A Hidden Gem (Fate Series#3)

By omyerika

8.7K 645 2.4K

Princess Naomi Mikayla Madriaga is the demure and gullible Interior Designer student of University of Santo T... More

Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Author's NOTE

Chapter 15

196 14 51
By omyerika

"Ah! Aray!"


Napahiyaw naman ako nung naramdaman ko yung sakit nung binaon ni Kim yung karayom ng syringe sa may braso ko.


"Wag ka ngang OA! Dahan dahan na nga ako eh. Hirap kayang hanapin ugat mo!" Sabi ni Kim sabay pout at seryosong kinuhanan ako ng dugo dahil magkakaroon daw sila ng Return Demonstration at kailangan niya ng pagprapraktisan.


Napahinga nalang ako ng malalim at nagdasal ng taimtim. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito, basta ang alam ko pumunta lang ako dito para ikwento sakanya yung nangyari kagabi, hindi ko naman expect na pagprapraktisan niya pala ako.


"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, Nami. What's wrong?" Sabi ni Rach na naging biktima rin practice ni Kim. 


"Oo nga. May ikwekwento ka diba? Ano yun?" Tanong ni Kim nung sa wakas ay tapos na niya ako kuhanan. 


"Wala, ikwekwento ko lang na hindi ko na kailangan magcommute kasi binigay na saakin ni papa yung kotse."


"Really? That's great! At least you don't have to worry about those rapist anymore." Masayang sabi ni Rachel at nakipagpalit na ng pwesto saakin kasi siya na yung susunod na paprapraktisan ni Kim. 


"Mabuti naman at may kotse ka na, hindi yung kanikanino ka sumasabay dahil natatakot ka lalo na pag madalim ka na nakakauwi." Tuloy tuloy na sabi ni Kim kaya agad siyang hinampas ni Rach, "Ah! What?"


"Do you really have to say that?" May pagkainis na sabi ni Rach.

"Ano naman masama doon? Ang ibig ko lang sabihin na baka nakakaistorbo mo na siya---" Hindi natapos ni Kim yung sasabihin niya nang bigla ulit siyang hampasin ni Rachel. 


"Isa, Xerina Kimberly, manahimik ka nalang dyan kung ayaw mong iturok ko 'yang syringe na hawak hawak mo na yan sayo!" Pagbabanta ni Rach kay Kim. 


Medyo napangisi naman ako habang pinapanood sila na mag-away hahaha no wonder na magpinsan nga sila, parehas may pagkabrutal. 


"Anyway, nagtataka lang ako kung sino yung nagsabi kay papa. Sinabi niyo ba sakanya? Sabi nila Mackey kasi hindi raw sila eh." Pagtutuloy ko sa kwento at para hindi na rin sila magbangayan. 


Parehas naman silang umiling, "Hindi eh." Kung hindi yung mga kaibigan ko, edi sino?


"Baka si Gino? Diba, siya yung nagligtas sayo? Baka siya yung nagsabi." Sabi ni Rachel.


Baka nga, kasi ilang beses na rin pumunta si Gino saamin eh, baka nabanggit niya kay papa.


"Pero bakit naman niya yun sasabihin kay papa?" Tanong ko sa sarili ko. 


"Kasi nag-aalala siya sayo. Obviously, may gusto siya sayo. Ah! Kim!" Napahiyaw si Rachel nung napasok na yung karayom, medyo mabigat din kasi yung kamay ni Kim eh, baguhan palang kasi. 


"Sorry!" Sabi ni Kim at dahan dahang kumuha ng dugo, "Pero Naomi, umamin na ba sayo si Gino? I mean, ayan nanaman kasi yung term na 'obvious' tapos biglang hindi pala."


"Oo. Sinabi na saakin ni Gino na mahal niya ako."


"ANO?!" Nanlaki yung mga mata nila sa gulat dahil sa sinabi ko. 


Nanlaki rin yung mga mata ko dahil nakita kong napupuno na yung syringe ni Kim, "KIM! Yung syringe!"


Tinignan pa nila ng ilang segundo yung tinuturo ko bago matauhan.


"Ay puta!" Napamura tuloy si Kim at agad pero dahan dahang tinanggal yung karayom kay Rachel. Pagkakita namin sa syringe ay punong puno na ito ng dugo. 


