Unlucky I'm In Love With My T...

By shyhaida

2.4K 124 27

FREINDSHIP. LOVE. SICKNESS. Ang daya-daya ng TADHANA. More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Author's Note
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen

Chapter Eleven

55 7 3
By shyhaida

I Hate You

~•~

Ayen's POV

"Kailan kaya tayo magiging isa

Ikaw ako wala nang iba pa

Magtiwala di ka iiwanan

Pangako pag-ibig ko'y maaasahan

Walang hanggan sa 'ti'y darating din naman"

Kahit sintunadong-sintunado sa pagkanta ang Dean kong to, sa pandinig ko naman boses niya ang pinakamagandang musikang napapakinggan ng tenga ko. Kahit medyo boses kambing siya, kinikilig talaga ako. Ang cute niya kasi pag may hawak siyang gitara. Lalo akong tinatamaan. Nakakainis nga ng medyo eh pero nakakakilig ng malaki.

Ang totoo, hindi naman talaga siya marunong tumugtog ng gitara. Ang alam ko lang, nung sabihin ko sa kanya na crush na crush ko yung mga lalaking marunong tumugtog ng gitara eh nalaman ko na lang kinabukasan na may gitara na siya. Bumili ata. Tapos kumuha pa siya ng tutor para magpaturo kung paano tumugtog. Nakakapagtaka nga eh. Naisip ko nga noon na baka... gusto niyang magkacrush ako sa kanya. Hmmp. Sana tama tong hinala ko no. ayun na nga, nabigla na lang ako nang bigla siyang tumugtog at kumanta sa harap ko, same song pa rin, favorite niya ata. Lalo nga akong nainlove at tinamaan ng todo-todo eh. Akala ko nga, pagdo-drawing lang ang talent niya, pati pala pagtugtog ng gitara at pagkanta ng SINTUNADO.

"Naghihintay tamang panahon para sabihin ko

Ikaw lamang walang iba ang iibigin ko

Nangangako sa yo habang buhay ikaw lamang

Ang mamahalin ikaw walang hanggan"

"Sana naging gitara na lang ako......" wala sa sarili kong sabi.

Eh kasi naman, ang swerte-swerte nung gitara niya. Isang napakagwapo at napacute na Dean ang yakap-yakap siya. Ang gwapo niya talaga habang tinutugtog yung gitara niya. Lalo lang tuloy akong nabibighani sa kanya. Yung puso ko binihag na naman niya. Yung utak ko pinapangarap-ngarap na naman na sana ako na lang yung gitara niya. Kasi pag naging gitara niya ako, edi yakap-yakap at kandong-kandong niya ako. Ang corny lang talaga nitong mga pinag-iisip ko. Pagpasensyahan nyo na, inlove eh.

Itong patugtog-tugtog niyang ito nga ang isa sa mga dahilan kung bat ako patay na patay sa kanya eh tapos bumibilis pa talaga itong pagtibok ng puso ko na hindi ko alam kung bakit nagkakaganto tapos yung mundo parang tumitigil sa pag-ikot tapos yung mga tao sa paligid ko lahat humihinto tapos yung boses niyang kambing lang ang naririnig ng mga tenga kong to at alam nyo bang ang sarap-sarap sa tenga pakinggan yung boses niya tapos di ko pa talaga mapigilan ang laway ko sa pagtulo, para nga siyang mangga eh na pag tinititigan mo naglalaway ka tapos para din pala siyang kutsara kasi kapag tumutugtog na siya, napapanganga na lang ako tapos.....

ewan ko, hindi ko na alam idudugtong ko. :D

Ano ba talagang meron sya at ganto na lang ang pagkahumaling ko sa kanya, sa Tolbespren ko na kapatid lang ang turing sa akin. Huhu. :(

Ang hirap talaga pag isa ka dun sa mga taong dumaranas ng one-sided love. Tsk. Dean, bat mo ba ako pinapahirapan ng ganto? Nakakainis ka na kung minsan.

