Let's Race

By hadji_light

17K 738 201

Nadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manil... More

Let's Race
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Acknowledgment

Chapter 3

655 28 9
By hadji_light

Chapter 3

Application

***

Dumiretso kami ni Pio sa munti nilang bus para i-print ang application form para maging trainee at maging Taguig representative.

Pagdating namin sa kanila, pumasok na kami sa loob ng bus. Maayos at malinis naman ang bahay nila Pio. Tinanggal din nila ang bawat upuan ng bus na ito at naglatag sila ng kutson sa gilid kung saan sila natutulog. Tatlong tao lang naman sila kaya maluwag na ang ganitong tirahan. Naabutan ko pa rin ang dalawa kong kapatid na masayang nakikipaglaro sa Papa ni Pio. Parehas silang kalbo. May mga maliliit na puting buhok nga lang ang kumakaway sa ulo ng Papa niya.

"Oh, nandito na pala ang future mag-asawa," komento ng Papa ni Pio kaya tila malalaglag ang eyeballs ko sa lupa dahil nagulat ako sa pagsalubong niya sa amin.

"Hoy, Papa!" natatawang sita ni Pio. "Hindi kami talo nitong si Nadine, brusko 'to. Babae rin ang hanap." Biglang inakbay ni Pio ang kanyang braso sa aking leeg.

Napapalunok na lang ako. Nakalukot ang aking mukha habang alinlangang tumatango.

"Ay, balita ko lumabas na ang information tungkol d'yan sa Camatayan Race na 'yan," sabi naman ng mama niya na nakasandal lang sa gilid at pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Opo, 'Ma. Ito oh." Inilabas ni Pio ang kanyang cellphone at ipinakita sa Mama niya. "Sa'n 'yong laptin?"

"Ito anak." Itinigil muna ng Papa ni Pio ang pakikipaglaro sa dalawa kong kapatid at iniabot niya ang laptin kay Pio.

Agad ding tinanggap ni Pio ang laptin at umupo kami sa sahig.

Makabagong teknolohiya ang laptin. Pinaghalong laptop at printer. Napakamahal din nito at kung iba-barter naman, siguro ilang gamit o mahal din na gamit ang ipapalit para makuha ang bagay na ito.

Laptop lang mayro'n sa 'kin sa bahay at uugod-ugod na iyon. Aabot ng halos dalawang oras bago umandar kaya hirap na hirap akong gamitin 'yon.

Mayaman naman daw talaga ang Pilipinas pati ang mga mamamayan nito noong 2500s pero nagbago ang ihip ng hangin at hindi na nakayanan ng bansa ang paglobo ng populasyon. Kaya, sunud-sunod na ang naging paghihirap ng Pilipinas at ng buong mundo.

Pinuntahan na ni Pio ang link na ibinigay sa maliit na papel at d-in-ownload ang application form. Lumabas ang printed form sa kabilang parte ng laptin.

Basic form lang ito. May instructions din sa baba kung paano ito i-send sa council. Magse-send din ako ng video kung bakit ko gustong mapasama at maging trainee para maging Taguig representative.

Nagpaalam na ako kina Pio at isinama ko na ang dalawa kong kapatid sa bahay namin.

***

"Ano 'yan, Din?" bungad sa akin ni Papa nang makita akong sinasagutan ang form dito sa pagiba naming mesa.

Pagdating ko rito sa bahay, nandito na muli sila. May dala-dalang pagkain. May mga ipinalit na namang gamit sina Mama at Papa para sa barter para makakuha ng pagkain. Hindi ko rin sila masisi kung gano'n. Walang-wala kami.

"Form po, 'Pa."

"Para saan naman 'yan?" Nilapitan niya ako at inilapag ang kanyang palad sa mesa katabi ng form na ito.

"Para po sa . . ."

"Baka 'yan 'yong tungkol sa Camatayan Race," sabi naman ni Mama habang buhat-buhat ang aking bunsong kapatid na si Tatty.

"Opo, para doon nga po."