"Bitch! You almost killed me! Hindi na talaga ako papayag na pagpraktisan mo!" Sabi ni Rachel at siya na mismo yung naglagay ng bulak sa parteng kinunan ng dugo ni Kim tsaka lumayo na sakanya. 


"Relax, hindi naman gaano kadami. Tsaka, maya-maya lang mapapalitan din naman lahat ng nawalan niyong dugo ng bagong dugo eh." Sabi ni Kim habang nagliligpit ng mga gamit niya, "So, ano nga, Naomi? Sinabi niya talaga yun?!"


Nawala yung ngiti sa labi ko at napatikhim habang inaalala yung nangyari kagabi, dahil kaya doon hindi ako nakatulog kaya hindi ko maabsorb yung sinasabi ni father kanina sa simbahan.


"Edi anong nangyari? Anong sinabi mo?" Tanong ni Rachel.


Hindi anong sinabi ko, kundi anong nagawa ko.


Napapikit nalang ako nang mairin nung naalala yung ginawa ko kagabi.


"Ay ewan!" Napasigaw ako at napatayo na sa kinauupuan ko para kumuha ng tubig sa kusina dito sa apartment ni Kim.


"Ohhhh, mukhang may nangyari ah. Spill, spill." Kulit pa saakin ni Rach at sinundan ako sa kusina. Humabol din si Kim para marinig yung kwento ko.


Uminom muna ako ng tubig bago huminga nang malalim at napatingin sakanila na naghihintay ngayon sa kwento ko. Napapikit naman ako nang mairin tsaka mabilis na nagsalita, "Ano.. Kasi...Pagkatapos niyang umamin, pinauwi ko na siya tsaka sinaraduhan agad siya ng gate."


Pagkaraan ng ilang segundo, wala pa rin nagsasalita sakanila kaya dahan dahan ko nang dinilat yung mga mata ko at nakita ko sila na nakaawang ng konti yung mga bibig.


"You can't be serious," Sabi ni Rachel pero napakagat nalang ako nang ibabang parte ng labi ko sabay yuko sa kahihiyan na ginawa ko, "That's rude, Nami!"


"And hilarious HAHAHAHA, " napahawak pa si Kim sa tyan niya sa kakatawa, "Grabe ka pala mag-reject HAHAHAHA."


"Aish!" Hindi ko naman kasi sinasadya eh, nagulat lang ako. The worse part is, mukhang napalakas ata yung pagsarado ng gate huhu. Pinagsisihan ko na nga eh huhu. Ano bang dapat na reaction doon?! Nakakaloka kasi, "Tawagan ko kaya? Mag-sosorry lang ako. Tsaka may tinatanong pa siya, sagutin ko lang yun."


"Anong tanong niya? Do you want to be my girlfriend?" Natatawang sabi ni Rach.


"Tanga ka ba? Hahaha parang tinawagan mo lang siya para linawin na busted talaga siya." Natatawang sabi pa ni Kim.


Napatahimik nalang ako habang kinakain na nang guilt yung buong sistema ko. Bakit kasi sa lahat ng bagay na pwedeng gawin na reaction pag may umaamin sa isang tao, yun pa yung nagawa ko?!


"Unless, hindi siya busted at sadyang nagulat ka lang?" Biglang sabi ni Rachel kaya napatingin kaming dalawa sakanya.


Hindi naman ako makasagot kasi alam ko sa sarili kong may namuo na akong feelings para kay Gino pero hindi ako sure kung tama at dapat bang pagtuunan ng pansin ito dahil gusto ko pag nagkagusto ako sa isang tao, gusto ko sure na at maayos na ang lahat. Hindi yung ganito na magulo pa rin.


Si Kim palang naman yung sinasabihan kong may namumuo na akong feelings para kay Gino, ayoko kasi malaman ng iba lalo na ng barkada dahil may past nga sila ni Ava at baka maging complicated ang lahat. 


Kinuha ko yung phone ko na nagvivibrate sa bulsa ko at tinignan kung sino yung tumatawag.


Thomas is calling


"Paano naman si Thomas? Wala ka na ba talagang gusto sakanya?"  Humalukipkip naman si Rachel.


Napatingin ulit ako sa pangalan niyang nagflaflash sa screen ng cellphone ko, "Sagutin ko lang 'toh."


