FLS #5: Felixir Gatcheco

By kidsshudnotwrite

12.2K 340 105

There is only one word to describe Felix's love, mad. Madness to the point of grooming Luisa San Diego to liv... More

i. announcement(s)
ii. fls #5: felixir gatcheco
iii. prologue
Chapter 01: Middle Child Syndrome
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 08

Chapter 07

597 20 2
By kidsshudnotwrite

Chapter 07: Token of Friendship

▰▰▰▰▰▰▰▰▰

/felixir/

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Akala ko noong una, si mommy na ginigising na ako dahil mahuhuli sa klase kaso naalala ko rin kaagad na naglayas pala ako sa bahay.

I sighed and recklessly threw the pillow on the other side of the bed but it bounced off and fell. Hinayaan ko na lang iyon at nagmamadali ng bumangon dahil naririnig ko ang boses ni lola sa labas. Muntikan pa nga akong mapatid sa pagsusuot lang ng tsinelas.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at sumalubong sa akin si lola at si Luisa, iyong babaeng pinahiram ko ng hoodie ni Russco kahapon.

It was fortunate for me that Luisa successfully stopped her twin from making me taste the power of the freezing bottled water. Walang tigil sa paghingi ng tawad si Luisa ngunit si Luis ay nakatingin lang sa akin na para bang hindi ko deserve.

"Sa wakas ay gising ka na, apo!" Pasimple kong pinag-aralan ang suot ni lola habang nagpupunas ng muta. Ilang taon na lang at tutungtong na siya sa seniorhood ngunit mababakas pa rin sa kanya ang gandang nagpaulol kay lolo. Lalo pa ngayon na pusturang-pustura siya sa beige na dress.

"Ano pong meron?" tanong ko habang kinukuha kay Luisa ang tray na dala niya na naglalaman ng dalawang klase ng agahan. I thanked her awkwardly.

Pwede naman kasi akong bumaba para kumain. They don't have to do this at hindi ako sanay sa ganito.

Luisa accepted my thanks then excused herself. Lola nodded before answering my question.

"You didn't join us for dinner last night." Saglit niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka nagpatuloy. "Ipapagising ka na sana ni Alejandro kaso sabi ko hayaan ka na at pagod sa byahe."

Earlier that morning, Kuya Val called them, informing that I'll be coming here. When they heard that, they let Luisa, the only available helper, to pick me up. The details of their talk? That I do not know but lolo and lola did not talk much and I also do not know how to break the ice to them.

They were genuinely happy that their grandchild visited them. Malayo rin kasi rito ang ibang anak nila. Kahit special holidays, ayaw rin umuwi ni daddy rito. May dinadamdam pa rin yata siya kay lolo. Ngayon naman ako ang may dinadamdam kay dad at kina lolo ako tumakbo.

"But you brought my breakfast here," I said presenting the tray I am holding.

"Oh! you poor boy, the morning in provinces starts at 3:00 am. Kanina pa kami gising at nakapag-breakfast na. It's 8:00 already, sweetie."

"You should have let me sleep more, La." I carried the tray inside my room and placed it on the small table beside my bed. Pagkatapos kong mag-lunch kahapon ay dumiretso ako ng tulog. Hindi na nga ako nakapagpalit ng damit.

"That, I can't. Alejandro told me to take you around here especially sa plantasyon." She entered my room. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng kwarto ko. "We still need to decorate this room according to your taste. Let Luisa bring you to town later."

Nabanggit ko sila kay lola, excluding 'that' part. Magmula raw ng maulila sa mga magulang ay sa amin na nagtatrabaho ang kambal. Si Luisa bilang isa sa mga kasambahay at si Luis ay sa plantasyon.

"Basta ba bibigyan niyo po ako ng pera," biro ko saka kinagatan ang pandesal na may palamang butter. Bacon and egg iyong nasa plato, kainin ko na lang pag-alis ni Lola.

"I would love to, ijo. Wala ni isa sa inyo ang lumaki sa amin, wala kaming apo na nabilhan ng kung ano-ano. Kung alam ko lang na lahat sila ay aalis, una pa lang ay kinontra ko na si Alejandro na turuan sila ng tungkol sa business." She looked around my room again. This was dad's room. She's probably thinking of him. "Although your dad chose not to, siya pa ang naunang umalis."

I chewed the last bite of the bread and smiled at her. Hindi na ako nagsalita kahit alam ko kung saan nanggagaling si dad. In a family full of the brightest stars, mediocrity is a sin.

"So much for that. Anyway, pagkatapos mo diyan, naghihintay sa'yo sa baba si Luisa. Sasamahan ka niya sa plantasyon para ma-meet mo ang lolo mo."

"Ikaw po? Saan ka po pupunta?" I asked. She was dressed nicely. Akala ko ako ang sasamahan niya.

"I have to meet my amigas. Later ipapakilala kita sa kanila."

"Noted, La."

"Magpakabusog ka diyan. Kung gusto mo pa, bumaba ka na lang para hindi mahirapan si Luisa. Siya lang ang tao ngayon rito, lahat sila ay nasa plantasyon."

