Chapter 3

2.2K 71 2
                                    


Nandito kami sa kitchen and I'm watching her eat. She looks really hungry base sa pagkain niya. Kailan ba huling kumain 'tong taong 'to? And as if parang nabasa niya kung ano ang nasa isip ko, nagsalita siya.

"Sorry, I'm just really hungry." Sabay tawa niya na parang nag aalinlangan pa.

"Nag sorry ka pa talaga." 

"Ang sungit sungit mo, alam mo po 'yon?"

Tinignan ko lang siya saglit at binalik ang tingin ko sa pagkain ko. Ganun lang kami ng ilang saglit. I like how quiet it was nang bigla niyang basagin ang katahimikan.

"Alam mo try mo ngumiti minsan. Bagay mo talaga." At nginitian nanaman ako. Hindi ko alam na napatagal akong nakatitig sakanya. I had no idea until nagsalita siya.

"Ui may bukas pa. Baka matunaw ako niyan sa mga tingin mo ah." Sabay tawa nanaman niya.

"Aren't you scared of me?" Tanong ko na nakapag patigil sa pagtawa niya. Pinatong ko 'yung baba ko sa dalawa kong kamay. "Paano kung may lason na pala 'yang kinakain mo? Then the next you know, hindi ka na sisikatan ng araw. Mawawala ka na lang ng parang bula."

"No." She answered confidently na may kasama pang pag ngiti. Kinunutan ko siya ng kilay sa sagot niyang 'yun at dahil dun tinuloy niya yung sinasabi niya. "I mean why would I be scared eh kilala naman kita." Then she flashed me that smile of hers as if she knows everything.

Nagtaka ako sa sagot niya. Let's just say na I am one of the popular students in my school. Pero hindi ako nilalapitan ng mga estudyante 'don. Only my team mates can come close to me. Otherwise lagi akong mag isa.

Parang gusto kong maniwala with the way she said na kilala niya ako.

"Case Alves. Kilalang kilala kita." Patuloy niya.

"Who are you?" Tanong ko sakanya. Dapat ba akong matakot sakanya? 

How dare she say na kilala niya ako. Tinuro niya sakin 'yung fork niya na ikinagulat ko. Baka balak akong patayin ng babaeng 'to.

"Hey. Don't be masungit. Wala kang dapat ikatakot sakin. Kilala kita at kilala mo ako." Sabi niya at dahang dahang binaba yung fork niya sa plato niya. 

Tinignan niya ako na parang binabasa kung ano ang nasa isip ko. She looks serious. Am I supposed to take her seriously?

Kilala ko siya? Sigurado ba siya? Baliw ba 'tong babaeng 'to? Ni hindi ko nga alam pangalan niya. Sa gitna nang pag iisip ko ng malalim bigla na lang siyang tumawa.

Sa lakas ng tawa niya hirap siyang tumayo sa pinag uupuan niya.

"Takot ka?" Tanong niyang natatawa. "Don't be." Pinanuod ko siyang umalis ng dining area. Hindi ko na siya sinundan. 

Ako nang nagligpit nang pinagkainan namin. Wala sila manang dahil umuwi sa kani-kanilang pamilya to celebrate the holiday. Kahit si Manong Jun umuwi din kanina. Kaya ako lang mag isa sa malaking bahay na 'to. It's nothing new. Sanay naman akong mag isa.

Pagkatapos kong ligpitin yung pinagkainan namin dumiretso na ako sa kwarto ko. But to my surprise I saw her there lying on my bed.

"What the hell are you doing here?"

"You didn't have to shout. Pwede mo naman akong tanungin ng malumanay."

"You dare say that? This is my room! You shouldn't be here. Umuwi ka na sa inyo." Sabay iwas ko ng tingin sakanya. I can't look at her because of the way she's looking at me. Don't tell me siya pa ang may ganang umiyak.

"And pwede ba...kung gusto mong mahiga 'yung maayos naman. Pull your dress down. I can see your....thing." Tumalikod ako sakanya. 

Kababaeng tao pero ganito kung umakto. Bakit ko ba ginagawa 'to ni hindi ko naman siya kilala. This is annoying.

Her To-Do-Lists Before She Dies (Short Story)Where stories live. Discover now