Naglakad na ako paalis sa kusina para sagutin si Thomas. Sinabi lang niya yung tungkol pagtulong niya saakin sa pageant. Aish, sabi na ngang ayaw kong sumali doon eh.


"Jusko, ako yung naiistress sayo Naomi."


Napaayos naman ako nang tayo at napapout sa sinabi ni Kim. Ngayong araw din kasi nag-aya si Thomas na gawin yung sinasabi niyang mini photoshoot ko sa studio ng kakilala niya. 


Since tapos na yung photoshoot nila ngayon at wala ng gagamit ng studio kaya hiniram muna ni Thomas para saakin tapos siya na rin daw bahala kumuha ng picture gamit yung camera niya. Gusto ko nga kahit yung phone nalang eh. 


"Paano ba kasi?!" Inis na sabi ko nang hiram pa ako ng dress kay Rachel dahil hindi ko naman akalain na ngayon mag-aaya si Thomas. Buti nalang may damit si Rachel sa apartment ni Kim. Hapit nga lang tapos sleeveless pa at above the knee, kulay red siya kaya nagmumukha akong maputi.


"Just smile naturally." Ngumiti si Thomas saakin sabay tingin ulit sa camera.


Ginawa ko naman yung sinabi niya at ngumiti na labas yung ngipin. 


"Sabi namin ngumiti, hindi ilabas mo yung ngipin mo." Sabi ni Kim. 


"Nakangiti na nga ako." Sabi ko pa. Lumapit naman si Rachel saakin at pinakita yung kuha niya saakin sa phone niya. Nawala naman yung ngiti ko nang makita ko yung panget na yun, "Shocks. Ayoko na nga!"


Pinaupo naman ulit niya ako, "Last na. Remember, smile not show your teeth." 


"Baka kailangan niya ng inspirasyon!" Rinig kong sabi ni Kim kaya napatingin ako sakanya.


Nakita ko naman na sinesenyas niya gamit yung mga mata niya si Thomas, napakunot naman ako nang noo. Anong gagawin ko kay Thomas? Nung nilingunan naman ni Thomas si Kim ay bigla itong umayos at ngumiti. 


"Titigan mo nga si Thomas." Mahinang sabi ni Rachel saakin. Kahit nagtataka ay tinititigan ko nga si Thomas na nakikipagusap na ngayon kay Kim, "Okay. Eh ito titigan mo."


Nagulat ako nang biglang iharap ni Rachel saakin yung phone niya at agad na bumungad saakin yung mukha ni Gino. Medyo napangiti naman ako dahil nakamanbun pa siya habang nasa training ata. Taas pa ng pagkakatali, akala mo may halaman sa taas ng ulo hahaha. 


"Wow. It's really Gino, huh?"


"H-huh?" Nabaling naman yung tingin ko kay Rachel na nakatingin na saakin ngayon na makahulugan. Unti unti naman nawala yung ngiti ko nang mapansin kong nakangiti na pala ako. 


"Oooops! Freeze!" Tinaas niya ulit yung phone niya na may picture ni Gino, "Ngiti ka lang! Wag kang gagalaw. Oh picturan niyo na!"


Agad naman tumakbo papunta kila Kim si Rachel, humarap naman na ako sa camera ng hindi binabago yung expression ko. Sana lang okay na yung itsura ko, nakakahiya naman at mukhang napuno ko na ata yung memory ng camera ni Thomas, eh pang-IG lang naman ito.


"Do you wanna see it?" Tanong ni Thomas pagkalapit niya saakin. 


"Okay ba? Pag hindi, wag na. Sawa na akong makita yung pictures na nasayang dahil andoon yung mukha ko, wala na bang iba?" Medyo inis na sinabi ko. 


Thomas chuckled, "See for yourself."


Bigla naman niyang pinakita yung picture ko sa camera niya kaya automatiko kong pinikit yung mga mata ko dahil hindi pa ako ready. Ano ba yan, hindi marunong maghintay! Excited? Amp.


Huminga muna ako nang malalim bago dahan dahang binuksan ulit mga mata ko. Hindi naman ako nagsalita agad at pinagmasdan yung picture na nasa camera. Dahan dahan ko naman iyon kinuha sa kamay ni Thomas para pagmasdan pa ito ng mabuti, pati na rin yung ibang letratong kinuha niya. 


