RAIN OF HEARTS (ADORE SERIES...

By DeiZach

75 10 1

Sometimes, it's the love that makes the person change. Xaracci never change herself para lamang tanggapin siy... More

RAIN OF HEARTS (ADORE SERIES #1)
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05

PROLOGUE

17 2 0
By DeiZach


“Takbooo! Ayan na yung aso tang’na!”

Inubos ko lahat ng bilis na meron ako para makalayo sa limang aso na humahabol sa amin. Tumatagaktak na yung pawis ko, konting takbo nalang ay malapit na kami sa mga puno ng mangga nang makakaakyat at makakahinga ng malalim.

“Akyat! Racci dito tayo!” hinila ako ni Qrester at umakyat na kami sa puno.

Lumingon ako sa likod at halos maputol ang hininga ko nang muntik nang makagat yung paa ko, natatawang hinatak ako ni Qrester pataas. Kumapit ako sa malaking sanga at niyakap ito ng napaka higpit para siguradong ‘di ako mahuhulog.

“Hahahaha! Ayos, ang saya nun ah!” nakahawak sa tiyan na tumatawa si Qrester habang ang iba naman naming kaibigan ay nasa kabilang puno. Tiningnan ko ng masama ang kumag, ngumisi ito at unti-unting nagtatalon dahilan para gumalaw ang mga sanga pati na ang kinakapitan ko. “Gago! Itigil mo ‘yan!” nanginginig ang mga kamay ko at nababasa ang mga palad ko.

“Hoy Qrester itigil mo ‘yan! ‘pag nahulog yan lagot ka sa nanay niyan!” sigaw ni Talia habang nakakuyom pa ang kamao.

Nakaalis na ang mga aso pero paparating naman ata ang may ari ng puno ng mga mangga kaya umaksyon kaagad kami at inakyat pa lalo ang pinakataas na bahagi ng puno upang magtago.

Nakahawak ako sa likurang bahagi ng damit ni Qrester para humingi ng seguridad nang bigla niya itong alisin. “‘Wag ka kumapit sa ‘kin Racci, mahuhulog ako.” nanlaki ang mata ko at bigla nalang ako nadulas.

Akala ko ay tuluyan na akong nahulog pero buti nalang at nakakapit at nakayakap ako sa hita ni Qrester. “Ahhh!!! Gago tulungan mo ‘ko!” nahihirapan kong sabi.

Narinig kong tumawa ang ibang mga kasama namin habang ang mga babae naman ay naririnig kong humihingi ng tulong— tang’na pinagtitripan ako oh!

Kinagat ko nalang ang pwet ni Qrester, kahit labag sa kalooban ko ay ginawa ko iyon, sabagay mabango naman e— at masarap yung suot niyang shorts. Narinig ko siyang dumaing, halatang nagalit ang kumag.

Akala ko ay nakaganti na ako pero may biglang nag tirador sa ‘kin ng isang bato sa batok. Putcha! Mariin akong napapikit dahil sa sakit na dala niyon. Kung sino man ang nag tirador sa ‘kin— dagdag siya sa problema ko kainis!

“Ba't ka nangangaggat ng pwet!” reklamo niya nang may tumama na naman sa likod ko na maliit na bato.

“Itaas mo ako, mahuhulog ako dito!”

“Kumapit ka lang!”

“Di ko na nga kaya, tanga ka ba? Tulungan mo nalang kaya ako, hatakin mo ako!”

“Hatakin mo sarili mo Racci,”

Kumunot noo ko at umusok ang t’enga ko sa galit kaya kinagat ko siya ulit dahilan para dumaing ito ng napaka lakas.

“Iangat mo sarili mo Racci, kapkapin mo ako pataas!” aniya sa naiinis na tono.

Sinunod ko ang sinabi niya, kumapkap ako para makaangat at hindi mahulog nang biglang— syete, nanlaki ang mata ko dahil sa kakaibang naramdaman, napansin ko din na tumigil si Qrester sa kakalikot. “Q-qrester,” nauutal kong sambit.

“Shit!” rinig kong mura niya.

“M-may nahawakan akong sanga, kaso m-medyo di matatag tulad ng ibang sanga,” aniko at ginalaw ang kamay ko sa hinawakang sanga. “Shit!” mura niya na naman.

Nanlaki ang mata ko. “Tumigas yung sanga!” sigaw ko kasi kakaibang sanga ata ang nahawakan ko.

