Chapter 37 VEVIEN POV : Decision
***VEVIEN POV***
INAANTOK na pinunasan ko ang aking mga mata. May naririnig kasi akong ingay na malay ko kung saan nagmumula. Parang ano... may sumusuka.
-__-
Ang weird naman nun!
Sinulyapan ko ang nasa unahan ko, mukhang tumigil na kami at natitiyak ko na nasa tamang lugar na. Were here now!
Pahamak na Lorenzo, hindi man lang kami ginising!
Psst, siya ang driver namin. Natutulog din siya just like us. Binalak kong ayusin ang sarili kaso ayon na naman ang sound na parang may naduduwal.
"H-hey, are you okay?"
Kumunot ng husto ang noo ko, boses iyon ng kapatid kong masungit. At isa pa, ayon na naman ang sound ng nasusuka. Ipagpaumanhin ninyo kung hindi ko alam kung ano ang sound effect nun. At ano... tabi-tabi sa mga kumakain.
^__^v
Lumingon ako sa likuran kung saan naroroon sina Meg at Brend. Hindi naman sa kung ano man pero nanlaki ng husto ang mga mata ko sa nakita.
Omegesh! O__O
Si Meg... siya ang... ang... dahilan ng ingay na yun! Kasalukuya siyang nakayuko habang may hawak na supot. Abala ang bibig niya sa pagbomba samantalang si Brendon, hinihimas niya ang likod ng katabi.
Huwag niyo nang hulaan kung ano ang ginagawa ng dalawa, walang chansing dot com. Si Meg kasi... Ahuhuhuhuhu! She's vomiting.
"Sis." Brendon looks at me. "Help me with this."
Ilang ulit kong ikinurap ang mga mata. Totoo ba itong nakikita ko? Ang kapatid ko... nababakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Oh common! First time ito! OoO
"Sis! Huwag ka na diyang tumunganga!" He's darn worried.
"Ha? A... e..." Nasa middle of shock pa kaya ako! >__<
"May problema ba?" naulinigan kong tanong ni Ward. Mukhang bagong gising.
"Nagkakagulo Vevy?" it's Lorenz. Shortcut ng pangalan niyang mahaba. Tsk! Ang sarap niyang batukan, kung maka-Vevy parang super close lang kami! Mortal enemy, matatanggap ko pa kapag ganun nga! Tsk! =__=
"Sis!" *Brendon.
Amputik naman! Nakakatuliro sa brain! >__<
"Wait!" Binuksan ko ang pinto. "Palabasin mo muna siya, baka makadagdag ang amoy ng sasakyan sa sama ng tiyan niya."
"S-sige."
Ayon, nagsilabasan kami. Mukhang gulong-gulo ang dalawang lalaking ito! Sina Ward at Lorenz po yun ha. Ahemm, mas matanda sa akin si Lorenz ng isang taon. Anak siya ng pinakamabait na gardener namin.
"Ano ang magagawa ko?" *Lorenz.
"Kumuha ka ng tubig sa loob ng Van. At kung pwede, pakibilisan lang." Naiiritang sabi ko, sabay alalay kay Meg.
"S-she will be okay?" *Brendon
"Hindi, mamamatay na siya." Pabalang kong sagot. Ang arte kasi, simpleng bagay pinapalala pa ng loko.
"WHAT?!"
Wala sa sariling tinakpan ko ang isang tenga. Ang sakit sa ears ng sigaw niya. Ouch! >__<
"Hindi ka naman mabiro!" >__<
"It's not a good joke Vevien!" +__+
Tsss! Walang respeto! +__+
I look at Meg.
Teka... nasaan na ang supot na pinagsukahan niya?
My eyes widened. Mukhang alam ko na ang sagot. Pasimple kong nilingon ang van. Mukhang... naiwan niya sa loob! Ang creepy naman! >__<
"Ito na." biglang sabi ni Lorenz, sabay bigay ng bote ng mineral water, na ininom naman ni Meg.