"Ha?" nagtatakang tanong ni Dean saakin pagkatapos kong sabihin ang kaengotang yon.

Ang engot ko talaga! Bat ko nasabi yon?! Ayen naman eh! Ang engot mo talaga!

"May sinabi ba ako?" palusot ko.

"May sinabi ka kasi......ang sabi mo nga sana maging......."

"Uyyy! Tignan mo! May butiki!" huhuhuhuhu, tulong po! Pahiram ng foundation kasi pulang-pula na ako dito!

"Anong butiki pinagsasabi mo dyan? Langit na kaya ang ceiling natin."

Pooook! Kung gumawa ng palusot, palpak pa talaga. Tsk. Ayen, san ba utak mo, sa pwet mo? Nakalimutan ng napakalaki kong utak na andito kami sa school playground kung saan kahit saang banda ka tumingala eh wala ka talagang makitang bubong. Kaya imposible talagang magkaroon ng butiki dito.

"May sinabi ba akong butiki?!" nagkunwari na lang akong naiinis para di na siya magtanong pa.

"Kakasabi mo nga lang eh. Teka, bat ka ba nagkakaganyan ha? Kanina ka pa parang lutang eh."

"Ang gwapo mo kasi eh! Nakakainis ka! Pinapantasya tuloy kita! Alam mo bang tumutulo laway ko sayo! Alam mo ba yun?!"

At........

biglang humagalpak siya ng tawa.

Ayeeeeeeen!!! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?! Mahiya ka naman kahit konte! Huhuhu.

"Talaga? Gwapo pala ako aa? Pinapantasya mo pa! O teka! Teka lang......"

Bigla siyang may kinuha sa bulsa niya. Nang ilabas niya ito, isang panyo...... tapos agad niyang sinalo nito ang......tutulo ko na sanang laway. Ngayon ko lang talaga napansing may laway palang tumutulo mula sa bibig ko(natural sa bibig, try ko kaya sa ilong tumulo yung laway :D).

Posha naman to! Para na akong sili na sobrang pula na dahil sa kahihiyan!

"Talagang naglalaway ka sa kagwapuhan ko, ano?" sabi niya sabay punas parin ng laway sa paligid ng lips ko.

"Anong naglalaway sa kagwapuhan mo?! Hindi aa! Kapal mo naman!" sabay kong tinaping yung kamay niya na pinupunasan yung laway ko.

"Kakasabi mo lang kaya."

"Wala akong sinabing ganon!" inis na inis na talaga ako........

sa sarili ko. Bat tinotopak ako ngayon? Ano ba tong nangyayari sakin? Dahil ba to sa pagtugtog niya o dahil lang talaga sa kashungahan ko?

Dahil nga hiyang-hiya na ako, tumayo ako agad (by the way, nakaupo pala kami sa ground, kaming dalawa lang, parang nagpipinic lang kami este parang nagde-date pala :p).

"San ka pupunta?" agad niyang tanong.

"Sa puso mo....." joke lang, di ko to sinabi no, di ko na dadagdagan pa ang kaengotan na pinakita ko sa kanya.

Yung totoo, di ako sumagot. Sa lagay kong to, makakasagot pa ba ako. Foundation please! Pulang-pula na talaga ako.

"Tol! Tolbespren! Uyyy Ayen! Ayen! AYEN!" sumigaw na nga siya since ayaw ko talagang humarap at bumalik.

"Ano?!" sigaw ko pero di parin ako humaharap sa kanya at patuloy lang ako sa paglalakad ko papalayo, ayoko ngang magmukhang sili sa kanya.

"May gusto ka ba saakin?! Kasi ako, matagal na matagal ng may gusto sayo! Mahal na nga kita eh! Mahal na mahal na!"

Napahinto ako bigla. Alam nyo ba pakiramdam ko ng marinig ko yun? Bumilis na lang bigla ang tibok ng puso ko tapos parang magkaka-asthma rin ako ngayon. Totoo ba yung narinig ko? Guni-guni ko lang ba yun? Jusko mahihimatay na yata ako! Penge este pa-order ng nebulizer! Ito na yun eh. Ito na yun! Ang pinakahihintay kong sandali sa buong buhay ko.

Ito na yun! Ang pinakahihintay kong sandali sa buong buhay ko! Nagtatapat ba siya? Goshing! Pwede na akong mamatay!

"Huy! Sagot! May gusto ka ba sakin?"

Hindi nga talaga guni-guni to. True-to-life to. Mamamatay na yata akong masayang-masaya neto. Hu! Gusto ko mang humarap sa kanya, di ko magawa. Ang tigas ko na kaya dito, dinaig ko pa bato.

"Ayen, sagot na! O sige aa, pag di ka pa sumagot pagbilang kong tatlo........"

At di ko na pinaghintay na matapos niya yung sasabihin niya, baka mamaya kasi ang bilis niyang bumilang di ko pa maabutan, ang hina ko kaya sa math (ano konek ng math sa scene na to?), humarap na ako agad sa kanya.

"Oo! Oo gusto kita! Gustong-gusto! Pero ngayon hindi na!" siya lang ba marunong mang-asar?

"Kase mahal na kita. Mahal din kita, Dean. I love you! Saranghe! Mahal na mahal kita matagal na matagal na!" sa wakas nasabi ko rin sa kanya! I SUPER-DUPER LOVE YOU DEAN DELA CER...

"....nakatago na kayo! Isa. Dalawa."

Anong ibig sabihin nito? Akala ko ba nagcoconfess siya? Bat siya kumakanta na parang bata lang ngayon? Ano to?

Ginugoodtime niya lang ba ako? Ano tong ginagawa niya? Ano tooooooo??!

"...Tatlo! Lupa, langit, palangit-langit. Tatlong itlog pakalog-kal...."

Ibinalibag ko na sa kanya ang mga librong hawak ko (kahit boba ako, nagdadala parin naman ako ng mga libro) kaya napatigil siya sa posha niyang pagkanta. Shet! Shet! Nakakapagmura tuloy ako. Nakakainis! Pakshet!

"Inamin mo rin!" sabi niyang ang lawak-lawak ng ngiti.

Pakshet! Ang sarap umiyak! Siya pa ba talaga ang Tolbespren ko na sobrang gentleman, sobrang mabait, sobrang mapag-alala, sobrang ayaw nakakasakit ng damdamin ng iba? Siya pa ba talaga to? Huhuhuhuhuhu.....

"Inamin mo rin talagang may gusto ka saakin! Uyyy may gusto siya sakin. Ayy hindi pala, mahal mo pala ako. Uyyyyyy, mahal daw niya ako.... Mahal ako ni Ayeeeeen... Maha...."

"I hate you! I hate you! Hindi na ikaw si Tolbespren ko! I hate you!" sigaw ko sa kanya at napaluha na nga lang talaga ako.

"huy, teka, bat ka umiiyak? Joke ko lang naman yun eh. Ang tagal na kasi nating di nagkikita! Yen...." sabi niya sa sobrang lambing na boses sabay tayo tsaka lumapit saakin.

Nang makalapit siya ay umurong ako at dumistansya sa kanya. Iyak pa rin ako ng iyak. Hindi na siya ang Tolbespren ko. Umabsent lang siya ng ilang araw tapos hindi ko alam ang dahilan kung bakit eh naging ganto na siya (umabsent siya ng ilang linggo pagkatapos ng birthday niya, wala man lang text o tawag para sabihin saakin na aabsent siya. Alam nya bang panay ang hintay ko sa kanya nun nung mga panahong umabsent siya, para na nga akong shunga doon sa guardhouse eh sa kakahintay sa kanya dahil sabay kaming uuwi. Muntikan na nga rin akong mabangga ng isang traysikel kasi hindi ko alam kung paano tumawid pag di siya kasama. Di man lamang ba siya nakonsensya? Ni text ni tawag di niya nagawa, kung tinext niya lang sana ako edi sana nagpasundo na lang ako kay Papa at hindi sana ako minura nung drayber ng traysikel. Sabagay, sino nga ba naman ako para alamin lahat ng ginagawa niya. Isa lang naman akong hamak na Tolbespren niya, gusto niya lang akong kasama dahil namimiss niya yung kapatid niya. Huhuhuhu. Ngayon ko lang narealize to lahat. Ang tanga ko lang talaga at asa pa ako ng asa na sana isang araw mahalin niya rin ako. Nakakainis siya.

