The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Forty-Seven

207K 4.2K 525
By FGirlWriter

CHAPTER FORTY-SEVEN

NAPAUNGOL si Sapphire nang marinig ang pag-iyak ni Isaiah. Parang gusto niya na ring maiyak dahil pagod na pagod na siya, at gustung-gusto niya ng dire-diretsong tulog ngunit hindi puwede. Kailangan niyang bumangon para patahanin ang two-week old nilang anak.

Kahit mabigat ang katawan ay bumangon siya, dinilat ang mga mata na gusto ulit na bumagsak, at saka tumayo palapit sa crib ni Isaiah.

Pagkabuhat niya sa anak ay parang mababali ang mga nanghihina niyang braso. For a normal baby, Isaiah sure was bouncy! Masyado itong mabigat sa timbang na 8.7 pounds nang ipanganak niya ito two weeks ago.

Johannes Isaiah M. Anderson, they named their first born. Obviously, sinunod nila ang first name nito sa pangalan ni Johann. Habang ang "Isaiah" naman ay suggested name ng mga biyenan niya. Dahil parehas naman nilang nagustuhan ni Johann na galing sa Bible ang pangalan ay iyon ang napagpasyahan na second name.

Oh, Isaiah was wonderful. Worth of all the pain she'd been through during her pregnancy and the day she gave birth to him. Pagkagising niya pagkatapos manganak ay ito agad ang bumungad sa kanya habang karga ni Johann.

Isaiah made her smile and cry in happiness. At nang una niya itong kargahin, mabigat na talaga ito ngunit maliit. Natakot pa siya nang una. But then, he fitted perfectly inside her arms. And when she first breastfeed him, naramdaman niya ang tunay na koneksyon na mayroon sila ng anak. She's the one nurturing him, she needs him to live, he is truly hers. Now, she undestands why babies are called a "bundle of joy" because Isaiah brought more shades of happiness in her life.

Mas lumakas ang pag-iyak ni Isaiah kaya mas inayos ni Sapphire ang pagkarga rito. Dinilat niya ang mga matang napapapikit at saka hinele ang bata.

Although, Isaiah is very cute and lovable, he's also a pain in the ass. Reality check lang, mahirap talagang mag-alaga ng baby. Sobrang hirap. Katulad ngayon, simula nang manganak siya, wala na siyang mapayapang tulog sa gabi.

"Why won't you stop crying, baby?" bulong niya sa anak habang marahang niyuyuyog ito para tumahan. "Nanay is already sleepy and tired and weak. Please, baby Isaiah...tahan na... sshhh..."

Ngunit mas lalong pumalahaw ng iyak si Isaiah. Napalingon siya sa kama dahil baka nagising si Johann. Pero nanatiling tulog ito, pagod rin kasi sa pag-aalaga buong araw.

Alas-tres y medya pa lang nang madaling araw. Wala namang pasok si Johann bukas dahil nagbago na ang academic calendar ng UP. It was shifted to August kaya nag-uumpisa pa lang ang summer vacation para rito. But still, may summer Math classes itong tuturuan by next week.

For the past two weeks since she gave birth, si Johann ang nag-aasikaso kay Isaiah. Siya, laging natutulog at nagpapahinga. Pero kahit anong gawin niyang tulog at pahinga, parang lagi pa rin siyang pagod. At ramdam ni Johann iyon kaya ginigising lang siya nito kapag kailangan nang mag-breastfeed ni Isaiah. After that, she'll go back to sleep.

But after a week, naawa naman na siya dahil puro si Johann ang gumagawa ng lahat ng bagay-from the house chores, to the cooking, to taking care of the baby and her. Hindi naman ito umaangal o nagpaparinig, pero ramdam niyang nahihirapan rin ito. For the past eleven months they have been together, natutunan niyang makiramdam rito kahit hindi ito magsalita.

This week, inasikaso niya ang bookstore niya na magbubukas na by next month, kasabay ng birthday niya. Kahit wala namang nakaka-stress dahil maganda at smooth naman ang opening plan, still nakakaramdam pa rin siya ng anxiety. Sabi ni Johann, baka lang daw kinakabahan siya sa pagbubukas ng bookstore niya kaya ganoon.

Anyway, hati na sila ni Johann sa oras na pag-aalaga kay Isaiah. Pero kaninang umaga ay si Johann na naman ang nag-consume ng lahat ng responsibilidad dahil nag-orient siya ng mga bagong staff na magta-trabaho sa bookstore niya pagkabukas niyon. Nakipagmeeting din siya sa iba't ibang publishers na gustong magpasok ng product sa bookstore niya. Pagkauwi niya kanina, sobrang pagod na siya at nakatulog agad na hindi na siya nagkaroon pa ng bonding time kasama sina Johann at Isaiah.

