Amethyst: The Porphyra Prince...

Oleh XavierJohnFord

54.9K 1.9K 225

An adventure of a Princess destined to avenge her lost kingdom and take back of what is rightfully hers. Book... Lebih Banyak

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve

Chapter Three

4.4K 173 11
Oleh XavierJohnFord

Amethyst Montreux

“SIGURADO ka na ba talaga sa balak mong maglayas?” tanong sa kanya ni Chloe, kaibigan niyang matalik sa pinagtatrabahuhang convenience store rito sa may Avenida. “Ta’s plano mo pang isama ang anak ng tiyahin mo. 'Di ka ba no’n sampahan ng kasong kidnapping kung saka-sakali?”

Muli siyang bumuntung-hininga habang busy sa pagbibilang ng mga imbentaryo for their monthly stocks. Tiningnan niya ang kaibigan. “I doubt it, gusto nga niyang ibenta ang anak niya ta’s magagalit 'yon sa gagawin ko? Baka nga pasalamatan pa niya ako na ilalayo ko ang pasakit sa kanya 'e.”

“Hindi naman sa ganoon siguro, girl. Pero alam mo naman, she’s still a mother. Malay mo naman magbago na yung tao.”

Napailing iling siya sa sinabi ng kaibigan. “Nakailang ulit na rin ako umasa na magbabago siya. Kahit man lang sa anak niya. Pero heto, sinagad na niya ako. And I won’t give a damn, kung ano man ang magiging reaksyon niya. You know her story, Chloe. Inintindi ko. Pero lahat ng bagay may hangganan. Lahat ng pisi, napuputol. At yung ginawa niya sa anak niya kahapon ay wala na sa linya ng pasensya ko at paniniwala.”

“So, kailan mo naman siya balak ialis sa bahay na iyon? Saka sa’n ka kukuha ng panggastos? Sino mag-aalaga sa kanya kapag nag-aral ka na this semester? Sa’n kayo manunuluyan?” sunud-sunod nitong tanong sa kanya na tila mas ito pa ang namomroblema kesa sa kanya.

“Iaalis ko siya do’n once na makahanap na ako ng kahit na maliit na apartment lang na kaya ko. Sa schedule naman ng klase ko night shift. By that time 'e paniguradong tulog na ang kapatid ko na iyon.” tugon niya sa mga tanong na ito.

Nagulat silang dalawa nang biglang may lalaking nagsalita matapos niyang sagutin ang mga katanungan ni Chloe.

“Kailangan mo ng matitirhan?”

“Anak ng tekwa,” angil niya sa gulat.

“Hallelujah, Marimar!” angil naman ni Chloe.

Tiningnan niya ang lalaking bigla na lamang lumitaw sa kung saan. Teka, ito yung lalaki sa University, ah.

“Eleazar?” nakakunot niyang tanong sa nakangising binata. She even saw from her peripheral vision kung paano na-tensed ang katawan ni Chloe nang masambit niya ang pangalan ng lalaking ito.

“You still remember me, I’m glad you do.” Natutuwang wika nitong binata.

“Hindi naman siguro ako makakapasa sa Crimson University kung makakalimutin ako hindi ba?” matapang niyang ungos rito.

Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi niya ngayon rito. Para kasi siyang nang-aaway sa tono palang ng boses niya. 'Eh wala pa namang ginagawa itong masama sa kanya.

Or maybe she just hated his guts. No, not just the guts. Ang buo nitong pagkatao. Parang pinagkakanulo sa kanyang ganito dapat ang trato niya rito.

Tinaas ng binata ang dalawang braso nito. “Whoah, grabe ka naman. Nag-compliment lang pero ang init na ng mga sinasabi mo.”

“What are you doing here?” tanong niya rito habang nakataas ang kilay. Gosh, ba’t ang sama sama niya? Hindi siya ganito. Totoo. Alam niya sa sarili niya na mabait siya dahil gano’n talaga ang ugali niya. May pagkamataray nga lang talaga, pero alam niyang mabait ang ugali niya at hindi ganito makipag-usap sa mga 'di kilala.

