RAIN OF HEARTS (ADORE SERIES...

By DeiZach

75 10 1

Sometimes, it's the love that makes the person change. Xaracci never change herself para lamang tanggapin siy... More

RAIN OF HEARTS (ADORE SERIES #1)
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05

CHAPTER 02

7 2 0
By DeiZach

Maaga akong gumising sapagkat excited na akong pumasok ngayon sa school, nag ten minutes exercise muna ako bago ako maligo. While taking a bath, naalala ko lang 'yong mga friends ko, some of them are in different school at two weeks na kaming hindi nagkikita kasi ilan sa kanila ay iba rin yung Municipality.

After kong naligo ay sinuot ko na yung jeans at t-shirt ko. Yes, I'm not going to wear my school uniform kasi 'di ako a-attend ng class, pupunta lang ako para mag process ng requirements para sa pag transfer ko sa ibang school, sa Wistlellon Academy. Tumungo na si Papa sa States kahapon para ipagpatuloy ang trabaho bilang isang Architect, matagal pa ulit bago magkita.

"Xaracci." Mom knocks on my door so I immediately open it and she brought me a breakfast. "Ma, akala ko sabay tayo kakain ng umagahan ngayon?"

"No, maaga ako ngayo'ng pupunta sa trabaho at mukhang matatagalan ka pa ata. Tingnan mo nga 'yang buhok mo, oh, di ka pa nakapag ayos---"

"Ma, di naman kailangang mag ayos--"

"Ayy hindi, kailangan presentable ka sa harap ng ibang tao. Dapat alam mo kung paano alagaan ang sarili mo, Racci, dalaga ka na."

"Pero Ma--" di ko pa natapos ang sasabihin ko ay bumeso na siya sa 'kin at nagmamadaling umalis.

Napabuntong hininga na lamang ako saka nilagay ang tray ng breakfast ko sa lamesa at nagsimula nang kumain.


"LAHAT incomplete uniform pakilista ng pangalan niyo---"

"Magp-process lang ako ng requirements ko kaya ako naka civilian, please listen to me!" galit kong bulyaw sa campus officer ng school namin pero di ako pinansin. Hindi ko nilista pangalan ko pero hinablot niya yung suot kong I.D at tiningnan name ko saka sinulat niya iyon sa list. Damn it!

Napa roll eyes ako saka nameywang, sumandal sa pader at binuksan ang phone ko. I'm checking my Facebook newsfeed nang makita ko ang ilang posts ng students sa school namin, it's obvious to their posts na kinikilig sila, talking about "Custhin La Veda will visit our school." Bored kong binalik ang cellphone sa bag ko bago pa ito makita ng ibang officers at i-confiscate.

"Racci dipunggol!"

Mabilis akong napalingon sa tumawag sa pangalan ko, it's Ydreiyan na may dalang pagkain at nakasunod si Qrester sa kanya.

Oh wait-- Qrester is the campus Vice President!

Sinenyasan ko si Qrester na gawin ang lahat para makawala na ako sa pila ng incomplete uniform at mukhang na gets naman niya kaagad. Ilang sandali lang ay umalis na ang officer na sumita sa 'kin at sinenyasan ako ni Qrester na tumakbo papuntang bench.

Nakatakas na ako at kasama ko na silang dalawa ngayon ni Ydreiyan. "Yano, may tubig ka ba jan?" tanong ko at agad niya akong inabutan. Pagbalik ko sa bote niya ay agad niya itong pinahidan ng tissue, "Mahirap na, baka may dalang virus 'yang bibig mo," aniya saka nginitian niya ako ng nakakaloko.

Napailing na lamang ako saka naglakad kaming tatlo sa hallway nang may biglang nagsisigawan at nagtitilian na mga babae. Sa 'di kalayuan ay nakita namin si Kaloy na naglalakad mag-isa at pinagpipyestahan ng mga babae pero 'di niya pinansin, diretso lang siyang lumakad papunta sa 'ming gawi.

Lumayo na lamang ang mga babaeng pinepyestahan siya kanina, humarap siya sa 'kin at-- niyakap ako?

Tinapik niya ang aking noo nang mapansin nitong lumaki mata ko sa ginawa niya.

"Who told you to transfer in our school? Bawal ka do'n," aniya at tinapik na naman ako sa noo.

"Di ako yung may gusto na lumipat do'n no, at bakit ba ayaw mo na doon ako mag-aral ha?" nakameywang kong tanong sa kanya. Bumuntong hininga siya saka tiningnan ako ng masama. "I'm here to stop you, 'di ka pwedeng lumipat do'n," he glared at nilampasan ako. Nakasunod ang mata naming tatlo ni Qrester at Yano sa kanya, at patungo siya sa direksiyon ng Principal's office.

"Oy, pahingi naman ng pagkain jan. May dala ka?" kalmadong tanong sa 'kin ni Yano habang lumalamon ng Piattos.