So now, dapat mapatulog niya ang anak para hindi niya na kailangang gisingin pa ang mister niya. Siya ang nanay dapat mas kabisado niya ang anak, pero minsan si Johann pa ang nagsasabi sa kanya ng mga dapat gawin kapag papaliguan, papakainin, papalitan ng diaper, at lalaruin si Isaiah.

Tuloy pa rin siya sa pagpapatahan kay Isaiah ngunit ayaw talaga nitong tumigil. She checked his diaper, hindi naman basa. So, anong iniiyak ng baby nila?

"Baka gustong dumighay."

Napapitlag si Sapphire at napalingon kay Johann na nagising na. Bumangon ito habang kinukusot ang mga mata at saka lumapit sa kanila.

Pinasa niya rito ang anak na wala pa ring tigil sa pag-iyak.

"Sshh...Isaiah, tahan na... Nandito na si Tatay..." malambing na sabi ni Johann. He carried their son across his right shoulder. Hinagod hagod nito ang likod ng bata. "Misis, pakilagyan naman ng lampin iyong balikat ko. Didighay ang baby."

Agad siyang kumuha ng lampin at saka maingat na nilagay sa balikat nito. Tuloy pa rin si Johann sa paghagod sa likod ni Isaiah, then their baby burped.

"Good boy..." bulong ni Johann kay Isaiah at saka ito hinalikan sa bumbunan. "Ang galing ng anak natin, no? Two weeks pa lang, marunong na mag-burp."

Maingat na pinahiran ni Sapphire ng lampin ang bibig ni Isaiah. "Alam na alam mo talaga kung anong gustong gawin ni Isaiah."

Pahigang binuhat na ito ni Johann at tumigil na sa pag-iyak ang baby. "Ako pa ba? 'Super Tatay' yata 'to!" nakangising sabi ni Johann na parang hindi man lang iritado na nagambala ang tulog nito. Johann gently rocked Isaiah in his arms.

Tinitigan niya si Johann habang nakatingin ito kay Isaiah, at napangiti si Sapphire. The love and affection in his eyes were very visible. Alam nang kung sino mang makakakita rito na mahal talaga ni Johann ang anak nila. Kung may kakaibang koneksyon sila ni Isaiah, mas kakaiba rin ang connection between a father and his son.

Napatingin sa kanya si Johann at napakunot-noo ito. "O, bakit umiiyak ka?"

Napasinghot siya at pinahid ang mga mata. "I don't know. Tears just started flowing. Pagod lang siguro ako."

Habang buhat nito si Isaiah sa isang kamay ay dumapo ang malayang kamay nito pisngi niya. He swept away her tears gently. "Ganoon ba? Tulog ka na lang ulit, Misis. Ako na bahala kay Isaiah."

"Ikaw na lang laging bahala sa kanya. Sabi ko na, eh. I'm not going to be a good mother," himutok niya. Habang nakatitig siya sa mag-ama niya, mas na-realized niya na mula nang pinanganak niya ang baby nila, ang tama lang niyang ginawa ay ang i-breastfeed ito. Pero kung kaya rin siguro ni Johann na magpa-breastfeed ay ito na rin siguro ang aako.

"Ngek. Dalawang linggo pa lang, Misis, naka-conclude ka na agad nang ganyan?"

She make face. "Eh, kasi naman, kahit minsan hindi ko naman nagawang patahanin si Isaiah. Hindi ko rin magawang palitan ng maayos ang diaper niya. Human milk-producer niya lang ako..." Nagbagsakan na naman ang mga luha niya. "Two weeks pa nga lang, failed na agad ako!"

"Sshh. Magigising si Isaiah."

"S-Sorry..." mahina niyang sabi.

Binalik na ni Johann ang anak nila sa crib at saka siya nilapitan. "Ang drama mo naman, Misis. Parang hindi mo lang napatahan, ganyan ka na agad mag-isip?"

Napahikbi siya. "Two weeks pa l-lang...how come you are so good at taking care of baby agad? Bakit ako hindi? Two weeks pa lang pero nakikita ko na agad na magiging magaling kang tatay sa tuwing tinitignan ko kayo ni Isaiah...bakit a-ako parang hindi?"

"Aww...kawawa naman," nakalabing pang-aasar pa nito.

Sinuntok niya ito sa braso na ikinatawa nito nang mahina.

Lalo siyang napaiyak. "Pinagtatawanan mo pa 'ko!"

