BHO CAMP #4: The Retribution

By MsButterfly

3M 72.3K 5.6K

I'm Serenity Hunt. A simple woman with a simple life. Or that is what I'm trying to show everyone. Maayos na... More

BHO CAMP #4: The Retribution
CHAPTER 2 ~ Supladong Alien ~
CHAPTER 3 ~ Kiss ~
CHAPTER 4 ~ Forever ~
CHAPTER 5 ~ Visit ~
CHAPTER 6 ~ Detective ~
CHAPTER 7 ~ Game Time ~
CHAPTER 8 ~ Unravel ~
CHAPTER 9 ~ Fifth ~
CHAPTER 10 ~ Storm ~
CHAPTER 11 ~ Ale ~
CHAPTER 12 ~ Code ~
CHAPTER 13 ~ Yat Yat and Mi Mi ~
CHAPTER 14 ~ Beauty ~
CHAPTER 15 ~ Fiancé ~
CHAPTER 16 ~ Warning ~
CHAPTER 17 ~ Tears ~
CHAPTER 18 ~ Start ~
CHAPTER 19 ~ XX ~
CHAPTER 20 ~ Promise ~
CHAPTER 21 ~ Call ~
CHAPTER 22 ~ Face ~
CHAPTER 23 ~ Failure ~
CHAPTER 24 ~ End ~
CHAPTER 25 ~ Through The Years ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Up Next

CHAPTER 1 ~ Serenity ~

174K 3K 218
By MsButterfly

CHAPTER 1

DETECTIVE DALTON'S POV

LOCATION: SUNHIGH TOWER, QUEZON CITY

CURRENT TIME: 11:15 PM

DATE: FEBRUARY 9

TYPE OF CRIME: VIOLENT CRIME: CRIMINAL HOMICIDE: PURPOSEFUL MURDER

Sinuri ko ang paligid bago ako pumasok sa loob ng opisina kung saan mayroon na isa pang opisyales na kasalukuyang may hawak na documentation worksheet at may itinatala roon. Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay humarap siya sa akin.

"Detective Dalton?" lumapit siya sa akin at kinamayan ako. "Initial responding officer, Hugo Carbonel."

"Have you secured the place?"

"Yes, Detective. Any potential evidence are secured. Ang mga empleyado ng opisina ay kasalukuyan rin na binabantayan ng iba pang officers."

Inabot niya sa akin ang documentation sheet at binuksan ko naman iyon para suriin bago muling nagsalita. "I need a perspective ang projection sketch. Kailangan ko rin ng larawan ng crime scene."

"I'll send it to you."

Tumango ako. "Any secondary crime scene?"

"None, detective. Wala ring kahit na sino ang nasaktan. The team's currently surveying the security control room of this company again. May nakita kasing glitch sa CCTV recording."

Binasa ko ang worksheet. Ayon sa documentation ay pinatay si Richard Caseres sa oras na 7:01 ng gabi. Ang tinutukoy ni Responding Officer Carbonel na glitch ay ang oras sa pagitan ng 6:50 PM hanggang 7:01 PM. Kita kasi sa CCTV ang paghinto ng recording sa pagitan ng mga oras na iyon.

"No bullet wounds, stabbed once but clean area?" I asked incredulously. "How is this even possible?"

"That we don't know, Detective."

"Paano nakapasok ang suspect? Nasaan ang sekretarya ng mga oras na naganap ito?"

"Nasa labas lang siya nitong opisina at nasa desk niya. Wala raw siyang nakita na kahit na sino na pumasok at hindi rin daw siya umalis sa puwesto niya. Wala din siyang narinig na kahit na ano mula sa opisina ng boss niya."

Kumunot ang noo ko. "May iba pa bang daan na hindi nasa line of sight ng sekretarya?"

"Wala na, Detective. Bago makarating sa opisina ay kailangan talagang duman mula sa sekretarya."

"Put her in police custody. We need to make sure she's not a part of this."

Richard Caseres was a well known business man. Kilala din siya halos ng lahat ng nakakasalamuha niya sa masama niyang ugali. Even I experienced his claw when I first met him. Hindi na bago sa Police Department na makatanggap ng reklamo patungkol sa kaniya. Pero kahit na ganoon ay nagagawa ni Caseres na matakasan ang mga reklamo na iyon. Iba na ang nagagawa ng koneksyon at pera.