Napairap ako saka mabilis na kinuha ang chocolate sa bag ko, "Ayan, basta paturo ako sayo ng lesson namin kapag nakalipat na ako ng school ha."

Mahina ako sa academics, kay Yano lang talaga ako umaasa para maintindihan ko yung lesson namin. Ngayong lilipat na ako, it's more difficult since 'di ko araw-araw makakasama si Yano. Hindi man lang tumango si Yano, basta kinuha niya lang bigla yung binigay ko, "Palipat-lipat ka pa kase, sabagay rich kid," parinig niya na ikinatawa ni Qrester.

Inakbayan ako ni Qrester, "Let's go, di mo lubos kilala si Kaloy, baka kung ano pa ipagsasabi nun sa Principal,"

Salubong kilay kong tiningnan si Qrester. "Aba, hindi pupwede 'yon! Tara na." Umalis na kami habang hawak ang kamay niya, sumusunod naman sa 'min si Yano.

Pagkarating sa tapat ng office ng Principal tangka ko na sanang buksan ang pinto pero nagulat nalang ako nang sinipa ito ni Qrester ng malakas para bumukas, hinampas ko siya ng malakas sa balikat dahil sa ginawa nito pero tumawa lang siya. Tukmol talaga ang gagong to.

"Don't be scared, you're safe with me," aniya saka malakas akong hinila papasok sa office. Ang gagong 'to siguradong ipapahamak na naman ako.

When I saw the Principal's expression nang makita kami- nakatayo siya at nakakuyom ang kamao sa desk habang naka de kwatro naman si Kaloy, nginingisian ako. Napatiim bagang ako at palihim na ginigitgit ang ngipin sa inis.

"Sino sa inyo ang sumira---"

"Si Racci, Sir. It's Xaracci"

Kitang kita ko ang biglang pagdilim ng paningin ng Principal. "Babayaran mo ang sinira mo, and you're just giving me a reason kung bakit possibleng di kita maitransfer sa ibang school---"

"No!!!" I immediately beat my palms to the desk dahilan para magulat silang lahat-pati ako nagulat sa sarili ko. I cleared my throat, "I mean, n-no... Sir," umiwas ako ng tingin.

"Mr. La Veda came here and told me the reasons kung bakit hindi kita papayagan na mag transfer ng ibang school---"

"Then I also have reasons kung bakit kailangan niyo akong pakinggan," putol ko sa linya niya.

Napalunok muna ako bago mailang sa mga tingin nila sa'kin.

"I'm dangerous, Sir. I can make trouble and will cause problems in this school, just like what happened right now. Hindi pa ba sapat na dahilan 'to para pumayag kayong lumipat ako? Isa pa..." tumingin muna ako kay Custhin bago ipagpatuloy ang sasabihin, "Bobo ako, wala akong ambag sa paaralan na 'to kundi problema lamang. Lalo na't wala din naman kayong karapatan na pigilan ako kasi desisyon ko naman 'to."

Medyo nahiya ata ang Principal sa mga sinabi ko ganun rin si Custhin no'ng sinabi ko na bobo ako, 'yon naman ang tawag niya sa 'kin at ayoko rin i-deny kasi totoo haha. Medyo masakit pero sige, itatawa nalang natin. Lagi naman.

"No," nagulat kami sa biglang pag tayo ni Custhin.

"Oh, ano na naman yan Kaloy," gitgit ngipin kong tanong sa kanya.

"You said you're dumb so---"

"No, you said it." tumaas kilay ko, "Sinabi ko lang sa Principal yung puna mo sa 'kin."

I heard our friends coughed samantalang pumagitna naman sa amin ang Principal, tiningnan ako ng masama ni Kaloy. I can't see him as one of my best friends, he's still a stranger who always makes me angry and teased!

"Ok, pwede ka nang lumipat ng paaralan."


KAHIT saan ako pumunta ay bumubuntot parin sina Qrester, Yano at Kaloy sa 'kin. Hindi maalis ang pagkakunot ng noo ko dahil sa pakiramdam ko ay may binabalak ang mga kumag sa akin until Qrester called my name at inakbayan na naman ako. He kiss me on my forehead then I heard Kaloy and Yano chuckled. Tinakpan ko ang bibig ng gago saka pinunasan ang noo ko.

Qrester laughed so hard then mess my hair. Students around us are giggling, they're comfortably knew us as a couple. The fuck! Qrester is just my best friend who always messing with me!

Pagkarating namin sa gate ng school ay nag paalam si Qrester sa guard na sasama siya sa amin na umalis sa campus, he's about to accompany me in Wistlellon. Bumalik naman si Yano sa room niya since he doesn't want to miss even one subject.

"Come," ani Kaloy pero ang humihila sa akin ay si Qrester.

"Mga gago, kaya ko mag commute---"

"Sama na 'ko," singit ni Qrester. Tinaasan ko siya ng kilay. "Pa libre, pamasahe," malapad niyang ngiti.