Inakay siya nito patayo. "Halika nga, sa labas tayo mag-usap. Para hindi maabala si Isaiah."

Nagpaakay naman siya hanggang sa sala. Umupo ito sa sofa at kinandong siya nito. "Hay, magpapatahan na naman ako ng isa ko pang baby."

Sinuntok niya ito sa sikmura at natawa na naman ito. Niyakap siya nito nang mahigpit mula sa likod.

Hindi alam ni Sapphire kung bakit napaka-emosyonal niya. But a lot changed for the past months. Lumambot na daw kasi ang puso niya kaya siguro mabilis siyang madala sa mga bagay. Lalo na nang nagbubuntis pa siya. Lahat iniiyakan niya kahit sa pinakamababaw na dahilan, katulad nang minsang nakalimutan lang mag-'I Love You' ni Johann sa kanya sa text nang um-attend ito ng isang Teacher's Conference sa Baguio for three days. Hindi siya nakasama dahil may kailangan siyang asikasuhin sa bookstore. She's six months pregnant at that time. Umiyak siya at inaway agad ito which she realized later on na napaka-childish, stupid, at unreasonable ng inakto niya.

Kung nung buntis pa siya, masisisi niya sa hormones ang masyadong pagka-emosyonal, ngayon ay hindi na. Ngunit hindi naman niya matigil ang pag-iyak dahil disappointed siya sa sarili sa pagiging nanay.

"Uy, bakit umiiyak ka pa rin?" untag ni Johann sa kanya at saka hinalikan ang batok niya. "Alam mo, mali kasi iyang iniisip mo, Misis. Marami pang oras, araw, taon na puwede kang mag-improve. Sinabi ko na sa'yo, huwag mong pinagkukumpara ang kaya mong gawin sa kaya kong gawin. Ano ba 'to, contest?"

"A-Ang h-hirap maging nanay..."

"Mahirap din maging tatay."

Nilingon niya ito. "Bakit hindi halata sa'yo?"

Napabuntong-hininga ito. "Tulog ka kasi ng mga oras na una kong pinalitan ng lampin si Isaiah. Tulog ka nang hindi ko siya mapatahan at kailangan ko pa mambulabog ng kapatid para lang malaman kung bakit ayaw tumahan ng isang baby. Tulog ka nang halos magwala na 'ko dahil sa naririndi na 'ko sa pag-iyak ni Isaiah. Tulog ka, eh. Paano mo mapapansin na naghirap ako, aber?"

Lalo siyang naiyak. Lalo lang siyang na-guilty sa mga sinabi nito. "W-Walang kuwentang a-asawa na rin pala a-ako..."

Napanganga si Johann. "Huh? Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin."

"Wala na 'kong ginawa kundi ang matulog, magpahinga, asikasuhin ang bookstore ko, at iwan lahat sa'yo ng responsibility!" Umalis siya sa pagkakandong rito. "I'm still selfish!"

"Medyo nga."

Napahagulgol na siya.

"Ay, joke lang. Ano ba naman iyan? Bakit hindi mo na ma-gets mga joke ko?" Hinawakan siya nito sa kamay ngunit nagpumiglas siya. "Sapphire."

Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak habang nakaupo sa dulo ng sofa malayo kay Johann. Suddenly, she cannot understand herself anymore. Nagpatuloy siya sa pag-iyak habang nakatakip ang mga palad sa mga mata.

Naghalo-halo na ang emosyon niya na hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang maramdaman.

Narinig niya ang pagbuga ni Johann ng hangin. Naramdaman niya na tumayo ito at umalis. Marahil ay hahayaan na lang siya nito dahil hindi niya rin alam paano papakalmahin ang sarili. Napagod na siguro si Johann sa pag-intindi sa kanya.

"Misis..."

Bigla siyang napaangat ng tingin at nakita si Johann na may dalang tubig. "Inom ka na muna. Mag-refill ka muna ng tubig sa katawan tapos iyak ka na lang ulit."

Tinignan niya ito ng masama at kinuha ang baso ng tubig. "H-Hindi mo b-ba 'ko p-papatahanin?"

"Magpapatahan ka ba?" tanong nito habang umiinom siya ng tubig

"I don't really know what's going on with me. S-Sorry..." Then she cried again.

Hinagod-hagod nito ang likod niya. "Alam kong stressed ka, marami kang iniinintindi dahil sa pagbubukas ng bookstore, pagod ka, ninenerbiyos ka, na-e-excite ka, nadi-disappoint ka, nagi-guilty ka...sige lang, iyak lang. Buhos mo lahat." Tumabi ito sa kanya at inakbayan siya. "Sabi ko na nga ba, dapat hindi kita pinayagan na asikasuhin agad ang negosyo mo. Kapapanganak mo pa man lang rin."