Isa sa mga report ay ang haka-haka na pagiging miyembro raw ng lalaki ng Claw Organization. Isang ilegal na organisasyon na siyang nagpapainit ng ulo hindi lang ng Philippine National Police kundi maging ng buong gobyerno. We've been searching for trails to find and put down the said organization but to no avail.

"Mayroon din kaming nakita sa kamay ng biktima." pagbibigay alam ni Responding Officer Carbonel.

Kinuha ko ang hawak niyang plastic evidence bag. Sa loob niyon ay mayroong bilog na kahoy na may tatlong guhit na padayagonal at isang guhit na pahiga sa gitna ng tatlo.

"The same symbol." I whispered.

Naagaw ang atensyon ko mula sa emblem nang mag-angat ako ng tingin at may mapansin. Umikot ako sa likuran ng office desk ni Caseres at lumapit ako sa malaking glass window. Dumukwang ako at tinitigan ko ng mabuti ang mantsa sa carpet. "Blood."

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Responding Officer Carbonel. "Paanong..."

"Walang kahit na sinong nakakita sa killer dahil hindi siya pumasok o lumabas sa pintuan."

"Detective-"

"Excuse me. I need to make a call."

Nilagpasan ko ang lalaki at kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko. Pinindot ko ang panlima sa speed dial ko.

BHO CAMP headquarters.



DAWN'S POV

Nakapikit na napasandal ako sa upuan pagkatapos kong maibaba ang telepono. Hindi ito ang unang beses na tumawag si Detective Dalton sa akin. Ang una ay ng matagpuang patay si Arnold Tizon, isang miyembro ng Claw.

Huminga ako ng malalim at binuksan ko ang laptop sa harapan ko. Nakita ko kaagad ang bagong mensahe sa akin at inilagay ko iyon sa isang file kung saan naroon din ang data ukol kay Arnold Tizon. Nang mailagay iyon ay muli kong binasa ang impormasyon tungkol kay Tizon at napahilot ako sa sentido ko sa nakita. This is no coincidence. The same person is doing this.

VICTIM

IDENTIFICATION: ARNOLD TIZON

CRIME TYPE: HOMICIDE

DATE: JANUARY 20

TIME OF DEATH: 6:04 PM

CAUSE: STABBED ONCE. INTERNAL BLEEDING. IMMEDIATE DEATH.

The Government doesn't care about the deaths of this people. Alam naming lahat kung ano ang mg aktibidades ng mga miyembro ng Claw. The government has no desire to stopped the killing and BHO CAMP won't make a move to help those monsters. Pareho lamang ang gusto namin at iyon ay mawala ang Claw.

But Detective Elliot Dalton is different. Oo at hindi niya rin gusto ang ginagawa ng Claw pero hindi niya din gustong hayaan na magpatuloy ang pagpatay. The only thing he sees are black and white.

"Sweetheart?"

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ng asawa ko. Hindi ko na napansin ang pagpasok niya. Una ay dahil tutok ako sa binabasa ko at pangalawa panigurado naman kasing alam niya na ang personal security code ko kaya hindi na ako na notify.

"Bakit gising ka pa?" tanong ko sa kaniya.

"Ako ang dapat na nagtatanong niyan. Masama sa buntis ang nagpupuyat. Baka nahihilo na sa antok si baby Vodka natin."

Napangiti ako sa sinabi niyang pangalan. Pagkatapos kasi ng ilang beses niyang pangungulit ay pumayag na rin ako na gayahin ang bagong pinauso ng mga kasamahan namin pagdating sa pagpapangalan ng mga bagong chikiting sa BHO CAMP. Apparently it's the names are based on alcoholic beverages this time. Noong una ay ayoko pa dahil kakaiba na nga ang pangalan namin ay pati sa mga anak namin ay magiging kakaiba pa. But Triton won't give up because he's naturally annoying.

"Tapos na rin ako dito."

Kumunot ang noo niya. "Si Detective Dalton na naman ba iyan?"

