Our Brightest Tomorrow

By BLACK_OF_ACE

161 15 2

She is a simple teenager whose only desire is a good future. But in an unexpected turn of events she will be... More

CHPTR 01
CHPTR 02
CHPTR 03
CHPTR 04
CHPTR 05
CHPTR 06
CHPTR 07

PROLOGUE

49 2 0
By BLACK_OF_ACE





I'm just a simple girl who loves peace the most.

Isa lamang 'yan sa mga bagay na pinakagusto ko. Ang mabuhay ng mapayapa. Hindi naman sa hindi ko 'to nararanasan ngayon pero 'yon na talaga ang gusto ko. Simula pagkabata ay aliw na aliw na ako sa kapayapaan.


Lumaki kasi ako sa Batangas. Mas tahimik doon kaysa rito sa bago naming nilipatan na lugar. Kinailangan namin lumipat dahil naniniwala ang mga magulang ko na mas matutostusan nila ang pangangailangan naming magkakapatid kung doon sila magtatrabaho sa siguradong mas malaki ang kikitain nila.



Jeepney driver si papa at si mama naman ay helper sa isang mayamang pamilya. High profile pa nga yata eh. Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay mayaman sila. Minsan na rin akong naisama ni mama sa bahay ng amo niya noong nasa ibang bansa sila para doon mag celebrate ng Christmas. Sana all!


Pero simula no'ng masangkot ako sa isang issue sa school na pinapasukan ko...hindi ko na naranasan ang kapayapaan sa loob at labas ng paaralan.


In just a blink... Everything has change.




"Lara!Owemji,sis!" bungad sa'kin ni Yam na nakabantay sa'kin sa may gate pa lang. Guard ka sis?




"Bakit ba? Agang-aga ang ingay mo." sagot ko rito nang makapasok ako matapos tingnan no'ng guard ang I.D. at bag ko.



"Nabalitaan mo na ba?" pabulong na tanong nito sa'kin na animoy nag-iingat with matching lingap lingap pa sa paligid.


"Ang alin?" tanong ko rito. Pabulong din. Nahahawa na ko sa kagagahan nito ha!



"Kilala mo si Enriquez?" tanong ulit nito. Enriquez? May kilala ba 'kong Enriquez?


"Sinong Enriquez?"kunot noo kong tanong dito. Hindi ko alam kung ano bang hinithit nito kahapon at ganito na ngayon. Parang aning.


"Gaga ka! Hindi mo kilala si Enriquez,sis?!" she said exaggeratedly. Napalingon naman ako rito dahil sa inakto niya. Sino ba kasi 'yong Enriquez na 'yon at masyadong pa showbiz ang keme sa buhay.



"Hindi nga!Ano ba? Anong meron?" takang tanong ko rito habang papasok kami sa room namin. Senior High School na kami ngayon at nasa Academic Track kami under ng strand na Humanities and Social Sciences. Pero gaga sis! Akala ko madali lang dito hindi pala! Na-scam ako ro'n ha!





Napansin ko naman na biglang nagsipagtinginan sa'kin mga kaklase ko na akala mo naman ay nakakita ng Miss Universe. Ano ba?! Ako lang 'to oh! Kalmahan niyo! Charizzz!




"Si Stephen Dragan Enriquez. Ang three point shooter ng basket team nitong school. Shooting Guard ng team. May height na 6'4 at syempre pege she ehe!" paliwanag nito na nahaluan na ng katalandian. Tiningnan ko ito na animoy nandidiri ako sa kanya.




"Landi mo!Alam mo ba 'yon?" I said sarcastically. Normal na samin ang ganito kaya wala ng samaan ng loob.




"Oo,sis! So ayon na nga! He's so tall naman 'di ba? Biruin mo 6'4 ang height. Tangkad,sis! Paano na lang akong 5'4 'no?" dagdag pa nito at kunwari'y nasasaktan pa dahil sa height difference nila. Sira talaga.



"MVP siya,sis! Actually,ka-year level lang natin siya pero under siya ng STEM. Oh diba? Brainy ang Lolo mo!"pagpapatuloy nito. Nakikinig lang naman ako sa kanya habang nagbabasa ng notes ko. Hindi talaga kaya ng brain ko ang PPG grabe! Pakiramdam ko lagi rito para akong mag-aabogado!




"Pero..." sabi nito. Tunog nanghihinayang kaya napalingon ako rito. Gagang 'to nag-aaral ako kuda ng kuda. Ito ata sisira sa pangarap ko eh.




"Pero ano?"takang tanong ko rito.




"Bakla siya,sis." bulong nito sa'kin. Ano naman ngayon kung bakla siya? Edi congrats sa kanya! Nakapag let go siya and he choose to be like that than stressing himself for being a straight. Pero infairnes ang galing niya magtago ha.




"Ano naman ngayon? It's his choice. Labas na tayo doon ano?! Tsaka,ni hindi ko nga 'yon kilala eh." sagot ko rito at ipinagpatuloy na lang ang pagbabasa ko.





"Grabe! Pero,sis. Hindi ba sabi mo hindi mo siya kilala?" takang tanong nito sa'kin habang nilalabas ang gamit niya. Magbabasa rin ata.




"Oo. Bakit?" sabi ko rito nang hindi ito tinitingnan at ipinagpapatuloy lang ang pagbabasa.





"Eh paano mo nalaman na bakla siya?!" iritang tanong nito sa'kin na nakapagpatayo sa'kin dahilan para mapatingin sa'kin ang mga kaklase ko.