“Am I not allowed to be here? Besides,” tinaas nito ang hawak na limang cup noodles. “I’m a customer and what does a customer doing in a convenience store? Buying.”

Mas lalong umarko pataas ang kanyang kilay sa naging sagot nito. He has a smart-mouth. At hindi niya gusto ang sinagot nito.

“Okay, fine. Alam kong hindi maganda ang una nating pagkikita pero pwede bang magsimula ulit tayo sa umpisa? I mean, can we just forget what I did the last time you saw me? And start a new of being friends? I can actually help you finding a new apartment. Affordable na safe pa. And I’m sincere, Amethyst.” Sabay lahad ng kamay nito symbolizing a way of accepting his suggestion.

May alam itong murang apartment?

“Excuse me, Mr. Whoever-you-are. I don’t even care kung ano’ng ganap ang nangyari sa inyo ng bestfriend ko pero kung pupwede ho bang dumiretso nalang kayo sa cashier at umalis na. Hindi ka niya kilala ng ganoon para magbigay ka ng tulong about her apartment issue. Hindi ko alam na tsismoso ka pala.” Mataray na wika ni Chloe kay Eleazar.

“I’m just being a good guy here and wanna give some help. May masama ba ro’n?” tugon ng binata, still wearing those creepy smirks that he has. Iba talaga ang pakiramdam niya sa ngisi nito. Halatang may hatid laging delubyo at tinatayuan siya ng balahibo sa batok. A sign that he’s dangerous.

“I don’t need your help,” simple ngunit seryoso niyang sagot sa binata.

Muling bumuntung-hininga ang lalaking ito at saka may kinuha sa wallet na kung ano. Nang matapos ay saka nito iniabot iyon sa kanya. “Take this, kung sakaling interesado ka.”

Hindi niya iyon iniabot. Ngunit si Eleazar na mismo ang nag-abot ng kamay niya at saka ipinatong iyon roon. ‘That’s the address.”

Tiningnan na lamang niya ito hanggang sa matapos itong makapagbayad ng binili. Nang makalabas ay nagitla na lamang siya nang humarap sa kanya si Chloe na may seryosong mukha.

“He’s dangerous, Amethyst. So, if ever na magkikita muli kayo ng lalaking iyon. Stay away from him.” Banta nito sa kanya na kinanuot niya ng noo.

“Paano mo nasabing delikado siya?”

“Basta, just do what I said. Okay?” utas nito at saka hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Patapos na ang shift natin rito, tara na at tutulungan kitang maghanap ng apartment. Alam kong tatanggihan mo lang naman ang alok kong sa amin na lang kayo ni Clarence tumuloy 'e.”

Mayaman kasi itong babaeng ito. Nag-aaral rin ito sa University na papasukan niya this semester. Ewan ba niya sa babaeng ito at bakit nag-part time sa lugar na ito. Sa lugar pa na sobrang mausok. Pero ang lagi lang nitong sinasabi sa kanya na gusto lamang raw nito maranasan ang magpakahirap kumita ng pera. Kaya mahal niya itong kaibigan na ito 'e. Sobrang down to Earth kahit ang yaman yaman.

Tinanguan niya ang kaibigan at saka sinilid na lamang ang papel na binigay ni Eleazar sa kanyang bulsa.

“ANO ba naman iyan! Lahat na lang ng tinitirhan natin lagpas lagi sa budget mong dalawang libo. Pwede ko namang abonohan muna yung isang magandang apartment na tiningnan natin pero umiral na namang iyang super-duper-ultra-independent side mo at tinanggihan mo ako. Nako, huh. Ako na ang naiinis sa pagiging ewan mo, girl.” Mahabang speech ni Chloe sa kanya habang nagmimeryenda sila sa McDo. “Jusko pati nga itong kinakain natin KKB ang gusto mo. Ganyan ka na ba ka-selfish ngayon at tinatanggihan mo lahat ng help ko? My gosh, magkaka-wringkles ako sa iyo nito ng maaga. Loka ka.”

“Hindi naman sa ganoon, Chloe. Marami na akong utang sa’yo at ayaw ko namang iasa sa’yo ang mga ganitong bagay. Saka baka 'di na kita mabayaran 'no.”