"Sigurado ka bang sasali ka d'yan, anak?" Naging taimtim ang boses ni Papa at tinabihan na niya ako rito sa mesa. "Balita ko, grabe raw ang magiging parusa kung hindi makapasok sa top three ang magiging representative ng Taguig."

Tumango ako bilang sagot.

"Kaya ko naman po maging representative ng siyudad natin, Papa. At saka, kailangan ko 'tong gawin dahil alam ko sa sarili kong kaya ko 'tong gawin."

"Naku, Din," pagsali ni Mama. "Minsan 'yang mga desisyon mo ang nagdadala sa 'yo ng kapahamakan."

Tama naman si Mama. Marami na akong nagawa sa nakaraan dahil hindi ko ginagamit ang isip ko. Kaya minsan napapaaway ako dahil basta-basta na lang ang aking pag-iisip.

"Tama ang Mama mo. Minsan—"

"Kaya ko 'to. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para maging trainee at maging representative. Ayaw kong mabura sa planeta ang mapa ng Taguig."

Napabuga na lang ako ng hangin at ibinalik ang tuon sa form na aking sasagutan. Dahil basic information lang ito, mabilis kong natapos ito. Hindi naman kailangan ng picture para idikit sa application form. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang mag-video.

Pero napapaisip din ako sa mga sinabi ng aking magulang. Paano kung, itong desisyon na ito (pinakaimportanteng desisyon na gagawin ko) ay lalong magpahamak sa akin, sa pamilya ko at sa buong mamamayan ng Taguig? Paano kung ako nga ang naging representative at nabigo ko ang lahat? Mamatay na lahat ng mamamayang sa siyudad na ito.

Pero, bahala na, gagawin ko lahat ng aking makakaya. Kailangan kong makaligtas sa mass killing.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag na nakasabit malapit sa pinto ng barong-barong namin. Pagkuha ay agad din akong lumabas at dumiretso paibaba.

Pupunta ako sa may pampang ng Laguna de Bay para gawin ang video ko.

Sumakay ako ng flying tricycle para makapunta nang mabilis sa pampang. Kung lalakarin ko kasi 'yon, baka abutin ako ng ilang minuto at mapagod ako.

"Kuya, sa may lawa po," utos ko sa driver at pinalipad na niya ang tricycle.

Kahit na lumilipad ang mga tricycle at iba pang transportasyon, kahirapan pa rin ang nangingibabaw sa ibaba. Nakadungaw ako't pinagmamasdan ang tirik na araw at ang mga nagsisitaasan na barong-barong. Nakikita ko rin naman 'yong mga gusaling ginagamit noon pero wala nang kwenta ito ngayon.

Teknolohiya na rin kasi ang nangibabaw sa panahon ngayon hindi gaya noon. Pero, kahit marangya ang paligid at biniyayaan ng bagong teknolohiya, wala namang trabaho para makabili ng mga gano'ng bagay. Tanging mga taga-Alabang.

Hindi ko naman alam kung ano ang kalagayan o sitwasyon ng ibang mayayaman sa mga probinsya. Baka may isa ring specific na lugar kung saan sila naninirahan. At sa aking palagay, pinalilibutan din iyon ng isang mataas at matabang pader upang walang makapasok.

Pinagbabawalan din ang paglipad ng mga transportasyon sa palibot ng Alabang. Minsan tinatawag na rin namin iyong Alabang Walled City, at kung may magtangka namang sasakyan, mapa-tricycle man, ang lumipad sa palibot o pumaibabaw sa walled city, makikipagkamay na sila kay kamatayan.

Natatanaw ko na ang Laguna Lake kaya unti-unti na ring pumapaibaba ang flying tricycle na ito.

Pagkababa, agad akong tinanong ni manong driver kaya namilog ang mga mata ko dahil wala akong dalang piso.

"Hala, kuya, sorry po."

"Wala ka ba d'yang kahit ano na lang?"

Dala ko ang cellphone ko para sa pagbi-video mamaya pero hindi ko kayang ibigay 'yon kay kuya.

