FLS #5: Felixir Gatcheco

By kidsshudnotwrite

12.2K 340 104

There is only one word to describe Felix's love, mad. Madness to the point of grooming Luisa San Diego to liv... More

i. announcement(s)
ii. fls #5: felixir gatcheco
iii. prologue
Chapter 01: Middle Child Syndrome
Chapter 02
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08

Chapter 03

666 28 12
By kidsshudnotwrite

Chapter 03: The Felixir Gatcheco Scandal 1

▰▰▰▰▰▰▰▰▰

/felixir/

I do not know what magic Travis did to get us an invitation for Athena's debut but just like what Kevin said, ang mahalaga ay makakapunta kami.

Sa katunayan, dito na rin sa bahay dumiretso si Kevin pagkatapos ng practice ng graduation ceremony. Pinadala na lang niya ang susuotin niya kay Travis na sasabay raw sa amin para kasama si Kuya Val.

Travis also knew about this four-year one-sided crush of mine so I appreciate his effort in getting me an invitation.

"Mas bagay 'tong black sa'yo." Hinagis ni Kevin sa'kin ang itim na necktie na nahalungkat niya sa closet. Tiningnan ko sa salamin kung babagay nga ito sa puting suit na suot ko. Saktong may black linings ʼyung gilid ng suit.

Violet at white ang theme ng debut ni Athena. Formal attire, white sa lalaki at violet sa mga babae. Para silang ube cake at kami ang white frosting. Kami ang icing sa ibabaw ng cupcake-hayop.

"Hindi ka pala bulag," puri ko sa kanya habang isinusuot ang necktie.

"Gago, anong akala mo sa'kin walang estitik?" Umupo siya sa higaan ko, katabi ni Travis na nagseselpon. "Ikaw nga hindi mo makita na wala ka na talagang pag-asa kay Athena."

Sapol.

"Tang-ina mo!" Sinipa ko ang binti niya na agad niyang naiwasan ngunit hindi sinasadyang mabunggo si Travis na muntikan ng mabitiwan ang cellphone. Nabigwasan tuloy siya sa balikat ng wala sa oras.

Hinayaan ko lang na mag-away ang magpinsan sa higaan ko. Binuksan ko ang mga drawer sa ibabang bahagi ng closet. Dito ko nilalagay ang mga relo o anumang accessories na binibili o nireregalo sa akin. May labing-limang box ng relo (iba't-ibang brand) ang nakapila. Mostly ay regalo ng grandparents ko sa both sides, may dalawa akong binili, dalawang regalo galing sa pinsan ko na si Russco at isa ay regalo ni Kevin noong 16th birthday ko.

Pinili ko 'yung itim na relos na niregalo ni daddy last Christmas sabay hablot sa lalagyan ng cufflinks na niregalo ni Kevin noong 17th birthday ko. Both were black so it totally suited my attire.

"This is weird but I really feel nervous." Napalingon ako kay Travis matapos ikabit ang cufflinks sa magkabilaang wrist.

Katatapos lang nilang magbarda ni Kevin. Ngayon naman ay nakaupo na ulit sila nang maayos sa aking higaan.

"Natatae ka lang," sagot ni Kevin na nakaani ng hampas ng unan mula sa pinsan.

"Bakit ka naman kakabahan? Debut lang ang pupuntahan natin hindi quiz bee competition."

Sasagot pa sana si Travis nang may biglang kumatok. Kevin rushed to open the door.

"Kuya Val! Iba talaga kapag may dugong Gatcheco," natatawang wika ni Kevin habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Kuya. "Single pa ba si Irish?"

Kuya Val just glanced at him totally not minding Kevin's joke. Ako naman ay sinaluduhan siya ng gitnang daliri.

"We should go now," Kuya informed us.

"Tara na! Gutom na ako. Hindi ako kumain buong araw para may space mamaya sa handaan."

"You really have no shame," Travis commented giving Kevin a look. He's probably thinking kung pinsan niya ba talaga ang gago.

