A Hidden Gem (Fate Series#3)

By omyerika

8.7K 645 2.4K

Princess Naomi Mikayla Madriaga is the demure and gullible Interior Designer student of University of Santo T... More

Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Author's NOTE

Chapter 13

211 19 82
By omyerika

"Oh kain na, kain na. Pasensya na at yan lang ulam ah."


Napatingin naman kaming lahat sa hapag at nakitang pagkadami dami nang ulam, akala mo isang buong barangay ang papakainin eh. May sinigang, dalawang inihaw na bangus, lumpia, tapos may pachooks to go pa.


Umupo na ako pagkatapos kong ayusin ang hapag kaya nagsilapitan na sila. Napalingon naman ako sa likod ko nang biglang may kumalabit.


"Dito ako ah." Sabi ni Thomas at agad naman akong tumango sabay ngiti.


Hinila na ni Thomas yung upuan at uupo na sana siya nang may biglang nauna sakanyang umupo.


"Uy, salamat." Sabi pa ni Gino kay Thomas at tinapik yung kamay niya bilang pasasalamat.


"Uhm, dito ak-"


"Kuya Thomas, long time no see. Tabi tayo!" Biglang dating ni Emily sabay hila kay Thomas papunta sa kabilang side ng table. Natawa nalang si Thomas ay sinunod na si Emily, ngayon imbis na magkatabi kami ay magkaharap nalang kami ngayon ni Thomas, "Gusto ko sanang katabi si Kuya Gino eh kaso naunahan ako ni ate eh."


Gino chuckled, "Next time, kiddo."


Napangiti naman si Emily doon, hay nako, crush na crush niya talaga si Gino noh? Kung alam lang niyang may iniibig na 'tong isang ito.


Speaking of, bakit ba ito nandito at wala doon kay Ava? Baka mamaya tuluyan nang magalit si Ava saakin pag nalaman niyang andito si Gino, hays, sabihan ko nalang siya bukas.


"Wow. Ang dami naman ng iniluto mo, ma." Sabi ni papa sabay halik sa gilid ng noo ni mama.


"Pa, ang konti nga lang yan eh para sa mga bisita natin ngayon." Sabi ni mama.


"Ang dami na po ito, tita. Nakakahiya naman po at nag-abala pa po kayo." Nakangiting sabi ni Thomas.


"Wala yun, 'nak! Ito naman parang iba na, syempre, alam kong wala nito sa U.S kaya pakabusog ka." Nakangiting sabi ni mama kay Thomas at tumingin kay Gino, "Ikaw rin, Gino ah."


Umupo na rin sila mama at papa sa dalawang magkabilang dulo ng dinning table at nagsimula nang kumain.


"Uy, favorite mo ito, diba Naomi?" Biglang sabi ni Thomas nung inaabot niya yung sinigang.


"Huh? Diba parehas kayo ni Emily na may paborito ng Kare-kare?" Tanong ni mama saakin.


"Uhm, hindi po. Si Emily lang po yung may paborito nun." Umiling ako tsaka ngumiti nang pilit kay mama.


"Ahh ganun ba? Hayaan mo, Emily. Bukas ipagluluto kita ng Kare-kare." Sabi ni mama na ikinangiti naman ni Emily.


Hindi ko namalayang ang tagal ko na palang nakatitig sakanila, napaiwas nalang ako nang tingin at nakitang nakatingin saakin si Thomas.


"Okay ka lang?" He mouted and I nodded while smiling.


Hinintay ko lang siya na matapos sa paglagay ng sinigang sa plato niya nang may maramdaman akong nakatingin saakin kaya napatingin ako sa gilid ko at nakita kong nakatingin nga saakin si Gino pero agad din siyang umiwas nang tingin pero nakita ko naman na tinulak niya nang konti yung isang bowl ng sinigang papunta saakin. Ayaw niya ba?


Kukunin ko na sana dapat iyon pero bigla nalang nilagyan ni Thomas ng taba ng isda sa sinigang yung plato ko. Nagkatinginan naman kami ni Thomas at sabay na natawa nung may naalala tungkol doon.


"Ang weird niyo talaga." Narinig kong sabi ni Emily kaya naman napigil na ako sa pagtawa.


