Her To-Do-Lists Before She Di...

By littlesannshine

27.3K 672 117

"Everything must be accomplished but before what?" He asked. Case's life has changed ever since he picked up... More

Her To-Do-Lists Before She Dies (Short Story)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 6

1.9K 53 13
By littlesannshine

"What are we doing here?" Tanong ko sakanya ng makarating kami sa isang park di kalayuan sa bahay.

Ayoko sanang lumabas dahil hindi naman ako sanay na naglalabas ng bahay at pumupunta sa kung saan. Pero mapilit 'tong babaeng 'to kaya sa huli napasama na lang ako.

Napatingin ako sa paligid. Sa hindi kalayuan may isang malaking puno. Mukhang matanda na ito. Napansin kong may tree house sa itaas 'nun dahil may parang hagdan na nakadikit sa may puno.

Di kalayuan sa kanan nung punong 'yun, nandun ang isang playground. Parang familiar ang lugar. 

Wala naman akong natatandaan na nagpupunta ako dito sa lugar na 'to nun. Sa totoo lang, wala akong matandaan sa childhood ko kaya hindi ko din maexplain kung pano kami naging magbest friend ni Justine.

Ang alam ko lang, siya na ang kasama ko mula pagkabata. Dati ko siyang kapitbahay pero lumipat lang sila ng ibang bahay nung grade four kami. Pero ever since, same school kami ng pinapasukan.

"Halika dito." Hinila niya ako sa may likod ng puno na may tree house. 'Dun ko napansin na may dalawang pares ng maliliit na kamay na nakaukit sa may puno. 

"Gusto ko gawin natin 'to." Turo niya 'dun sa nakaukit na kamay.

"Yan ang gusto mong regalo sa mundo?" Tanong ko sakanya nang nakataas ang kilay. "Hindi ba parang you're ruining the nature? Huwag mong galawin ang puno. At kahit na siguro, tuta ang bigyan mo nang ganyang regalo, hindi niya 'yun magugustuhan." 

Natawa siya ng kaunti sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong nakakatawa 'dun at tumatawa siya.

"Ang haba ng sinabi mo ah? Huwag kang mag alala. May idea ako." Ngumiti siya at tinaas baba ang dalawang kilay ng tatlong beses. "Gusto kong magiwan tayo ng marka dito." Patuloy niya. "Parang past and present ang theme. Pwedeng balik balikan." Pagkatapos niyang sabihin ang huli niyang sinabi tumingin siya dun sa nakaukit na kamay sa puno at ngumiti. Ngumingiti siya na parang may naaalala.

Kung ano man 'yun, siya lang ang nakaka alam.

"So anong plano mo?" Mahina kong tanong. Ayokong sirain 'yung atmosphere dahil parang magandang alaala yung nasa isip niya.

"Hmm. Do you have your phone?" Tanong niya sa akin. 

Kahit na nalilito ako binigay ko sakanya 'yung phone ko at may dinial 'dun. Lumayo pa siya ng kaunti kaya hindi ko naririnig 'yung sinasabi niya. Kung sino man ang kausap niya, hindi ko din alam kung sino.

"Just trust me."  Napakunot ako ng noo. Parang may boses ng batang babae akong narinig. Napatingin ako sa paligid pero wala naman akong nakita batang babae.

Napatingin ako sa direction ni Hannah. Impossibleng siya 'yun dahil may kausap pa din siya sa phone at hindi ko naman naririnig ang boses niya kung nasaan siya.

Napailing na lang ako at inalis sa isip ko 'yung narinig ko. Maya maya lang din lumapit na sa akin si Hannah at binalik 'yung phone ko. 

Tinuro niya 'yung swing. "Upo muna tayo 'dun habang naghihintay." Hindi na ako nagtanong sakanya at tahimik lang siyang sinundan.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, I found myself trusting her. Parang alam na alam niya ang gagawin. Para bang nagawa na niya 'to nuon. 

Nakaupo lang ako sa swing pero siya enjoy na enjoy. Tuwang tuwa dahil para daw siyang lumilipad sa lakas ng pagswing ng duyan niya. Nililipad pa ng hangin yung mahaba niyang buhok.

"Hoy dahan dahan ka nga lang dyan. Ang lakas ng pagswing mo!" Hindi ba siya natatakot? Ako ang natatakot sa ginagawa niya eh. 

At ang magaling na babae tinawanan lang ako. "Hoy kumapit ka ng mabuti. Kapag ikaw nahulog, ako nanaman ang aabalahin mo!"

Lalong lumakas ang tawa niya sa sinabi ko. Napailing na lang ako sa ginawa niya. "Case malaki na ako. Alam ko na ang ginagawa ko. Hayaan mo na lang akong mag enjoy! Wooooo! Yaaaas!" 

