Ark and Apple || Flood in Eden

By JomGamerland

75.3K 5.1K 1.8K

The Time Traveler's Boyfriend Book 1 and 2 (Book 1 Ark and Apple Published under Pop Fiction) "How can you mi... More

꧁༒༺🦉༻༒꧂
(Book 1) Chapter 1: I'm a Little Teapot
Chapter 2: Not Their First Meeting
Chapter 3: Section 1
Chapter 4: I Hate Him
Chapter 5: Amorphous
Chapter 6: Seven, Eight, Nine, Ten
Chapter 7: Kailan?
Chapter 8: Love Not Lust
Chapter 9: Cucumber
Chapter 10: Ang Vomit na Third Wheel
Chapter 11: Ang Ka-L.D.R. ni Noah
Chapter 12: Before 12 PM
Chapter 13: Owlie
Chapter 14: Baril-barilan
Chapter 15: Their First Kiss
Chapter 16: Today, Tomorrow, Yesterday
Chapter 17: Circa 1996
Chapter 18: Noah's A. and Adam's A.
Chapter 19: Walking Encyclopedia
Special Chapter: The Lonely Neighbor
(Book 2) Chapter 1: His Childish Side
Chapter 2: Saling-Pusa
Chapter 3: Flames of Honesty
Thank You
Chapter 4: Use Protection
Chapter 5: Pseudo Time Traveler
Chapter 6: Habambuhay
Chapter 7: Ang Bata sa Palengke at ang Bata sa Palayan
Chapter 8: Ang Bata sa Simbahan
Chapter 9: The Missing Piece
Chapter 10: Tamang Panahon
Chapter 11: Noah's First
Chapter 12: Moment of Truth
Chapter 13: Unearthed Feelings
Chapter 14: Puno ng Narra
Chapter 15: The Time Traveler's Ex Boyfriend
Chapter 16: The Cleaners
Chapter 17: The Magician
Chapter 18: The Musician
Chapter 19: Her Last Wishes
Chapter 20: How to Heal Your Inner Child
Cast, Trivia and Message from Author
Chapter 21: Those Who Matter
Chapter 23: The Gift
Chapter 24: Noah's Journal
Chapter 25: Happy Memories (FINALE)
Love Language
❤️ARK AND APPLE IS NOW IN POP FICTION
🥰"Ark and Apple" under Pop Fiction now in Shopee and Lazada
📸 Readers and the Book (Part 1)
🇺🇸 My books finally arrived here in the USA
📸 Readers and the Book (Part 2)

Chapter 22: T.A.D.

794 68 15
By JomGamerland



Chapter 22

"T.A.D."


Year: 2006, Seoul, South Korea (Present)

Third Person POV:

Panahon ng taglagas. Makukulay ang mga dahon. Hinihipan ng malamig na hangin ang kulay tansong buhok ni Noah habang naglalakad sa ilalim ng mga puno. Ang buong paligid ay kulay kahel na may halong kumikinang na ginto. Tumatakbo si Adam sa harap ni Noah habang isa-isang nagbabagsakan ang mga tuyong dahon sa buong isla ng Naminara.

"Apple! Dalian mo!" sigaw ni Adam. Parang isang bata ito na tuwang-tuwa sa mga nakikita niya. Abot tainga ang ngiti nito habang umuusok ang kanyang hininga sa hangin sanhi ng paparating na taglamig. "Noah, gusto ko pang makita yung Maple Lane. "

"Ark! Hindi ka ba giniginaw?" reklamo ni Noah. Natatawa na lang siya sa kanyang nobyo. Halatang hindi palalabas si Adam dahil sa inaasal nito. Tila bumabagal ang oras habang pinagmamasdan ni Noah na nagbabagsakan ang mga gintong dahon sa napakaguwapong mukha ni Adam. "Huwag mong bilisan, ang hirap gumalaw! Malamig."

Sa 'di kalayuan ay tumatawa lamang si Adam habang nakatingala. Ang suot nitong brown na jacket ay akmang-akma sa kulay ng paligid. Ang kanyang kulay kahoy na buhok ay bumabagay sa taglagas. "Hindi, ano. Wala pa itong lamig ng South Korea sa nagyeyelong lugar namin sa Finland," saad ni Adam.

