ko siya, Maia... Bakit hindi niya ako kayang mahalin pabalik tulad ng pagmamahal ko sa kaniya? Halos tatlong taon rin kaming magkasama, pero bakit ang dali-dali lamang para sa kaniya na hiwalayan ako? Bakit? Tapos through text pa?"

Napatigil ako para lamang humikbi. Paulit-ulit kong naramdaman ang pag-alo sa aking ni Maia.

"Ganoon na ba ako kabilis kalimutan? Minahal ba niya talaga ako sa loob ng tatlong taong pinagsamahan namin? Parang ang bilis-bilis lang ng lahat para sa kaniya. Habang ako, ayaw ko siyang mawala, Maia..."

Minsan ay mapapatanong nalang talaga ako kung totoo bang minahal niya ako. Pero tuwing naiisip ko ang ginawa niya noong mga una naming taon ay napapatigil na lamang ako sa pag-iisip na hindi niya ako minahal. Dahil sobra-sobra niya iyong ipinaramdam sa akin. There was no doubt that he loved me.

"Mahal na mahal ko siya na kahit bugbugin at pagsalitaan niya ako ay pinapatawad ko siya. Pero bakit hindi niya ako mahalin nang ganoon pabalik? Mahirap na ba talaga akong mahalin, Maia? Pagod na pagod na ako sa relasyon namin, pero mahal ko siya. Gusto ko siyang ipaglaban kahit ano pa ang mangyari..."

"You're not hard to love, Jade. He just doesn't know how to love someone. You've done everything you can, and it's okay to get tired of your situation. Especially that you're the only one trying. I love you, Jade. He's the wrong one, not you," sabi sa akin ni Maia.

I continued crying inside Maia's arms. Nadumihan ko pa nga ang kaniyang skirt. Maya-maya pa ay dumating na rin si Nica para naman siya ang umalo sa akin.

Natapos ko ang buong araw sa trabaho nang hindi siya nawawala sa aking isipan. I pushed through the whole day and tried to distract myself.

In the end, inaya ko sina Nica at Maia na gumala kami. They both agreed since we were all available. Friday na rin naman kasi kaya wala na rin kaming gagawin sa weekends.

Napagdesisyunan naming pumunta sa isang vacation house ni Maia. It was gifted to her by her mother. Balak naming manatili doon hanggang bukas.

Madalas namin itong ginagawa. Kapag kailangan namin ng peaceful na lugar ay doon kami nagpupunta. Malayo-layo kasi iyon sa syudad at sobrang malamig ang hangin. Nakaka-relieve ng stress.

Bumili kami ng beer bago nagpatuloy papunta doon. Nang makarating doon ay naglatag kami ng tela sa labas lamang. Mahangin-hangin pa sa labas lalo na't anong oras na rin ng gabi. Nanguna na akong kumuha ng beer at nagsimulang uminom.

Humiga rin kami maya-maya sa telang aming nilatag.

"Should I still go for him?" mahina kong tanong habang nakatingala sa madilim na langit. The pitch black sky is full of twinkling stars.

"No, you shouldn't," mabilisang sagot ni Nica.

"But, I lo-"

"You know, Jade, there are really things in this world that we love that we just need to let go. What if the thing you love the most is the one that makes your life miserable? That letting go of it is the only way that can make your life easier," singit ni Maia. "Letting go of that person doesn't mean that you don't love him anymore. It's just that, it's the only thing that can truly give you the freedom and peace that you have been longing for."

Napatigil na lamang ako kasabay ng mahina kong pagtawa. Hindi nakaligtas ang pagbagsak ng isang luha mula sa aking mata pababa sa gilid ng aking mukha. "Ah, that's deep..."

Maia's words struck me. Paano kung tama nga siya? Pagod na pagod na rin ako... Hindi naman ibig sabihing bibitawan ko na siya ay hindi ko na siya mahal, hindi ba? Na sa ngayon, mas gugustuhin kong piliin muna ang aking sarili.

Baka dapat ngang bitawan ko nalang siya. Papalayain ko nalang siya at pati na rin ako. It will benefit the both of us, though it will hurt me the most. Knowing that I can still fight for him yet, I stopped to choose my own peace.

⛓️

—zχαnтℓуχ

Continue Reading

You'll Also Like

75.1K 2.6K 38
Trust Issues. Iyan ang problema ko kaya natatakot akong pumasok sa isang relasyon. Nakita ko kung paano nasaktan si Mama at ang nagiisa kong kaibigan...
32.7K 1.3K 43
Kasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit k...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...