Chapter 11

309 11 3
                                    

True to my words, I actually started driving on my own.

Nagulat pa si dad nung una dahil ayaw na ayaw kong nag d-drive. Marunong naman ako mag drive because dad obliged me to get my driving license para daw hindi ako lagi naka asa kay Manong Jun.

The only problem is I don't know my directions dahil hindi naman ako laging lumalabas. Kaya lagi akong naka depend sa GPS.

"You are in the fastest route. In twenty minutes, you will arrive in your destination." 

"I know so shut up." Sagot ko sa babaeng nagsasalita sa GPS. 

Papunta ako sa Bayview subdivision ngayon where Justine lives. Pero hindi siya ang pinunta ko 'don.

Today is the third day na mag sight seeing ako sa subdivision nila. 

I parked my car in front of the house where Hannah lives. Tinted ang sasakyan kaya hindi nila ako makikita sa loob.

Justine doesn't know I have a new car. Pag papasok ako ng school, yung isa kong kotse ang gamit ko. Uuwi lang ako para kunin 'tong bago.

Nung isang araw nalaman kong hindi lang si Hannah at yung lalaki na 'yun ang nakatira sa bahay na 'to. 

May kasama silang isang babae na sa tingin ko ay kasing edad din ni Hannah.

Minsan nakikita kong may mga lalaking naka itim na suit ang nagbabantay sa loob pag binubuksan nila yung gate. Kagaya nung nakita ko nung minsang nagpunta kami ni Hannah sa may park.

Mataas ang gate ng bahay nila at mataas din ang bakod kaya hindi mo makikita ang loob. Pero malaki ang bahay kaya kita ang taas. 

'Dun ko madalas makita si Hannah. Lumalabas siya ng balcony ng kwarto niya para magbasa. Kahapon ay may nakita akong babae. I think she's in her late forties. 

She's a doctor and possibly Hannah's mother dahil may konti silang hawig. 

Hindi talaga ako naghintay na magpakita ulit sakin si Hannah dahil ako ang pumupunta para makita siya.

Dahil bakit ako maghihintay kung pwede ko naman siyang puntahan para makita?

I didn't think it was possible. But I finally admitted it to myself yesterday na siguro ay crush ko 'yung pandak na babae. She completes my day.

Nung nakita kong siyang tumawa kahapon nang dahil sa binabasa ay parang may kung anong nangyari sa dibdib ko. Parang tumalon ang puso ko. 

At hindi na din nawala ang mga ngiti ko hanggang sa makauwi. Possible pa lang maging masaya. 

Pero nawala lang 'yun nung makauwi ako at makita ang portrait ng mama ko sa salas. 

Nabalik ako nang makita kong may lumabas ng gate. 

Nakita ko si Hannah na palabas. Mukhang mag jojogging dahil sa suot niya. Nakita kong may sinabi siya sa bodyguard niya at tumango lang ito.

Natawa ako nang mahina nung nagsalamin siya sa kotse ko.

Tinali niya ang buhok niya at magsimulang mag stretching sa harap habang tinitignan ang sarili sa reflection niya sa salamin ng kotse ko.

Napailing ako habang na ngingiti. Walang kaalam alam ang asungot na pinapanuod ko siya.

Nagsimula siyang tumakbo. I started my engine and parked it somewhere far para walang maka kita sa akin. 

Bumaba ako ng sasakyan and I followed her. Nakalayo na siya ng konti so I started jogging behind her but on the other side of the street.

Her To-Do-Lists Before She Dies (Short Story)Where stories live. Discover now