I sighed, kahit kailan hindi talaga naging gentleman sa akin ang kumag na ito.

"Sakay na kayo sa kotse ko."

Pareho kaming napa tingin kay Kaloy, nilalaro niya ang susi sa kanyang kamay. I cossed my arms then raise a brow, like wtf! Napaka yabang naman ng isang to. Porket anak ng mayor. "Yayamanin ah, sanaol High School palang may kotse na. Ano ka, Wattpad boy?" ngisi ko.

"Wattpad Boy?" he asked. I can see to his expression how confused he is.

Tumango ako, "Yes, Wattpad Boy. Yung kaso nga lang---wala kang abs--"

"I have! Tch."

I pouted then sarcastically smiled. Padabog siyang tumungo sa kanyang kotse at sumakay sa driver's seat. Sumunod naman si Qrester sa kanya na iniwan ako dito'ng nakatayo. Sumilip siya sa windshield at sinenyasan ako, "Racci, tara na." yaya sa 'kin ni Qrester.

Galit kong binuksan ang pinto ng kotse at pumasok na, "Bakit di mo man lang ako binuksan ng pinto ha?!" kinurot ko siya. Parehong tumawa ang dalawa at sumabat si Kaloy, "Di ka naman kagandahan para pagbuksan ng pinto," bulol-bulol niyang sabi.

"Makakaganti rin ako sa 'yo" bulong ko sa aking sarili.

Pinaharurot na niya ang kanyang kotse, di naman masyadong malayo ang school na iyon sa SAA, fifteen minutes na biyahe lamang since mabilis naman mag maneho ang abno.

Nang makarating kami ay umasa na naman ako na may bubukas ng pinto para sa 'kin pero wala talaga. Naaalala ko na naman, "Di pala ako kagandahan," naiinis kong bulong at binuksan ang pinto saka sinara ito ng napaka lakas. Tiningnan ako ni Kaloy ng masama dahil halos masira ang pinto ng kotse niya sa ginawa ko.

"Gago, kung nasira mo yun lagot ka sa bayad nun hahaha!" sabi sa akin ni Qrester.

Ngumisi lamang ako at nag cross arms. "Anak naman ni Mayor yan e, rich kid."

Pumasok kami sa campus, ang ganda ng view rito. Maraming puno sa paligid at benches na pwedeng tambayan kapag break time. Marami din ang building at halatang may magaling silang enehiro sa pagpapatayo nito. Yung guard house nila ang astig tapos kumpleto ang mga gamit for inspection.

"Punta muna ako sa room namin, I have something to do first." paalam sa 'min ni Kaloy pero kunwari di ko iyon narinig at naka focus lamang sa pag obserba sa paligid nito.

"Let's roam," hila-hila ako ni Qrester. Napatungo kami sa isang malapad na garden, at mukhang di ito basta-basta garden lamang dahil napaka unique nito at maraming naka display. "It's a science garden, you know," he mentioned at napa "wow" ako sa ganda nito. Sa gitna nito ay may mesa at upuan na yari sa kahoy, di ko alam kung anong uri ng kahoy siya basta ang alam ko ay napaka espesyal nito.

We decided to sit there, masaya lamang kami na nagkukwentuhan ni Qrester nang may biglang pumasok na grupo ng kalalakihan. They were handsome and looks kind but-

"Hi, can I get your number?" diretsong tanong ng lalaking nasa gitna.

Umiling ako at nahihiyang sinabi na, "Sorry, n-no"

Mukhang di naman siya na upset, wala rin namang reaksiyon ang mukha ng tatlo niyang kasama.

"Boyfriend mo?" tanong niya sabay tingin kay Qrester. Umiling ako, "Best friend," I said.

I won't deny it, this man looks very handsome. And one thing I'm confused about- how can these students roam around during class hours? Pwera nalang if they have power to control the regulations, maybe a violators? Pero, di naman halata sa pagmumukha niya.

"I guess you're a transferee." nabanggit no'ng isa niyang kasama na may dalang isang Philosophy na libro, so rare for a guy.

I nod, "At s-sinamahan niya ako." nahihiya kong sagot habang pinalibot ang braso ko sa braso ni Qrester. Medyo kinakabahan kasi ako habang kausap sila.

Yung lalaking mukhang leader nila ay nagsimula na namang magsalita, "Let me introduce myself to you, Miss---"

"You don't have to, she doesn't care about you. No need to introduce yourself," putol ni Qrester sa linya ng lalaki.

Napalunok ako at palihim na kinurot ang tagiliran ni Qrester. Dumilim ang titigan nilang dalawa, at di ko man lamang alam ang dahilan no'n.

"Shut up, Grawford." Napalaki ang mata ko sa gulat, bakit alam niya yung surname ni Qrester? Magkakilala ba sila?

I focused my attention to Qrester, hinihintay ko ang sasabihin niya.

"Ikaw ang tumahimik, Cirvey Ian La Veda."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...