"I'm okay."

Tumingin ito sa kanya na salubong ang mga kilay. "Saan ka banda 'okay' ngayon? Sige nga. Explain."

Hinilot niya ang sentido na sumakit na dahil sa pag-iyak niya. "Na-e-experience ko siguro iyong Postpartum depression. You know, unstabled hormones even after birth," bigla niyang naisip. Well, that can explain what she's feeling right now.

"Ah, oo! Alam ko iyan. Sinabi sa'tin iyan ni Doktora eh. Bale, dapat aware ka lang na kaya ka ganyan dahil sa Postpartum. Di'ba dapat nilalabanan iyan?" nanlalaking mga mata na sabi nito.

Tumango siya at pinunasan ang mga luha gamit ang shirt ni Johann. Ayaw niya pahiran ang suot niyang pajama top. Mahal iyon. Iyong kay Johann, okay lang dahil hinayaan lang siya nito.

Hindi na siya umiiyak at unti-unti niya na ring napayapa ang damdamin. "Hayan na, okay na 'ko."

"Hay, muntik na 'ko mabaliw kakaisip kung bakit ayaw mong tumahan. Akala ko gusto mo lang rin dumighay," natatawang sabi nito.

Napabuntong-hininga siya at dinantay niya ang ulo sa balikat nito. Sumisinghot-singhot pa siya bago huminga ng malalim.

Mas kinabig nito ang balikat niya. "Huwag ka nga munang lalabas mamaya, ha? Dito ka lang sa bahay."

"Pero iyong bookst-"

"Mag-utos na lang tayo ng gagawa ng mga kailangan mong gawin. Dito na lang muna tayong tatlo sa bahay. Isa pa, buong araw mo lang na makasama si Isaiah, mage-gets mo rin ang anak natin."

"I still think that I'll fail as a mother," she honestly said.

"Noong una akong pumasok ng college, laging mababa ang grades ko sa lahat ng subjects ko. Kahit Math pa. Pero kahit minsan, hindi ko inisip na hindi ako magiging magaling na teacher sa pagdating ng araw," biglang pagkukuwento nito.

Tiningala niya ito. Saktong yumuko ito para tignan siya. Masuyo itong ngumiti sa kanya.

"Adjustments," anito. "Kapag nagsisimula ulit ng bago, laging may pag-a-adjust na nangyayari. Hindi ibig sabihin na failed ka ngayon, failed ka na habang buhay. Desisyon mo iyon. Nakasalalay sa'yo kung mananatili ka sa kung saan akala mo hanggang doon ka lang o hahanap ka ng paraan para mas mag-improve ka. Hindi mo naman kailangang maging magaling agad sa simula. Magsisimula ka ngang matuto para maging magaling."

Napalabi siya. "I know."

"Kita mo 'to, alam mo naman pala, eh."

Humalukipkip siya at nilayo ang tingin rito. "Pero ganoon naman ang mga tao, di'ba? Kahit alam na nila, papaalalahanan mo pa rin." She sighed. "Okay, I won't go anywhere later. I'll spend this whole day with Isaiah and you."

Niyakap siya ni Johann nang mahigpit at inaya nang bumalik sa pagtulog dahil mukhang okay na daw siya. Pagdating ng umaga, biglang kailangang umalis ni Johann dahil pinatawag ito ng dean ng College of Engineering kung saan magtuturo ito major Math sujects next semester.

Bigla siyang kinabahan dahil unang beses na maiiwan sa kanya si Isaiah mag-isa.

"Kaya mo iyan, Misis. Para namang hindi mo anak iyan. Pakikiramdaman mo lang siya. May mother instinct ka naman siguro."

Iyon nga problema niya, wala yata siyang mother instinct. "B-But-"

"Sandali lang ako. Chill lang kayo ni Isaiah. Babalik agad ako pagkatapos ko makausap ang dean, ha?" Lumapit ito sa crib at maingat na hinalikan sa noo ang anak nila na mahimbing pang natutulog. Pagkatapos ay siya naman ang hinalikan nito sa pisngi. "Babalik agad ako, Misis. Promise!"

Pag-alis nito ay napabuga na lang siya ng hangin. Siguro naman hindi lalagpas si Johann ng apat na oras. Malapit lang naman sa kanila ang campus at mukhang hindi naman ganoon katagal makikipag-usap ang dean rito dahil emergency lang naman ang pagkakatawag rito.

