The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Forty-Six

186K 4.8K 1K
By FGirlWriter

CHAPTER FORTY-SIX

SAPPHIRE was busy scanning her Instagram account on her iPhone. At nang nainip na ay inangat niya ang tingin sa nakasaradong fitting room na nasa harap niya.

Napasimangot siya. "Johann! What's taking you so long?" tawag niya sa asawa na nasa loob. They were on a fashion boutique right now. Malapit na kasi ang highschool reunion party. In three days time to be precise. Siya ay may damit nang isusuot-ang binigay sa kanya ng Daddy Darwin niya noon, noong isang mystery sender pa ito.

Siya may damit na, si Johann pala ay wala pang suit na susuotin kaya napasugod sila ngayon sa isang classy clothing line for men's formal wear.

"Sandali na lang, Misis! Ang arte kasi ng damit na 'to. Ang daming patong! May long-sleeves na sa loob, papatungan pa ng blazer, tapos coat! May necktie pa!" hatalang iritadong angal nito. "Hindi ba puwedeng-"

"Hindi," kontra niya na agad kahit hindi pa tapos ang sinasabi nito. "Ganyan talaga iyan. Kasi three-piece suit nga, di'ba? Can you just get out of there? Patingin ako."

Bumukas ang pinto ng fitting room.

"Ah, finally, lumabas ka na-," Sapphire stopped in her mid-sentence when she saw Johann wearing a black suit and tie. Nahigit niya ang paghinga. He looked magnificent and... jeez, handsome than ever!

Hindi niya namalayan na napanganga na pala siya habang nakamata rito. Suddenly, it seemed like the world slowed down for Sapphire. That's not her first time to see Johann wear a formal corporate attire. Dahil nang ikasal naman sila ay ganoon rin ang suot nito. But now, it seemed different.

Saktong-sakto rito ang damit...From his black leather shoes, black slacks, to the neatly tucked in white long-sleeved polo under a black blazer inside his black coat. And the black tie? Gosh, everything was perfect on Johann!

Johann closed the coat's button in a manly way. Pagkuwa'y niluwagan nito nang kaunti ang necktie at saka kinabit ang cufflinks sa magkabilang pulso ng suot na black coat. At habang ginagawa iyon lahat ni Johann ay pansin na pansin iyon ni Sapphire-in a slow motion way.

Then, her husband looked at her. Sinuot nito ang isang kamay sa loob ng bulsa ng slacks nito, he slowly smiled that reached his eyes.

Dumamba ang puso niya nang mas mabilis. How can Johann do that? How can he make her heart beat so fast like it's the first time she learned that she was in love with him? How can this joker looked so immaculate in a three piece suit?

Dahan-dahang lumapit sa kanya si Johann. Then, he gently caressed her right cheek. His one forefinger slid down her chin. He lifted it up. "Misis, tumutulo laway mo," nakangising sabi nito.

Natigil ang slow motion at ang kilig na nararamdaman ni Sapphire. Tinulak niya ang mukha nito. "Nakakainis ka!" Pero pasimple niyang hinawi ang gilid ng labi. Talaga bang tumulo ang laway niya?!

Ang lakas ng tawa nito. Napapalingon tuloy sa kanila ang mga tao sa loob ng shop.

"Bakit naman kasi natulala at nakanganga ka pa, Misis?" Inayos nito ang lapel ng coat nito. "Para ka namang nakakita ng alien. Hindi ba bagay sa'kin suot ko?"

"Hell, no! You look...wow!" Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at tinignan ang sides nito. "Is that really you, Mister? Why, you look like an executive!" Sa itsura nito ngayon, walang mag-aakala na guro ito. Mas bagay na ito ngayon sa loob ng isang malaking opisina na nasa loob ng isang napakalaking kompanya.

"Ows? Talo ko na sina Reeve, sina Dylan, sina Kuya Bari?" he asked, eyes sparkling.

Hinawakan niya ang tiyan nito. "Medyo bloated lang iyong part na 'to," natatawang sabi niya.

Nag-make face ito. "Eh di sila na may abs."

Pumunta siya sa likod nito. "Your slacks perfectly flaunted your good butt, though." Then, she playfully tapped his ass.

Napapitlag ito sa ginawa niya. "Uy, tsansing! Para-paraan, Misis, ah! You, ha?"