"Bakit? Anong nakakatawa?" Tanong ni papa at napansin kong lahat na pala sila nakatingin saamin.


"Wala po." Umiling ako.


"Bigla lang po namin naalala yung time na inaway niya ako dahil kinain ko yung taba ng isda na tinitira niya sa plato niya," Thomas laughed, "I really thought you didn't liked it at first."


"Paborito ko nga yun eh, tapos bigla mong kinuha." Sabi ko at umirap nang pabiro sabay tawa.


"Adik talaga yan sa taba ng isda, Kuya Thomas." Buking naman saakin ni Emily, "Eh ikaw ba, Kuya Thomas? Anong paborito mong ulam?"


"Hmm, marami eh pero one of my favorites is lumpia--" kukunin na sana ni Thomas yung last piece ng lumpia pero agad itong kinuha ni Gino at mabilis itong kinagat.


"Sorry, nauna ako." Nginitian nang konti ni Gino si Thomas at kukunin na sana yung pitchel ng tubig nang biglang nauna si Thomas. 


"Sorry, mas nauna ako." Si Thomas naman ngayon ang ngumiti kay Gino sabay salin ng tubig sa baso niya. 


Tinitignan lang namin sila, anong problema ng dalawang ito? 


"Ay, parehas pala kayong galing America noh? Edi magkakilala kayo?" Tanong ni mama.


"Ma, ang laki laki ng America eh." Sabat ni Emily.


"Eh malay mo magkakilala sila!" Sabi ni mama.


"Uhm, we don't personally know each other." Sabi ni Thomas.


"Fortunately." Bulong ni Gino pero narinig ko at nakita ko pa siyang napangiti nang konti habang kumain. Ano bang problema nito?!


"But I think we already met in a photoshoot." Sabi ni Thomas.


Lahat naman kami napatingin kay Thomas, including Gino, pero nakatingin lang nang makahulugan si Thomas kay Gino habang nakangiti pa. Napataas naman nang kilay si Gino na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila.


"Weh? Totoo ba? Nagmodel ka rin sa US, Kuya Gino?" Gulat na tanong ni Emily.


Nakita kong dinilaan ni Gino yung loob ng bibig niya na para bang hindi siya komportable sa topic.


"Eh, ano nangyari? bakit hindi mo tinuloy? Sayang naman. Kung tinuloy mo yun, Kuya Gino, sure akong magkasing sikat na kayo ni Kuya Thomas." Sabi pa ni Emily.


Hindi naman agad sumagot si Gino at nakita ko pang nakakuyom na yung mga kamao niya na nakapatong sa hita niya. Bakit naman kasi ganito yung mga tanungan ni Thomas? Parang may meaning. Hindi niya ba alam na mainitin ang ulo ng isang ito at konti nalang matatanggalan na siya ng ngipin?


Bigla ko naman hinawakan iyon nang hindi nag-iisip para medyo kumalma siya. Napatingin naman siya saakin kaya napaiwas agad ako nang tingin at tumikhim.


"Anyway, pa!" Pag-iiba ko ng topic sabay tingin kay papa, "May event kayo sa office kanina diba po? Kamusta po iyon?"


Buti nalang nakisama si papa at nagkwento nga sa nangyari kanina sa office. Kaya tatanggalin ko na sana yung pagkakahawak sa kamay ni Gino pero nagulat ako nang bigla niya kinuha yung kamay ko at hinawakan.


Pasimple ko naman siya tinignan at pinanlakihan ng mga mata habang busy sila sa pakikinig sa kwento ni papa, pati nga din si Gino busy sa pakikinig eh na para bang pagmamay-ari na niya yung kamay ko at ayaw ba naman binatawan. Aish.


"Princess."


"Po?!" Bigla naman nabaling yung atensyon ko ulit kay papa.


"Oh? Bakit ka galit? Hahaha. Kumuha ka kako ng panibagong tubig sa ref. Ubos na eh." Sabi ni papa.


"Ahh, okay po." Sabi ko at tatayo na sana.


"Ay, ako nalang po." Sabi ni Gino at bago pa kami umangal ay tumayo na agad siya tsaka dumeretso sa ref.


"Ikaw, nakakahiya ka, yung bisita pa talaga yung pinakuha mo." Sabi saakin ni mama.