Pagkaalis ni Johann ay kinandado niya ang gate at saka pumasok sa bahay. Tumuloy siya sa kuwarto at naghila ng upuan sa tabi ng crib. Tinitigan niya ang mapayapang pagtulog ni Isaiah. And she can't help but lightly touch her son's tiny face.

Her son. Anak niya. Tama si Johann, she can take care of their precious child. Kaya niya iyon. Hindi dapat niya i-down ang sarili bagkus ay dapat niyang palakasin ang loob.

Adjustment. Mahirap sa umpisa pero kapag nakasanayan na, magiging madali na lang.

Napangiti siya habang nakatitig pa rin sa baby nila. Last year, hindi niya kahit kailan plinano na magkaroon ng asawa o anak. But then... well, God had another plan. And here she is now.

Bahagyang gumalaw si Isaiah kaya binawi niya ang kamay. Ngunit tulog na tulog pa rin ito kaya tinuloy niya ang ginagawang paghaplos rito.

Sabi ng Mommy niya, kamukhang-kamukha niya daw ang baby dahil ganoon daw ang itsura niya nang ipinanganak siya noon. Isaiah will be her boy-face version. Ngunit sana ay makuha nito ang pagiging enthustiastic at humurous ng asawa niya.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa pagtitig at paghaplos-haplos lang sa natutulog na anak. But she does not want to move from there.

Kung kaninang madaling araw ay puno siya ng negativity, ngayon ay bigla na lang nagli-lift pataas ang positivity sa sistema niya. Wow. Just looking at her son, it brought her hope that she can be a cool and good parent too someday.

Sana rin ay laging ganoon kapayapa si Isaiah. Natataranta na kasi siya kapag umiiyak ito.

Maya-maya ay gumalaw ulit ito...and he started crying. Kumabog ng malakas ang puso ni Sapphire at biglang nablanko sa dapat gawin.

Oh my! Help me, Lord!

***

KALALABAS lang ni Johann sa opisina ng Dean nang kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Sir Darwin.

"Sir! Nakausap ko po ang dean ng CE. Tuluyan na daw pong nag-resign si Sir August?"

Pumalatak ito mula sa kabilang linya. "Tinuloy niya pala ang plano niya. Sa totoo lang ay hindi ko pa siya nakakausap magmula nang biglaan siyang mag-file ng leave last semester. Kahit magkapatid kami, magkaiba na kami ng buhay kaya hindi ko masyado nalalaman ang mga plano niya. Ano bang sabi ng dean sa'yo?"

Naglakad na siya papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. "Eh, ako na nga po ang magha-handle ng mga naiwang subject loads ni Sir August. Hindi naman po nabanggit sa'kin ng dean kung bakit bigla na lang nag-resign si Sir."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Sir Darwin. "Hindi ko na talaga alam kung ano na naman bang pumasok sa utak ng lalaking iyon. Hindi niya na nakatandaan ang mga biglaang pagpapasya."

"Nasaan po ba siya?" he curiously asked.

"Hindi ko rin alam. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko."

Nang makita niya ang kotse ang agad siyang sumakay roon. "Paano na iyan, Sir? Talagang hindi na siya mas makikilala ng asawa ko?" Habang nagbubuntis pa lang ang misis niya ay nakikita niyang gusto na talaga nitong mas makilala ng lubos ang ama dahil noon namang hindi pa nila alam ang katotohanan ay mas magaan talaga ang loob nilang dalawa kay Sir August. Ngunit nang lumabas na ang totoo, biglang dumistansya na lang ang totoong ama ng asawa niya.

Buti na lang nandiyan si Sir Darwin at kahit paano ay nararanasan pa rin ni Sapphire na magkaroon ng ama. Ngunit, iba pa rin talaga kung magkakaroon na rin ng kasunduan ang mga ito.

Alam niya ring disappointed na ang asawa niya dahil makailang beses nang napurnada ang masinsinang pag-uusap ng mga ito dahil laging hindi puwede si Sir August o kaya ay hindi ito ma-contact. Kahit si Sir Darwin ay hindi na alam kung paano kakausapin ang kapatid nito. Nararamdaman niyang nawawalan na ito ng gana na maging malapit pa sa totoong ama.

"Gagawa pa rin ako ng paraan para kay Sapphire. Nga pala, kumusta na ang anak ko? Kumusta na ang apo ko?"

"Ako, Sir, hindi mo kukumustahin?" biro niya habang pinapaandar na ang kotse.

Natawa naman ang biyenan niyang hilaw. "O, sige, kumusta ka na rin ba?"