"Ang ganda!" sambit ni Noah. Maging si Noah ay hindi na maitago ang pagkamangha nito nang may umihip na malakas na hangin at dumami ang mga nagbabagsakang dahon. Ang kulay bughaw na jacket ni Noah na yari sa maong ay taliwas sa kulay ng buong isla. Ang bota niyang kulay kahel ay masayang tumatapak sa mga malulutong na tuyong dahon. Nang marating nila ang puno ng mga Maple ay namangha silang pareho. Napakaganda ng mga gintong dahon nito na dahan-dahang bumabagsak sa kanilang mga ulo.

"Here, look," yaya ni Adam. Hinawakan nito ang kamay ni Noah at hinila siya papunta sa bulletin board sa isang sulok. Hinihingal pa si Noah kakahila sa kanya nang iangat niya ang kanyang ulo. Bago pa mabasa ni Noah ang nakasulat sa bulletin board ay bigla itong hinalikan ni Adam sa pisngi.

"Hey!"

"The Maple Lane of True Love," saad ni Adam habang tinuturo ang pangalan ng lugar sa kinalalagyan nila.

"Ang cheesy," natatawang saad ni Noah habang hinahawakan ang pisngi nito.

"Ang cute kaya," sabi naman ni Adam na nakangiti pa rin habang nakatitig sa kanyang nobyo.

Agad na inilabas ni Noah ang mapa niya ng buong isla. "Dito kaya, anong itsura dito?" tanong ni Noah habang itinuturo ang isang bahagi.

"Ginkgo Tree Lane? I dunno, never heard of it," sagot ng kanyang kasintahan.

"Let's go and see it then," yaya ni Noah. Masaya silang naglalakad sa ilalim ng mga puno. Pasulyap-sulyap si Noah kay Adam na manghang-mangha pa rin sa mga tanawing nakikita niya. Biglang may naalala si Noah. Ginunita nito ang taong sinadya talaga nilang puntahan sa Naminara. "Ark, makikita kaya natin dito ang doktor na iyon?"

"I'm really not sure." Naitigilan si Adam at napatingin kay Noah. Napakaseryoso ng mukha nito. May halong kaba sa kanyang mga tono. "Sinusunod lang naman natin ang notes mo. Ano nga ulit ang name niya? Dr. Kevin Cornwell?"

"Oo, when one of your future versions mentioned him when I was a kid, sinulat ko agad ang name nya sa journal ko," saad ni Noah. Kinuha niya ang kanyang journal at binasa ang iba pang nakasulat. "He specializes in behavioral science and he is a Physicist."

Napayuko si Adam habang iniintindi ang mga sinasabi ni Noah. Napatingin ulit ito sa mga nagbabagsakang dahon. Muling nabalot ng kalungkutan ang kanyang puso. Matagal na niyang tanggap na walang lunas ang kanyang kundisyon. Sapat na sa kanyang tumanda kasama si Noah. Pinilit niyang ngumiti upang pagtakpan ang kanyang tunay na nararamdaman. "I really doubt he could help me," mahinang sagot ni Adam.

"What makes you say that?" tanong ni Noah. Binubuklat nito ang iba pang pahina ng journal. Seryoso ang mukha nito habang iniintindi ang ilan sa kanyang mga lagda. "I've been researching him since I was a kid too."

"Well, you said it yourself. You've had visitors of me way up to 2021. Ang tagal pa noon. If I still time travel from 2021, ibig sabihin, wala rin siyang nagawa para tulungan ako."

Napahinto si Noah sa paglalakad. Mabilis niyang itinago sa kanyang pantalon ang journal. Marahan itong lumapit kay Adam. Seryoso ang mga titig nito sa nobyo niyang halatang pinipilit lamang ngumiti. Bigla niyang itinulak si Adam sa tumpok ng mga dahon sa likod nito. Nagulat naman si Adam sa ginawang boyfriend niya. Napahiga si Adam habang nakapatong sa kanya si Noah. "Hoy!" bulalas ni Adam habang natatawa sa kanilang posisyon.