Naunang lumabas si Kevin at sumunod naman si Travis. I glanced at the mirror one last time and brushed my surf cut hair using my fingers. Nadatnan ko si Kuya na nakasandal sa pintuan habang nakakrus ang mga braso.

"Cufflinks? You have a girlfriend?" His left eyebrow raised.

Cufflinks are common congratulatory gift from lovers and daughters. Wala akong anak. Mom won't necessarily buy me one dahil hindi ko rin hilig magsuot ng formal attires. That leaves to a girlfriend or someone who fancies me.

"Kevin's gift." I showed him the 2 pairs of stud. "Wala raw akong girlfriend na magbibigay kaya siya na raw."

Ang thoughtful na sana kaso pasmado ang bibig.

▰▰▰▰ღ▰▰▰▰

The melodic sound of the piano and violin greeted us as we arrive at the venue just in time before the party starts. Family driver namin ang naghatid sa amin dahil ayaw na ayaw ni Kuya ang nagda-drive. Wala namang may lisensya sa amin nila Kevin kaya ekis agad kaming tatlo.

Pagdating namin sa bahay-mansion-nila Athena ay marami na ring tao, especially ang mga kasama sa 18 etcetera niya. Nasa gate pa lang kami ay puro na papuri si Travis sa disenyo ng bahay lalo na nang makarating kami sa garden. Iyong veranda nila ay nilagyan nila ng paikot na hagdanan. Doon yata lalabas ang debutante mamaya.

Sa pagkakaalam ko parehong architect ang parents niya. Ang kuya naman niya ay isang engineer. Iyong pangalawa nila ay fashion designer. Pangatlo si Athena na balak daw sumunod sa yapak ng mga magulang niya. Iyong bunso naman ay kaedad lang din ni Iris, nasa grade ten.

Kabisado ko na family tree nila pero hindi yata ako qualified na dumagdag.

"Uwi na tayo," aya ni Travis nang makaupo na kami sa table hindi kalayuan sa ibang ka-section niya. Kuya Val was five tables away from us together with the other 18 etceteras, the family members and important guests.

"Matapos mong gahasain ng tingin 'yung design ng bahay nila Athena, mag-aaya kang umuwi agad."

"Iba kasi talaga ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako."

A waiter served as both water and juice. Kaagad namang lumagok ng tubig si Travis. Napansin ko rin ang panginginig ng mga kamay niya.

"Bakit ka ba kinakabahan?" Hinawakan ko ang basong may lamang tubig at inabot kay Travis.

"Kaya nga. Ano namang kakaba-kabang mangyayari sa isang debut party? Unless mag-announce ang parents ni Athena na i-a-arranged marriage siya sa anak ng investor nila at iigting ang panga ni Kuya Val tapos walang sabi-sabing hahatakin niya sa madilim na parte ng bahay si Athena sabay sabing baby, let's talk."

"Anak ka ng mama mo, Kevin." Binato ko sa kanya ang pinakamalapit na napkin na naabot ko. Nahulog ito sa lap niya at agad na pinulot saka tinulungang magpunas ng damit si Travis na naibuga ang tubig na iniinom.

"I appreciate you trying to calm me down but please, next time, make more sense." Hinablot ni Travis ang napkin sa kamay ni Kevin. Ang huli ay napakamot na lang sa ulo.

"Sorry, ito lang ako. Overqualified." He gave us a wink. Travis clicked his tongue. Natawa at nailing na lang ako.

The cousins wanted to bicker more when the emcee took the stage. The music stopped and a sexy yet elegant voice resounded the venue.

"Ganda ng boses," praised by the voice-con Kevin. "Sayang nauna siyang ipinanganak."

Ipinakilala ng host ang parents at mga kapatid ni Athena. Hindi nila kasama ʼyung bunso.

"Pustahan, nagpapasaway na naman si Alyssa." Kevin munched a piece of carrots from the plate of crudités served while the host was introducing the family. "Chinat ako nuʼn last week. Hinaharot ako. Akala yata pumapatol ako sa bata."

"Samahan mo 'ko sa CR, Felix." Tumayo si Travis habang pinupunasan ang pants niyang nabasa.