"Ako ba ito?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Dahil ba sa lighting kaya naging ganito kaganda yung picture? O baka naman sa angulo? Grabe, parang hindi ako, "Ang ganda ko?"


Narinig ko naman natawa si Thomas, "I told you."


Napangiti naman ako at medyo naluha pa. Parang ewan lang noh? Haha, parang ngayon lang ata kasi ako nakakita ng solo kong picture na naappreciate ko talaga eh. 


Nilingunan ko naman si Thomas na nakatingin na pala saakin ngayon, "Thanks"


Tumango naman siya sabay ngiti saakin. Namili na kami ng pictures na ipopost ko at syempre sinulit na namin yung photoshoot at kumuha pa ng ilang group and solo pictures sa studio.


Tinuruan na rin ako nang konti ni Rachel kung paano maglakad na pangmodel. Hindi ko naman alam na ang hirap pala lalo na pag nakaheels na huhu. Ano ba itong pinasok ko?


"Ahh aish." I hissed. Napakapit pa ako kay Thomas dahil siya yung malapit saakin sabay tinanggal muna yung heels ko.


"Why? What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Thomas.


Pagkakita ko sa paa ko ay may paltos na pala. Hays, sabi ko na nga ba maling idea yung magheels eh.


"May band aid ba kayo dyan?" Tumalon na ako papunta sa gilid gamit yung isang paa habang yung isang paa naman ay nakataas nang bigla akong binuhat ni Thomas na pa bridal style, "A-anong ginagawa mo?"


"You should have told me that you are hurt, edi dapat nagwrap up na tayo kanina pa." Binaba na niya ako sa isang upuan at kinuha na yung betadine at band aid na inaabot ni Kim.


I hissed a little dahil sa hapdi.


"Sorry." Sabi naman ni Thomas at mas dinahan dahan pa yung paglagay ng betadine at band aid sa mga paltos ko sa paa.


Pagkatapos nun ay umuwi na rin kami. 


"Napapadalas yung alis mo kasama si Thomas? Kayo na ba?"


Nagulat naman ako sa tanong ni papa pagkamano ko sakanya.


"Pa naman! Magkaibigan lang po talaga kami ni Thomas. Bumabawi lang po siya dahil ang tagal niyang hindi nakauwi at 2 months lang daw po siya dito. Tsaka wala naman po siyang gusto saakin." Inayos ko na yung sapatos ko at nilagay na sa shoe rack namin.


"Aba, malay ko bang dumidiskarte na yun sayo. Eh ikaw ba? May gusto ka pa rin sakanya?" 


Umismid naman ako, "Wala ho!" Dali dali na akong umakyat sa taas para matapos na yung pag-uusap namin ni papa sa topic na iyon.


Pero bago pa man ako makapasok sa kwarto ko ay bumukas naman yung kwarto nila papa at lumabas doon si mama.


"Oh? Anong oras na? Ang aga pa ah." Sarkastikong sabi ni mama.


"Sorry po." Nagmano ako sakanya.


"Hindi porket pinapayagan ka namin ay umaabuso ka na ah. Yung pag-aaral mo, Naomi ayusin mo rin hindi lang yan itsura mo." May pangigil na sabi ni mama.


"Opo, hindi ko naman po pinapabayaan."


"Mabuti. Tsaka bawas bawasan mo nga yang gala mo baka umuwi ka dito, buntis ka na. Tularan mo si Emily, nasa bahay lang."


Huh? Eh kahapon nasa gala din yung kapatid ko na yun eh! Hindi siguro alam ni mama.  Tsaka, anong buntis?! Kung saan saan na napupunta yung imahinasyon ni mama ah.


"Grabe naman po. Hindi naman ako ganung tao, ma."


"Aba, malay ko kung naiimpluwensyahan ka na ng mga kaibigan mo ngayon. Tsaka baka kung sino sino ng lalaking lumalapit sayo dahil dyan sa itsura mo. Wag ka agad magpapauto, hindi nun alam kung ano talagang itsura mo." Sabi pa ni mama bago tuluyang bumaba.


Sinundan ko lang siya nang tingin at hindi namalayang may tumutulo na palang luha galing sa mata ko. Grabe talaga si mama sa pagiging straightforward haha tagos eh. Pero totoo naman siya kahit masakit.