"Oo."

"Will we help him?"

Bumuntong-hininga ako. "Hindi pa ako desedido."

Lumapit siya sa akin at inalalayan akong makatayo. Iginaya niya ako sa sofa at umupo siya roon pagkatapos ay hinila ako para maupo sa kandungan niya. "Dawn...I think we should help him."

"Triton."

"Hindi maaaring magpatuloy ito at alam mo iyan. We can't let our anger ruin what we are. Para mo na rin sinabi na wala tayong pinagkaiba sa kanila."

"The Original Elites and the Second Generation-"

"Have their own views with this matter. Pero iba tayo. We can decide differently. Magbabayad ang Claw sa ginawa nila pero hindi sa ganitong paraan. Hindi ganito ang iniisip ko noon. I want to kill them too until there's no one left of that Organization. Pero ng malaman ko na buntis ka, nabago ang pananaw ko sa mundo. If I can help it, I won't kill anyone again, Dawn. Ang mali ay mali. If we want a world where people do right things then we should start doing just the right things."

I sighed again. Of course he's right. Alam ko naman iyon. Alam ko naman na mali ang nangyayari. But Storm was...is my cousin. Kung ano man ang nangyari sa kaniya ay iyon ay dahil sa nag e-exist sa mundong ito ang Claw. But he's right. We can stopped them without killing them. Sa ganoong paraan ay mapagbayaran nila ang kasalanan nila sa mas mahabang panahon.

"We should know first who's ding this." I whispered.

"Don't you think he's sending a message?"

"I know he's sending a message." I corrected him.

"To us?"

Umiling ako at sinalubong ko ang mga mata niya. "A message for Claw."

Ilang sandali na katahimikan ang muling namayani sa amin. Alam ko na pareho lang kami ng iniisip. Na hindi basta-basta gusto lang ng kung sino man ang gumagawa nito na mapabagsak lang ang Claw. This is an act of retribution.

"Dawn..." he said reluctantly after awhile.

"Hmm?"

"Nasabi mo na ba sa kanila?"

Nang matukoy ko kung anong ibig niyang sabihin ay napapabuntong-hininga na umiling ako. I know he's worried about the Original Elites and The Second Generation Elites but I can't tell them about Serenity Hunt. Not yet. Isang maling pagkilos lang ay maaring ikapahamak ni Serenity.

Inaalala ko din sila. Kapag nalaman nila ang tungkol kay Serenity alam kong masasaktan lang sila dahil hindi nila maaaring hanapin ang babae. I don't want to keep a secret this big to them but I need to. For Serenity's safety and for ours.

I don't want to see what the news will do to Tita Hurricane, Storm's mother. She had a stroke before and I don't want to let that happen again. I don't want to give them hope when I know that we cannot do anything about it. Not yet.

"Sigurado ka ba sa ginagawa mo Dawn?"

"Yes, Tri, I'm sure." Sumandal ako sa dibdib niya at muling nagsalita. "Makikipagkita ako bukas kay Waine Claw-"

"I'm coming with you."

A smiled curved my lips. "Of course." I whispered and caressed his cheek. "Serenity will be okay. I will assign an agent to her."

"Malalaman ng co-agents natin kung ganoon."

"No. I will make sure that they wouldn't know about her."

"At paano si Hermes?"

Hermes, now, is a different matter. He asked for a leave yesterday and I granted his request. Isasama niya si Ale at pumayag naman ang mga magulang ni Storm.

"Are you really sure about this, Dawn?" Triton asked again when I didn't answer.

"Yes."

"Dawn-"

Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ko ang mga mata niya. "Storm Reynolds will remain dead. Until Claw's been erased at the surface of the Earth, Storm must remain dead. That's the only way I can think of now so we can save her."



STORM'S POV

"Serenity, anak?"

Napakurap ako mula sa pagtitig ko sa salamin. Nilingon ko ang pintuan at doon ay nakita ko ang ina ko na nag-aalalang nakatingin sa akin. "Yes, Ma?"

"Handa na ang almusal."

"Susunod na po ako."