"Wala po," pagsisinungaling ko. Natiklop ko pa ang aking labi.

"Sa susunod magdala ka kahit ano. Kahit gamit na magagamit. Wala tuloy akong kita dahil sa 'yo," yamot niyang sagot saka inilipad muli ang tricycle.

Napahawak na lang ako sa aking dibdib at huminga nang malalim. Buti na lang nakalusot 'yon. Ayaw kong ibayad ang cellphone ko, 'no? Kahit uugod-ugod na rin 'to gaya ng laptop ko, mahal ko 'to. At saka, kung mawala rin 'to, saan na ako kukuha ng bagong cellphone? Eh, ang buong pamilya ko ay nabubuhay na lang sa pakikipagpalitan ng gamit.

Humarap na ako sa may lawa at inangat ko na ang mga talampakan ng aking paa. Pinagmasdan ko rin ang paligid. Napakaraming palaisdaan at may mga barong-barong na ring nakatayo sa lawa. Hindi nga lang matataas, 'di tulad dito sa likod ko na may bumabati sa aking mga skyscrapers na barong-barong.

Binunot ko na sa aking bulsa ang cellphone na gagamitin sa aking pag-video. Hindi pa ako nakapagri-rehearse. Ano-ano kaya ang dapat kong ilagay?

Naka-indicate din pala sa application form na kailangan, two to three minutes long lang or better shorter. So, dapat sa loob ng ilang minuto o segundo, dapat solid na ang pagpapakilala ko.

Umupo ako sa pampang ng lawa pero hindi nga lang maganda ang view dahil ilang metro lang ang barong-barong sa tapat ko.

Nagkibit-balikat na lang ako. Medyo nananapak din ang amoy rito pero natitiis ko naman 'di gaya ro'n sa ilog na tinatayuan ng barbershop ni Mang Mond. Jusko, pamatay ang baho!

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata, malambot at marahan. Nag-iisip ako kung paano sisimulan. Masyado naman sigurong cliche kung sasabihin kong, "Hi, I am Nadine Guinto, 18 years old and I want to be the Taguig Representative this coming Metro Manila Survival Race."

Pero, baka puwede rin 'yon. Hindi ko alam kung ano ang magiging batayan ng council sa pagpili.

Huminga ako nang malalim habang sinusuklay ang aking mahaba't tuwid na buhok gamit ang aking kamay.

Nag-aabang lang ako ng mga ideyang puwedeng magamit sa pagpapakilala.

Isip ako nang isip.

Nagbi-breathing exercises na rin ako.

Nagyo-yoga na rin yata ako rito sa may pampang.

Pero . . . wala pa rin akong maisip!

Minura ko na lang ang aking sarili.

Sa kahuli-haluhinan, bumuga na lang ako nang mainit na hangin mula sa aking baga. Binuksan ko na ang camera ng aking cellphone at hinanda ang sarili sa pagbi-video.

Pinindot ko ang record button.

"I'm a fighter. That's what my friend always says to me. I kind of believe in that but sometimes I'm still doubting my capabilities. But, I am here to show you that I am a fighter and I am your Taguig Racer. I am Nadine Guinto, 18 years old, ready to serve my city."

In-end ko na ang video at saglit na tumingala sa hangin. Tila nakahinga ako nang maluwag dahil natapos ko na iyon. Parang hindi nga umabot ng isang minuto pero okay lang naman daw. Mas okay na rin siguro 'tong short one. Ayaw ko na ring umabot sa three minutes dahil baka ma-bore lang ang council kapag papanoorin ang aking application video.

Tinawagan ko naman si Pio na sunduin ako rito sa may lawa dahil wala akong pamasahe't ayaw kong ipagpalit ang cellphone na ito. Kailangan ko pa itong mai-send.

Nang pumayag si Pio sa tawag, inilapat ko sa aking dibdib ang cellphone ko't ipinikit ang aking mga mata.

I will do my best to save my sisters, my family, Pio, his family, and the citizens of Taguig. Sana, sana mapili ako.