"Meg, medyo okay ka na ba?" >__<
Pilit siyang ngumiti, sabay tango. "O-oo."
Hindi obvious na ayos lang nga siya! Hindi kasi makatayo ng deretso! =__=
"Brendon, makakaya mo ba siyang pasanin?" tanong ko sa kapatid kong masungit.
Syempre OO, alam ko na ang sagot pero feel ko paring magtanong! Hehe! Peace yow! ^____^v
"Ha?" bakas sa mukha ni Kapatid ang kalituhan. Palipat-lipat nga ang tingin niya kay Meg at sa akin.
Tsk! =__=
"K-kaya ko naman e." nanghihinang sagot ni Meg.
Aish! Wala ako sa mood para intindihin ang drama ng dalawang ito. Kung ayaw ni Brendon, sige, gagawa ako ng paraan para siya na! *evil grin*
"Lorenz..." ^___^
"Bakit?" ?__?
"Buhatin mo na si Meg." Walang anumang utos ko.
"Ha?"
"Bingi lang?!" +__+
"Pero ang sabi niya, kaya na niya hindi ba?"
Isa pa tong reklamador! Grr!
"Bubuhatin mo ba o lulunurin kita sa pool!" +__+
"Tsss! Bubuhatin na!" nilapitan niya si Meg at binalak itong pasanin ngunit hindi iyon natuloy. Bakit? Kasi may nagpasabog ng bomba.
Hehe, joke lang iyon. Ang totoong dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagbuhat, iyon ay dahil sa biglaang kilos ni Brendon. Walang pasabing hinawakan niya ang kamay ni Meg at hinila ito papalapit sa kanyang likuran. Walang ibang nagawa ang babae kundi ang kumapit ng husto leeg ng kapatid ko sa takot na mahulog ito.
"Ano na ang gagawin ko?" *Lorenz.
Nanunuyang nilingon ko siya. "Linisin mo ang kalat sa loob ng sasakyan!" +__+
"What?!" O__O
"Huwag mo akong WHAT-WATIN! Hindi bagay!" +__+
"Sabi mo e." he shrugged his shoulders. Tinungo na niya ang loob ng sasakyan. Mukhang maglilinis na nga. Total wala naman akong gagawin, hindi ko bubuhatin ang mga dala kong bag, nandiyan naman ang mga katulong.
*hakbang
*hakbang
*tigil
Tumigil ako sa kakalakad dahil may kung sino ang umakbay sa akin, hindi ko na kailangan pang lingunin ito. I know that it's Ward.
"Bakit?" =__=
"I know what you were doing sis."
"Huh?" He knows daw? "What do you mean?" ?__?
Kapwa kami tumigil.
He sighs. He's darn serious. "Hindi magandang paglapitin mo ang dalawa." =__=
I pause for a moment. Kung ganun, nahalata na rin niya! "P-para naman kay Brendon ito!"
"How about Meg?"
About Meg?
I stare at him. "Mahuhulog din siya kay Brendon. I'm sure of it!"
"You're manipulating things now. Nahawaan ka yata ni Michael." Kumawala siya sa akin, sabay bulsa ng mga kamay.
"But... it's for Brend."
"Stop this Sis. May masasaktan ka lang."
"No! Walang may masasaktan sa kanilang dalawa!"
"Aish! Sabihin na lang natin na magkakagusto nga si Meg sa kanya... paano naman si Brendon? Paano kung hindi siya magkagusto kay Meg? E di masasaktan lang ang pobre."
"No!" umiling ako.
Nakikita ko na ang resulta ng pagma-match make ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa anyo ni Brendon. Batid ko na magkakagusto din siya kay Meg.
"May posibilidad na magkagusto din si Brendon! Napakalaki ng posibilidad. Lalo na't... m-magkamukha si Meg at si... si..." Hindi ko na ipinagpatuloy.
Again, he sighs. "Sabihin na lang natin na, magkakagusto nga si Brend kay Meg, o pwede ring magkagusto nga sila sa isa't isa. Pero... paano naman kung malalaman ni Meg na ang dahilan kung bakit siya magugustuhan ni Brend, iyon ay dahil sa magkamukha sila ni AJ. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Meg?"