"The suit looks perfect! You look handsome, Mister! Gosh, I never thought that you can look like that. We'll buy that and two more other suits. Mukhang bagay rin sa'yo ang white and gray suit!" natutuwang sabi niya. She can already imagine how the women in the party would envy her for having Johann by her side.

Pinagpag ni Johann ang suot. "Bagay ba talaga sa'kin? Hindi mo lang ako inuuto para suotin ko 'to sa party?"

"Of course not! You know me, Mister. Kapag pangit, sasabihin ko agad with no mercy. Hindi ako nang-uuto, ano?" Itinaas niya ang iPhone at binuksan ang camera app. "Come on, strike a pose. Ipo-post ko pa 'to sa Instagram ko."

At nag-pose nga ang masunuring asawa! Nilagay nito ang dalawang kamay sa bulsa at ngumiti nang bahagya habang sinadyang papungayin ang mga mata...

Sumimangot siya. "Umayos ka nga. I don't want that look!" Ayaw niyang makita ng iba na parang nang-aakit ito. That's his face whenever they made love. Gusto niya siya lang nakakakita ng ganoon.

Ngumiti na lang si Johann na labas ang mga ngipin at umaabot ang kasiyahan hanggang sa mga mata.

"No, I don't like that, too," angal niya na naman. Johann looks so charming at that smile, baka kapag p-in-ost niya iyon ay mas dumami ang magka-crush rito. More than thousands pa naman ang followers niya sa Insta.

"Eh, di hindi na lang ako ngingiti? Ah, 'look up' na lang!" anito at saka tumingin sa kaliwa nito at nag-pose na nakatingin sa taas.

"Shit," she muttered silently. Dati, hindi niya masyado napapansin kung saan angle guwapo ang asawa niya. Pero ngayon...why the hell he looked great at any angle? What the?! Ganoon ba talaga kapag buntis? Naglilihi ba siya kay Johann? Bigla na lang ito masyadong gumaguwapo sa mga paningin niya. Pero hindi niya sasabihin sa asawa iyon dahil paniguradong lalakas ang hangin nito.

Binaba niya ang cellphone. "Puwedeng takpan mo na lang iyong mukha mo? Iyong suit lang naman ang importante."

"Ay, wow. Kinuhanan mo pa 'ko ng picture? Eh di kuhanan mo na lang 'yung damit kapag naka-hanger."

She laughed. "Fine! Wacky pose!"

"Video-han mo na lang ako habang nagsasayaw ng Gangnam style. Tutal gan'to naman suot ni Psy nang sinayaw niya iyon."

"Huh? What's Gangnam-oh! The viral Korean dance." Natawa na naman siya. "You dance that?"

"Oppa Gangnam style!" biglang sabi nito at saka pinosisyon ang mga kamay forward habang naka-cross at saka ito sinimulang indakin ang sikat sa sayaw.

"Oh, my jeez! Stop that! Mister!" mabilis na saway niya rito dahil palihim nang nagtatawanan ang mga sales person at iba pang customer sa loob ng shop.

Ngunit mukhang enjoy si Johann magmukhang tanga. "Heeeey, sexy lady!" Tinaas pa nito ang kamay at iniikot-ikot ang kamao sa ere habang ang mga paa ay umiindak.

Namula na siya dahil siya ang nahihiya sa ginagawa nito ngunit hindi niya rin mapigilan ang matawa sa pagsasayaw nito. "Johann!"

"Mother, father, gentlemen!"

She laughed out loud. Nakitawa na rin ang ibang tao na nakakakita kay Johann. Napatakip na siya ng mukha dahil sadyang dinadagdagan nito ng kembot ang pagsasayaw. Napaka-kulit talaga!

"Sayaw ka rin, Misis!"

"Mag-isa ka!" natatawang tanggi niya at saka ito tinulak papasok sa loob ng fitting room. "Magpalit ka na, bibilhin na natin iyan. Ugh! Stop dancing, Johann Lawrence!"

Tawa na lang ito ng tawa nang makapasok na ito ng fitting room. Napalingon siya sa apat na sales staff at isang customer na nasa kabilang fitting area na bahagyang natatawa pa rin.

Tumikhim siya. "Sorry about that. My husband is really hyper. Nakalimutan 'kong turukan ng pampakalma," she joked.

"Narinig ko iyon!" sabi ni Johann. Bumukas ang pinto ng fitting room at impit siyang napatili nang hilahin siya papasok ng asawa sa loob.

At anong ginawa nila roon? Nag-mirror selfie lang naman.

And shared one kiss. Maybe, two?

Okay fine, they almost made out! They'll just blame it to the hormones.

Nakapagpalit na ito ng damit sa wakas at inayos niya ang nagulo nitong buhok. Pinahid niya rin ang labi nito dahil may naiwang smudge ng lipstick niya.

Their eyes met and they just laughed together.

Random, funny, sweet, and intimate moments like those made their marriage light and peaceful. They struggled on fights, too. But it's normal to the both of them dahil lagi naman silang magkasalungat ng mga paniniwala. Though, the good thing was they both learned to compromise day by day.

At pagkarating ng reunion party ay tama nga ang hinala ni Sapphire. Johann easily charmed every women at the party. Mas nakadagdag pa na bagaman hindi ito sanay sa ganoong okasyon ay nagawa nitong maging confident sa harap ng mga taong nasa sirkulasyon niya.

"Hi! Mrs. Sapphire Anderson?" untag ng isang babae sa kanya habang nakaupo siya sa table at kumakain. Kumuha sandali si Johann nang maiinim niya.

"Yes?" Nakilala niya na ito ang emcee ng program kanina. Dapat si Sylvia ang nandoon but surprisingly, hindi daw nakadalo ito.

Ngumiti ang babae. "I'm Gaea. Batchmates tayo, Mrs. Anderson. Pero sa ibang section ako noon. I want to tell you lang that I'm an avid reader of your blog since you started it. Kasi nakaka-relate ako sa mga blogs mo, and I love how you share your experiences sa mga trips mo noong dalaga ka pa. Pero yung last article that you posted, god!" Namamanghang sabi nito. "I was touched kahit hindi pa 'ko kasal. And I was amazed because it's really different from all the things you have written before! It's so heart warming."

Napangiti si Sapphire nang malapad. Marami na siyang nabasang comments sa blog niya since she posted her latest article last week at hanggang ngayon ay overwhelmed pa rin siya sa natatanggap na mga komento. "Thank you , thank you so much. Bago rin sa'kin ang magsulat ng ganoon. And I'm glad na nagustuhan niyo. I mean, I was nervous when I posted it."

"Oh, don't be. Write again an article like that next time! Nakaka-inspire kayo ng asawa mo. It's like telling me, telling us that masarap mag-indulge sa isang God-centered marriage. Ang dami kasing negative assumption about the marriage life. Like, it's the end of happiness na daw and freedom. But with what you wrote, it sound so fun. Your 'adventures'? Truly inspiring! And congratulations nga pala for the baby. Can we take a picture?"

"Oh, sure."

After that, may ilan pang naglapitan sa kanya, claiming that they have also read her blog and her latest article. At nang makabalik si Johann na may dalang milkshake para sa kanya ay pinakilala niya ito kanina Gaea and the girls got gaga over him.

"You're such an ideal husband! Can I take a picture with you?"

"You look dashing! Sapphire and you were match made in heaven!"

"Ah, salamat," parang nahihiyang sabi ni Johann habang napapakamot sa batok nito. Nang may nagpakuha ng litrato rito ay natatawa na lang si Sapphire dahil lagi itong naka-peace sign at wacky face.

Wala namang angal ang mga babae na nagpa-picture rito at natutuwa pa nga kapag nakikita ang picture.

Habang pinagkakaguluhan si Johann ng iba niyang ex-classmates na nagbabasa ng blogs niya, naisip niyang tanungin si Gaea tungkol kay Sylvia.

"Ahm, what happened to Sylvia? Bakit hindi siya nakarating?"

"Oh, hindi mo ba nabalitaan? She will be staying with her parents in New Zealand. Doon muna siya because she and her husband decided to... part ways for a while. That's what I heard."

Hindi pinahalata ni Sapphire ang pagkagulat. "Oh," sambit niya lang. Two weeks ago since they left Tarlac ay wala na talaga siyang narinig na balita tungkol kay nila Rafael at Sylvia although laging tumatawag si Johann sa Tarlac para kausapin si Lola Vani paminsan-minsan.