Bumuka ang bibig niya na parang may gusto siyang sabihin pero pagkaraan ay tumango na lang siya at tahimik na sinarado ang pintuan. Muli kong ibinalik ang paningin ko sa full length mirror na nasa harapan ko. I don't know why but I just need to do this every time I wake up in the morning.

Maybe because I don't want to be afraid of my reflection anymore. Nang unang magmulat ang mga mata ko noon ay nagkakaroon ako ng panic attack kada makikita ko ang repleksyon ko. Walang problema sa mukha ko maliban sa hindi ko magawang matagalan na makita ang repleksyon ko. Everytime I look in the mirror it's like I'm seeing a different person that is far from who I am now. And I don't want to see her.

Itinaas ko ng bahagya ang t-shirt ko pagkaraan. I touched the puckered scar at my stomach. Hindi na iyon masyadong halata katulad ng iba pang ganoon rin na nasa iba't-ibang parte ng katawan ko. My mother said it was because of some new test applied to me when I was hospitalized to cure my disease. Cancer.

Iyon din ang sinabi nila tungkol sa pagkawala ng memorya ko na dahil daw sa matagal kong pagka-comatose. But I don't believe them.

Huminga ako ng malalim at inayos ko na ang damit ko pagkatapos ay lumabas na ako at tinungo ang dining room kung saan naabutan ko roon ang mga magulang ko na sina Joy at Carlo. Umupo ako sa puwesto ko at nagsimula ng magdasal si Papa na ako na lang ang hinihintay. Nang matapos siya ay kumain na kami.

"Kamusta na ang sakit ng ulo mo, Hija?" tanong ni papa.

"Ganoon pa rin po."

"May naaalala ka na ba?"

Umiling ako at pilit na ngumiti pero bago ko muling balingan ang pagkain ko ay nakita ko ang saglit na pagtitinginan nila ni mama. I looked down at my plate instantly and quietly forced the food down my throat. Kapag umaakto sila ng ganoon ay hindi ko na lang sila pinapansin. Alam kong mababait silang tao. Wala akong dapat na ipag-alala.

"Pa?" tawag ko sa ama pagkaraan ng mahabang katahimikan.

"Yes, hija?"

"Kailan ulit dadalaw si Waine?"

Sandaling natigilan ang matanda bago muling nagsalita. "Mayroon lang daw siyang kailangan asikasuhin pero dadalaw daw siya dito bago matapos ang linggong ito."

That's good. I need to talk to him. Bukod kay Mama at Papa ay isa si Waine sa mga naroroon ng magmulat ako ng mga mata. Ang isa pa ay si Matilda. But she died two months ago.

I liked talking to Waine. Dahil alam ko...nararamdaman ko na kilala niya ang totoong ako. Hindi sa gusto kong malaman but it put me at ease knowing that I'm talking to someone who is not lying to me. Or not entirely lying to me.

I don't have all my memories nor do I forgotten everything. Some memories remained like what I've gone through but I'm not forcing myself to recall everything. I don't want to remember it all. I'm contented to know just what I needed to know.

Napakurap ako ng may marinig ako na ingay mula sa labas. "Ano pong meron?"

"May bago raw lipat diyan sa tabi natin. Akala ko nga ay sa susunod na linggo pa dadating pero napaaga ata." sagot ni mama.

Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na kami sa pagkain. Nang matapos kami ay tumayo ako at nagpaalam sa kanila. "Maglalakad-lakad lang po ako sa labas."

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni papa. "Sandali ka lang at bumalik ka kaagad."

"Opo."

"Wag mong kakalimutan ang panabing mo sa mukha." paalala naman ni Mama.

"Yes, Ma."

Lumabas na ako ng kusina at kinuha ko ang stripes na puti at itim na balabal at ang mouth mask na nakapatong sa isang upuan sa living room. Isinuot ko ang mask at pagkatapos ay itinaklob ko ang balabal bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Bahagya akong kumaway sa security guard namin na naabutan ko roon na nakangiting binuksan naman na ang mataas naming gate.

Gusto kong malaman kung sino ang bagong lipat. Sa lawak kasi na tinitirhan namin ay halos magkakalayo na ang mga bahay. Dalawang bahay ang nasa tabi ng bahay namin pero ang isa ay hindi naman palaging umuuwi ang may-ari at ang isa naman ay bakante noon na ngayon ay ookupahan na.

