Clash of CLANS 1 : EDRC vs. R...

By bRezyLian62

78.1K 3.6K 106

[Highest Rank Achieve in Tags] (No. 1 in CLANS) >>SEASON 1> I dedicate this story to the real RDRC members. T... More

Clash of CLANS: EDRC VS RDRC
Chapter 1 Save by Snobera Khai
Chapter 2 The Three RDRC Members
Chapter 3 Save by Hawk Eye?
Chapter 4 Dessa and Heartkeeper
Chapter 5 Sasali o Hindi?
Chapter 6 Sa Loob ng Isang Bobong
Chapter 7 Save by Sky Walker
Chapter 8 Change T-shirt?
Chapter 9 My Seatmate, Paincorpse
Chapter 10 My Seatmate, Hawk Eye
Chapter 11 The RDRC Members
Chapter 12 Swapping of Members
Chapter 13 Broken Plates
Chapter 14 Midnight-Zoro-Luffy-Alloida
Chapter 15 W-A-R
Chapter 16 She's Drunk
Chapter 17 Wrong Turn
Chapter 18 SIDE STORY (Sweetmag and Adik)
Chapter 19 Miss Ganda
Chapter 20 EDRC and RDRC
Chapter 21 A Mistaken Kiss?
Chapter 22 Their POV
Chapter 23 Inside The Car
Chapter 24 Teammates
Chapter 25 Handsome Helpers
Chapter 26 Favor
Chapter 27 Silent Mode
Chapter 28 Her Punishment
Chapter 29 Ang Mahiwagang Pako
Chapter 30 SIDE STORY TWO (Ang Mahiwagang Pako)
Chapter 31 Piggy back Ride 1
Chapter 32 Piggy back Ride 2
Chapter 33 THEIR POV 1: Revelation
Chapter 34 The Mask
Chapter 35 Farewell
Chapter 36 Inch by Inch
Chapter 37 VEVIEN POV : Decision
Chapter 39 TAO o MULTO
Chapter 40 Katatakutan
Chapter 41 Panaginip Nga ba? 1
Chapter 42 Panaginip Nga ba? 2
Chapter 43 THEIR POV 2
Chapter 44 Heart To Heart Talk
Chapter 45 Ang Ipis, bow!
Chapter 46 Crush or Love?
Chapter 47 Heartache
Chapter 48 BRENPON MIGUEL POV
Chapter 49 Cold
Chapter 50 Pagtatapat
Chapter 51 Sungit
Chapter 52 Blackmailing
Chapter 53 A Joke? Or Not?
Chapter 54 PLAN
Chapter 55 Rainy Afternoon
AUTHORS NOTE
CLASH OF CLANS SEASON 2

Chapter 38 Revelation 2

1.1K 58 2
By bRezyLian62

Chapter 38 Revelation 2

***MEG POV***

NAHIHILONG sinapo ko ang ulo ko. Hanggang ngayon damang-dama ko parin ang pagkahilo sa sasakyan na yun. Ayoko ng amoy ng air freshener, para kasing dinadagdagan nito ang pag-a-alboroto ng tiyan ko.

>__<

I look around. Mukhang nasa loob ako ng isang silid. Kina Vevien siguro. Bumaba na ako ng kama. Sa ibabang parte, may nakapatong na damit at isang letter.

"Wear this before leaving this room. Meet us on the pool." Basa ko sa nakasulat. Takang kinuha ko ang damit at pinasadaan iyon ng tingin. Isang sobrang ikling short at ubod na nipis na damit. Parang pang-beach yata.

Nagpalit na ako ng damit. Napangiwi ako ng husto matapos kong makita ang sarili.

Ang panget naman ng ganitong get up! =__=

Ang ikli ng short ko. At ito namang damit ko... napaka-transparent. Kakamot-kamot na hinanap ko ang bag ko. Mabuti na lang dinala nila ito. Hinalukay ko ang laman at kumuha ng cotton shirt. Pang-itaas na lang ang pinalitan ko.

Lumabas na ako ng silid, sabay hanap ng labasan. Nasa hagdan na ako nang may marinig akong tumutunog. Hindi ko na kailangan pang manghula, phone ko iyon.

"Sino ito?" takang tanong ko sa tumatawag. Unknown number kasi.