“R-racci,” he mentioned my name with his husky voice. “I-ibang sanga ang n-nahawakan mo,”

Umawang ang bibig ko nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin.

“Arayyy!!!!” sigaw ko nang matamaan uli ako sa batok, and this time— sobrang sakit na nun kaya ‘di ko maiwasang mawalan ng lakas at nakabitaw ako sa pagkakapit kay Qrester.

“Ahhhh! A-arayyy,” daing ko nang maramdaman ang sakit sa aking likod.

Nakapikit lamang ako habang hinihintay ang pagwala ng sakit sa aking likod kahit alam kong matatagalan pa iyon.

May naririnig akong mga yapak ng paa papunta sa gawi ko, pinilit kong imulat ang aking mata para makita kung sino ang kumag na ito. “Hey, ugly,” aniya habang nakatutok sakin ang kanyang tirador.

Pinilit kong tumayo pero ‘di ko parin kinaya, “Racci! Ohmygad! Are you ok?!” to the rescue nina Talia at Chazell, they help me to stand up.

Papalapit naman sa gawi namin ang tatlong lalaking chill lang at parang walang problema.

I rely with this guy na siya palang kanina pa ako tinitirador. I don't know him, he's not familiar and maybe he's new in our Municipality.

I come near to him and hold on his shirt's neckline. “Gago ka ba—”

“Of course not, tch!” tinapik niya ang kamay ko.

“Ang bastos mo ah!” kinuwelyuhan ko siya ulit, “Bakit?! Papalag ka?!” binantaan ko siya ng suntok pero wala man lang reaction ang mukha niya.

Lumapit sa 'min si Xkeward at siya na mismo ang nag alis ng kamay ko sa neckline ng gago.

Sinamaan ko siya ng tingin, “Stop it,” Xkeward ordered with authority.

Sa aming magkakaibigan siya ang laging seryoso at ‘di marunong magbiro, “Eto, yosi ka muna,” kaso yun nga lang, mahilig siya sa bisyo.

Kinuha ko ang inalok niyang yosi at tinapon iyon. “Tch,” rinig ko sa mayabang na lalaking nasa harap ko ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay bilang mensahe na gusto kong malaman kung ano ‘yong nasa isip niya. “I.. I thought you're smoking,” nilayo niya ang kanyang tingin.

I don't know if I'll laugh or what, his thoughts are ridiculous. I'm a girl, smoking is not my thing nakakainis siya!

“Baka ikaw yung naninigarilyo,”

Isang segundo palang ay bumaling kaagad ang tingin niya sakin, ngumisi at parang sinasabi nitong mali ako ng hinala sa kanya.

“Smoking can damage your lungs, and possibly affect your brain... and I don't want my brain to be affected—”

“At bakit?” putol ko sa sinasabi niya.

He smirked, “‘Cause I don't want to be like you—” he pointed my forehead.

“I'm not smoking, I already told y'!”

“I know,” he smirk again.

Tinaasan ko siya ng kilay, “At bakit naman ayaw mo na maging katulad ko, ha?” I crossed my arms.

“I just don't want my brain to be affected, I'm too smart— you know,” he shrug once.

What the—

“So what do you mean? Affected yung brain ko?!” i yelled.

“I… didn't say something,” he tries to suppress his laughter.

“Then what?!”

Naging seryoso ang kanyang tingin sa akin, “Bakit naman maaapektuhan ang brain mo? Eh wala ka namang utak, tch! Feeble minded,” Hindi ko napigilan ang sarili kong sapakin siya sa panga pero umigting iyon.

Oy tangina, parang mga nababasa ko sa stories! Umiigting panga niya! Ano next? Hahawiin niya kaya ako sa beywang—

“Oyy pare! Wag… wag mo susubukan…”

Nabalik ako sa reyalidad nang makita ko siyang ginagapos ni Qrester. Niyakap naman ako ng dalawang babae at si Chazell naman ay halatang nagpipigil ng tawa, “Akala mo naman hahawiin ka sa beywang, gago sa Wattpad lang yun haha,” mahina siyang tumawa.

“Muntik ka nang masapak, pare..” ani naman ni Ydreiyan na pasimpleng kumakain sa gilid.

“Custhin, calm down bro..” sabi sa kanya ni Xkeward.