"Alam mo, ikaw, ang nega mo! Malay mo naman kaya tumigil ang pag-time travel mo sa 2021 kasi napagaling ka niya," saad ni Noah. Naiinis ito habang nakapatong sa kanyang nobyo. "Nandito na tayo, subukan lang natin."

Ngunit hindi sumasagot si Adam. Nakatulala lang ito kay Noah habang dahan-dahang ngumingiti.

"Psst! Okay ka lang?" tanong pa ni Noah. Ilang segundong walang imik ang kasinatahan nito habang nakatitig sa kanya.

"Woah! Ang ganda!" bulyaw ni Adam. Magkapatong pa rin sila sa tumpok ng mga dilaw na dahon. Biglang inikot ni Noah ang paningin niya at nakita niyang kulay dilaw at kahel ang buong paligid. Narating na nila ang Ginkgo Lane na nagiging dilaw ang mga dahon tuwing taglagas.

"Grabe, ang ganda nga ng mga dahon ng Ginkgo," sabi ni Noah habang muling humaharap kay Adam. Laking gulat nito dahil nakangiti pa rin sa kanya ito. Akala ni Noah ay ang mga dahon ang tinutukoy ng kanyang nobyo.

"I didn't mean the trees, silly. I meant you," sagot ni Adam. Umaapaw sa tuwa ang puso nito. Kasabay ng pagbasak ng mga makukulay na dahon ay ang pagngiti ng napaguwapong binatang nakayuko sa kanya. "Ang ganda mong pagmasdan," sabi ni Adam kay Noah. Biglang napatayo si Noah at naglakad palayo upang itago ang mukha niyang nagkukulay kamatis. Nahiya ito sa sinabi ng kanyang nobyo. "Hey, wait for me!" sigaw ni Adam na mabilis na tumayo.

"Nakakainis ka!" bulyaw ni Noah mula sa malayo habang ang mukha niya ay namumula pa rin sa kilig. Tumatawa naman si Adam habang hinahabol ito.

Makalipas ang ilang oras ay pumasok sila sa isang tindahan. Naalala ni Noah ang nakasulat sa journal. Naiwan itong nakatayo sa loob malapit sa pintuan habang si Adam naman ay nagmadaling pumunta sa counter upang bumili ng kung ano.

"Okay, so according dito, Dr. Cornwell should be 300 steps in front of the store," saad ni Noah. Napatingin ito kay Adam na abala sa mga pinamimili niya. "Hey, Ark! Mamaya na iyan. Oras na para hanapin natin ang doktor."

Agad na binayaran ni Adam ang mga pinamili niya. Abot tainga ang ngiti nito habang inaabutan ng vanilla ice cream si Noah. "Here, you want?"

"Tsk, sabing mamaya na, eh."

"Sige na, matutunaw lang ito."

Kinuha na lang ni Noah ang ice cream at mabilis silang lumabas ng tindahan. Kinakain na niya ito habang sinusundan nila ni Adam ang instruction sa journal. "Okay, after the 300 steps, do another 500 steps to the right hanggang marating ang ilog," saad ni Noah.

Naalala ni Adam ang mga kuwento ng kanyang nobyo tungkol sa mga pagtatagpo nila sa nakaraan. "Did I really tell you that?"

"Oo, sabi mo pa nga, tanungin natin ang mamang nakasuot ng pulang winter coat sa dulo nito, eh," sagot ni Noah habang dinidilaan ang ice cream niya.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay biglang tumigil si Adam. "Napapagod na ako maglakad," reklamo nito.

Hindi na lamang pinansin ni Noah ang reklamo ng kanyang nobyo at upang maabutan ang taong pupuntahan nila ay agad na nagparaya ito. Biglang yumuko si Noah sa harap ni Adam habang nakatalikod. "Oh, sakay na!" saad ni Noah.

"Ha?"

"Hindi ba sabi mo, tinatamad ka na? Dadalhin nalang kita doon. Workout ko na rin to..." Hindi pa natatapos magsalita si Noah nang mabilis na tumalon sa likod nito si Adam. "Tangin... nagjojoke lang ako! Ambigat mo!"