Hindi ko naman din ginusto eh. Hays. Bumalik na rin agad si Gino na mahawak hawak na pitchel ng tubig. Nagpatuloy na kaming kumain lahat habang may konting kwentuhan.


"Pasmado ka pala?" Biglang bulong saakin nang katabi ko.


"Ewan ko sayo kung bakit mo hinawakan." Bulong ko naman pabalik.


"I'm not complaining. Maganda ngang hawakan yung kamay mo eh, kahit pasmado." I even saw how the side of his lips rose before he took a bite of his food.


Saglit akong napatahimik doon tsaka napatingin sakanya na kumakain lang nang tahimik ngayon. Hay, hayaan nanaman siya sa mga banat niya. Umiling nalang ako at kumain nalang nang tahimik.


"Magkakilala pala kayo ni Gino?"


Kakalabas lang namin ni Thomas ng bahay dahil aalis na raw siya kaya hinatid ko na muna siya palabas.


"Hmm, parang ganun na nga. I just know him because we're in the same agency back then. Kaso, bigla siyang nawala eh pagkatapos nung issue." Kwento niya.


"Issue?" Nakakapagtaka lang na common naman yung issue pag pinasok mo ang modeling or acting industry pero bakit siya nawala bigla? Ibigsabihin ganun kalala yung issue?


Tumango naman siya, "Yeah, the issue about--"


"Hey!" Naputol yung sinasabi ni Thomas nang biglang may nagsalita. Napatingin ulit kami sa pinto at nakita namin si Gino na maangas na papalapit saamin. Nagkatitigan pa sila ni Thomas bago iabot ni Gino yung isang paperbag kay Thomas, "Pinapahabol ni tita sayo."


"Ahh. Pakisabi salamat. Salamat Naomi." Nginitian niya ako at ngumiti naman ako pabalik. Inabot na niya yung paperbag pero hindi naman yun binitawan ni Gino at tinignan pa muna si Thomas nang masama.


"Uhm. Gino." Tawag ko kay Gino at sinubukang ipabitaw sakanya yung paperbag. Binitawan naman niya ito kaso muntikan nang maout-of-balanse si Thomas, "Hala, okay ka lang? Bakit naman kasi ganun yung pagbitaw mo Gino?"


Tinignan naman niya ako nang masama kaya napatahimik nalang ako, "Pumasok ka na agad, mahahamugan ka pa."


Tinignan niya pa nang masama si Thomas bago tuluyang bumalik sa loob ng bahay. Ano ba yun?! Jusme, pinagpawisan ako doon ah! Tss.


I heard Thomas chuckled, "Eh kayo ba? Mukhang close kayo ah."


"Hindi naman, kaibigan ko lang siya. Tsaka boyfriend siya ni Ava." Mahina kong sabi.


"Ahh. Kung boyfriend siya ni Ava, bakit siya andito?"


Oo nga naman, bakit ba yun andito? Hays, pag nalaman toh ni Ava, tiyak papatayin ako nun.


"E-ewan ko rin dun."


Nginitian niya ako at napatingin na sa wrist watch niya, "I really have to go. Thanks for the dinner, namiss ko luto ni tita."


"Sige, ingat." Tumango na ako at kumaway sakanya bago siya pumasok ng kotse at tuluyan nang umalis.


Pagkapasok ko ulit ng bahay ay agad kong nakita si Gino sa may sala habang nakatayo sa harap ng cabinet ng mga pictures at ilang libro. Napatingin naman siya saakin at ilang segundo kami nagkatitigan hanggang sa mapagtanto ko kung ano yung mga nasa harap niya. Wait.. Potek na yan!!


Agad akong lumapit sa mga litrato namin at pinagkukuha iyon. Sabi ko naman kila papa, wag na ito idisplay eh! Ang laki laki pa ng ilong ko dito eh! Tapos pugad pa yung buhok ko at ang taba ko pa sa ilang pictures! Kahiya!


"Ang laki pala talaga ng salamin mo noon?" Natatawa pang sabi ni Gino. Tinitigan ko siya nang masama kaya naman napakagat siya sa ibabang parte ng labi niya para magpigil sa kakatawa pero ang loko, napapangiti ngiti pa.


"Bwiset." I murmured and was about to walk passed at him but he suddenly grabbed my wrist.