Alam niya kaya yung tungkol kay Gino? Exakto kasi na umamin kahapon si Gino eh.


Pumasok na ako sa kwarto ko at exaktong nagvibrate yung phone ko sa bulsa ko kaya napatingin ako doon.


Thomas Ford

I already edited and sent to you via email, all the pictures from earlier. Hope you had fun today, Nami. 😊

Thank you, thank you. I owe you big time. 😅

You don't owe me anything, Nami. I'm happy to help you anytime.


Napangiti naman ako kahit papaano doon dahil siguro hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago at kahit na ilang taon na ang nakalipas ay ganyan pa rin yung pakikitungo niya saakin. 


Tinignan ko na yung mga pictures na kinuhanan namin kanina. Ang gaganda talaga. 


Pinili ko yung napili namin kanina. Dalawang shoulder level, yung isa nakahalumbaba yung isang kamay ko at nakangiti nang walang ngipin tapos yung isa naman ay nakangiti lang na may ngipin. Tapos dalawang whole body, isang nakalagay yung mga kamay ko sa likod tsaka nakangiti, yung isa naman ay nakaside view ako habang nakangiti. 


Ilang minuto ko pa tinignan yung picture ko, baka kasi may mali o panget. Magpopost ba talaga ako? Sasali ba talaga ako? Pinindot ko ulit yung photo ko, hindi ba bigay na bigay? Para kasing pang model yung datingan, eh nakangiti lang naman ako. Baka kasi sa studio tinake kaya nagmumukhang bongga. 


"Hay nako, bahala na nga." Pinindot ko na yung post button at agad pinatay yung phone ko tsaka naligo na. 


Nag-rewrite muna ako ng notes at nag-aral nang konti bago buksan ulit yung phone ko, agad bumungad saakin yung main group chat naming magbabarkada. 


MARURUPOKPOK 😤

Mackey sent a photo.

Mackey: Hoy, Nami! Ganda mo, myghad 🥵

Ava: Nice, hindi na pilit yung ngiti niya hahaha.

Kenzo: Grabe ka naaaaaaaa.

Kenzo: Nagcomment na ako ahhh. 😂

Rachel: Gusto niyo ba ng behind the scene? HAHAHA.

Kim: After 938323742874732 years, sa wakas may picture na. Hayy, asan na yung sahod ko?!

Mia: Improving ang bebe namin 😍

Edwin: Iba talaga ang alagang Gino 🙊

Mia: Wait, whut?????????

Mackey: Akala ko ba si Thomas? 

Kenzo: Grabe, iba ka na talaga, Naomi. Dalawa dalawa pa. Tsk tsk.

Mia sent a photo.

Mia: HOYYYYYYY! WHAT IZ DA MEANING OF DIZ?!

Kim: Ang landi, jusme.

Mackey: Paano ba yung ngiti, Nami?! Sana olllllll.


Tumagil ako sa pagbabackread at tinignan yung photo na iniscreenshot ni Mia. Napabalikwas naman ako sa kinauupuan ko nung nakita ko iyon. Hala?! Legit ba?!


Agad akong pumuntang sa Instagram ko, hindi ko na munang tinignan yung notifications ko pero madami dami rin yun dahil mukhang kinalat at nagpapalike na rin yung barkada para tulungan ako. Sikat kasi yung mga yun eh. Agad akong dumeretso sa account ni Gino at binuksan yung story niya. 


Napatayo ako sabay takip ng aking bibig. Pinigilan ko ang tili ko at nagpapadyakpadyak sa kinatatayuan ko, "Hala, bakit niya ako inistory?"


Hindi ko naman mapigilang hindi ngumiti habang tinitignan pa rin yung story niya sa post ko. Binuksan ko naman yung post ko at nakitang naka 216 likes na within 2 hours. Marami rin nagcomment at lahat ng barkada present doon kaso kung ano ano naman ang pinagsasabi nila, jusko.


HeyitsRach: First post but already slaying. 😍 

_miadeguzman: Big girl na baby namin *teary eyes*

McknzMnnsl: Upuan mo ako sa mukha, miss ma'am! 😩💗

dwnbrnd: 'Wag mo kaming kakalimutan, lods.