"Sige na! Saglit lang. Kahit ilang hakbang lang," biro ni Adam habang nakasakay na sa likod ng kanyang nobyo.

Natatawa na lang si Noah habang pinagbibigyan ang pakiusap ng kasintahan nito. Silang dalawa lang ang magkasama sa bahaging iyon ng isla. Naka-Piggy back si Adam kay Noah habang naglalakad papunta sa ilog. Natatawa sila sa kanilang itsura habang naglalakad. Hindi nila namalayan na malapit na sila sa lugar na itinuturo ng journal. Sa dulo ng kanilang paglalakad ay may nakita silang binatilyong nakasuot ng pulang winter coat.

𝗔𝗴𝗮𝗱 𝗻𝗮 𝗯𝘂𝗺𝗮𝗯𝗮 𝘀𝗶 𝗔𝗱𝗮𝗺 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶 𝗡𝗼𝗮𝗵 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗻𝗮 𝘁𝘂𝗺𝗮𝗸𝗯𝗼 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗯𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝘆𝗼.

"𝗧𝗨𝗨𝗨𝗨𝗨𝗨𝗨𝗨𝗨𝗨𝗧!"

𝗡𝗮𝗴𝘂𝗹𝗮𝘁 𝘀𝗶 𝗡𝗼𝗮𝗵 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗴𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗺𝘂𝗻𝗼𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗴𝗮𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗻𝗮 𝗵𝗮𝘄𝗮𝗸 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗮.

"Hi, do you speak English?" tanong ni Noah habang patuloy lang sa pag-alarm ang hawak ng kausap nito.

"Yes, sorry," sagot naman ng binatilyo habang pinatitigil ang gadget niya. Hindi ito mapakali dahil sa lakas ng tunog nito. Pinagmasdan niya si Noah na halatang hindi taga roon. "My name is Kim. Are you Filipino?" tanong ni Kim. Isang siyang Koreano na may kutis porselana. Nakasuot ito ng salamin na pula, may katangkaran at mas matanda ng kaunti kaisa kanila Adam at Noah.

"Yeah, me and my friend over there came from the Philippines," magalang na sagot ni Noah.

Natawa si Kim sa narinig nito. "Marunong din ako magtagalog kahit kaunti," paliwanag niya.

Nasa tabi na ngayon ni Noah si Adam. Hinihingal pa ito sa ginawa niyang pagtakbo matapos siyang iwan ni Noah. "I'm Adam. Ikaw ba si Dr. Cornwell?"

Nagulat si Kim sa tanong nito. Ilang kalikot pa ay napahinaan na niya ang maingay na device. "How... how did you know about my Father?" pagtataka ni Kim.

Nagkatinginan sina Adam at Noah. Matapos ang ilang segundo ay napagpasyahan nilang ikuwento kay Kim ang lahat. Halos kalahating oras silang nag-usap sa tabing ilog. May mga hindi maintindihang reaksyon sa mukha ng kausap nila. Hindi naman malaman ni Adam at Noah kung naniniwala ba ito. Napatingin si Kim sa dala niya. Matapos makumbinsi ay pumayag din itong dalhin sila sa kanyang ama.

"So where is he?" tanong ni Noah. Napakabilis ng tibok ng puso nito dahil sa wakas ay makikita na niya ang doktor na matagal na niyang sinasaliksik.

Tumalikod si Kim. Itinuro niya ang malayong tindahan na pinanggalingan nina Noah at Adam. "Dad is in there, probably eating some ice cream while listening to piano music," paliwanag ni Kim

Marahang tumalikod si Noah at humarap kay Adam. Nanlilisik ang mga mata nito. Hindi nila akalaing nasa tindahan rin pala ang taong hinahanap nila. Sinimulan niyang sakalin si Adam habang tawa lang ng tawa ito.

"Walang hiya ka!" bulyaw ni Noah. Inis na inis ito dahil sa instruction na nakalagay sa journal niya. "Pinalakad mo pa ako ng sobrang layo. Nandoon lang pala siya sa pinangalingan natin."

