Chapter 6

1.9K 53 13
                                    

"What are we doing here?" Tanong ko sakanya ng makarating kami sa isang park di kalayuan sa bahay.

Ayoko sanang lumabas dahil hindi naman ako sanay na naglalabas ng bahay at pumupunta sa kung saan. Pero mapilit 'tong babaeng 'to kaya sa huli napasama na lang ako.

Napatingin ako sa paligid. Sa hindi kalayuan may isang malaking puno. Mukhang matanda na ito. Napansin kong may tree house sa itaas 'nun dahil may parang hagdan na nakadikit sa may puno.

Di kalayuan sa kanan nung punong 'yun, nandun ang isang playground. Parang familiar ang lugar. 

Wala naman akong natatandaan na nagpupunta ako dito sa lugar na 'to nun. Sa totoo lang, wala akong matandaan sa childhood ko kaya hindi ko din maexplain kung pano kami naging magbest friend ni Justine.

Ang alam ko lang, siya na ang kasama ko mula pagkabata. Dati ko siyang kapitbahay pero lumipat lang sila ng ibang bahay nung grade four kami. Pero ever since, same school kami ng pinapasukan.

"Halika dito." Hinila niya ako sa may likod ng puno na may tree house. 'Dun ko napansin na may dalawang pares ng maliliit na kamay na nakaukit sa may puno. 

"Gusto ko gawin natin 'to." Turo niya 'dun sa nakaukit na kamay.

"Yan ang gusto mong regalo sa mundo?" Tanong ko sakanya nang nakataas ang kilay. "Hindi ba parang you're ruining the nature? Huwag mong galawin ang puno. At kahit na siguro, tuta ang bigyan mo nang ganyang regalo, hindi niya 'yun magugustuhan." 

Natawa siya ng kaunti sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong nakakatawa 'dun at tumatawa siya.

"Ang haba ng sinabi mo ah? Huwag kang mag alala. May idea ako." Ngumiti siya at tinaas baba ang dalawang kilay ng tatlong beses. "Gusto kong magiwan tayo ng marka dito." Patuloy niya. "Parang past and present ang theme. Pwedeng balik balikan." Pagkatapos niyang sabihin ang huli niyang sinabi tumingin siya dun sa nakaukit na kamay sa puno at ngumiti. Ngumingiti siya na parang may naaalala.

Kung ano man 'yun, siya lang ang nakaka alam.

"So anong plano mo?" Mahina kong tanong. Ayokong sirain 'yung atmosphere dahil parang magandang alaala yung nasa isip niya.

"Hmm. Do you have your phone?" Tanong niya sa akin. 

Kahit na nalilito ako binigay ko sakanya 'yung phone ko at may dinial 'dun. Lumayo pa siya ng kaunti kaya hindi ko naririnig 'yung sinasabi niya. Kung sino man ang kausap niya, hindi ko din alam kung sino.

"Just trust me."  Napakunot ako ng noo. Parang may boses ng batang babae akong narinig. Napatingin ako sa paligid pero wala naman akong nakita batang babae.

Napatingin ako sa direction ni Hannah. Impossibleng siya 'yun dahil may kausap pa din siya sa phone at hindi ko naman naririnig ang boses niya kung nasaan siya.

Napailing na lang ako at inalis sa isip ko 'yung narinig ko. Maya maya lang din lumapit na sa akin si Hannah at binalik 'yung phone ko. 

Tinuro niya 'yung swing. "Upo muna tayo 'dun habang naghihintay." Hindi na ako nagtanong sakanya at tahimik lang siyang sinundan.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, I found myself trusting her. Parang alam na alam niya ang gagawin. Para bang nagawa na niya 'to nuon. 

Nakaupo lang ako sa swing pero siya enjoy na enjoy. Tuwang tuwa dahil para daw siyang lumilipad sa lakas ng pagswing ng duyan niya. Nililipad pa ng hangin yung mahaba niyang buhok.

"Hoy dahan dahan ka nga lang dyan. Ang lakas ng pagswing mo!" Hindi ba siya natatakot? Ako ang natatakot sa ginagawa niya eh. 

At ang magaling na babae tinawanan lang ako. "Hoy kumapit ka ng mabuti. Kapag ikaw nahulog, ako nanaman ang aabalahin mo!"

Her To-Do-Lists Before She Dies (Short Story)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora