My Ex, My Professor

By OppaAnja

5.9M 112K 7.4K

[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 1] Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang new Math Professor mo ay yung ex-boyfri... More

Prologue
Chapter 1: Bakit sya pa?!
Chapter 2: Schoolmates
Chapter 3: The Other Guy
Chapter 4: The Encounter
Chapter 5: As of now...
Chapter 6: Knight in Boxers?!
Chapter 6.5: Extra
Chapter 7: Anniversary
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 10.5
Chapter 11: Partings and Goodbyes
Chapter 12: Revelation
Chapter 13: I beg you!
Chapter 14: What he don't know
Chapter 15: Viel's Rage
Chapter 16: JD's Plan
Chapter 17: Reaching You
Chapter 18: Monkey Lord and Barbaric Tiger
Chapter 19: Humors, Humors
Chapter 20: Couple Shirt?!
Chapter 21: Heartbeat
Chapter 22: My Savior
Chapter 23: Welcome Party
Chapter 24: Boyfriend, Girlfriend
Chapter 25: His hand to mine
Chapter 25.5: First Dance
Chapter 26: In a relationship
Chapter 27: Back to the present
Chapter 28: Our House
Chapter 29: His Nightmare
Chapter 30: Proposal
Chapter 32: Monsary
Chapter 33: The Enemy
Chapter 34: How they met
Chapter 35: The President's Son
Chapter 36: Decision
Chapter 37: The Break Up
Chapter 38: Our Night Together
Chapter 39: Welcome back!
Chapter 40: The Second Proposal
Chapter 41: Celebration
Chapter 42: Hanna's Condition
Chapter 43: Vacation
Chapter 44: The Beach
Chapter 45: He Knows
Chapter 46: I want you all to myself
Chapter 47: Fear
Chapter 48: The Wedding
Chapter 49: I'll take care of you
Chapter 50: Until the end...
Chapter 51: Start of the End
ANNOUNCEMENT
MEMP IS NOW A BOOK!

Chapter 31: Under the moon light

72.3K 1.4K 45
By OppaAnja

Chapter 31: Under the moon light

 

 

Llyod's P.O.V

 

 

          Binabaan ako ni Hanna ng phone. She never done that.

          "Ano kayang nangyari sa kanya?" tanong ko sa sarili ko.

          "Hoy Llyod!" sabi nito saka tapik sa balikat ko.

          Nilingon ko ang nagsalita. It's Kyle. One of my friends.

          "Ano? Nakausap mo na bebot mo?"

          "Wag mo nga syang matawag-tawag na ganyan!" sabi ko sa nagbabantaang tono.

          Nagkibit-balikat lang si Kyle sa akin.

          "Whatever you says!" sabi nito. "Grabe pre! Ang laki ng pinagbago mo mula ng makilala mo yang chicks mo—"

          "Her name is Hanna!"

          "Yeah! Yeah! That Hanna girl. Iba talaga pre! Ang lakas ng tama mo dyan kay Hanna ah! Kailan mo ba yan dadalhin dito?"

          "I am not planning to bring her here." sabi ko. "Baka ano pa ang gawin nyo sa kanya."

          "Pre, baka nakakalimutan mo yung pauso mong rule? Ang babae ko, babae ko lang. Walang sulutan. Kaya anong sinasabi mo dyan? Ang sabihin mo killjoy ka lang talaga!" natatawa pang dugtong nito saka ako ulit tinapik sa balikat at pumunta na sa iba pa naming kasama.

          Mabigat na napabuntong-hininga na lang ako saka muling nagtry na kontakin ang number ni Hanna.

          The crash that I heard bothers me. Nasaan ba kasi sya? Ilang araw ko na syang di nakikita sa school. Para tuloy nakakatamad ng pumasok kasi walang makulit. Tapos hindi pa sya nagrereply sa mga text ko.

            *ring ring ring*

 

 

          Makalipas ng ilang mahabang pagring sa kabilang linya, sinagot na rin niya yung tawag.

          "Ha—"

          "Who's this?"

          Lalaki?

          "Xander?" isa lang naman yung lalaki sa bahay nila Hanna—kung nandoon man sya.