"Kapag talaga ikaw nahulog! Sa kalye ka pupulutin, hindi ka makakalagpas kahit sa gate ng bahay ko!" 

At mas lalo akong natakot sa sunod niyang ginawa. Sa lakas nang pagkakaduyan niya nakuha niya pang tumalon mula dun sa swing habang dumuduyan ito paharap.

Parang may matulis na bagay na tumusok sa dibdib ko. Sobra akong natakot sa ginawa niya. 

Pero nakaka amaze dahil pagkatalon niya nakatayo siya ng maayos. Ang ganda ng pagkakalanding niya. Napatitig lang ako sakanya. Pagharap niya sa akin, ngumiti siya at sabay na hinawi ang mahabang buhok.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin habang may ngiti sa mga labi. Suot suot pa din niya 'yung dress niyang puti na hindi lumalagpas sa tuhod.

"Wala ka bang ibang damit? Parang 'yan din 'yung suot mo kahapon ah?" 

"Nandidiri ka na sa akin niyan? Nanakaw lahat ng gamit ko eh."

Paglapit niya sa akin, yumuko siya para magkapantay ang mga mukha namin.

Binigyan niya ako ng isang pinaghalong matamis at mapang asar na ngiti. Paano niya nagagawa 'yun?

"Nag aalala ka ba para sa akin?" Mapang asar niyang tanong sa akin na hindi ko naman sinagot. 

Napatitig lang ako sa mga mata niya. Ngayon ko lang napansin na hindi pala itim na itim ang mga mata niya. They're black but with a hint of brown. They're extraordinary and yet beautiful.

"Case humihinga ka pa ba?" Nabalik ako sa sarili nung narinig ko siyang mag giggle sa harap ko.

"Oo!" Umiwas ako ng tingin at tuluyan na siyang natawa. 

Tawa ng tawa wala namang nakakatawa. Napailing na lang ako habang pinapanuod siyang tumawa. 

Nang makabawi siya sakto namang dumating 'yung hinihintay namin. Kung ano man 'yun wala pa din akong idea.

Agad naming nilapitan 'yung dalawang lalaking dumating. Napataas ako ng kilay dahil sa dalawang lalaking naka suit and tie pero may bitbit na maliit na sako ng cement, dalawang maliit na pala at hose. 

Hindi ko pa rin alam kung para saan ang mga 'yon.

Binabantayan ko 'yung mga bagay na pinadeliver niya habang nandun siya sa hindi kalayuan at kausap 'yung dalawang lalaki.

Maya maya lang din ay bumalik siya na may ngiti.

"Who are those people?" Tanong ko nang makaalis 'yung dalawang lalaki. Sinusundan ko pa ng tingin ang itim nilang sasakyan na kakaalis lang.

Hindi niya ako sinagot pero binigyan niya lang ako ng isang ngiti.

"Simulan na atin ang Operation Plan Past and Present!" Excited niyang sabi at tinaas ang isang kamay at parang bilib na bilib sa sariling idea.

Napataas ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi niya. She just gave her idea a ridiculous name.

"What you said was just cringe worthy." Sabi ko ng walang ka emo-emotion. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at kinuha yung hose. Sigurado akong ngumuso nanaman siya at inambaan akong susuntukin ako.

Pumunta ako sa may gripo dun sa kaliwang katapat ng puno. 

Biglang pumasok sa isip ko na baka 'yung nagmamay ari ng dalawang pares ng kamay na nakaukit sa may puno ang nag mamay ari ng tree house. At sinadyang lagyan ng gripo dito sa may malapit sa may puno para 'dun sa dalawa. 

"So anong plano mo?" Tanong ko kay Hannah pagkatapos ikabit yung hose sa may gripo. Nakita kong binubuksan niya yung maliit na sako ng cemento. Lumapit ako para tanungin ulit siya. "So what do you have in mind?"

"I was thinking na instead na sa puno natin ilalagay 'yung hand mark natin, we'll shape a cement into a cube. Big enough lang para sa mga kamay natin." Explain niya habang seryosong binubuksan 'yung sako. 

Kinuha ko 'yun sakanya at ako na ang nagbukas. "Parang instead of using a clay, we'll use a cement and shape it. Tapos while it's still wet, ilalagay natin ang kamay natin so it'll leave a mark once it dries. Gets mo ba?" 

Tumango ako. I like her idea. "But do you know how to make the cement?" Tanong ko.

"Yeah." Ngumiti siya at tumayo tapos inilabas sa sako lahat ng laman. Inipon niya lahat nung cemento sa isang lugar kung saan niya gustong iwan 'yung hand mark namin. 

