The Mistress

By PrincessHimaya

177K 3.4K 513

Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest. Akala... More

SYPNOPSIS
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas

Kabanata 39

3K 87 13
By PrincessHimaya

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay saktong pababa ang mga magulang ko sa hagdanan. My mom's face brightened na para bang nakakita siya ng isang kaaya-ayang tanawin. While dad, remained his stoic face pero kay TJ nakatuon ang mga mata niya.

"We have a visitor!" mom exclaimed like it wasn't obvious.

"Mom, dad, this is TJ..." pakilala ko agad sa kanila. "TJ, my parents..."

TJ extended his hands towards dad first at tinanggap naman ito ni daddy. Nag beso naman si mommy sa kanya.

Then mom look at us in a very malicious way. Pinandilatan ko siya agad at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"So...uh..." si mommy sabay tingin sa mga suot namin ni TJ. "May ganap ba na hindi kami na inform? Nakakahiya naman sa inyo, naka damit pantulog na kami..."

"Galing po kami sa dinner date sana, ma'am..." magalang na sagot ni TJ.

"Sana?" si dad naman ngayon at sa akin makahulugang tumingin.

Come on. E-explain ko ba sa kanila ang nangyari kanina? Huminga ako ng malalim.

"Something happened dad, kaya dito na lang kami kakain..."

Bumaling si TJ sa akin at ginawaran ko siya ng ngiti. Sana lang talaga ay hindi siya magkwento kina mommy. Ayoko nang pag-usapan pa si Mike sa bahay na ito.

"Magpapaluto ako kung gano'n. Ano ba ang gusto niyong kainin? Sa pool side na lang kayo mag dinner at ipapahanda ko ang table roon para naman-"

Dad chuckled at hinalikan si mommy sa pisngi.

"Baby, bakit sa pool side pa? May malaking dining table naman tayo..." ani dad.

Hindi ko maintindihan kung may ibig sabihin ba iyong sinabi niya.

"Ako na po ang bahala..." putol ko sa mga magulang ko. "Ako na po ang magluluto..." dugtong ko.

Nagkatinginan naman si mommy at daddy.

"Okay...kayo ang bahala. So we'll go ahead na lang, ha? And Lana..." si mommy at tumitig sa akin. "Ipapaayos ko ba ang guest room para-"

"Mommy!"

She chuckled at umiling lang si daddy.
Medyo natatawa rin si TJ at nahihiya na ako.

"Uuwi po ako, ma'am..." si TJ.

We're at the kitchen now while TJ was watching while I'm chopping the onion for the carbonara. Madali lang naman lutuin iyon at masarap pa.

I can't help but reminisced of something...someone. Ganito rin dati. I cooked for someone.

"I love my mom's carbonara, at mukhang may pagkukumparahan na ako ngayon."

I shook my head.

"Mine won't match. Pero masasabi kong puwede na..." biro ko kahit pangalawang beses ko pang luto ng carbonara ito.

Tumikhim si TJ kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha.

"I'm sorry for being nosy...but..." he trailed, alam ko na 'to. I took a deep sighed and smiled.

"Sorry, nevermind..."

"No, it's fine. I owe you an explanation. Hindi maganda ang nangyari kanina..."

My chest immediately hammered fast as I remember what had happened earlier. Ilang taon ko nang hindi naramdaman 'to, at nakakatakot dahil bumalik na naman ulit.

"Shelly was my bestfriend..." I started, as a slight pang was felt on my chest.
"And...that guy...was my ex boyfriend. Which happened to be Shelly's bestfriend since childhood..."

Tumango si TJ at bumagsak ang mga mata ko sa hinihiwang sibuyas.

"Oh wow, that's so cool. Ang saya niyo siguro dati..."

Saya.

I grinned sarcastically.

Umiling ako. "Hindi ko masasabing masaya dahil puro na ako pagdududa noon. Pero hindi ko ini-entertain. Ayaw tanggapin ng utak ko na posibleng lokohin nila akong dalawa...at iyon nga ang nangyari..."

"I'm sorry, Lana. Hindi ko alam..."

I smiled. "Okay lang, matagal na iyon. Wala na iyon sa akin..."

Sana nga wala na iyon sa akin.

I sprinkled the parmesan cheese sa ibabaw ng plate ni TJ. It's passed 9pm at gutom na ako. Siguradong gano'n din si TJ.

He acted like he smell something delicious on the air. Inirapan ko siya.

"That's it! Iyan nga ang naaamoy ko!" masaya niyang sabi nang nilapag ko ang pagkain.

"Pakakainin kita kahit hindi mo na 'ko bolahin..."

"Kamukha sa luto ni mom. Mahihirapan yata ako nito..." pailing-iling niyang sabi habang papasubo na.