          "Do I sound like Alex to you? Sino ba 'to huh?! Ikaw din ba yung tumawag sa kay Hanna kanina huh?!"

          WTF!

          "Sino ka ba huh?! Where's Hanna?!"

          Hindi kaya may kumuha kay Hanna?! Sh*t! Wag naman sana!

          "She's with me and she's fine kaya wala ka ng rason para tumawag!"

          At pagkatapos noon ay bigla na lang naputol yung linya sa kabila.

          The f*ck! Who's that?!

Hanna's P.O.V

 

 

          "Sino yung tumatawag sa'yo huh?! Sino yun?!"

          Tinakpan ko na lang yung dalawa kong tenga saka ginaya-gaya yung mga sinasabi ni Viel. I am mocking him.

          Para syang timang! Paano ko malalaman kung sino yung tumawag eh kinuha nya agad yung phone ko. Kung di ba naman sya nag-iisip di ba?

          At isa pa, tinalo pa ni Viel yung machine gun sa sunod-sunod na tirada nya! Para syang nagger na misis na hindi mo maintindihan. Seriously, sino yung babae sa  aming dalawa ni Viel?

          "Bakit hindi mo ako sinasagot huh?"

          Ang sama ng tingin nya sa akin. Kung totoo nga lang yung umuusok ang ilong kapag nagagalit, nako! Paniguradong ganoon na yung itsura ni Viel. Highblood masyado.

          "Are you done?" tanong ko saka pinagkrus yung mga braso ko sa tapat ng dibdib ko.

          "Yes!"

          "Mabuti naman." sabi ko saka mabigat na napabuntong-hininga at naupo sa may sofa sa may sala. "Paano ko makikilala yung tumawag sa akin kung kinuha mo agad yung phone ko bago ko pa nasagot? Sabihin mo nga sa akin? Paano kita masasagot?"

          Natameme sya sa sinabi ko. O ano ka ngayon Viel Arvueva? Natahimik ka! Huh! Serves you right! Paranoid ka kasi!

          "Can I have my phone now para ma-check kung sino yung tumawag?" sabi ko saka inilahad yung isang kamay ko sa kanya.

          "No!" sabi nito saka itinago sa likod nito yung cellphone ko.

          "Ano ba Viel! Akin na yan!" sabi ko saka biglang napatayo at pilit na inabot sa likod nya yung phone ko.

          "No!" natatawang sabi nito saka itinaas nito yung phone ko sa ere.

          "Viel ano ba?!" sabi ko saka pilit inabot yung phone.

          Okay! Sya na yung matangkad! Kainis!

          Mukhang tuwang-tuwa naman si Viel na makita akong nahihirapan sa pag-abot ng phone ko. Nakakainis! At dahil sa inis ko, mariin kong inapakan yung paa nya.

          "Aray!!!" malakas na sigaw nito saka nagtatalon sa pamimilipit sa sakit.

          Ako naman ngayon yung natawa saka biglang hinablot sa kamay nya yung phone ko.

          "Hoy! Ibalik mo yan sa akin!" sabi nito na nangingiwi pa din.

          Ikaw ba naman maapakan ng 3 inches heels ko di ba? Haha!

          "At bakit ko naman ibabalik sa'yo 'to eh akin 'to?" sabi ko.

          "Akin na sabi yan eh!"

          Tumakbo ako palayo kay Viel at hinabol naman nya ako.

          Oo. Para kaming mga timang na naghahabulan sa may sala nya. Pero nakaka-miss din 'to. Madalas kasi namin 'tong gawin nung kami pa.

          Parehas kaming natatawa sa pinaggagawa namin. Para kaming mga sira.

          Tumakbo ako palabas sa may bahay 'ko' daw. Dumerecho ako doon sa may pool area.

          "Bumalik ka dito Hanna!" nakangising sabi ni Viel. "Makocorner lang kita dyan!" natatawa pang sabi nito.

          Nilingon ko sya at tiningnan kung maabutan na nga ba nya ako. Pero, wrong move yung ginawa ko. Dahil, sa paglingon ko, hindi ko naalala na tumatakbo pala ako. At sa isang maling apak, napaapak ako sa may isang corner ng pool at dumulas doon.