"Ayos lang, Sir. Parehas pa kaming nag-a-adjust ni Sapphire. Ayos na ayos rin po ang baby. Marunong na pong dumighay." Kusa siyang napangiti nang maisip niya ang anak. Hindi niya maramdaman ang kakaibang damdamin na pumupukas sa puso niya sa tuwing tinitignan niya ang anak. Basta ang alam niya ay nakaka-proud magka-anak.

Kanya iyon, eh. Galing sa kanya. Made out of love. Ah, mabagsik!

Pagkatapos ng kumustahan ay binaba niya na rin ang tawag. Nangako si Sir Darwin na hahanapin nito ang kapatid para makausap ng masinsinan.

Ngunit kung ayaw magpakita ni Sir August, eh di huwag. Ayaw niya namang pag-isipan ng masama ang ama ng asawa niya, pero, kung ayaw nito na makilala si Sapphire, mas mabuti pang huwag na nga itong magpakita na lang o magpaasa na kikitain ang asawa niya at pagkatapos ay hindi naman natutuloy. Mas nalulungkot siya kapag nalulungkot ang misis niya.

Napailing na lang siya at inalis sa isipan si Sir August. Binilisan na lang niya ang pagmamaneho para makasama na ang mag-ina niya.

Tatlong oras lang siya nawala, suma total. Ano na kayang nangyari kay Sapphire at Isaiah? Siguro ay tulog pa rin ang anak nila at baka natulog lang rin ulit si Sapphire.

Bigla siyang napangiti nang maalala kung gaano kamukhang kawawa si Sapphire kapag umiiyak ito. Mukhang kawawa pero maganda pa rin. Anak ng rambutan! Hindi na pumangit sa paningin niya ang asawa kahit pa ang laki ng tinaba nito nang nagbubuntis ito. Kahit napakalaki ng mga eyebags nito, o mukha itong haggard, maganda pa rin.

Mahal na mahal talaga siya ng Diyos. Last year, broken hearted lang siya, ngayon asawa na, tatay pa!

Haaaaanep!

Speaking of last year, malapit na ang first wedding anniversary nila ng asawa! Nahampas niya ang manibela. Hindi pa siya nakakaisip ng gagawin para sa unang anibersaryo nila.

Isang taon na siyang nagpapaka-"gay" at isang taon na rin siyang pinapaulanan ng English ng asawa! Mag-iisang taon na nang una siyang mabighani sa legs ni Sapphire.

Napangisi siya. Parang ang sarap sundan agad ni Isaiah. Hmm...

Hanggang sa makauwi siya ng bahay ay nag-iisip pa rin siya kung anong gagawin na espesyal para sa araw nilang mag-asawa. Magpatulong kaya siya sa mga pinsan niya? Puwede.

Siya na ang nagbukas ng gate dahil may susi naman siyang dala. Pagkatapos niyang maipasok ang kotse ay sinara na niya ulit ang gate at nasasabik na pumasok ng bahay.

May narinig siyang pag-iyak mula sa kuwarto. Napakunot-noo siya dahil hindi lang si Isaiah ang mukhang umiiyak.

Nanlaki ang mga mata niya nang pagpasok niya ng kuwarto ay umiiyak na rin si Sapphire habang buhat nito ang umiiyak na si Isaiah.

"J-Johann..." umiiyak na tawag nito nang makita siya. "A-Ayaw tumahan ni I-Isaiah..."

"Dahil hindi siya mapatahan, naki-duet ka na lang?" Hindi niya alam kung bakit natatawa pa siya sa itsura nito. Maybe because even though she looked helpless, she's still adorable. Kahit umuusok pa ang ilong nito sa bagsik minsan, ang cute nito sa paningin niya.

Pumalahaw ng iyak ang anak nila. Parang mas nataranta si Sapphire at nilakasan rin ang pag-iyak. "Ugh! I suck at this!"

Tuluyan na siyang natawa kahit walang nakakatawa sa nakikita. Kinuha niya na si Isaiah rito at saka nakapang puno na ang diaper nito. Ah, kaya pala umiiyak.

Mabilis naman niyang pinalitan ng lampin ang anak. "Okay na, anak. Eto na si Tatay...o, ayan na, may bago ka nang lampin..." pagbe-baby talk niya pa pagkatapos pulbusan at makabit ang bagong diaper. Tumahan na ang bata. Si Sapphire umiiyak pa rin.

"Uy, tapos na iyong ka-duet mo, Misis. Baka gusto mo na rin tumahan?" natatawang sabi niya sa asawa habang binabalot ang mabahong diaper. Mabilis niyang tinapon iyon sa trashcan sa tabi ng pinto at saka naglagay ng alcohol sa kamay bago kargahin ulit si Isaiah.

"I'm doomed, Johann!"