(Is this Meg Ryan?)

Teka... ang boses na yun! O__O

"Midnight?!" O__O

(How are you?) Siya nga talaga. Batid ko nan aka-smile na naman siya.

"Paano mo nalaman ang number ko?" O­­__O

(I have my own connections.) ^__^

"Para ka namang stalker sa lagay na yan." =__=

I heard his laughter. (Hahaha, sira ka talaga.)

"Bakit nga pala napatawag?" ?__?

(Can we talk about....)

"Ay palakang may bangs!" biglang sigaw ko, may kung sino kasi ang bumangga sa akin, kaya naman nabitawan ko nang hindi oras ang phone ko.

Gilalas na sinundan ko iyon ng tingin. Nagpagulong-gulong iyon sa hagdan. Hanggang sa mapunta siya sa pinakaibaba.

Ang phone ko! Sira na nga nagkawasak-wasak pa! Ahuhuhu! T__T

Hindi ko na kailangan pang lingunin ang dahilan ng pagka-murder ng phone ko dahil bumaba na ang salarin.  Likod na lang niya ang nakita ko.

DUG DUG

Ewan, bigla na lang kumabog ng husto itong dibdib ko. Kahit pa naiinis ako sa kadahilanang hindi niya pinulot ang nagkawasak-wasak kong phone. Kahit SORRY wala rin.

Aish!

Nanghihinang bumaba ako sabay pulot ng sira-sira kong phone. Hindi na ito magagamit. I sigh. Muli akong bumalik sa itaas, sabay iwan nun sa bag ko.

Tinungo ko na lang ang pool. Nakita ko ron ang iba ko pang ka-clanmate. Ilan lang sa kanila ang nandito. Napanganga nga ako, naka-swim wear kasi silang lahat. Kahit si SWEETMAG, nakalabas ang abs. Panay nga ang tingin ni Adik sa kanya.

*O*

"Meg, okay ka na ba?" Napalingon ako sa nagsalita. It's Vevien, papalapit siya sa akin.

"O-oo." Nahihiyang tumango ako. Kahiya-hiya kasi ang mga ginawa ko kanina. Sumuka ako sa loob ng van nila! >__<

"Mabuti naman. Pinag-alala mo kami." =3=

"S-sorry talaga. Sorry sa mga kapalpakan ko kanina." >__<

"Forget about it. Ang importante okay ka na." ^__^

"P-pero... yung van..." naalala ko kasi yung pinagsukahan ko. Malamang nag-dive iyon sa loob! Nakakahiya! T__T

"Tss! I said its fine. You have nothing to worry. Sa susunod magpasabi ka para naman magawan namin ng paraan ang pagkahilo mo."

"S-sorry... tatandaan ko." >__<

"Halika na." hinila niya ako papunta sa isang mahabang upuan, parang pang beach. Ang laki pa nga ng payong. Ang sosyal nila.

"Uminom ka muna ng juice." Aniya, inalok sa akin ang juice na nakapatong sa mesa. Malugod ko naman iyong tinanggap at ininom.

Fresh! ^__^

"Hey Meg..."

"Hmm?" nasa kalagitnaan na ako ng pag-inom.

"Bakit iyan ang suot mong damit? Parang iba kasi iyan sa inilagay ko sa kama mo kanina." ?__?

"A... ito ba?" tinuro ko ang suot ko. "Hindi ko kasi kayang isuot yun kaya naman... he-he.. alam mo na...." bahaw akong tumawa.

"I see... sayang naman, bagay kasi yun sayo."

"He-he..." Hindi ko kayang suotin yun! T__T

Tinitigan ko na lang ang mga ka-clanmate ko. Abala sila sa paglangoy, iyong iba nga umiinom na.

Ang excited nila! =__=

"Ano bang meron?" walang-anumang tanong ko kay founder. "Bakit nandito tayong lahat?... At nasaan ba tayo?" ?__?

"We're on my parent's vacation house."

Ang yaman talaga! *O*

"Actually were here to have a vacation in a short time... Two days lang tayo dito."