Hindi pa man natatapos ang party ay maagang umalis na sina Johann at Sapphire para hindi siya masyadong mapuyat.

"Ang saya ng party! Ang dami kong fans!" wika ni Johann habang naghahanda na sila sa pagtulog.

She chuckled. "Hindi na nga kita ipi-feature sa blog ko sa susunod," she joked while applying cream on her face.

Natawa rin ito. "Pero seryoso, hindi ko inaasahan na karamihan pala ng mga tao doon ay down-to-earth at kahit alam mong nakakataas sila, hindi sila nahihiyang aminin na mambabasa mo sila at nagpa-picture pa sa'kin! Ah, famous!"

"Told you, you should not put all rich people in a mainstream. Kasi may mga humble pa rin naman sa kanila. Ikaw, you're rich but you keep yourself in a low profile."

"Mas masaya ako sa simpleng buhay. Nakakatulog lagi ako ng mahimbing na hindi namomorblema na baka isang araw mawala lahat sa'kin," anito habang pinapagpag ang mga unan. "Nagsimula naman kasi ako sa wala kaya kung mauulit man, kaya ko pa ring mabuhay."

"Johann, nabalitaan mo na ba na...naghiwalay muna sina Sylvia at Rafael?"

Natigil ito sa pag-aayos pagpagpag ng unan at napatingin sa kanya. "Huh? Nag-split sila?"

"Ahm... just a cool-off? Sabi kasi ni Gaea, 'for a while' lang daw, eh. Sylvia went abroad. Doon muna siya sa family niya." Napabuntong-hininga siya. "I feel sad about it."

Humiga na si Johann ng kama. "Para rin siguro iyon sa ikabubuti nilang dalawa. Masyado na silang nagkasakitan, eh. Kailangan nila ng 'space'. Pero magkakabalikan rin iyon," confident na sabi nito.

"How sure are you?"

"Not so sure. Pero kung sila talaga, sila talaga hanggang sa huli. What's meant to be will always find its way."

"Wow, english," magkasabay pa nilang sabi.

Johann stretched his arms over the bed. "Halika na, tulog na tayo."

Humiga nga siya at umunan sa mga braso nito. Naramdaman niya ang paghalik nito sa noo niya. Napatingala siya rito at naawa nang nakitang nakapikit ito, nakanguso pa at dumampi ng paulit-ulit ang halik nito sa mga labi niya.

"Misis, may tatanong ako."

"What?"

"Mamahalin mo rin pa ba ako kahit anong mangyari? Kahit magbago ako? Kahit may mga gawin akong mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa ko?"

Napataas siya ng kilay. "What kind of question is that? Bakit ka naman magbabago?"

"Tanong lang iyon, Misis. Hindi ko naman sinabing mangyayari iyon. Kumbaga 'what if' lang. Mamahalin mo pa rin ba ako?" seryosong tanong nito.

"It depends."

Sumimangot ito. "It depends pa? Eh ikaw nga kahit magpa-salvage ka ng tao, mamahalin pa rin kita ng sagad!"

She chuckled and hugged him. "I will love you, no matter what. Alright? Kahit bigla ka pang magsayaw ng Gangnam style sa kalagitnaan ng kalsada, kahit mawalan ka na ng sense of humor, kahit tumaba ka na dahil sa kakakain ng rambutan, kahit yumabang ka na sa dami ng fangirls mo, I will still love you the same," she assurred him.

Napangiti na ito at idinantay ang noo nito sa kanya. "Sabi mo iyan, ah?"

"Bakit biglaan mo ba natanong?"

Umiling ito habang nakatingin pa rin sa kanya. "Wala lang. Naisip ko lang sina Rafael at Sylvia. Sana hindi tayo maghiwalay kahit ano pang mangyari."

"If you cheat on me, I'll kill you."

"Ang bangis! Hanep! Bet!"

Pinitik niya ito sa noo. "But really, whatever happens, walang bibitaw."

"Walang iwanan."

She suspiciously looked at him. "Pero hindi ka naman mambabae, hind ba?"

"Hindi ko gagawin iyon. Ayaw ni Lord ng ganoon." Niyakap siya nito nang mahigpit. "Mangangako ako sa'yo, puwede nating pag-awayan lahat, pero kahit kailan hindi magiging issue ang loyalty ko sa'yo. Kahit maraming magandang legs ang nakabalandra sa harap ko, legs mo pa rin ang hahanapin ko."