Napatingin naman ako sakanya habang nakakunot pa rin yung noo, "Can we talk?"


Napapikit ako nang mairin sabay hinga nang malalim tsaka binawi yung palapulsuhan ko sakanya, "Ayaw ko nang gulo, Gino. Kaya pwede ba? Tangina, umalis ka na muna. Tsaka wala tayong dapat na pag-usapan pa."


Bago pa man siya magsalita ay mabilis pa sa alas kwarto akong tumakbo paakyat sa kwarto ko at nilock yung pinto. Nilapag ko na yung mga picture frame na hawak hawak ko sa study table ko at napasandal naman ako sa pinto habang hawak hawak yung ulo dahil sa stress na nangyari kanina.


Napatingin naman ako sa kamay ko na hinawakan niya kanina. Masarap bang hawakan yung nga pasmadong kamay? Nakakadiri nga yun eh. Hays, binobola nanaman ako.


Nakita ko naman yung sarili ko na nakangiti kahit naiinis ako sa nangyari kanina. Agad ko naman pinagsasampal yung sarili ko, "Shit, Naomi. Nababaliw ka na ata tapos namura mo pa siya kanina."


Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko doon yung mga pictures namin. Agad akong umiwas nang tingin kasi pag tinitignan ko talaga yung itsura ko dati, hindi masayang memorya lang yung naiisip ko eh.


"HAHAHAHA pota, sinabi mo talaga yun sa mukha niya? Nuks, tumatapang ka na ah."


Nandito na kami ngayon ni Kim sa Dominos para bumili ng pizza dahil may random movie marathon daw kami mamaya nang barkada sa condo nila Mackey. Habng hinihintay yung order namin ay nakwento sakanya yung nangyari nung nakaraang gabi na ilang araw din akong hindi pinatulog.


"Gusto ko nalang bumalik sa sinapupunan ng nanay ko." I mumbled habang nakayuko dito sa table at nakahawak sa ulo ko.


"Okay lang yan, okay lang yan. At least nasasabi mo ngayon yung talagang gusto mong sabihin, diba?" Hinimas himas naman ni Kim yung likuran ko bilang comfort, "Pero paano mo nga ulit yun sinabi? Isa ngang 'tangina' dyan."


Tinignan ko naman siya nang masama, "Kim naman eh!"


"Hahahaha, biro lang." Tumikhim naman siya at sinubukan magseryoso, "Pero seryosong tanungan, may gusto ka na ba sakanya?"


Matagal bago ako sumagot at sinigurado ko muna yung isasagot ko, "Kung gusto ko siya, patay ako kay Ava."


"Patay ka nga, ang number 1 rule pa naman natin ay bawal magkagusto sa boyfriend o ex ng bawat isa."


"Rule naman talaga yun sa friendship eh. May mga tao nga lang na hindi sumusunod doon." Sabay naman kaming napabuntong hininga nung naalala nanaman namin yung nangyari nung nakaraan.


"Ay nako, mabalik tayo sayo. Wala naman atang problema kung magkagusto ka kay Gino eh, hindi naman naging sila ni Ava at mukhang hindi naman sila mag-on ngayon." Sabi ni Kim.


"Hindi mo sure." Sabi ko at magsasalita na sana si Kim nang biglang tawagin na yung number namin kaya lumapit muna siya doon para kunin yung apat na pizza box na inorder namin.


Lumabas na agad kami pagkatanggap habang naglalakad naman kami ay bigla ulit siyang nagsalita, "Kung sila man ngayon at kung wala talagang gusto sayo si Gino ay hindi siya mag-aabala nang ganun kung gusto niya lang sabihin na sila na ni Ava."


Come to think of it, ang weird lang na talagang nag-effort pa siyang pumuntang school at bahay para lang kausapin ako pero kung hindi niya ako kakausapin tungkol sakanilang dalawa ni Ava, edi tungkol saan naman?


"Unless, tinutwo-time niya kayo." Dadag niya pa habang inaatras yung sasakyan. Tiningnan ko siya nang masama at tumawa lang siya bago tuluyan nang umalis sa Dominos parking lot.


Hindi na naman kami nagsalita about doon at bumyahe nalang ng tahimik papunta sa condo nila Mackey.