Nayanig ang utak ko don!
"M-maiintindihan niya iyon." wala sa sariling sagot ko.
"Huwag na ngang makitid iyang utak mo sis! May magbabago sa nararamdaman ni Meg. Malaki ang magbabago. Oras na malaman niya ang totoo! Batid ko na masasaktan siya. Siya lang ang masasaktan sa huli."
Masasaktan ko nga bang talaga?
"M-magkamukha sila... M-maiintindihan niya ang..."
"Magkamukha lang sila!" putol niya sa sinasabi ko. "Mukha lang ang pagkakatulad. At isa pa... Kung nagmamahal ang tao, hindi mukha ang pinagbabasihan, kundi ang puso." He pointed his heart.
Tama nga siya... pero...
"Sis, sa pagma-manipulate mong ito, isang tao ang masasaktan... At si Meg iyon. Kaya naman habang maaga pa, itigil mo na itong paglalapit mo sa dalawa."
Napatitig ako sa kanya ng husto. Do I really have to stop it?
"She's already hurting right now... and I can sense it." He walks towards me. "Mauna na ako sa loob."
Wala sa sariling sinundan ko siya ng tingin. Is he right? Nasasaktan ko nga ba si Meg?
"Ipapalinis ko na lang sa mga katulong mo ang nagkalat don Vevy." it's Lorenz. Nagsisimula na naman siyang mag-asal close, kaso hindi ko na magawang pansinin.
"Lorenz..." hindi lumilingong tawag ko sa kanya.
"Bakit?" =__=
"Sabihin mo nga..."
"Ano?" nawala ang pagkairita ng boses niya, na tila ba napalitan iyon ng pagtataka. Ewan, siguro nagkakamali lang ako.
"Nagiging... masama na ba ako? Kagaya ng sinasabi ng kapatid ko?" Ramdam ko ang pang-iinit ng mga mata ko. "Nakakasakit na ba talaga ako?"
"Oo." Sagot niya matapos ang ilang sandali.
Napatitig ako sa kanya, hinihimas kasi niya ang buhok ko.
"Kung iniisip mong mali ka nga... malamang oo, nagiging masama ka na nga... pero kung alam mo na, na iyon na nga. May pagkakataon ka pa para ayusin ang lahat." he's smile, it's genuine.
"Ano bang klaseng advice iyan? ang gulo!" tinapik ko ang kamay niya. "At isa pa, huwag mo akong ituring bata!" =__=
"Asus!" ngumiti na naman siya. "Para sa akin, isa ka paring bata. Napakagandang bata."
Natigilan ako saglit sa huling sinabi niya, pakiramdam ko nga namula ang mukha ko. Pero, hindi naman iyon nagtagal dahil sa bigla niyang pagpisil sa pisngi ko.
"Lorenz!" inis kong tawag sa kanya. Bago ko pa man siya mahampas ng bonggang-bongga, tumakbo siya ng buong bilis. "BUMALIK KA DITO!" +__+
"AYOKO KO NGA! HAHAHAHAHA!"
Napakawalang modo niya! Grrr! +___+
"LORENZ!" Nanggagalaiting tawag ko sa kanya! Kahit inis na inis ako sa taong ito, hindi ko parin maiwasan ang mapaisip sa mga sinabi niya.
May pagkakataon ka pa para ayusin ang lahat...
May pagkakataon ka pa para ayusin ang lahat...
May pagkakataon ka pa para ayusin ang lahat...
Siguro nga... tama siya...
Aayusin ko ang pagpe-pair ko sa kanila. Aayusin ko ang mga pagkakamali ko. Matapos kong mahuli si Lorenz, binigyan ko siya ng isang malutong na hampas sa ulo. After that I call my teammate. Tiyak kong papunta na rin sila sa amin. Lalo na siya...
I smile.
He'll fix this because I know that he like her!
***END OF VEVIEN POV***
********************************