"Dapat lang!"

Natawa ito at hinalikan na naman siya na parang nanggigil. "Walang bibitiw. Walang iwanan. Kahit anong temptasyon, pagsubok, at problema pa ang dumating. Sealed. Locked. Tinapon ko na ang susi sa Pluto."

"Ah...okay." May patapon-tapon pa ng susi sa Pluto itong nalalaman! Ngunit ayos na iyon. At least, maliwanag ang mga bagay. Tough road is ahead of them, so they need to have a journey full of trust.

"Mister," she whispered.

"Hmm?"

"Mahal kita," malambing na sabi niya.

"Thank you-aray! Mapanakit ka talaga, ano?" natatawang sabi nito pagkatapos niya itong sipain sa paa. "Me loves you, too, Misis. Over-over! Hihi."

"Ugh. Why so gay, Johann?"

"Aanhin pa ang lalakeng-lalake kung hindi naman kayang magseryoso ng iisang babae?"

May point.

Hinila nito ang kumot pataas sa kanila. "At aanhin pa ang kumot kung wala tayo sa ilalim nito?"

Mabilis siyang humiwalay rito at bumangon. "Sorry. No 'galawang-Johann' for now. Pagod ako. Matutulog na kami ni baby."

Napatili siya nang mabilis siya nitong nakabig sa baywang at naihiga sa kama. Napatili na naman siya nang pumaibabaw ito at kinindatan pa siya habang nakangisi nang nakakaloko.

"Going under the kumot in three...two...one!" Tinaklob nito ang kumot sa kanila at wala silang ginawa kundi magtawanan dahil nangulit lang ito at naglambing sa kanya.

Johann knew that she's not in the mood to make love. That's why she loved him more. He knows how to respect her womanhood eventhough he's entitled to do everything with her.

Sa tingin niya, kahit kailan ay hindi naman siya magkakaproblema sa asawa.

***

Several months later...

MALAKAS NA napasinghap si Sapphire at napahawak sa malaki niyang tiyan. "I'm going to give birth, already! Isugod mo na 'ko sa ospital!"

"Chill lang, Misis. Breathe in, breathe out," cool na cool na sabi ni Johann. "Baka false alarm lang. Last week din ganyan ka, eh. Hindi pa naman pumuputok ang waterbag mo."

Napaiyak na si Sapphire sa sobrang sakit na nararamdaman sa tiyan. Malakas ang paghigab na nararamdaman niya. June na. Due month na niya. Manganganak na siya!

"Maghintay ulit tayo ng another five minutes. Kapag may naramdaman ka ulit na contraction, isusugod na kita ng ospital," mahinahong sabi nito.

"Anong another five minutes?! Mamamatay na 'ko sa sakit! Take me to the hospital right now! Lalabas na ang baby!" sigaw niya sa asawa.

"Natataranta ka lang. Sinabi na iyan ni doktora di'ba? Relax lang. Baka matakot si baby. Inhale-exhale lang, Misis," ani pa nito at saka siya hinawakan sa kamay. "O, sabay tayo, ah? Inhale...exhale.... Inhale...exhale..."

Sinasabayan niya ito at ininda ang sakit na nararamdaman. Paulit-ulit sila nito nang maramdaman niyang parang may umiipit sa tiyan niya at parang kung may anong humihila pababa sa baby niya.

"Ahhhh!" sigaw niya na.

"Huwag kang sumigaw, Misis. Inhale, exhale-"

"Kapag hindi mo 'ko sinugod sa ospital, hindi ko papakita sa'yo 'tong baby natin! Uuwi ako sa mansyon. Hindi mo na 'ko makikita ulit!"

Nakuha pang tumawa ni Johann. "Misis, nauna kasi iyong pagkataranta mo-"

"A-Anong natataranta?! Masakit na talaga! Ikaw ba ang nakakaramdam?! Ako, right? So, bring me to the damn hospital because I'm going to give birth! Johann!" tuluy-tuloy niyang sigaw.

"Ganitong-ganito rin tayo last week, eh. Natutulog na tayo tapos bigla kang nag-a-announce na manganganak ka na. Gabing gabi, sinugod kita sa ospital nang naka-boxer shorts lang ako! Tapos, false alarm lang pala. Nakakahiya talaga iyon," pagre-reminisce pa nito sa kahihiyan nila last week.