Tumalikod na si lola at ako naman ay isinara ang pintuan pagkaalis niya. Maganda sigurong maglibang para hindi ko maisip na Linggo ngayon at sa Wednesday na ang graduation namin. Pagkatapos, sa Saturday ay birthday ko.

Hurray-

▰▰▰▰ღ▰▰▰▰

"This doesn't look like a plantation at all. Parang beach resort lang," I complimented as I looked around. Kararating lang namin.

Matapos kong mag-ayos ay inaya ko nang umalis si Luisa. May nakahanda na rin namang sasakyan na maghahatid sa amin kaya mabilis lang kaming nakarating. Nasa Barrio Celeste ang bahay nila lola at sa Sitio Dominador nakatayo ang plantasyon nila na may limang kanto ang layo sa isa't-isa.

Hassle nga na hindi na lang sa mismong bahay nila ipinatayo ang plantasyon pero ang sagot ni Luisa ay dahil nga sa pag-aari na lupain ng mga magulang ni lola malapit sa may dagat. Kaya ito namang si lolo ay binili ang ilan pang kalapit na lupa para mapagtayuan ng plantasyon na medyo private resort.

"Villa Gatcheco is the largest supplier of coconuts in Asia. Maraming executives ang dumadalaw rito kaya isa sa mga priority ni senyor Alejandro ang hitsura ng plantasyon," sagot ni Luisa habang hinahawi ang buhok na nililipad ng hangin.

Nakabob-cut style ang buhok niya na lalong nagbigay ng masungit na aura sa kanya. Tapos may kahabaan ang buhok ng kakambal na parang siga sa kanto. Mukhang legit naman pareho.

"Halata," tatango-tangong sagot ko. Pagpasok pa lang kasi namin sa gate ay bungad na ang mga naka-park na motorbike. Luisa suggested that we ride one but I declined. I wanted to walk. "Lola said, you'll work for Villa Gatcheco after you graduate. You must know a lot about-"

"Kung gusto niyo po akong kumampi sa inyo sa darating na labanan para sa posisyon ng presidente, ipapaalala ko lang po na grade eleven pa lang ako."

Napakamot ako ng ulo sa tinuran niya. Did I come off as someone who'd fight for the inheritance?

"Relax, gaya ni daddy ay wala akong balak makipag-agawan sa mana." I just don't know if Kuya Val thinks the same. After all, kayang-kaya niya.

Isang tipid na ngiti lamang ang isinukli niya sa akin saka muling nagsalita. "Bilisan na po natin, kanina pa nag-uumpisa ang hinandang event ni senyor."

"Event? Walang nabanggit sa akin si Lola."

"Napakadaya mo! Lagi ka na ngang kasama ni senyor Alejandro tapos gusto mo pang sumali rito."

Hindi na nakasagot si Luisa sa aking tanong nang maagaw ng malakas na singhal ang atensyon ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ang apat na lalaking basang-basa. Kakaahon lang yata sa tubig.

Una kong napansin ang pamilyar na disco ball highlights na buhok ni Luis at ang itim na timbang kanyang bitbit. Sa katunayan, pare-pareho silang may bitbit. Pansin ko rin na maraming kabataan na kaedaran ko lang o mas bata pa ang nasa pampang.

"Anong madaya? Lahat naman pwedeng sumali ah!" sigaw pabalik ni Luis. Kumunot ang noo niya at bahagyang nakanguso ang kanyang mga labi. His nose also scrunched.

"Lahat pwera sa'yo! Palagi na lang ikaw ang mananalo, paano kami?" pagpupumilit ng isa pang bata na kasing tangkad lang din ni Luis ngunit mas malaki ang katawan.

"Tanga! Limang taon na akong hindi sumasali rito anong palagi na lang ako? Bakit parang kasalanan ko pang hindi niyo kayang sumisid nang matagal?"

I let out a chuckle but I immediately bit my lips as I remembered na katabi ko lang ang kapatid. I was just really amused by how courageous he was facing 3 men taller and fatter than him. Akala mo kaya ng patpating katawan niya kapag pinagtulungan siya.

"Dami mo pang satsat! Ibigay mo na lang sa amin ʼyan. Sumipsip na lang kayo ng ate mo kay senyor. Sa ganyan naman kayo magaling. Ah sipsip, wala kasing magulang!"

"Tanga! Anong sinabi mo? Ulitin mo nga!" hamon ni Luis na binitiwan na ang bitbit na timba at nakakuyom na ang mga kamao.

"Itong batang ito hindi na natuto," dinig kong bulong ni Luisa na nagpatiuna ng tumakbo palapit sa kanila.

Dali-dali naman akong sumunod. Tama nga si lola, malayo ang ugali ng kambal na 'to sa isa't-isa. They actually suited the taste of my grandparents.

"Luis, makikipag-away ka na naman!" sita ni Luisa sa kapatid dahilan upang ibaba nito ang kamao ngunit matalim pa rin ang titig sa tatlong kaaway.