Hinihintay ko naman ang magiging judgement niya sa lasa nito. Papikit-pikit at napatigil si TJ sa pagnguya. Kumunot ang noo niya at mukha siyang dismayado o ano.

I knew it! Hindi masarap.

Kukunin ko na sana ang plato niya nang tampalin niya ang kamay ko.

"What are you doing, Lana?" aniya.

"Hindi masarap. Let's order na lang... " malungkot kong sabi. Humalakhak si TJ at nagpatuloy na sa pagnguya.

"I'm just kidding, alright? Masarap siya, Lana. I swear, mom would love this, too."

"Ayoko nga ipatikim 'yan sa mommy mo. This is an exclusive food for my family only..." I joked.

"So I'm a family now?" he asked, and his eyes twinkled.

"Hindi 'no! Pang-asar ka talaga e, no?" at itinuro ko siya gamit ang tinidor.

TJ was like that. Bubbly to be with, no dull moments kahit na kung titingnan mo siya ay mukha siyang istrikto. He's not that intimidating to me. Sa iisang tao pa lang ako naiintimidate.

Almost 8 na nang makarating ako sa opisina. For the first time, ngayon lang ako muntik ma late!

"Good morning Miss..." bati ni Iza.
"Nasa opisina niyo po ang Tito Marky niyo..." I nodded.

Nang makapasok ako sa loob ng opisina ko ay naabutan ko nga roon si Tito.

I took off my coat at nilagay sa likod ng swivel chair, saka pa naupo. I looked at Tito Marky.

"Why...why are they here Tito?" may diin kong tanong.

"Because it's been years? At nakapag move on na sila? At ikaw hindi pa?"

I don't know if that was a joke or what.

"Oh please! I moved on. Pero hindi ibig sabihin no'n na titigilan ko na sila, Tito. Of all, you knew what they did to me!"

"I do know, yes. At alam mo ring sapat na iyong ginawa mo sa kanila. You stripped everything to them. Mike's work, Shelly's family businesses at pati pa lupang tinitirikan ng mga bahay nila hindi mo pinalampas."

"It'll never be enough..."

He sighed at umiling.

"Hanggang kailan ka ganyan kung gano'n? Habang buhay? Hangga't nasasaktan ka? Kailan ka ba aayos? Dahil sa ginagawa mong 'yan, hindi na mukhang paghihiganti iyan. Gawain na iyan ng isang masamang tao...Lana."

Binigyan ko si Tito ng isang hindi makapaniwalang titig.

"I'm not a bad person. Kung gano'n man, kasalanan nila iyon!" I spat.

"At ganyan ka na lang ba? Forget it, Lana. Find something to forget it."

"Hindi ko nga makalimutan, Tito! Lalo pa ngayon na nakita ko sila!" tumaas na ang boses ko pero nanatiling kalmado si Tito.

"Dahil may kulang pa kaya hindi mo makalimutan..." mahina niyang sinabi at tumitig sa akin.

Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin niyang kulang. Ano ang kulang? Saan ako nagkulang kung gano'n? Ano ang kulang sa mga ginawa ko?

Ginawa ko lahat na sa tingin ko ay magpapasaya sa akin kung makikita ko silang nahihirapan. Pero hindi...hindi ako makuntento...hindi pa rin ako masaya.

Buong araw akong nasa opisina dahil sa dami ng ginagawa. Kaya dapit hapon pa lang ay pagod na ako. May bagong hotel na naman kasi kaming pinapagawa hindi kalayuan sa dati kong paaralan noon.

"Iza..." tawag ko sa secretarya sa intercom kaya pumasok siya agad sa opisina.

"Yes, Miss Lana?"

Tumihiya ako at pumikit para ma relax ang nananakit na likuran ko.

"Sino-sinong mga restaurant ba ang gustong pumasok sa bagong hotel natin?" sabi ko habang nakapikit.

"Uhm...Miss Lana, sorry po nakalimutan kung sabihin sa inyo na...uh..may napili na po ang mga magulang niyong restaurant..." maingat niyang sinabi ang huli.

Agad akong napabalikwas at napatingin agad kay Iza. Hindi makapaniwala. Paanong nakapili na sila nang hindi man lang dumaan sa akin?

"Who's that restaurant owner at bakit sa mga magulang ko siya dumiretso at hindi sa akin?" irita kong tanong.

Alanganing ngumiti si Iza sa akin at mukha nasiyang constipated.

"Kukunin ko na lang po ang files Miss Lana..." at agad umalis.

Iza came back with papers on her hand. Nilapag niya iyon at walang pagdadalawang isip ko itong binuksan.

Nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant, nanginig bigla ang labi ko pati na ang kamay kong may hawak sa papel.