          "Hanna!"

          Dahan-dahan akong bumabagsak sa may pool. Ipinikit ko na lang ang mata ko at hintayin ang sarili ko na mahulog sa pool or worse mabagok ang ulo sa may tiles ng pool.

          Pero hindi. Walang nangyaring ganoon.

          Bago ako tuluyang bumagsak sa may pool, nahapit ni Viel yung bewang ko at saka kami sabay bumagsak sa may pool.

          *splash*

 

 

***

 

 

            "Viel! Viel! Wake up! Viel!"

          Kinakabahan ako ng sobra. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

          I just remember, Viel don't know how to swim and yet he tried to save me. Sira talaga!

          "Viel!" sabi ko saka marahang tapik doon sa mukha nya.

          Nasa may pool pa rin kami at yakap-yakap ko yung ulo nya. Pilit ko syang hinila sa may gilid ng pool. Doon sa may tiled na hagdan at pilit ko syang inahon paalis doon sa pool at inihiga sa may gilid.

          "Viel! Viel!" sigaw ko pero hindi pa din sya gumigising.

          Hindi ko alam gagawin ko. He's not waking up!

          "Viel! Uy! Ano ba! Viel!" naluluha na ako kasi hindi pa din sya gumigising. Wala akong natatanggap na reaksyon sa kanya. "Wait! Tama! CPR!"

          Actually, hindi ako marunong magCPR. Pero napapanuod ko naman iyon sa mga movie kaya susubukan ko na rin. Bahala na! Hope it work!

          Hinawakan ng isang kamay ko yung ilong ni Viel at yung isang kamay ko naman ay marahang inangat ng kaunti yung mukha ni Viel at saka ko dahan-dahang ibinaba yung labi ko sa kanya at binigyan sya ng hangin.

          Matapos noon, pinagpatong ko yung dalawang kamay ko, yung isa nakasara at yung isa nakabuka saka iyong itinapat sa dibdib ni Viel at saka ko iyon pinump.

          But still no response from him.

          Bumibilis yung pagpatak ng luha sa mata ko habang inuulit-ulit ko yung ginagawa ko.

          "Viel ano ba! Gumising ka na!" naiiyak na sabi ko.

          This is the 15th time na gagawin ko ulit yung pagsiCPR sa kanya. If it still doesn't work, I'm going to burst out crying.

          This time, inilagay ko yung dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ni Viel at saka dahan-dahang ibinaba yung mukha ko sa kanya.

          "Please, wake up for me Viel..." sabi ko saka marahang ipinikit ang mata ko at dahan-dahang tinawid ang pagitan ng mga labi namin.

          Sandali lang nagdikit yung mga labi namin and I feel something weird already. Ibinuka ko ang mata ko and there, I saw Viel, raising his right brow to me saka nya inilagay yung isang kamay nya sa batok ko at saka diniinan ang hawak doon pababa sa kanya.

          Viel is starting to kiss me.

          Wait! Wait! Wait! Don't tell me...

          Matapos ng ilang minutong pagkakadikit ng labi namin ay malakas kong sinampal si Viel.

Viel's P.O.V

 

 

          "I hate you! I hate you! I hate you! I HATE YOU!" naiiyak na sabi ni Hanna saka nito tinakpan ang mukha nito gamit ang mga palad nito.

          Napangiti na lang ako sa naging reaksyon nya. Galit na galit talaga sya. Hahaha!

          To tell you honestly, nagtutulog-tulugan lang ako kanina. Hindi ako nalunod o di kaya may nangyari sa aking masama. Wala lang, trip ko lang maglunod-lunuran.

          Saka ang sarap kaya yung feeling na hinahalikan este siniCPR ka.

          "Pinag-alala mo ko!" naiiyak na sabi pa ni Hanna. "Jerk!"

          Natawa na lang ako sa kanya saka ko inakbay ang isang kamay ko sa kanya.

          "Sorry na..." malambing na sabi ko saka isinandal yung ulo ko sa balikat nya.

          "Sorry mo mukha mo!" sabi nito saka ako tinulak.

          "Ouch! You're already pushing me away? That hurts you know?" natatawang sabi ko.