Nahagip ng mata ko ang timba na binitiwan ni Luis. May laman itong mga shells at ang iba ay natapon pa.

"Nandyan na rin pala ang ate mong pokpok."

"Hey! Watch your mouth." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sitahin din ang bata. Para lang sa mga shell, mag-aaway sila? Isn't that too petty for their age?

"Bawiin mo ʼyung sinabi mo! Gago ka pala eh." sigaw ni Luis. Namumula na rin ang kanyang mata. His voice even cracked.

"Bakit? Totoo naman ah. Tingnan mo nga, ibang lalaki na naman ang kasama."

"Tanga! Apo ni senyor Alejandro ʼyan. Papaalisin kayo niyan kapag kung ano-ano pa ang sinabi ninyo!"

I stared at him, amused. I wasn't even planning on using my name but he did without even getting permission from me. Akala ko ba magkagalit kami?

"Tama na. Kapag ikaw umuwi na namang may pasa, ano na namang idadahilan mo kay Tatay?" Kumalma naman si Luis nang marinig ang sinabi ng kapatid. Umupo siya at sinimulang pulutin ang mga shell.

Humarap naman si Luisa sa tatlong batang kaaway ng kapatid. "Balong, kung sipsip at pokpok ako, si mayor Alcondez na kaagad ang pinokpok ko. Bakit pa ako magpapakahirap magtrabaho?"

Muntikan na akong mabilaukan sa sinabing iyon ni Luisa. Pinandilatan niya ng mata ang tatlo saka muling nagsalita. "Gusto pala ninyong manalo, bakit nakatunganga pa kayo rito? Bumalik kayo doon sa dagat at sumisid!"

"Tara na nga, wala tayong mapapala diyan," pag-aaya ng isa sa kanila at saka walang pasabing nilayasan kami.

Tapos na ring pulutin ni Luis ang mga natapon na shell. Lumingon siya saglit sa akin saka bumaling sa kapatid.

"Luisa, walang katulong sila nana Martha sa pag-iihaw. May biglang dumating na bisita si senyor eh." Tinanggal niya ang isang itim na hair clip sa mula sa kanyang buhok saka inipit sa buhok ng kakambal. Magsingtangkad lang naman sila kaya madali niyang naabot.

"Sana pina-text mo ako para nakapagmadali kami." Bumaling sa akin si Luisa. "Tara na po, senyorito."

"Mauna ka na. Kapag hinanap ako ni lolo sabihin mo gusto kong libutin ang isla."

"Sino pong kasama mo?"

Tinuro ko si Luis. Kaagad namang kumunot ang noo ng huli na sinuklian ko lang ng isang ngiti.

"Sige na. Ako nang bahala rito," napipilitang sagot ni Luis.

"Oh siya, sige. Huwag mong kalimutang magpatuyo at magbihis."

Luisa bid farewell. Luis watched his sister's back fade from the view before glancing at me. I gave him a questioning look only to have a response of him handing the pail to me.

"Akin?" Nagtataka kong tinuro ang sarili. Binibigay niya ba sa akin o pinapabuhat?

"Sa'yo na."

"Ha?" Kanina lang halos makipagsuntukan ka sa mas malaki sa'yo para diyan. Tapos ibibigay mo lang sa akin.

"Sa'yo na nga. Ang kulit."

"Aanhin ko ʼyan?"

"Hindi mo alam?" umiling ako. Tiningnan niya ako na para bang ako ang pinakawalang kwentang nakausap niya. Aba.

"Taon-taon may paganito si senyor Alejandro. Kung sino ang may pinakamaraming shells ang masisisid, tutuparin niya ang kahit anong hiling mo."

"Do you realize na apo niya ako at hindi ko kailangan ʼyan?"

He nodded. "Pero may limitasyon at tatanggihan ka pa rin kapag humiling ka sa kanya bilang apo niya."

"Kapag ba ʼyang shell ang ginamit ko, wala?"

Aanhin ko rin ang wish wish na ʼyan. My wish is something even lolo can't grant.

"Meron, pero hindi ka niya tatanggihan." Itinapat niya sa akin ang timba ng shells. "Kunin mo na. Kung gusto mong hingiin ang Villa Gatcheco, gamitin mo ʼto."

"Oh? Paano kung may magbigay rin ng shells sa mga pinsan ko?"

"Edi, yearly ako sasali para wala kang kaagaw. Kasalanan na nilang wala silang ako," he said giving me a smug grin. Ramdam na ramdam ko ang hangin.

Inabot ko ang timba. "Just to set the record straight, wala akong balak hingiin ang Villa Gatcheco. Pero tatanggapin ko ʼto kasi gusto kong makipagkaibigan saʼyo."

"Huh? Tanga, hindi! Apology ano ko ʼyan."

"Pinatawad na kita bago mo pa ako bugbugin dahil nilibre mo ako ng tubig."

I smiled at him. I really do have weird taste for friends.

▰▰▰▰ღ▰▰▰▰

A sketch of San Diego twins on the announcement part.

Continue Reading

You'll Also Like

854K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...