Tapos nilagyan niya ng butas sa gitna. Kaya parang nagmukhang bulkan 'yun. Pero isang malaking crater sa gita ang ginawa niya at walang naiwan na cement. 

Pinapanuod ko lang siya dahil hindi ko alam kung paano ang gagawin. Maya maya lumapit siya dun sa may gripo habang hawak yung hose. Tinakpan niya yung tip nung hose at tsaka binuksan 'yung gripo.

Mukhang alam ko na ang gagawin niya at tama nga ako. Nilagyan niya ng tubig 'yung gitna. Nung napansin kong okay na 'yung tubig ako na ang nagpatay ng gripo.

Pagbalik ko, hinahalo na niya yung cemento at tubig. Kinuha ko 'yung isang pala at tinulungan siya. Tumingin ako sakanya at napatingin siya sa akin.

Napangiti ako ng maliit sakanya. Mukhang hindi niya inaasahan 'yun kaya mejo lumaki 'yung singkit niyang mata. At nung makabawi ay napangiti siya ng malaki.

Binalik ko ang tingin sa ginagawa at patuloy na hinahalo 'to. Nung nakuha na namin 'yung consistency na gusto ni Hannah, tinulungan ko siyang ishape 'yun into a cube. Nakita ko nanaman na nageenjoy siya. 

"Your eyes," Nagulat ako ng bigla siyang magsalita. Napatingin ako sakanya at nakita kong nakatingin sa akin. "They look happy even if you're not smiling." Ngumiti siya at binalik 'yung tingin sa ginagawa. 

Napatigil ako saglit sa sinabi niya.

"Okay na 'to." Napatingin ako 'dun sa ginagawa namin at nakita kong na form na nga 'yung ginagawa namin. "Ready ka na?" Masaya niyang tanong sa akin. Tumango lang ako sakanya at sinundan kung anong sunod niyang ginawa.

Dinikit namin 'yung dalawa naming kamay 'dun sa ginawa namin at medyo diniinan yung pagkakalagay para masiguradong maiiwan 'yung hand mark namin. 

Akala ko tapos na pagkatapos naming ilagay 'yung kamay namin. Pero nagulat ako nung may sinulat siyang dalawang letra sa gilid. C&H

Case and Hannah. I smiled at the thought.

Inayos muna namin lahat ng kalat at naghugas ng kamay. Napansin ko nanaman na tuwang tuwa si Hannah. Kung ano man ang tumatakbo sa isip niya I know they must be really good.

Nakatayo kami sa harapan ng ginawa namin at tinitignan 'to ng mapansin kong madumi na ang suot niyang puting damit. "Let's go home and let's get you cleaned up. Bukas pa matutuyo 'to." 

Humahanap ako ng shirt dito sa kwarto ko pampalit ni Hannah. Nanakawan pala ang isang 'yun. Nandun siya sa kwarto niya and she's taking a shower. 

I called Justine after finding a shirt na ipapahiram sakanya. Maliit naman siya kaya sigurado ako na once she wear this mag mumukhang malaki for her.

"Case! Merry Christmas! Bago 'to ah? Napatawag ka? Miss me? Babatiin mo ba ako?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Hey, I need you to do me a favour. I need you to buy me some clothes."

"Ha? Wala ka na bang damit?" Nag aalinlangan niyang tanong.

Paano ko ba sasabihin na para 'to sa babaeng 'yun. Bahala na. "Do you remember that girl sa may gym? Yeah, her. I don't know if there are malls that are open today but I need you to get her some clothes. Please." Hindi nagsalita si Justine sa kabilang linya. Kaya chineck ko 'yung phone and the call is still connected. "You there?"

"Uh yeah yeah. Uhm okay, I'll drop by tonight." Nakikita ko na kung paano ang mukha niya ngayon. Seryoso but I know hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Cause even myself doesn't know why I'm doing all this. "Anything else Case?"

"Justine." There was a pause. "Merry Christmas." Then I ended the call.

Napansin ko 'yung notebook ni Hannah sa may bedside table ko. Kinuha ko 'yun at binuklat. Nasakto naman 'dun sa page ng to-do-list niya.

Number three caught my attention. Leave my handprint in wet cement.

Kumuha ako ng pen sa may study table ko. I checked it off her list. 

There's still six more left. Plus one if she ever fills up number seven. 

Biglang nalipat 'yung attention ko 'dun sa phone ko na nagvibrate. I received a text message from an unknown number.

Hold onto Hannah hangga't wala pa kami. Take care of her.

Kami? Sinong kami?

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...