“Hay naku, ewan ko sa’yo. Lagi nalang ito ang topic natin. Nakakapanawa nang ulitin na wala namang kaso sa akin iyon dahil kaibigan kita. Pero wala! Nagmamatigas ka pa rin. At h’wag na h’wag mo kang matawa-tawa diyan.” Mas napatawa na siya sa inangil nito sa kanya. Hay, nagpapasalamat siya at nagkaroon siya ng ganitong kaibigan.

“Babaan mo kasi ang boses mo. Pinagtitinginan na tayo, oh.” Pinipigilan niyang h’wag matawa pero ang ekspresyon talaga ng mukha ng kaibigan ang nakakapagpatawa pa lalo sa kanya. Busangot na busangot nga naman kasi.

Tumaas ang kilay nito sa kanya at saka tiningnan ang paligid. “Pakialam ko kung manood sila sa sermon ko? 'Eh sa badtrip ako sa’yo ano. Oh, ano’ng tinitingin niyo?”

“Huy, ano ka ba.” pigil niya rito dahil parang 'di babae kung makapang-amok ng awayan sa kabilang table.

“Ewan ko sa’yo, Amethyst. 'Di ko na alam ang gagawin sa’yo. Umuwi na nga lang tayo.”

Nagkibit balikat na lamang siya rito at saka tinapos ang mga dapat tapusin na kainin.

Habang sila’y naglalakad ay hindi talaga nila maiiwasang mapadaan sa isang madilim na eskinita. Iyon lang kasi ang daan papuntang main road na kung saan naroroon ang kotseng naghihintay sa kaibigan. Still remember? This girl is freaking rich!

“Oh, bakit gan’yan ang mukha mo? Daig mo pa ang mga pulis sa sobrang mapagmatyag sa paligid.” Puna sa kanya ni Chloe. “And please, don’t give me that freaking look. I’m trying to be a brave girl here. So please, stop acting that you’re sensing something wrong?!”

Pero iyon naman talaga ang nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam niya’y may nagmamatyag sa kanila.

“BIlisan nalang natin,” tugon niya sa litanya ng kaibigan.

“Right, great idea.” Pagsang-ayon ng natatakot ng kaibigan.

Half-running na silang dalawa nang biglang may mga sumulpot na mga lasenggo sa harapan nila. Mga kumakanta pa ang mga ito na animo’y langong lango na talaga sa alak. Nang makita sila ay gayon na lamang ang pagngisi ng mga ito sa kanila. Mga lalaki ito at babae sila. Kaya ang siste, it’s either pag-t-tripan lang sila ng mga ito o i-g-gang rape.

“Uy!!! Mga pretty girls.”

“O-Oo nga p’re ang se-sexy pa.”

“Yummy~”

“Mukhang may ulam tayo para sa gabi natin mga brad. Sarap dalhin sa heaven~”

Pito ang mga hudas. Mga nakangiwi sila ni Chloe dahil ang papangit kasi at halatang mga adik sa lugar na ito. Talagang mga hindi gagawa ng mabuti.

Pinilit niyang magpakatatag lalo pa nang nagtatago na sa likuran niya ang kaibigan. She’s scared right now. Tinapangan niya ang kanyang loob at saka nagbanta. “H”wag kayong lalapit!” sigaw niya sa mga ito nang nagsimula nang lumapit ang mga ungas.

“S-Sinabi nang h’wag kayong lalapit 'e,” sabi pa niyang muli pero alam na alam niyang wala iyong kwenta.

Ngayon niya yata ninais na hilingin na lumabas yung kakaibang kapangyarihan sa kanya. She knows that’s she not normal from the very start of her childhood. Yung nangyari sa bahay nila ang isang patunay roon. Hindi siya tao. Alam niya. Pero sana mali siya ng inaakala. Dahil kung talagang hindi siya normal ay isang sumpa naman niyang maituturing ang kapangyarihan mayroon siya. Dahil sa kapangyarihang iyon, namatay ang mga magulang niya. Because of her curse. At dahil mukhang nasa delikado siyang sitwasyon ay mukhang kinakailangan niyang babaan ang pride para sana mangyari muli ang isang bagay na hindi niya alam kung paano nangyayari.