"Bakit hindi mo tinignan kung puno na ba ang diaper?" simpleng tanong niya.

Suminghap-singhap ito at napayuko. "I forgot. Akala ko gusto niya ulit mag-burp, eh."

Natawa na naman siya. Hay. Marami pang kailangang matutunan si Sapphire, aminado siya. Napapangunahan lang talaga ito ng takot.

Mabilis na nakatulog ulit si Isaiah. Sa paggising nito, gutom naman ito sigurado. Ibinalik niya na ito sa crib at saka naman hinarap ang misis niya.

Kinabig niya ito payakap, yumuko, at nanggigil na hinalikan ang magkabilang pisngi nito. "Tahan na, Misis."

"I swear I'm not going to be a good mom! Isaiah will hate me! Ugh!"

Sinasabi lang nito iyon dahil hindi pa ito nakakapag-adjust ng maayos. Pero naniniwala si Johann sa kakayahan nito. Lagi siyang naniniwala na kaya nito ang mga bagay na kinakatakutan lang naman nito sa umpisa. Pasa-saan ba at malilinawagan din itong magandang misis niya? Masyado lang itong OA ngayon. Dahil na rin sa dala sa hormonal imbalance nito.

"May sasabihin ako sa'yo," nakangiting sabi niya rito.

Tiningala siya nito. "W-What?" humihikbi pang tanong nito.

"Mahal kita."

Nahinto ito sa paghikbi at pagluha. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya.

"Mahal kita. Kaya hindi ko hahayaan na mangyari ang mga sinasabi mo," masuyo niyang wika rito sabay marahang haplos sa pisngi nito. "Magkakampi tayo. Walang iwanan. Kaya natin 'to."

"J-Johann..."

Ginulo niya ang magulo nang buhok nito. "Dahan-dahan lang, Sapphire. Nagsisimula pa lang tayo. Labanan mo rin iyang postpartum mo. Masyado kang nadadala ng emosyon mo. Relax lang. Laging may ilaw sa dulo ng lagusan." Ah, ang dami talaga niyang alam! Pero totoo naman. Iyon din sabi sa kanya ng mga nakakatanda noon.

"S-Sorry..."

Inangat niya ang laylayan ng polo-shirt niya at saka pinunas sa mukha nito. Wala naman kasi siyang panyo. "Halika sa sala, tuturuan kita ng mga dapat gawin. Para kapag nagising mamaya si Isaiah, alam mo pa kung ano ang gagawin."

Tumango ito at saka humawak sa kamay niya. Lumabas sila ng kuwarto at tumambay sa sala. Matiyaga niyang pinaliwanag rito ang mga natutunan niyang gawin sa pag-aalaga sa anak. Sinabi niya rin rito ang payo na binigay sa kanya ng kapatid niya sa pag-aalaga ng bata. May anak na kasi sina Agatha na mag-iisang taong gulang na sa susunod na buwan rin.

Ang maganda kay Sapphire kapag tinuturuan niya ay nakikinig ito. Kahit noong pinagagawa niya ito ng mga gawaing bahay, kahit labag sa loob nito ay makikinig ito sa instructions. Matalino ang asawa niya, masyado lang napupukaw ng emosyon nitong mga nakaraang araw. Pero babalik din ang dating ito kapag tumagal.

Pagkalipas ng dalawang oras, narinig nila ang pag-iyak ni Isaiah mula sa kuwarto.

Prenteng sumandal siya sa kinauupuan. "O, ayan na, Nanay. Tapos na ang lesson, time to take your quiz," makahulugang sabi niya.

Sapphire held her breath. Tumayo ito pumasok sa loob ng kuwarto. Sumunod naman siya rito at nakita niyang kahit parang kinakabahan ang asawa niya ay kinuha nito si Isaiah mula sa crib.

"H-hi, baby..." malambing na sabi nito. "Are you hungry? Do you want your milk already?" she asked softly.

Number one, makipag-usap ng malumanay, malambing at puno ng pagmamahal sa bata. Kahit mag-baby talk pa. Check.

Nagpatuloy lang sa pag-iyak si Isaiah. Nagpatuloy si Sapphire sa malumanay na pagpapatahan rito.

Number two, huwag matataranta. Mararamdaman ng baby kapag natatakot rin ang may buhat rito kaya matatakot rin ito at lalong maiiyak. Kaya dapat kalmado lang. Check.

"N-Nandito na si Nanay... Hindi na magugutom si baby..." Later on, Sapphire was already breastfeeding their son. Siyempre ay hindi na umiiyak ang bata. Mapayapa ito habang nakasubsob sa dibdib ni Sapphire at maganang sumususo ng gatas. Sapphire held Isaiah tenderly.

