Chapter 1

3.1K 76 7
                                    


"Captain. Nandito nanaman siya." Sabi sa akin ni Justine habang nakatingin dun sa babae na nakaupo nanaman sa bleachers.

Justine is my best friend and also my childhood friend. Nangyari na lang basta. Siguro dahil mula noon parehas na kami ng school na pinapasukan. Siya lang din ang may lakas ng loob na makipag usap sakin noon. Kahit papano nabago niya ng kaunti ang buhay ko.

Tumingin ako dun sa babae na sinasabi ni Justine.

"Let her. Go back to practice." I coldly said and left him there still staring at the girl.

Hindi ako yung tipo na palangiti at palakaibigan. I'd rather be alone and study. Pero dumating si Justine. Nahilig din ako sa basketball kaya kahit papano nagging close ako sa team kong parang mga baliw kung umakto.

Christmas break naming ngayon pero nagpapractice pa din kami dahil may game kami two weeks after ng break namin.

"Hiyang hiya naman ako captain! Christmas na Christmas nagpapractice tayo. Pwede bang kahit isang araw lang eh wag tayo magpractice?" Tanong sa akin ni Aiden. One of my team mates.

I stared at him.

"Ano ka ba captain! Sabi ko magpractice. Hoy kayong mga kumag! Magpractice na!" Sigaw niya at nagsimula ng magpractice.

I glanced at the girl. Nakaupo lang siya sa mga bleachers nakatingin sa notebook niya. More than a week na siya laging nasa gym. Hindi naman siya nanggugulo kaya hinahayaan na lang namin.

Nagsimula nanaman kaming magpractice. Hawak ko ang bola patakbo sa ring. Mag lalay-up sana ako kaso sa kalagitnaan ng pagtakbo ko nabitawan ko ang bola at napatigil.

For the first time nakita kong ngumiti yung babae.

"Captain okay ka lang?" Tanong sa akin ni Chase at nagsilapitan naman sa akin yung iba. I gave them a nod at nagsimula nanaman kaming magpractice.

Pero hindi ako makapagconcentrate. The way she smiled keeps playing in my head. Lagi na lang akong napapatingin sakanya. Minsan nakikita ko siya nanunuod sa amin habang amazed na amazed.

Ngayon ko lang narealize. Parang ang sarap niyang panuorin. Hindi siya nakakasawang titigan. More than a week pero ngayon ko lang siya natitigan ng mabuti.

"Naniniwala na ako sa himala!" Sigaw ni Angelo kaya napatingin kaming lahat sakanya.

"Bakit?" Tanong ni Chris.

"Wow! Parang nag evolve lang." Sabi naman ni Yael.

"Ano yan pokemon?!" Tanong naman ni Julian.

"What happened?" Tanong ko.

"Captain mas gwapo ka pala kapag nakangiti!" Sigaw nila. Tinignan ko sila isa isa na parang ngayon lang nakakita ng tao.

"Marunong ka palang ngumiti capt! Isa pa nga!" Hirit naman ni Angelo.

"Anong meron?" Tanong sakin ni Justine. "Kilala kita. Sa tinagal ng pinagsamahan natin hindi ikaw yung tipo na palangiti."

Tinignan ko lang si Justine at hindi sumagot. I didn't bother explaining kasi ako hindi ko rin alam kung ano ang nangyari. I glanced back at the girl instead. Nakita kong tinignan din ni Justine yung babae. Nakita kong nangunot yung noo niya.

Nung napansin ni Justine na nakatingin ako sakanya, bumalik sa normal niyang expression ang mukha niya at tinapik ako sa balikat at tsaka nagsimulang maglakad.

"Team! We'll resume practice after New Year."

"Sure ka captain?" Gulat nilang tanong na tinanguan ko naman at nagsimula na silang magpunta sa changeroom.

"Why are you still not changing?" Tanong ko kay Justine na noo'y tinutulungan akong magpulot ng mga bola.

"Mamaya na."

"Is there a problem? Ang tahimik mo yata?" 

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko, "ikaw ba naman ang kasama ko sa inaraw araw, sa tingin mo ano mangyayari?" 

Umiling lang ako sakanya.

"Ikaw na nga bahala jan. Make sure you lock the storage." Paalam ko tsaka pumasok sa changeroom para mag bihis. 

Lumabas ako at napansing wala na 'din yung mga team mates ko. Kahit si Justine na hindi ko nakitang pumasok ng changeroom ay wala na din. 

Tumingin ako dun sa bleacher kung saan nakaupo yung babae kanina. Pero wala na siya dun. Lumapit ako kung saan siya usually nakaupo. Nagulat ako nung nakita ko yung notebook niya na naiwan dun.

Ang tanga naman 'non. Paano mo maiiwan ang isang bagay na pag aari mo?

Papunta na akong parking lot ng maisipan kong bumalik sa gym at kunin yung notebook. Curious lang ako. Ibabalik ko din. Nagtatalo ako sa isip ko kung babasahin ko ba kung anong meron dito o hindi.

Kasalanan ko ba kung nakita kong nakatiwangwang yung notebook niya at nabasa ko yung malaking title na to-do-lists na nakasulat doon. Napansin kong nasa pinakalikod na part ng notebook niya yung to-do-list. I flipped through the page.

My To-Do-Lists:

1. Fall in love.

2. Breathe in helium.

3. Leave my handprint in wet cement.

4. Watch the sunrise.

5. Have my first kiss.

6. Make him fall in love with me.

7.

Everything must be accomplished before

Before? Before what?

Her To-Do-Lists Before She Dies (Short Story)Where stories live. Discover now