Tulungan mo ako! Ngayon mo sa aking ipakita ang silbi mo! Kahit na isa kang sumpa sa buhay ko!

She tried to close her eyes and glared at them afterwards. Gano’n naman kasi lagi kung paano nagpapalit ang kanyang mata ng kulay. Pero bakit hindi niya magawa ngayon? Bakit kung kailan kinakailangan niya para makaligtas sila ay saka pa hindi nagpaparamdam ngayon?

“Oh, gosh!” mahinang tili ni Chloe at napatingin siya sa likod nila. Ang pagtakbo sana ang huli nilang option but in this case, mukhang hindi na uubra. May lima pang adik sa kanilang likuran at ngayon ay cornered na sila.

Shit! Ano ba?! Bakit ayaw mo pang gumana?!

“Get off!” sinipa niya ang braso ng isang lalaking humipo sa hita ni Chloe.

“H’wag mo siyang hawakan!” ungos niya rito.

“Hmmm, palaban mga p’re!” nakangising wika nito sa mga kasamahang mga walang kwenta sa mundo.

Mahigpit siyang hinawakan sa baba ng lalaking mismong humipo kay Chloe. Hindi ito lasing dahil mukhang nasa katinuan pa. Mukhang ito ang leader ng mga adik na lasenggo.

“Ang ayoko sa lahat ay yung mga lumalaban. Teritoryo namin itong pinasok niyo kaya lahat ng papasok na babae… hindi makakalabas na laspag.” Malademonyong wika nito at saka nagsitawanan ang mga kasamang mga mukhang unggoy.

“Bitawan mo ako!” mahinang utos rito. Kaya niya sana itong sipain ngunit dahil sa dami nila ay paniguradong dehado siya. Baka mas lalo lang lumalala kapag hindi niya pag-iisipan ang tamang gawin.

“'Eh kung ayoko?” nanlalaking matang wika sa kanya nitong mukhang tsonggo. Nagulat siya nang bigla siyag ilapit sa mukha nito.

Oh no! Ang baho!

“Bitawan niyo ako! Ouch!” doon na siya nainis. Mabilis niyang binayagan ang may hawak sa kanya. Nabitawan siya nito at walang pasudali niyang sinuntok ang dalawang lalaking pinagdidiskitahan si Chloe. Mabilis niyang hinablot ang kaibigan at tumakbo.

Ngunit hindi pa sila nakakadalawang hakbang nang hablutin ng isang lalaki ang kanilang buhok dahilan upang masabunutan silang dalawa.

She was about to kick again ngunit nahawakan iyon ng isa pang lalaki. Mabilis siyang hinarap ng may hawak sa buhok niya. Ang leader pa nito na binayagan niya. Nakangisi ito sa kanya at hindi niya inaasahan na bigla siya nitong sisikmuraan.

Shit! Ang sakit no’n!

Napatinuhod siya sa sahig at nanghihinang napahiga. Pati ang paningin niya ay nanghihilo at nagiging blurry na.

Hindi na niya napansin ang mga nasa paligid niya. Hindi na niya magawang makagalaw pa dahil sa sakit ng sikmurang natamaan. Hayup na lalaking iyon. Bakla yata at pinatulan talaga siya.

Ilang minuto lang matapos no’n ay ang mukha na ni Chloe ang nasa harapan niya. Hinarangan nito ang langit na kanyang tinitingnan. Hindi niya rin kilala ang isa pang lalaking nahagip ng kanyang nanlalabong mata.

“Are you alright? Hey, Amethyst!” rinig pa niyang tanong ni Chloe sa kanya. Ngunit habang patagal ng patagal ay pati ang boses nito ay halos hindi na niya marinig. At mas lalong nanlabo ang kanyang paningin. Aware siyang mawawalan na siya ng malay.

Ngunit itinatak niya sa kanyang isipan ang isang nagliliwanag na silver tattoo sa palapulsuhan ng lalaki. It’s a symbol na sobrang nagliliwanag dahilan para makuha niyon ang nanglalabo niyang atensyon bago tuluyang mawalan ng malay.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...