"Uho! Wait lang," natatawang tugon ni Adam. Humahagalpak lang ito katatawa dahil wala naman itong kinalaman sa sinasabi ng boyfriend niya. "Hindi naman ako ang nagsabi niyan! Ang future version ko ang sisihin mo."

Pinanggigilan parin siya ni Noah. "Kahit na! Gagawin mo rin to sa future so might as well maparusahan ka na," giit nito habang pinipigilan ang mga tawa niya.

Sa tabi nila ay masayang nanonood si Kim. Nakangiti itong pinagmasmasdan ang paghaharutan ng dalawa. "Ang cute ninyo. Tara, let's go see my father."

Naunang naglakad si Kim at agad itong sinundan ni Adam. Ngunit si Noah ay ayaw pa umalis sa pwesto nito. Agad itong binalikan ng kanyang kasintahan. "Uy, tara na!" yaya ni Adam.

"Yuko!" utos ni Noah. Natatawa ito sa binabalak niya.

"Why?"

"Basta, yuko!"

Agad namang yumuko si Adam. Ilang segundo lang ay biglang tumalon si Noah sa likod nito. "Hala!" sigaw ni Adam.

Natatawa naman si Noah habang pinaparusahan ang kanyang nobyo. "Buhatin mo ako hanggang doon sa tindahan," giit nito.

Ang akala ni Noah ay makakabawi na ito kay Adam. Ngunit laking gulat niya nang mas lalong inayos ni Adam ang pagkakapwesto niya sa likod. Hinigpitan pa nito ang pag-alalay sa mga hita ni Noah na nasa kanyang bewang. "Ito lang ba? Maliit na bagay," saad ni Adam.

"Nang-aasar ka pa talaga ha?" tugon ni Noah. Naiinis ito dahil parang balewala kay Adam ang pinapagawa niya. Biglang nginatngat nito ang dulo ng tainga kanyang kasintahan.

"Aray! Aray," reklamo ni Adam habang tumatawa.

"Ano? Masakit? Buti nga sa 'yo."

"Harder!" sigaw ni Adam nang tumigil sa panggigigil ang kanyang nobyo.

"Ha?" pagtataka ni Noah.

Mabilis na tumigil sa paglalakad si Adam at napalingon sa kanya. "Sabi ko harder. Bite me, harder."

Mas lalong natawa si Kim habang tinititigan sila mula sa malayo. Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa tindahan. Sa isang sulok ay may nakaupong lalaki na naka-brown na leather jacket at halatang abala sa paggamit ng laptop nito.

"안녕 아빠 / Annyeong Appa (Hi Dad)," bati ni Kim. Nakangiti ito sa lalaking nakapako lamang ang tingin sa kanyang ginagawa.

"나중에 / Najung-e (Later)," sagot ni Dr. Kevin Cornwell. Hindi nito pinapansin ang kanyang anak at abala ito sa kanyang mga inaaral.

"I have two people here who might be able to help you with your research on chrono..." Natigilan si Kim nang bigla mapatigin sa kanya ang kanyang ama. Agad na isnirado ni Dr. Cornwell ang laptop nito. Nakatingin ito kay Kim nang masama. Sinulyapan nito sina Adam at Noah.

"I told you to never mention it in public," bulong ni Dr. Cornwell. Agad na napatayo ang doktor at iniligpit ang gamit niya. Nagsimula itong maglakad papuntang pinto.

Ngunit mabilis itong hinabol ni Noah. "Pero, Sir. Ang layo pa nang pinanggalingan namin. Baka po matulungan ninyo ang kasama ko."

Huminga ng malalim ang doktor at tumingin kay Noah. Natigilan ito nang makita ang serosong mukha ng binatilyong pumigil sa kanya. Ang mga kulay kape nitong mga mata na halos maluha-luha na na tila humihingi ng tulong.

"Hijo, matagal ko nang itinigil ang research ko. Hindi ko kayo matutulungan. Pasensya ka na," sagot nito. Tinapik nito ang balikat ni Noah at agad na lumabas ng pinto. Natulala si Noah sa sinabi ng Doktor. Ang taong pag-asa niya ay ayaw silang tulungan. Agad naman siyang nilapitan ni Adam.