Nang makarating sa tapat niyon ay sumilip ako sa bahay na hanggang bewang ko lang ang fence na ngayon ay nakabukas pero wala naman akong nakitang tao.

Tatalikod na sana ako para umalis ng may kung anong nahagip ang mga mata ko na gumagalaw mula sa pintuan na bahagyang nakaawang. Nanlaki ang mga mata ko ng matukoy ko kung ano ang maliit na bagay na iyon na ngayon ay gumagapang na palabas ng bahay.

A baby. It's a small baby boy. Nang makita niya ako ay sumilay ang ngiti sa maliit niyang labi at kumilos siya para tumayo mula sa pagkakadapa niya. I gasped when he staggered in his steps and walked towards him but only to stop when he lifted his chubby little hands.

Sa isang iglap ay nanlabo ang mga mata ko na para bang may tumakip roon. I saw a bloody baby in the arms of a woman, the scene changing into another and this time it's inside a car. I can feel the fear, desperation, pain, love...everything.

"Ale!"

Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay may lumabas na kung sino mula sa pintuan at kaagad na kinarga ang bata. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil natatabunan iyon ng may kahabaan niya na buhok.

Hinawakan ko ang balabal na nasa ulo ko at ibinaba ko pa iyo para mas lalong matakpan ang mukha ko nang humarap sa akin ang lalaki.

My eyes widened when the man faced me as another surge of emotions hit me. I don't know him but I want to run and hug him. What's happening to me?

"Who are you?"

Pain sliced through me when I heard a voice in my head. Saying that he loves me. That he will love me forever. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga naiisip at naririnig ko. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa. I don't want to know.

"Y-Your neighbor. Nakita ko ang anak mo na gumagapang palabas. Sa susunod 'wag mong hayaan na nakabukas ang pintuan mo lalo na at may bata sa bahay."

Kita ang pagkagulat sa mga mata niya nang magsalita ako. Halo-halong emosyon ang dumadaan sa mga mata niya pero ang tanging rumerehistro lang sa akin ay ang sakit na nakalatay doon na hindi ko maintindihan kung ano ang pinagmulan. Was it because of something I said? Is he that sensitive to get offended by just that?

I stared at him, confused by his actions, when he suddenly close his eyes and pinch the bridge of his nose as if something is physically hurting him. I opened my mouth to speak but no words came out when he suddenly open his eyes that are now void from any of the emotions that I saw in him. "Thank you for the concern but I don't think you have the right to tell me what to do."

"I was just concern for the child. Mukhang isang taon pa lang siya. Hindi dapat siya hinahayaan na basta magpagala-gala."

"Thank you for the concern." he said sarcastically. "And he's two."

Sandaling napakunot-noo ako at nagbaba ng tingin sa bata na ngayon ay nakaangat ang kamay papunta sa direksyon ko. He looks so small for a two years old baby. Idagdag pa na mukhang hindi pa siya nakakalakad ng maayos.

"You can go now, Miss."

Nag-init ang tenga ko sa sinabi ng lalaki. Inalis ko ang tingin sa bata at binigyan ko ng matalim na tingin ang ama niya. "Jerk."

"Anong sabi mo?"

"You're welcome sabi ko." sagot ko sa mataray na tono. "Suplado ka na nga bingi ka pa."

Kumunot ang noo ng lalaki at binigyan ako ng masamang tingin. "Look here, Missy. Ikaw na nga itong trespasser ikaw pa ang nagsusungit. Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo kung paano kumausap ng tama sa tao?"

Wow. Ako pa talaga. Eh siya 'tong bigla na lang ako sinusungitan. "Tinuruan."

"Iyon naman pala-"

"Hindi ka naman tao. Alien!" sigaw ko at pagkatapos ay hindi lumilingon na tumakbo ako pabalik sa bahay.

Ayoko na siyang pag-aksayahan pa ng oras. Akala mo kung sino samantalang siya naman itong may kasalanan. Supladong alien.

Continue Reading

You'll Also Like

56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
1.4M 45.2K 43
All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet like a princess. But I never thought it...
14.2M 433K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...