𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔

By MissNDpain

51.8K 458 104

"Sa likod ng bawat tula ay may nakatagong kwento ng mga salita" Collection of MissNDpain's poems (▰◕◡◕▰) More

MGA TULA
MGA TULA
[ 𝗧𝗮𝗴𝗮𝗹𝗼𝗴 ]
ARAW AT BUWAN
SARILI'Y MAHALIN
KASAYSAYAN
KADENA NG PANGAKO
KAIBAHAN
KALSADA NG DISTANSYA
DAPIT-HAPON
ALITAPTAP NG PAG-ASA
SAPLOT NG HAPLOS
KALABIT NG KAMATAYAN
HILING SA BULALAKAW
ROSAS NG KASIGURADUHAN
SARILING SAPOT
TALI NG MANIKA
PINTOR NG BAHAGHARI
ANG PANGHABANG-BUHAY NA PAKSA NG SAWING MAY-AKDA
KWENTO NG MANLALAKBAY
ANG HULING PAKIUSAP SA AKING UNANG PANGUNGUSAP
ANG BULONG NG SIMOY NG PAG-IBIG
LIHIM NG TAGSIBOL
GINOONG BERDE NG SETYEMBRE
SI UNA, ANG PANGHULI
ANG NAPUNDING ILAW NG ALITAPTAP
[ 𝗘𝗻𝗴𝗹𝗶𝘀𝗵 ]
'YOU' ROSE
PICK A STAR
AT LAST
REALITY-LIKE NIGHTMARE
FLAWED MOON
4 MYSELF X MYSELF

LIHAM NG TAGLAGAS

247 4 7
By MissNDpain


─────────────── ✦ ✾ ✿
LIHAM NG TAGLAGAS
✿ ✾✦ ───────────────


Hindi na mabilang ang tagsibol na dumaan
Maraming taglagas na rin ang naranasan
Subalit narito pa rin sa sulong ang 'yong pangalan
Sa labas ng sobre na patuloy kong iniingatan


Namukadkad na bulaklak, hudyat ng 'yong pagdating
Halimuyak ng pag-ibig, siyang aking nakapiling
Makasariling hangarin, sa aking mata'y pumuwing
Nais kang maging akin, 'yon ang sumibol kong hiling


Sikretong nagtanim, mga salitang 'di kayang aminin
Sa pirasong papel, inilatag ang tumubong damdamin
Ito'y isang lihim ngunit araw-araw kong kikilalanin
Patuloy na kikimkimin, patuloy kong payayabungin


Sa labas ng bintana'y sumipol, banayad na hangin
Ika'y nakatingin sa puno ng malawak kong hardin
Sa daang puno ng mga dahon, liham sayo'y dadalhin
Dilaw, kahel, kayumanggi, kulay na bumuo sa 'king pagtingin


Sa kada hakbang, naglalaro ang kaba at kasabikan
Isinulat na damdamin, tunay nitong kahulugan
Sa wakas, iyong tugon, akin na ring mapakikinggan
Subalit pagdating sa'yo, kasagutan ay aking nasaksihan


Sumilay ang isang ngiti sa'yong mapupulang labi
Sa puntong 'yon, siya ang nakasungkit, ako ang nahuli
Ang sobreng nakalaan sa iyo, tuluyang nawalan ng silbi
Sagot mo'y akin nang batid, ako'y hindi iyong pinili


Suot ang wasak na puso, sinubukan kong tumakas
Panahon ang nagbaon nitong liham ng taglagas
Siguro'y ako'y nalinlang, naniwalang may takdang oras
Ngayon, ang aking hinintay, may sarili ng wakas


"Walang tamang panahon ang makapagbibigay ng kasiguraduhan. Hindi lahat ng paghihintay, tamang tao ang paglalaanan."

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 77 43
[COMPLETED] Unsent and Untold.
1.2K 60 26
Bawat himay ng letra ay nagbubuo ng isang salita Ihanda ang sarili sa pag gamit ng tugma, Isusulat natin ang mga nadarama Upang maging isang ganap na...
2.7K 69 24
dedication for those who seeks academic & career validation.
381K 2K 103
Mga nadarama na hindi masabi ng harapan at personalan kaya isinusulat na lang at gawing libangan. x (Currently editing) x ~ #1 in Poetry, April 7, 20...