Iniisip ko nga kung sasabihin ko ba kay Ava na pumunta si Gino, you know, para maging aware siya kasi feeling ko talaga merong something sakanila eh tsaka parang ang sama sama kong kaibigan na inaagaw ko yung jowa o kung ano man ng kaibigan ko.


"Ay, mauna ka na pala sa taas. May pinapabili pa sila Rach eh." Sabi ni Kim nung nasa tapat na kami ng elevator.


Kahit naweirduhan ako ay sumunod na ako sakanya at dumeretso na sa unit nila Mackey na mag-isa.


"Nami! You're here!"


Masigla akong binati ni Mackey sabay yakap at tinulungan akong bitbitin yung dala kong pizza. Nakita ko naman mula dito si Ava na nagluluto sa may kusina.


"Upo ka muna. Nagluluto pa si Ava at Mia eh tapos mukhang mamaya pa yung iba." Sabi ni Mackey habang tumitingin sa phone, "Hays, wait nga lang!"


Padabog naman siyang naglakad palabas ng unit at sinarado yung pinto. Napatingin naman ako sa paligid at nakitang may mga comforter na sa gilid para mamaya tapos nakaayos na rin yung hapag. Malinis naman yung condo nila ngayon, paminsan kasi may nakakalat na art materials ni Mackey o mga libro ni Ava.


"Teka lang, may kulang pa pala tayo, Ava. Balik ako," Narinig kong sabi ni ni Mia mula sa kusina. Pagkalabas niya ay nakita niya agad ako at agad akong nginitian, "Hi, Nami! Bye, Nami!"


Medyo natawa nalang ako doon at kumaway sakanya bago siya umalis nang tulungan. Nagcecellphone lang ako habang hinihintay sila nang may marinig akong boses.


"Mackey!" Tawag ni Ava kay Mackey sabay labas sa kusina. Napansin naman niya kaagad ako, "Oh, it's you."


Nag-alinlangan naman akong ngumiti dahil nakakaintimidate nanaman yung mga mata niya. Narinig ko siyang nag 'Tsk' at naglakad na papunta sa may mga kwarto nila pero maya maya lang ay bumalik din agad.


"Where's Mackey?"


Nagkibit balikat naman ako, "Hindi ko alam. Bigla nalang lumabas eh."


"Si Mia? Hindi pa nakakabalik?"


Umiling naman ako, "Hindi pa."


Kumunot naman yung noo niya at napatingin sa paligid, "Ikaw palang ba yung dumating?"


"Uhm, oo. Bakit?"


She groaned at pumunta sa sa pinto ng unit nila. Napatayo naman ako at sinundan siya, "Argh! I knew it."


"Bakit? Ano nangyari?" Lumapit na ako nang tuluyan sakanya.


"They locked us from the outside." Kalmadong sabi ni Ava.


"Hala, weh?! Bakit?!" Nagtatakang tanong ko at sinubukang buksan yung pinto pero nakalock nga! Pinagpapalo ko naman yung pinto, "Hoy! Buksan niyo nga ito?! Ano nanamang prank 'toh?!"


Nakita ko naman sa pheripheral view ko na umirap si Ava at naglakad na palayo sa pinto, "There's no use for that, you'll only disturb the whole floor unit. Besides, they'll come to their senses eventually."


Ay oo nga, makakaistorbo pa kami ng iba dahil sa kalokohan na ginawa ng barkada namin. Ano nanaman kasing pakulo ito?! Tss.


"Bakit ba kasi nila tayo kinulong dito?" Inis na sabi ko tsaka sinundan siya sa kusina.


"Apparently, they thought that we need to discuss something," sabi ni Ava habang nakatungkod yung mga kamay sa island table sa kusina nila, "Do we need to discuss something, Naomi?"


Ilang segundo kaming nagkatitigan, gusto ko sana siyang kausapin tungkol kay Gino kaso hindi ko alam kung saan magsisimula. Ano bang sasabihin ko sakanya? Na nahulog ako sa taong hinintay at minahal niya ng ilang taon?


Edi hindi lang friendship over kami dun, kundi life is over na din para saakin.


"Wala," umiling ako at pilit na ngumiti, "Wala naman tayong dapat na pag-usapan eh. Ano ba yang niluluto mo? Tulungan na kita."