"T-two days?" >__<

"Oo." ^__^

Ngee... natitiyak ko na babiyahe na naman kami. Iisipin ko pa lang naduduwal na naman ako! >__<

"And one more thing... dito gaganapin ang panibagong game, RDRC versus EDRC. It will start at midnight." ^__^

Parang nanayo yata ang mga balahibo ko sa katawan. Midnight? Ahuhuhuhu! May multo na yatang lumalabas sa ganoong oras. T__T

Muli akong umiinom ng juice, pampawala ng kaba sa maaaring mangyari mamayang gabi. Ang weird talaga ng RDRC kung minsan. Ang daming drama. May kung anu-anong laro. Bakit ba sila nag-aaway at nagtatagisan ng galing?

Aish! Kung alam ko lang sana...

>__<

?__?

Teka...

O__O

Oo nga pala! Sa pagkakaalala ko... may sinabi si Vevien sa akin bago ako pumasok sa RDRC!

Isip

Isip

Isip

**********************

***FLASHBACK***

"Huwatttt?... Bakit naman kayo nag-aaway?" *ako

 

"Exclusive lang para sa mga members ko ang katanungan mo." *Vevien

 

"Anong ibig mong sabihin?" *ako

 

"You have to be our member first, before we answer your questions." *Vevien

***END OF FLASHBACK***

***MEG POV***

NGAYONG member na ako ng RDRC, maaari na akong magtanong. Malalaman ko na kung bakit sila nag-aaway. I look at Vevien. She's busy drinking her juice.

"Vevien."

"Bakit?" ?__?

"May naalala kasi ako." ^__^

"Ano?" ?__?

Sobrang saya ko, gumagana din pala ang brain kong ito? Hehe! ^__^v

"Kasi sa pagkaalala ko..." nakangiting kinamot ko ang ulo ko. Wala po itong kuto. Kapag nahihiya ako, ito ang lagi kong ginagawa! "Ang RDRC, binuo para kalabanin ang EDRC, kasi marami silang inaapi." >__<

"Oo, tama ka nga diyan."

"Ang tanong ko lang, bakit naman ganun ang EDRC? Bakit ang hilig nilang mang-api? Kasi... naisip ko lang... ang lahat ng bagay may dahilan. May mga taong gumagawa ng masama dahil may mga sarili silang dahilan... At ano ba yun? Ano ba ang dahilan ng EDRC?" ?__?

She just stares at me.

"Pasensiya ka na kung itinatanong ko ito. Naguguluhan lang kasi ako sa mga nangyayari. At tsaka... ang sabi mo kasi malalaman ko ang lahat oras na sumali na ako sa RDRC. Kapag member na ninyo ako." ^__^

*silence

Ang weird niya. Hindi na siya nagsasalita. Walang boses na lumalabas sa bibig niya. Na para bang natutulala siya.

"Vevien?" ?__?

"Ha?" aniya, na para bang natauhan na. "Ano nga ulit yun?"

"Ang sabi ko... ano ba ang dahilan kung bakit nam-bu-bully ang EDRC?" ?__?

"A..." Nag-iwas siya ng paningin sa akin. Inabot niya ang kanyang juice at nilagok ang buong laman nun. Mukha tuloy siyang uhaw na uhaw.

"Bawal ba na itanong ko iyon?" ?__?

"H-hindi naman... may karapatan kang malaman ang lahat." Aniya, pilit ang pagkakangiti.

Ang weird ni founder! >__<

"Actually..." she sighs. Itinuon ang mga mata sa mga co-member ko na abala sa pag-si-swimming. "Ang ERDC, ito ang pinakaunang clan na itinatag sa loob ng campus. Mababait ang mga dating officers."

Mababait? Parang ang labo yata nun. Sa pagkakaalala ko sina Jared at Ward lang ang mabait. Si Brendon? Half-half lang. Tsk! Pinagmukha ko namang manananggal yung tao! =__=

"Alam ko na iyang iniisip mo." ^__^

"He-he..." nahihiyang kinamot ko ang dulo ng ilong ko. E sa, ang hirap paniwalaan.

"Kagaya ng nasabi ko na, DATING mababait ang mga officers. Iba kasi ang namamalakad maliban sa iba na nasa position parin kaso tumaas lang ang rango."

Yun pala! *inum ng juice*

"Until such time that something bad happened." Ang mga mata niya, lumamlam ito. "Someone died because of a car accident."

"May namatay?" naibuga ko bigla ang iniinom ko. Shocking kasi!