"A-Ano?!Saan mo naman nalaman 'yan?Hindi ko nga siya kilala eh. Tapos...tapos..." napatili na lang ako sa sobrang frustrate. Kaya pala grabe makatingin sa'kin 'yong mga estudyante na nakakasalubong namin kanina pati ang ilan sa mga kaklase ko. Paano nangyari 'yon?!



"Ano ka ba?! Kumalma ka nga!" saway sa'kin ni Yam at pilit akong pinapaupo.



"Lara what have you done?!"bungad ni Mavy na kakapasok lang sa room. Halatang tumakbo ito dahil hingal na hingal siya ngayon at diretso sa bag ni Yam para mamburaot ng tubig.



"Wala akong ginagawa,Mavs!" sagot ko rito. Napasabunot na lang naman ako sa buhok ko at umupo sa upuan ko. I'm in trouble!



"Galit na galit si Dragan for pete's sake! Ano bang naisipan mo at ginawa mo 'yon? May galit ka ba sa kanya? Kaya you took revenge? " sunod sunod na tanong ni Mavs sa'kin.




"Mavs believe me!I didn't do that thing! I didn't even know him nga eh!" sagot ko rito.



"Lara,he's a good friend of mine. I know him well. Alam ko na ngayon pa lang ay nag-iisip na 'yon ng gagawin para makaganti sa'yo." sabi pa ni Mavs na lalo lang nakapagpa-kaba sa'kin. What should I do?!




"Mavy refill-an mo 'yan ha." Yam's referring to her tumbler na halos maubos na ang lamang tubig dahil sa kalabaw na si Maverick.




"Parang 'di tayo magkadugo ah." sagot naman ni Mavy. Yam and him are cousins/ best friends na rin.




"Kadiri 'to." sabi pa ni Yam at inirapan si Mavy. Parang 'di ako nakalagay sa alanganin ah.




"Sino namang gagawa no'n at siniraan ka pa kay Enriquez?" takang tanong ni Yam at nagpahalumbaba pa nag-iisip kung sino ang posibleng gagawa ng gano'ng bagay laban sa'kin.





"May nakakaaway ka ba?" tanong ni Mavs sa'kin habang umaayos ng upo sa kaharap kong upuan.




"Bobi! Sa bait nitong si Lara may nabalitaan ka ba na nakaaway nito ha?!" Yam is right. Hindi ako nakikipag-away. Hindi dahil sa full scholar ko rito sa school kundi dahil kila mama at papa. Hirap na nga sila sa pagtataguyod sa'min nila kuya tapos magbabasag-ulo pa 'ko?




"Naninigurado lang ako! Baka mamaya may nakakaaway na 'yan ng hindi natin alam." sagot ni Mavs at pabirong hinampas sa ulo ni Yam ang tumbler nito.



"Tsaka na natin problemahin 'yan. May quiz tayo tangina! PPG pa naman." dagdag pa ni Mavs dahilan para mapatawa ako. Nang dahil sa issue nakalimutan ko na na may quiz nga pala sa PPG kaya nagbabasa ako.



Halos buong morning class ay nakatulala ako. Mabuti na lang at nasagutan ko ng ayos 'yong quiz kanina. Hanggang ngayon hindi pa 'rin nag si-sink in sa'kin ang nangyayari. Paanong ang isang kagaya ko na hindi naman kilala sa buong campus ay masasangkot sa gano'ng issue? Gano'n ba ko kaganda para siraan nila?Sana lang ay hindi na 'to makaabot sa Head's Office.



"Lara!" sigaw ni Mavs sa'kin dahilan para mabangga ako sa kung anong matigas na bagay.



"Aray!" napadaing naman ako ng maramdaman kung gaano kasakit ang bandang pwetan ko dahil sa pagkakabagsak ko. Inayos ko ang uniform ko pati ang salamin ko na bahagyang tumabingi sa mukha ko.




"So,it's you." awtomatiko naman akong napatingala sa nagsalita sa harapan ko. Gaga! Ang buhay ko!






🌻
WORK OF FICTION

Continue Reading

You'll Also Like

271K 9.9K 50
a very talkative girl named kahmyla came all the way from new jersey & moves to philadelphia. she has no friends but she finds interest in this one g...
3.8M 89.2K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
339K 13.3K 140
"๐™ณ๐š›๐šž๐š๐šœ ๐šŠ๐š—๐š ๐š๐šž๐šŒ๐š”๐š’๐š—๐š ๐š–๐š˜๐š—๐šŽ๐šข ๐™ธ ๐šŒ๐šŠ๐š— ๐š‘๐šŽ๐šŠ๐š› ๐š๐š‘๐šŽ ๐š‹๐š’๐š›๐š๐šœ ๐šœ๐š’๐š—๐š ๐™ณ๐š›๐šž๐š๐šœ ๐šŠ๐š—๐š ๐š๐šž๐šŒ๐š”๐š’๐š—๐š ๐š–...
214K 10.3K 57
แ€„แ€šแ€บแ€„แ€šแ€บแ€€แ€แ€Šแ€บแ€ธแ€€ แ€›แ€„แ€บแ€ทแ€€แ€ปแ€€แ€บแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฑแ€ซแ€„แ€บแ€ธแ€†แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€กแ€™แ€ผแ€ฒแ€œแ€ฏแ€•แ€บแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€œแ€ฑแ€ธ แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธ แ€แ€ผแ€ฐแ€แ€ผแ€ฌแ€œแ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธแ€€ แ€•แ€ญแ€ฏแ€ธแ€Ÿแ€•แ€บแ€–แ€ผแ€ฐแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€แ€ถแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€™แ€œแ€ฑแ€ธ แ€”แ€ฑแ€แ€ผ...