"Sure. Sinubukan kasing gumawa ni Mia ng iba't ibang flavor ng chicken wings at tumulong na ako sakanya but I'm not sure kung tama." Sabi ni Ava.


"Patikim."


Binigay naman niya saakin yung bowl ng spicy favor ata kasi pulang pula siya. Pagkakagat ko nun halos maluha naman ako sa anghang. Agad naman ako tumakbo sa ref nila at kumuha ng tubig. Binabad at binudburan niya ata yun ng siling labuyo sa sobrang anghang.


"Ano? Masarap?" Tanong ni Ava.


"M-masarap." Sinbukan ko naman ngumiti habang naluluha pa rin. Sa sobrang sarap nga, hindi ko na malasahan yung dila ko eh.


Uminom pa ako ng tubig dahil sobrang anghang talaga. Parang siling labuyo talaga yung kinain ko at hindi chicken wings.


"I love him."


Biglang sabi ni Ava kaya napatingin ako sakanya habang nakalagay pa rin yung baso sa bibig ko. Dahan dahan ko naman iyon inilayo sa bibig ko at tumingin din sakanya ng deretso.


Kahit mahina yung pagkasabi niya nun, rinig na rinig at naiitindihan ko pa rin.


"Ava, I.. I'm sorry."


"You're sorry because you already fall for him?" Napataas naman siya nang kilay sabay halukipkip, "Or you're sorry because...he choose you over me?"


Pahina ng pahina yung pagkakasabi niya nung sa huli pero ramdam ko yung sakit niya sa tinanong niya saakin. Napakagat ako ng ibabang parte ng labi at napayuko, unti unti na akong kinakain ng guilt sa katawan.


"He didn't choose me over you--"


"He did." Again, she cut me off, "Pinilit ko lang siya na bigyan kaming dalawa ng isa pang chance. How pathetic, right? Haha. Three dates, three dates with the man I waited and loved for a long time. Masaya naman."


Kitang kita ko sa mga mata niya yung sakit at mga luhang nagbabadyang tumulo pero napipigil niya pa.


"Masaya pero masakit. Fuck. Kasi sa bandang huli hindi pa rin ako yung pinili eh and the worst part is, isa sa mga kaibigan ko yung pinili." She smiled bitterly, "Noong nakaraang gabi, sinabi ko sakanya na makipagdinner siya sa taong gusto niya."


Napakunot naman ako ng noo sa pagtataka, "Hindi naman siya nakipagdinner saakin."


"Ang naive mo talaga eh noh?" Natawa naman siya sabay pasimpleng punas ng luha, "The night he went into your house to have dinner is the night he choose you."


Tuluyan akong hindi nakasagot sagot dahil sa sinabi niya. Kaya ba gusto niyang makipag-usap saakin nung gabing 'yun, hindi para linawin na magkaibigan lang kami kundi para sabihin na pinipili niya ako, na ako yung gusto niya.


Halong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Sino ba naman kasi ang magdiriwang kung ganito ang sitwasyon ko? Bakit ba kasi si Gino ang nagustuhan ko?! Balik ka na nga lang kay Thomas, puso!


"Huwag kang mag-alala." Siminghap muna ako, "Hindi ko naman siya gusto eh."


Mas mahalaga saakin ang friendship namin ni Ava, para ko na siyang kapatid eh, at ayokong masira yung pinagsamahan namin dahil sa isang lalaki.


"Hindi naman ako galit," sabi ni Ava at nagsimula ng ilagay sa lababo yung mga pinaggamitan niyang gamit pangluto, "I just need some time to accept this. Excuse me."


Nilagpasan niya ako at dumeretso na siya sa kwarto niya hanggang sa dumating yung barkada, hindi pa rin siya lumalabas. Nasabi ko naman sakanila na nag-usap naman na kami pero hindi pa ganun ka-okay, kailangan niya pa ng time.


"Gusto ko nalang munang umuwi ngayon, guys." Sabi ko kasi dapat magslesleep over kami dito pero dahil nga sa nangyari parang nawalan na ako ng gana.


Pumayag naman sila at umalis na ako bago pa tuluyang lumalim yung gabi. Sinamahan naman ako ni Kim pero pagkarating namin sa baba ay nagulat ako na naghihintay na doon si Thomas.