AveryDiaz: The glow up iz real. ❤️

XKim22: Ngiting natatae na pero andyan si crush. San ka naman dyan, Nami?

08Trinidad: Erbag, Baka Naomi namin yan oh! Libre ko mamaya ah, usto ko Jollibeee.


Nakangiti naman ako habang binabasa at nililike yung mga comments, nagcomment din sila Tyne at Gabby at yung iba pa naming kaklase pero yung iba hindi na ko na kilala. 


iamthomasford: Stunning ❤️


Pinatay ko na yung phone ko na may ngiti pa rin sa labi. Napatingin naman ako sa repleksyon ko sa salamin, mas napangiti naman ako nung nakikita ko na yung gandang hindi ko inakala.


Pagtapos kong tignan yung sarili ko sa salamin ay nagligpit na para matulog dahil pasok pa pala bukas kaso mag-aalas dos na pero hindi pa rin ako makatulog, takteng yan. Kaya nagcellphone na muna ako. Wala sa sariling pumunta ako sa Instagram account ni Gino at tinignan ulit yung story niya.


Ngayon ko lang napansin na may nilagay pala siyang song sa bg kaya nilakasan ko yung volume ng phone ko para pakinggan iyon.


Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling

At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin


Napangiti nanaman ako at gumulong pagilid sa kama habang pinipigilan yung kilig.


Sige, kiligin ka pa, binagsakan mo nga siya ng pinto nung nagconfess siya eh. Walanghiya, hays.


Kinabukasan ay marami ang pumuri saakin dahil sa post ko at inaasahan nila na ako yung manalo. Hindi ko naman alam kung anong dapat na isagot doon, kaya ngumiti nalang ako na nahihiya. Pati nga yung mga professors namin ngayong araw, yun agad bungad pagkapasok nila sa classroom eh. Grabe, nakakaflatter na nakakahiya.


Pagkagaling ko sa school ngayong araw ay dumeretso ako sa UP Diliman dahil nagpapasundo yung kapatid ko saakin dahil marami raw siyang dala ngayon.


Nagdadalawang isip nga ako nung una kung susunduin ko ba siya dahil baka magkita kami ni Gino doon, hindi pa alam anong sasabihin ko sakanya, wala nga ata akong mukhang mapapakita sakanya eh huhu. Pero dahil mapilit si Emily, maghihintay nalang ako sa loob ng kotse buong oras na nandoon ako para safe.


Kaso habang naghihintay ay bigla akong naihihi, "Hays, bakit ngayon pa?"


Bumaba na ako ng kotse at nilock ito bago maglakad at humanap ng bathroom. Sunset na at halos wala ng estudyante dito. Mga nagtratraining nalang at mga gumagawa ng school projects nalang siguro ang naiwan dito.


Ay shocks, oo nga pala, varsity si Gino! Takteng yan, asan na ba yung CR dito?


Beeeepp


Nagulat naman ako nang may humila saakin pabalik sa gilid ng daan kaya napahawak ako sa dibdib niya habang siya ay nakayakap yung isang kamay niya saakin.


Biglang bumilis yung tibok ng puso ko  at parang bumagal yung paggalaw ng mundo habang nasa ganito kaming posisyon, "Hic!"


"Aish, mga kaskaserong jeep nga naman oh. Tara na nga, Gino at baka magalit na si coach niyan."


Agad akong napalayo sakanya at napatakip ng bibig ko dahil bigla akong sininok. Nanlaki naman yung mga mata ko ng makitang si Gino pala yun. Tumalikod agad ako at napapikit ng mairin para mawala yung sinok ko. Takteng yan, kung sino pa talaga yung iniiwasan mo oh!


"You go first. I'll catch up in a bit." Narinig kong sabi ni Gino sa kasama niya. Aalis na rin sana ako pero biglang may humawak sa palapulsuhan ko.


Pagkalingon ko ay nakita kong siya nga yung may hawak hawak nun, "B-bakit?"


Huminga siya ng malalim at nilagay yung mineral bottle sa kamay ko, "Bagay din naman sayo yung eyeglass mo, bakit hindi nalang yun ang sootin mo kesa 'yang contact lens? Mabawian ka pa ng buhay dyan eh."


Ngumiti ako nang tipid sakanya pero hindi ako makatingin ng deretso, "S-salamat."