"Yen, sorry na.... Sorry na please......" akmang yayakapin niya ako pero dumistansya ulit ako.

"I hate you!" atsaka ako lumayo na nga ng tuluyan sa kanya.

*****

Dean's POV

"Bat mo naman ginawa sa kanya yon?" mahinahong tanong ni Jessa saakin. 

"Hindi ko alam....." wala naman sa sarili kong sagot. 

"Alam mo bang iyak siya ng iyak sa akin kanina. Pinaasa mo lang daw siya, pinagmukhang tanga, tapos ibang-iba ka na daw, hindi na daw ikaw yung Tolbespren niya. Alam mo bang ang sakit nun para sa kanya yung paasahin at biruin ng ganon." 

Hindi naman biro yun eh, totoo yun na ginawang biro. Ewan ko ba kung bat ko nagawa yon. Siguro pinanghinaan lang ako ng loob na aminin sa kanya yung totoong nararamdaman ko nang maalala ko ang kalagayan ko, ang masaklap na sitwasyon ko ngayon. 

"Ano bang pumasok dyan sa utak mo at nagawa mo yun?" 

"Hindi ko alam." 

"Ano ba namang klaseng sagot yan, Dean! Para ka namang si Napoles eh. Dagdagan mo na lang kaya ng I invoke my right against self incrimination!" 

"Eh sa hindi ko nga alam kung bat ko nagawa yon." 

"Kung hindi mo naman pala kayang umamin, sana di mo na lang siya pinaasa, sana indi mo na lang sya jinoke ng ganon." 

"Hindi joke yun."

By the way, andito kami sa library ni Jessa. Since hindi naman pumapasok ng library si Ayen, eh dito na lang kami nag-usap. Baka kasi malaman niyang magkasabwat kami ng kaibigan nya sa isang operation na maging kami na. 

"Hindi naman pala joke, bat mo ginawang joke? Kelan ka ba talaga aamin?"

"Hindi ko alam..." 

Ewan ko kung aamin ba ako o hindi. Pag umamin ako na mahal na mahal na mahal ko siya, siguradong aaminin ko rin itong sakit ko, itong sakit ko na palala ng palala. 

"Alam mo, Dean, ang buhay ay maikli lang, malay mo mag-end of the world na. Kaya't habang andyan pa siya, wala pang umali-aligid sa kanya eh aminin mo na yang nararamdaman mo. Ikaw rin, baka isang araw magising ka na lang na wala na siya, nasa arms na ng iba. Bahala ka. Hindi ako nagkulang ng paalala sayo. Mahal ka na nga ng tao, inaayawan mo pa. Mahal mo na nga, dine-deny mo pa. Aminin mo nga sakin Dean, isa't kalahating eng-eng ka ba?"

Ang totoo, di ko na narinig yung iba pang mga sinabi ni Jessa, ang tumatak lang talaga sa isip ko ay yung 'ang buhay ay maikli lang'. Napatayo ako agad.....kasi ang buhay ay maikli lang. Habang andito pa ako sa mundo, susulitin ko na ang bawat sandali na kasama siya. Ang drama siguro, pero ganto talaga pag bilang na ang oras mo dito sa mundo. 

"Anong oras na ba?" naitanong ko bigla kay Jessa. 

"4:43. Bakit?" 

"Maikli lang ang buhay...." yan na lang ang nasabi ko kay Jessa at tuluyan na nga akong nagpaalam sa kanya at dali dali ng lumabas ng library. 

Maikli lang ang buhay... 

Maikli lang ang buhay...

A/N: Featured song Tamang Panahon by Wynn Andrada

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...