"Oh? Bakit hindi ka umakyat sa taas?" Bungad na tanong Kim sakanya.


Nagkamot naman siya ng batok habang nakangiti na nahihiya, "Sorry, kakarating ko lang kasi at nasabi saakin ni Edwin na uuwi na raw si Naomi--"


"Kaya aalis ka na rin?" Pagsabat ni Kim, "Si Naomi lang ata kaibigan mo dito, aber?"


"Huy, hindi naman." Pinalo ko naman si Kim ng mahina kung ano ano kasi pinagsasabi eh, "Sige na Thomas. Umakyat ka na doon at kanina ka pa nila hinihintay."


Umiling naman siya, "Hatid na muna kita tapos balik nalang ako."


"Psh, pampagoodshot talaga tong mokong na 'toh. Sige na! Mag-iingat kayo!" Sabi ni Kim at pinagtulakan na kami paalis.


Hinatid naman kaagad ako ni Thomas sa bahay at umalis kaagad siya kasi nagtetext na sila Kenzo sakanya haha, siguro sinabi ni Kim na dumating siya tapos umalis ulit.


"Akala ko sleep over kayo nila Rachel?"


Naabutan ko naman si papa sa kusina habang may inaayos na mga papeles. Nilapitan ko naman siya at nagmano sabay halik sa pisngi niya.


"Hi pa. Naalala ko po kasi na may gagawin pa pala ako." Dinahilan ko nalang kahit tapos ko naman na ang lahat, "Sige na po. Tulog na ako. Goodnight papa."


"Teka," pigil niya saakin sabay lapag ng susi ng kotse sa mesa, "Simula sa Monday, wag ka na magcommute. Yung sasakyan na yung gamitin mo."


"P-po?! Seryoso kayo papa?" Gulat kong tanong, "Edi anong gagamitin mong sasakyan papunta sa opisina niyo?"


"May binigay na company car saakin yung opisina. Kaya sayo na yung kotse para hindi ka magcommute. Para hindi na maulit yung dati." Tinignan naman ako ni papa na may pinapahiwatig, medyo matagal naman bago ko magets yung ibig niyang sabihin.


Napaupo naman ako sa katabing upuan niya, "Pa.."


"Kailan mo balak sabihin saakin Naomi? Pag nangyari ulit yun saiyo? Anak naman, akala ko ba walang sekreto lalo na yung mga hindi magandang nangyayari. Para sana natulungan kita, hindi yun kinikimkim mo lang sa sarili mo."


"Sorry po." Nabasag naman yung boses ko at tuluyan ng naiyak. Hinatak naman ako nang mahina ni papa para yakapin, "Ayaw ko lang po na mag-alala pa kayo tutal tapos naman na po."


"Natural mag-aalala ako, pag nga lang may kasama kang lalaki, nag-aalala na ako. Yun pa kaya? Bakit ba kasi ang ganda ganda ng anak ko?" Biro pa ni papa.


"Papa naman," medyo natawa naman ako doon, "Fake naman yung ganda ko eh."


"Huh? Sino naman nagsabi niyan?" Inilayo naman niya ako sakanya at tinignan ng maigi, "Hindi fake ang ganda mo Naomi. Mas totoo pa sa ginto ang ganda mo lalo na yung gandang panloob mo. Kaya 'wag na wag mo yan sasabihin dahil ako mismo nasasaktan dyan sa sinasabi mo sa sarili mo, naiintindihan mo ba? At wag ka na maglilihim saakin, lagi lang ako andito para sayo, okay?"


Tumango naman ako, "Opo. I love you, pa." Kahit kailan talaga si papa, alam na alam kung paano ako bolahin pero kahit papaano naman gumagaan ang loob ko kasi alam kong may isang taong hinding hindi magbabago yung tingin saakin na kahit anong itsura ko, maganda pa rin ako sa paningin niya.



-----------------<3-----------------







Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 577 43
Barbara was the kind of girl a guy who would want to date. A typical beautiful, kind and a family oriented type of girl but all of these characterist...
1.2K 128 47
Gratifying Wretched What if you met a person who caused for you to hold a responsibility even though you're not responsible for it... What if someday...
343K 23.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
7.8K 375 25
Celestine Clover Davis woke up without remembering anything. She's been at that hospital for years now and this guy keeps on coming back to take care...