"I told you this is not a good idea," yaya ni Adam. Nalulungkot ito habang pinagmamasdan ang nobyo niyang nakayuko. Tila namatayan si Noah dahil agad silang tinaggihan ng taong matagal na nitong hinahanap. "Tara na, let's go home," dagdag pa ni Adam.

"Wait!" bulalas ni Kim. Agad siyang napatakbo sa dalawa bago pa sila makalabas ng tindahan. May kinuha ito mula sa wallet niya at ibinigay kay Noah. "This is my calling card. Nandiyan din ang address ng opisina ni Dad sa Pilipinas. I will convince him to help you both. Matagal ko na rin kasing gustong ipagpatuloy ang research na iyon."

Muling bumalik ang liwanag sa mukha ni Noah. Napagtanto nito ang halaga ng mga nakasaad sa journal niya. Naunawan nito silbi ng paglalakad nila papuntang ilog kanina kahit nasa tindahan lamang pala ang doktor. Marahil ay kinailangan muna nilang makilala si Kim upang tulungan sila nito. Malumanay na kinuha ni Noah ang inaabot ni Kim. "When can we see you again in the Philippines?" nakangiting tanong ni Noah.

"Ayun lang," sagot ni Kim. Npatingin ito sa cell phone niya. "We'll be there six months from now. Marami kasing kailangan kolektahing data para sa ibang research ni Dad."

"Just as scheduled," bulong ni Noah sa sarili nito. Naalala niya ang iba pang nakasulat sa kanyang journal.

"I understand, thanks for your help bro," sagot naman ni Adam kay Kim. Ngunit walang reaksyon si Adam dahil hindi pa rin ito naniniwalang may taong makakatulong talaga sa kanya.

"Sige, I need to go," paalam ni Kim. "Kukumbinsihin ko pa si Dad about you two." Mabilis na tumakbo palabas si Kim upang habulin ang Daddy niya. Naiwan naman si Noah at Adam sa loob ng tindahan. Sa cherry blossom lane ay naabutan ni Kim ang kanyang ama. Mahinang bumubuhos ang mga kulay rosas na bulaklak sa uluhan nila. Hinihingal pa ito nang mapatigil sa likod ni Dr. Cornwell. "Dad! Dad! Teka lang."

Nang mapansin ni Dr. Cornwell na wala nang masyadong turista sa paligid ay nilingon din nito ang kanyang anak. "If it's about those two, Kim, huwag mo nang sayangin ang panahon ko..."

"TUUUUUUUT"

Natigilan si Dr. Cornwell nang iangat ni Kim ang device na hawak niya. Napakaingay nito.

"See? Will you listen now?" saad ni Kim habang hinahabol ang hininga nito.

"That's my Time Anomaly Detector (T.A.D.)," sabi ng doktor. Nanlaki ang mga mata nito habang pinagmamasdan ang hawak ng kanyang anak. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib at hindi maipinta ang gulat sa kanyang mukha. Ilang dekada na ang lumipas nang tinangka niyang itapon ito. Ngunit palagi itong itinatago ni Kim bago pa wasakin ng kanyang ama. Napagpasyahan nalang ng doktor na ibigay ito sa kanyang anak. Matapos ang mahabang panahon ay ngayon niya na lamang nakitang gumagana ito. "Paano mo napagana iyan?"

Hinihingal pa si Kim bago ito sumagot. "It's those two. Tumunog ito nung lumapit sila sa akin. One of them... uho! Uho!" napatigil si Kim at naubo ito nang may malamig na hangin na pumasok sa kanyang baga. Napatingin ito sa mga nagbabagsakang dahon. "One of them is definitely a time traveler," dugtong ni Kim habang inaangat ang ulo niya patingin sa langit.

******

Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 1.3K 65
BxB | Completed Geum Ga-eul always knew that his life would never be normal. Growing up in a society full of perfection and hypocrisy, he forced him...
56.4M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
1.1K 150 46
In a world where stars hold the secrets of destiny, Apollo and Gavin find themselves drawn together on a magical Christmas night. As they gaze at the...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...