Pero wala na siyang pakialam, basta ngayon ay manganganak na siya! Totoo na talaga! Nararamdaman niya na!

Sinabutan niya sa buhok si Johann nang mahigpit. Napahiyaw ito sa sakit. "Aray! Misis!"

"I'm begging you, Johann! Masakit na talaga!"

"Eh, hindi pa nga pumuputok ang waterbag mo."

May narinig silang parang pumutok at naramdaman ni Sapphire ang likido sa kanyang mga hita.

Nanlaki ang mga mata ni Johann habang nakatingin sa hita niya.

"Ayan na, pumutok na! Masaya ka na?!"

"I-isusugod na kita ng ospital. Sandali, isusugod na kita!" Johann started to panic. Nagmamadali itong lumabas ng kuwarto habang iniwan siyang nakahiga sa kama.

"Mister, saan ka pupunta?! Johaaaaann!"

Bumalik ito sa loob. "H-Huh? Isusugod kita sa ospital!"

Napahikbi siya sa sakit at mas napahawak sa tiyan. "Eh, b-bakit mo 'ko iniwan?" nahihirapang sabi niya.

"Ay, pucha! Nakalimutan kita! Dapat pala kasama ka!" natatarantang sabi nito at saka siya mabilis na binuhat palabas ng kuwarto.

Sinabunutan niya ito dahil hindi niya magawang matawa sa katangahan nito. May makakalimutan na lang, siya pa!

"Aray, aray, aray! Oo na, Misis. Eto na, pupunta na tayo sa ospital." Naipasok na siya nito sa kotse at mabilis na ring sumakay. "Inhale, exhale ka lang diyan. Repeat over and over hanggang sa makarating tayo sa ospital!" anito habang hindi maisuksok ang susi sa car ignition.

Ugh!

"Manganganak na 'kooooo!"

"A-Alam ko, Misis. Sandali lang. W-Wait lang over there. Ayaw makisama ng susi!"

"Ahhhh!"

Sa wakas ay nag-start na ang kotse. "Yes! Ayan na! Pupunta na tayong o-ospital, Misis. Kapit lang. Huwag ka munang manganganak."

Ngunit hindi pa rin umaandar ang kotse.

"Johann, nakasara pa iyong gate! Baka gusto mong buksan? Baka lang naman gusto mo?!"

Napamura ito at mabilis na bumaba ng kotse para buksan ang gate. Nagmamadali itong bumalik sa kotse at lalong naghilab ang tiyan niya. Hindi niya alam paanong matagumpay silang nakarating ng ospital at nakahiga na siya ngayon sa loob ng delivery room habang mahigpit niyang hawak ang mga kamay ni Johann.

"Mrs. Anderson, on a count of three, push harder. Isang malakas na ire lang po. One, two, three!"

"Mmmmp!" Hindi lang siya ang umiire dahil nakikisabay sa kanya si Johann.

"Mas malakas pa, Mrs. Anderson."

"Mmmp!" Naunang ire ni Johann.

"Bakit nauuna ka pa?" naiinis na natatawa na nasasaktan na tanong niya sa asawa.

"Ay, wala pa ba?"

"Push!" utos ng doktora.

Napapikit si Sapphire, nilaliman ang paghinga, hinigpitan ang kapit sa kamay ng asawa at saka malakas na umire.

She heard a cry. A baby's cry.

"G-Good job, Misis," garagal na bulong ni Johann sa kanya. She smiled in relief before drifting off to sleep.

"Congratulations, Mister and Misis! It's a bouncy baby boy!"

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

49.1K 3.5K 30
ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a different world inside her mind. After d...
3.2M 117K 33
More Trilogy Book 2: Hold Me More (2017) Mga taon ang lumipas at kahit siya ang nang-iwan, hindi alam ni Czarina kung bakit kay Bari pa rin siya buma...
642K 24.8K 29
Ang mga babaeng Salamanca ay para lamang sa mga lalaking Valleroso. Sina Arc at Lass ay ikinasal dahil sa tradisyon ng kanilang mga pamilya. Sa una p...
1.7K 237 9
Transferring to several schools because of his family's business and getting adored by random strangers for his handsome Westerner features, Jonas St...