Marahan siyang tumango. "And that person is so important to my younger brother... Brendon Miguel."

Ewan, nakaramdam ako ng panlalamig sa katawan.

"Silang dalawa ang bumuo ng clan. Nasa grade seven pa lang sila noon at nasa America naman ako that time. Doon ko kasi gustong mag-aral. Hinayaan ko lang siya dahil malaki naman siya..."

Bakit ang bigat sa loob nito?

"Hanggang iyon nga, nang mawala siya... sobrang laki ng ipinagbago ng kapatid ko. Hindi na siya ganun kasigla. Lagi na lang mainit ang ulo niya, nananapak pa nga siya ng mga lalaking tinititigan lang siya. Binibigyan niya agad ng meaning." She laughs. "Habang tumatagal parami ng parami ang kaaway niya. Lagi na siyang napapaaway hanggang sa wala ng kumukuntra sa kanya. Natatakot silang ma-kick out."

Oras ba na kalabanin ko siya... makikick out din kaya ako?! >__<

"Kaya naman... gumawa ako ng paraan, umuwi ako from states at dito nagpatuloy ng pag-aaral. I create RDRC to protect those innocent students from EDRC members. Lagi kaming nag-aaway at nagsisigawan. Luckily, inabot din kami ng two years."

"Matagal na rin pala?"

"Oo... matagal-tagal na rin." May nakikita akong kakaiba sa mga mata niya. Hindi ko nga lang masabi kung ano. Matapos ang ilang sandali tinitigan niya ako sa mga mata. "Alam mo, ang laki ng ipinagpapasalamat ko nang tumuntong ka na sa school namin."

"Ha? Bakit naman?" ?__?

"Malaki ang naitulong mo para maibalik ang dati nang nawala."

"Ha?" Ang lalim nun a!

Ngumiti na naman siya. "Sige, maliligo na ako." Tinungo na niya ang pool at nag-dive kasama ang iba pa. Ako? Ayokong tumalon don, hindi kasi ako marunong lumangoy.

>__<

Humiga na lang ako.

"Ano kaya ang ibig sabihin ni founder?" ?__?

Hindi sinasadyang napalingon ako sa kabilang dako. Papunta yata si Brendon sa loob kasama ang ka-clanmate niya. Isama niyo na si crush.

Napaisip tuloy ako. Lalo na sa mga sinabi ni founder kanina...

Someone died because of a car accident and that person is so important to my younger brother... Brendon Miguel...

"Sino kaya ang taong iyon? Ang taong sobrang mahalaga sayo?"

Para namang tinangay ng hangin ang mga sinabi ko dahil bigla na lang siyang napatingin sa akin. Mabilis naman akong nag-iwas ng paningin.

Muntik na ako dun a! >__<

Binalak ko na lang sanang magpahinga kaso may bigla na lang sumulpot sa harap ko. Isang taong pinagkalooban ng kabaitan at kagwapuhan.

"Hi Meg... It's nice to see you here." ^__^

Hindi ko maiwasan ang gantihan din siya ng ngiti. Kahit lamang ako ng isang taon sa kanya, hindi ko parin mapigilan magka-crush sa taong ito.

"Hi din... Jared." ^__^

Ayon nagkwentuhan kami kaso hindi din naman nagtagal dahil tinawag na siya ng mga ka clanmate niya. Humihingi ng paumanhing umalis siya.

Ang sunod kong ginawa? Naligo sa pinakamababang part ng pool. Sinabuyan kasi ako ni Vevien ng tubig. No choice na ako.

^___^v

***END OF MEG POV***

*****************************

AN:/// Thank you sa lahat ng umaabang at nagbabasa nito. Also, thank you so much sa mga votes ninyo. Sobrang nakakataba sa puso.

 

^____^v

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 65 31
Adrylle has always been his Lois Lane. But then he had dreams which she cannot approve. Then fate had to intervene and bring all the pain she could e...
182K 3.5K 84
[COMPLETED] 20 long years had passed, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang tahimik at masayang buhay ni Leila ay nagimbal at nagulo. Nawala an...
88.9K 4.3K 37
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
1.7K 101 74
When I started to love my husband, my memories started to reccured in a doubtful way. The blurry vision of one person keeps on invading my mind. What...