          "Che! Go to hell!"

          Tinawanan ko ulit sya saka ko hinawakan yung dalawang kamay nya at ibinababa iyon sa magkabilang gilid nya saka ko sya biglang hinalikan sa labi.

          Nanlaki ang mata ni Hanna sa ginawa ko. I just smile at her then continue the kiss.

          It's good to know that Hanna cares that much for me. Now I know how much she loves me and I am more than happy to know that.

          "I love you." sabi ko saka isinandal yung noo ko sa noo nya. "Sorry kung pinag-alala kita. I didn't mean to."

          "Hindi nakakatuwa ang ginawa mo Viel!" sabi ni Hanna saka pilit inaalis ang kamay nito sa pagkakahawak ko pero mas hinigpitan ko lang ang hawak ko doon.

          "Don't you know how cute you look kanina? You're worried yet you still manage to look beautiful in front of me."

          "Ewan ko sa'yo!" inis na sabi nito. "Alam mo naman na hindi ka marunong lumangoy di ba?! Kaya bakit mo pa ako niligtas?! Paano kung namatay ka sa lunod huh?! Pinabayaan mo na lang sana ako kanina!"

          "Hinding-hindi ko gagawin iyon..." sabi ko saka nagpatuloy. "Because I am willing to die just to save you."

          Natahimik ulit si Hanna. She's blushing. Very cute.

          "H-Hindi pa din ako natuwa sa ginawa mo!" sabi ni Hanna saka inilayo ang tingin sa akin at nagpout.         

          "Pero ako natuwa sa ginawa mo..." sabi ko sa nanunuksong paraan. I am pertaining to CPR thing.

          Naggasp sa akin si Hanna saka ako pinanlakihan ng mata.

          "Kapag nalunod ka na talaga, hinding-hindi na kita isiCPR! Tandaan mo yan!"

          "Hindi naman pwede yun! Mamatay ako nyan!" sabi ko saka natawa.

          "Eh di maganda! Dahil sobrang nakakainis ka na!" asar na sabi ni Hanna. "Hindi na ulit kita ililigtas!"

          "Talaga?" paniniguro ko.

          "Talaga!"

          "Kung ganoon, kahit tumalon ako dito, hindi mo ako ililigtas?"

          "Oo!"

          Ngumiti ako sa kanya saka sya binitawan at tumayo.

          "H-Hoy! Saan ka pupunta?!"

          "Tatalon ano pa ba?" sabi ko saka akmang tatalon sa pool nang bigla akong hawakan ni Hanna sa braso ko at pinigilan.

          "Nasisiraan ka na ba?!"

          "Yeah." sabi ko saka ngumiti sa kanya. "Crazy in love with you."

          Hindi ko na hinayaan na makapagsalita si Hanna dahil bigla akong humarap sa kanya at hinapit yung bewang nya saka sya hinalikan ulit.

          I love kissing Hanna. Everytime I do this, it always feels like the first kiss we had.

          After a moment, Hanna return my kisses and we start kissing each other passionately. Hanna placed her hands around my neck and she clinged into them while I tighten my hold to her and pulled her closer.

          Under the moon light, below the stars that shining in front of us reflecting in the water of the pool, we kissed like there's no tomorrow.

          "I hate you Viel..." she said after our lips parted.

          "And I love you too Hanna Adriano Arvueva."

A/N: Ang sweet talaga ni Papa Viel no? >/////<  Kaw na Hanna! Kaw na may sweet at malambing na boyfriend.

 

Leave comments guys! I want to read you opinion about this chapter. You can vote too if you like. Comment! Comment! Comment!

 

More updates to come! It's Lloyd time to shine!

Continue Reading

You'll Also Like

35.6M 737K 69
HIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
1M 6.4K 70
Si Prince Andrew Gomez.Isang School Hearthrob. Hindi naman macho pero cute/gwapo.Isa siyang gwapo, mayaman, matalino.Sige na!Pero SUPER SNOB niya.Gwa...
9.4M 190K 73
(COMPLETED) Published under RISINGSTAR Printing Enterprise (149.oo only) Available in all leading bookstores Nationwide- you can also order the book...