Konting katahimikan pa ang bumalot saamin, hindi ko alam kung bakit hindi pa ako umaalis para bang may pumipigil saakin na umalis. Hanggang sa nagsalita ulit siya, "Sige, ingat."


"T-teka," Humarap ulit siya saakin, "Saan dito yung CR?"


"May CR dyan sa building na yan. Pasok ka lang then kanan." Sabi niya at tumango naman ako tsaka nagpasalamat bago maglakad papunta doon.


Pagpasok ko ng CR ay agad akong pumwesto sa harap ng salamin at napabuntong hininga, grabe, parang halos hindi na ako makahinga kanina. Naghilamos naman ako at umihi na. Pagkalabas ko ng building na iyon ay nagulat ako nung nakita ko pa siyang naghihintay sa tapat.


Dahan dahan na akong lumapit sakanya at nung napansin niya yung presensya ko ay umayos na siya ng tayo. Nakablack shirt pala siya ngayon na nakatuck in sa black pants niya, nakasukbit naman yung isang strap ng bag niya sa kanang balikat niya habang yung isa ay hindi.


"Bakit mo pa ako hinintay?" Tanong ko.


"Gabi na. Konsensya ko pa pag may nangyari sayo." Nagsimula na siyang maglakad at sumunod na rin ako sakanya, "Asan ba kasi yung boyfriend mo at hindi ka sinamahan dito?"


"Wala akong boyfriend ah."


"Hindi kayo, but you told me to stay away" He smiled sarcastically.


Nagpatuloy kaming maglakad na walang nagsasalita. Mukhang nasaktan nga talaga siya at akala niya binusted ko siya.


"Wala naman akong sinabing lumayo ka eh," I pursed my lips and looked down as I continue to walk, "Sadyang hindi ko lang alam ang gagawin, sorry."


Huminto kaming dalawa nung nasa parking lot na kami at humarap sa isa't isa. Magsasalita na dapat siya nang biglang may tumawag sakanyang babae.


"Gino! Pwede ba kitang maistorbo?"


Nilapitan muna niya iyon at nag-usap sila sa hindi kalayuan, pasimple ko naman tinignan yung babae at nakitang maganda ito. Ito yung mga dapat na tipo ni Gino, maputi at makinis ang balat, mukhang mayaman pa dahil sa mga branded na soot nito. Napatingin naman ako sa soot ko na nakapang school uniform pa pala.


"Sorry, may pinag-usapan lang kami tungkol sa klase." Sabi ni Gino pagkabalik niya saakin.


Tumango naman ako at tumingin ulit sa babae, so magkaklase pala sila. Napatingin ulit ako kay Gino na tinitignan yung binigay ng babae na folder na puro papel.


"Retokada ako." Bigla ko nalang nasabi kaya naman napatigil siya sa pagbabasa at napatingin saakin. Umiwas ako nang tingin at huminga nang malalim, "Hindi talaga ganito yung itsura, panget ako at hindi gaano katalino. Kaya nga, first time kong makipagdate nung lumabas tayo eh. Kaya rin wala akong self confidence. Atsaka, kaya hindi ako naniniwalang may gusto ka talaga saakin."


Hindi naman kaagad siya sumagot, akala ko nga iniwan na niya ako dito na mag-isa eh. Pero nung tumingala ako ay nakatitig lang siya saakin kaya umiwas ulit agad ako ng tingin. Hindi ko mabasa yung iniisip niya, babawiin na niya kaya yung sinabi niyang gusto niya ako? Malamang sa malamang, Naomi.


"So?"


"H-huh?" Medyo nagulat naman ako sa response niya. Anong 'so?' Na sinasabi nito?


"I'm serious about what I said that night. I'm not only saying that because you have a beautiful face but because it is really what I feel towards you. Now, if you want me to stay away, then I'll have to respect that." Nakatitig siya saakin habang binibitawan niya lahat ng mga salitang iyan.



-----------------<3-----------------

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
46K 2.2K 29
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
2.3K 577 43
Barbara was the kind of girl a guy who would want to date. A typical beautiful, kind and a family oriented type of girl but all of these characterist...
26K 896 44
S SERIES #1 - Completed ✓ Rielle Serrano, a Manila girl encountered changes in her life when they moved in Batangas. She met a man named Seo, known a...