***

"Hoy, Nadine!"

Nakarinig ako ng pagtawag mula sa aking likuran kaya agad akong tumayo rito sa pampang at humarap sa taong iyon.

"Ang tagal mo!" sagot ko.

"Pasensya na. May inutos lang sa akin ang mama," nahihiya niyang sabi. Nagkamot pa siya ng batok.

Napairap naman ako saka tipid ding ngumiti.

"Basta, pinaghintay mo ako. Eh, ang boring-boring dito sa pampang. Jusko. Kaya gusto ko ring sumali d'yan sa MMSR dahil baka mas okay 'yong makikita ko. Sawang-sawa na ako sa mga barong-barong na nakikita ng dalawang mata ko."

"Galit 'yan?" Humalukipkip si Pio. "Joke lang. O siya, naghihintay na si Kuya Driver."

Naglakad na si Pio papunta roon sa lumapag na flying tricycle at sinundan ko na lamang siya.

***

Tumambay muna ako rito kina Pio para i-scan sa kanyang laptin ang aking application form. In-upload namin ito kasama ang video. Matapos ang ilang pag-load, may nag-pop-up sa screen.

Applicant Number 27 109 913

Upload Success

We will post the names of successful applicants in the next few weeks.

Thank you and good luck.

- Taguig Council for MMSR-Camatayan Race.

Napatingin naman ako sa katabi kong si Pio na nakangiti.

"Ikaw? Hindi ka sasali? Akala ko ba, sasali ka?" nagtataka kong tanong.

"Hindi," pirmi niyang sagot at isinara ang kang laptin. "Ayaw nina mama," bulong niya sabay baling ng tingin sa kanyang mga magulang na nakaupo sa may gilid ng bus na ito't nag-uusap. "Kaya, gawin mo ang lahat ng makakaya mo, Nadine. Please . . . save this city."

Ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking palad na malayang nakalapag sa sahig ng kanilang bus. Nadama ko ang init ng kanyang balat at ang mata namin ay nagsalubong ng titig. Naging seryoso ang timpla ng hangin kaya nahawa nito ang mukha ni Pio. Napapanood ko rin ang pagtaas-baba ng kanyang lalagukan.

Bakit parang nag-iba ang anyo nitong si Pio?

Bahagyang nagsalubong ang aking dalawang kilay at naningkit ang kaliwa kong mata.

"Save this city," bulong niya sa hangin. Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay kaya tila may kakaibang kilabot at kuryente ang naglakbay mula roon paakyat sa aking braso. Nabuhay ang aking mga balahibo.

"Do your best. Don't worry about me in the future. Focus on yourself, Nadine. Focus on being the representative of Taguig. I will see you soon."

Bigla naman kaming sinita ng papa ni Pio.

"Hoy, mga bata kayo! Dito pa talaga kayo nagho-holding hands! Pio, ang kamay!" lisik-matang sigaw ng kanyang papa.

"A-Ah, o-opo."

Mabilis na tinanggal ni Pio ang kanyang kamay na nakapatong naman sa akin. Agad din akong tumayo pagkatapos niyon at ibinulsa na ang aking cellphone dahil na-upload naman na lahat ang mga materyales na kailangan kong i-submit.

Nagpaalam na ako kina Pio at dumiresto ng bahay. Pero habang naglalakad ako rito sa maalikabok at madungis na daang puno ng kalat, nagtataka ako kung bakit gano'n ang ikinilos ni Pio.

Hindi naman siya gano'n. Hindi siya seryosong tao.

Continue Reading

You'll Also Like

45.4K 2.5K 36
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
1.8M 7.5K 11
Anyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for...
196K 5.1K 31
Summer break panahon kung saan ang bawat estudyante ay pahinga sa aralin at sakit ng ulo dahil sa pagsusulit. Nagkayayaan ang barkada nila Lyrika na...
316K 13K 35
Do you feel weird? Because Creep does. Always. [W A R N I N G: Unedited.] •Wattys2018's Official Longlist and Shortlist.• •Wattys2019's Winner in Sci...