"Walang tagos."

"Manahimik ka na lang." Binato niya kay Kevin ang napkin na nasalo naman ng huli. Inilapag niya ito sa lamesa saka tumayo rin.

"Ako na lang sasama sa'yo. Lalabas na si Amara, maglalaway pa si Felix."

Bilang isang maunawaing kaibigan, pinanood ko na lang silang magtalo. Si Travis naman mananalo sa huli at isa pa, hinihintay ko talaga si Athena. Napaka-considerate talaga ng mga kaibigan ko.

The host mentioned Athena's name. My eyes immediately darted on the girl at the veranda. She was wearing violet gown embossed with sparkling sequins. It was like a bouquet of lavender was attached to her petticoat. Her hair was styled to look like a princess with a curly side hairs. Woah-

"Sorry."

Hindi pa man tuluyang nakakababa si Athena at ayoko man ay inalis ko ang tingin sa kanya. Napalingon ako sa babaeng nakabangga sa aking upuan. Badtrip.

"Ayos ka lang-Alyssa?" My nose wrinkled as the stench of wine assaulted my nose. Kung si Iris ang gagawa nito, magwawala ako.

"Help me, Kuya," she pleaded. Naduduwal-duwal pa siya at parang anumang oras ay susukahan niya ako. Hindi pa nga nagsisimula ang party, lasing na siya. Isa pa, bakit nakainom ito ng may alcohol content?

"Kuya Felix, please." Humigpit ang hawak niya sa braso ko. I held her bare arms to make her stand steadily.

Anong gagawin ko sa kanya? Sana pala ako na lang ang sumama kay Travis. Medyo madilim pa ang pwesto ng table namin at nakatutok sila sa debutante. Bigla pa nga silang naghiyawan at ʼyung iba parang manok na sinasakal.

"Upo ka rito. I'll call your sister-" Inusog ko ang aking upuan at inalalayan siya.

"Brother. Call Alton."

"No need."

A hand snatched Alyssa away from me. His arms snaked around her waist and Alyssa leaned comfortably.

"Thank you for taking care of my sister. Kanina pa namin siya hinahanap." It was her brother. Kung nandito ang kuya niya, sino ang partner ni Athena sa cotillon? Tumingin ako sa stage. Si Kuya.

"Wala po ʼyun." I smiled at them. Nagpaalam na si Kuya Alton habang inaalalayan ang kapatid niya. Sakto namang bumalik na rin sina Travis at Kevin.

Kevin started a round of teasing nang makita niyang kasayaw ni Kuya si Athena. The eighteen roses started with Kuya Val again at mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga bisita. Parang boto ang lahat kay Kuya.

"Sa debut ni Iris, unahin niyo ang pagkain ha. Nagugutom na ako," komento ni Kevin habang hinihimas ang tiyan. Si Travis ay busog na yata sa tubig.

"Felix." Sasagutin ko sana siya na ayaw sa kanya ni Iris at hindi siya iimbitahin nito nang may biglang tumawag sa akin. Nilingon ko siya. It was Athena's older sister.

She have a grave expression on her face at pakiramdam ko anumang oras ay kakalmutin ako ng naghahabaang fake nails niya.

"Bakit-" A hand landed on my cheeks before I can finish my words. I was too shock I forgot to react. All I can hear was the different gasps. Nakatulala lang ako sa ate ni Athena na ngayon ay hindi na maikubli ang galit sa mga mata niya.

What the fuck's going on here?

Nakakunot-noo akong lumingon sa paligid ko. Si Kevin at Travis ay nakatayo na at nakalapit na sa akin. The other guests also started to notice the commotion around us. The music stopped as well.

A-anong nangyayari?

Hindi pa ako nakakarekober sa sampal ni ate nang marinig ko ang boses ni Alyssa. She was shouting her sister's name, crying. Gulo-gulo ang buhok niya.

"Don't stop me, Alyssa. This jerk deserves not only that slap but the contempt of all people here."

Did something happen na ako na naman ang may kasalanan?

▰▰▰▰ღ▰▰▰▰

Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

852K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...