So, Custhin pala ang pangalan ng ulol na'to, ngunit paanong nakilala niya ito?

Nakita kong parang may binulong si Qrester kay Custhin dahilan para maging kalmado ito. Pinakawalan na siya ni Qrester.

“Racci, tama narin yan..” saway rin sa akin ni Xkeward kaya naman pinakalma ko rin ang aking sarili.

“Kami ang may ari ng mga mangga na'to,” Custhin mentioned.

“Tapos?” medyo pabalang ang tono ko that's why he glared at me so deadly.

“Tanga ka ba?” he asked me.

“Of course not! Alangan naman sasabihin kong oo, ano sa tingin mo? Ido-down ko sarili ko? Luh asa. Bobo ka ba?”

“Of course not, tangina mo,”

“Hayop ka,”

“Bitch,”

“Bwisi—”

Di ko ipinagpatuloy ang aking sasabihin nang bigla nalang kami nakarinig ng malalakas na tunog— mga hampas iyon. Nilingon namin ang pinanggalingan nito at nakita namin si Ydreiyan na hinahampas ang malaking drum sabay sayaw at kembot pa. Tanginang lalaki to.

He just stop when Talia and Chazell throw him some biscuits. Halatang matakaw ang kumag.

“Puro kasi kayo bunganga dalawa, e, ang sakit sa tenga.” reklamo niya pa bago buksan ang biscuit at kainin.

Bumaling ako sa kanilang lahat, kanina pa kasi ako nagtataka kung bakit parang kilala na nila ang tirador boy na itong sa harap ko.

“Sino bang pigsa to ha?” nakameywang kong tanong sa kanila habang nakanguso kay Custhin.

“What's pigsa?” his brows meet. Tinawanan namin siya at halata sa aura nito na naaasar na siya.

“Wala yun bro, what she means you're "cute"” maling paliwanag sa kanya ni Xkeward at sinamaan ako nito ng tingin, yung dalawang babae naman na katabi ko ay nagpipigil parin ng tawa.

“Don't worry, I'm the cutest,” singit ni Qrester habang nagpapakyut pa. Hindi naman maide-deny, he's the cutest.

Xkeward sighed, “By the way, he's Custhin La Veda… new member of our squad.”

Nagsitanguan kaming lahat, kung itong isang to ay magiging isa sa magiging kaibigan namin paniguradong mahihirapan kaming magkasundo. Kaya naman pala parang komportable na silang kasama ang kumag na'to, e, kilala na pala nila. Ako lang ata ang hindi.

“Ok Kaloy,” I mentioned.

“Kaloy? Haha funny…” I saw him laughed! Dude, it's so sexy!

“Yes, nasa Pinas tayo hindi sa America. Masyadong pang kano yung pangalan mo.”

“He's a half American.” Sagot ni Talia.

Ngumisi ako, “Half blood din naman ako ah,” aniko na siyang ikinagulat ng lahat. I rolled my eyes, “Ang slow niyo.” Gatong ko pa.

“Anong ibig mong sabihin?” natatawang tanong ni Qrester.

“Alam ko yan!” sigaw ni Ydreiyan sa di kalayuan.

“Anoo?!” sabay naming tanong.

“Half blood talaga si Racci, kalahating pulang dugo saka kalahating puting dugo! In short, anemic! HAHAHAHAHAHAHA!!!!”

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinagot ng isip batang si Ydreiyan. Nakakainis na talaga siya!

“Racci!! Racci nasaan kang bata ka?!!!” bumalikwas ako nang marinig ko ang tono ng boses ni Mama.

Naiimagine ko siya, parang may dalang galit, parang kukurutin na naman ako.

“Tangina, yung hugasin ko sa bahay!” napakagat labi na lamang ako nang mapagtanto kung ano ang nakalimutan kong gawin bago ako gumala.

“Racci!!!!!!!!!!!!!” lumakas pa lalo ang boses niya at mukhang malapit na siya sa amin. Lagot ako kay Mama ‘pag nagkataon.

“Alis na ako, kailangan di ako makita ni Mama!” paalam ko sa kanila at kumaripas ako ng takbo pero tinawag muli ako ni Qrester.

“Racci, dito ka dumaan. Maabutan ka jan!” sigaw niya kaya sinunod ko.

Ngumiti ako. “Bye muna, magkita nalang tayo later guys, bye Kaloy!” I waved.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...