Number three, kapag alam na kung anong gusto ng bata, manatiling kalmado at iparamdam ang pagmamahal sa anak sa mga simpleng paghaplos at paghalik. Check.

Napangiti si Sapphire at napalingon sa kanya. He gave her a thumbs up.

"Okay, being a mom is not horrible afterall. Naisip ko na 'to kanina. Kaya ko naman, basta maniniwala ako sa sarili ko. Gosh, anong itura ko kanina habang umiiyak at natataranta?"

"Mukhang tanga."

Dumilim ang itsura nito na ikinatawa niya.

"Pero maganda. Hindi pa kasi tapos, galit agad?" natatawang sabi niya. "Bale diyan ka muna? Bibili lang ako ng bananaque para meryenda natin. Kaya mo na, ha? Baka pagbalik ko, nagdu-duet na naman kayo ni Isaiah?"

Marahan itong natawa at umiling. "Hindi na. I can manage."

Tumango siya at saka tumalikod palabas ng kuwarto.

"Mister," pahabol na tawag ng asawa.

"Yep?" lingon niya rito. "May ipapabili kang iba?"

Umiling ito at matamis na ngumiti. "Thank you. For always understanding me. For patiently teaching me things. I really can't live without you." Tumikhim ito. "Me really really loves you, Johann," malambing pa nitong dagdag bago muling binaling ang tingin sa anak nila.

Mula sa mga narinig ay dumiretso iyon sa puso ni Johann na nagpabilis lalo ng pagtibok. Tumawid iyon sa bawat himaymay ng ugat niya. Nag-init ang tainga niya at bahagya siyang nanginig.

Pinigilan niya ang malapad na ngiti at mabilis na lumabas ng kuwarto.

Napapakilig rin kaya niya si Sapphire katulad nang nagagawa nitong pagpapakilig sa kanya mula sa mga simpleng sinasabi nito?

Ah, excited na siya para sa first wedding anniversary nila! Paghahandaan niya talaga iyon at gagastos siya kahit gaano kalaki para sa asawa.

Ano kaya ang magandang gawin?

Habang naglalakad siya sa labas papunta kay nila Manang Lisa para bumili ng bananaque ay nag-ring ang cellphone niya.

Unknown number pero sinagot niya pa rin.

"Hello?"

"Hi, Sir Johann! This is Cindy! Ahm, from Math 17? First sem, last year po naging student niyo 'ko."

"Ah, oo! Naalala kita," aniya pero napakunot ang noo. "Saan mo nakuha ang number ko, hija?"

"I asked around, Sir. Ahm, sorry po, Sir, kung naabala ko kayo. Sorry rin po kung hiningi ko ang number niyo sa iba para lang ma-contact kayo."

"Hindi. Sige, okay lang." Hindi na siya magagalit pa. Eh, alam na nito ang numero niya. May magagawa pa ba siya? "Bakit ka nga pala napatawag? Do you have any questions about your grades last last semester?"

"No, Sir," malambing na sabi nito. "I just called to say po na magiging Prof ko po kasi kayo for the summer class next week. I'm just excited po na kayo ulit ang magtuturo sa'kin-sa'min..." sabik ngang bulalas nito. "Ahm, that's all, Sir."

Ang weird talaga ng mga kabataan ngayon. "Ah, okay. So, I'll just see you in class, then. Don't forget to bring your textbook sa first day ng summer class," sabi na lang niya.

"Okay, Sir! Ahm, nagustuhan niyo po ba iyong cookies na binigay ko po sa inyo before the sembreak? Gusto niyo po bigyan ko kayo ulit, Sir?"

"Ahm..." Nakalimutan niya na kung masarap ba ang cookies na binigay nito noon. Pero naubos niya yata iyon-sila ni Sapphire, kaya siguro, baka masarap. "Masarap ang cookies. Nag-enjoy kami ng asawa ko sa pagkain. It was thoughtful of you. Pero hindi mo kailangan magbigay ulit."

"No, Sir. I'll surely bake and give you cookies po. And by the way po pala, congrats po sa baby niyo!"

"Salamat, Cindy."

"Bye, Sir! See you next week!" masayang-masaya pang paalam nito bago ibaba ang telepono.


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

747K 13.1K 31
Forced to live under the same roof with her monster for a mother-in-law, Georgina finds herself stuck amidst complications and lies. With her trying...
49.1K 3.5K 30
ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a different world inside her mind. After d...
87.2K 7.5K 37
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
320K 18.9K 33
2nd Book of Valleroso Series. Cypress Olivier Valleroso. Written©️2022