It was Mikes' restaurant. Paano nangyaring restaurant niya ang napili nila mommy? Are they blind or something? It's well written here na siya ang may-ari!

Alam nila ang nakaraan namin ni Mike, tapos tatanggapin nila?

No hell way!

Padabog akong naglakad papasok ng bahay. Hindi ko kayang patapusin ang araw na ito na hindi nalalaman kung bakit sa lahat ay restaurant pa ni Mike ang napili nila!

Baka naman, hindi nila napansin ang pangalan ng may-ari? Sige, kahit gaano ka imposible ang rasong iyon, paniniwalaan ko.

Dumiretso na ako sa opisina ng mga magulang ko at saktong naabutan ko nga sila roon. Sabay pa silang napabaling sa akin.

"Mommy? You chose Mike's resto of all?" diretsahan kong sabi.

Mom doesn't look like she's surprise by it, including dad as well.

Tumayo si mommy at bumaling pa saglit kay dad bago sa akin.

"Lana...anak, we can't see any problem about choosing his restaurant to operate in our new hotel-"

Nahigit ko yata ang hininga ko sa sinabi ni mommy. They can't see any problem with it? Hindi ba malinaw sa kanila ang ginawa sa akin noon ni Mike? Wala lang ba iyong lahat ng panahong nasaktan ako? Lahat ng iniyak ko, walang kwenta lang ba iyon sa kanila?

"He ruined me, mom! Dad!" I exclaimed furiously. "Bakit niyo hahayaang makalapit siya sa atin? Sa akin? He hurt me! Are you invalidating my feelings?"

"Enough Lana!" si Dad.

"Anak..." si mommy na parang naghahanap ng tamang salitang isasagot sa akin.

"Your feelings are valid, Lana. Pero anak...his restaraunt is really good. Makakatulong iyon sa hotel natin-"

"Pera-pera na lang ba mommy? Paano ako? Paano ang pakiramdam ko? Walang kwenta na ba iyon sa inyo?" sabi ko sa isang mahinang boses at nanginginig.

"Hindi Lana-"

"Iyon 'yon! Basta niyo na lang pinili ang restaurant niya? I'm now the companies' CEO! Dapat ako nagdedesisyon sa kung sino ang pipiliin ko!"

"Lana, ito iyong rason kung bakit namin siya pinili. Dahil sa pagiging ganyan mo.... You've changed anak. You need this, trust me, kailangan mo siyang makaharap para maging maayos ka na-"

"So you think I'm not fine? That...I haven't moved on?" I sarcastically said. "I'm now fine, mom! Dad.."

"Hindi gano'n ang nakikita namin sa'yo, Lana... Hindi ka pa maayos, kailangan mo 'to anak."

My heart felt the huge disappointment. Hindi ko inaasahang ganito. They took my feelings so lightly. They didn't understand me.

"May kaunting point naman kasi sila, Lana. Hindi ka umuusad kung napapansin mo lang. Puro ka na lang plano kung ano pa ang gagawin mo sa buhay nila..." V commented.

I rolled my eyes before drinking the margarita. Magkasama kami ngayon sa club dahil inaya ko siya. Masamang masama ang loob ko sa sagutan na nangyari kanina.

Lahat na lang yata ng tao sa paligid ko pinipilit na maging maayos ako, na mag move on na ako. Ano ba sa tingin nila ang ginagawa ko? I moved on! Told them countless times pero parang hindi naman yata sila naniniwala.

Pero hindi nila ako mapipigilang gawin ang mga gusto, lalong-lalo na ang sirain ang buhay ng mga taong sumira rin sa akin.

"For the last time I'm telling you this, I've moved on, V. Wala na akong nararamdaman kundi galit kaya hindi niyo ako mapipigil sa mga gusto ko pang gawin sa kanila..."

Naupo si V sa tabi at itinukod ang siko para maalalayan ang mukha. Tila binabasa niya ang mukha na parang isang libro.

"Okay? Sabihin na nating maayos ka na nga. Sinusuportahan naman kita sa mga ginagawa mo 'di ba? But don't you think, you're getting too far? I think, it's not worth it anymore. Look at them, you did everything to ruin them pero mukhang maayos naman na sila, ikaw na lang yata ang hindi..."

"Pati ba naman ikaw?"

Veronica heaved a sigh.

"No pressure. Take your time, Lana. But don't forget to breath. You spent those years for your revenge. At saan ka na dinala na grabeng paghihiganti mo? Sa pagkakaroon ng pusong walang laman kundi galit. I don't know kung marunong pang magmahal 'yan..." sabay turo niya sa dibdib ko.

"Hindi niyo ako naiintindihan..." ang tangi kong nasabi.

They can't blame me. Hindi sila ang niloko, pinagkaisahan at ginawang tanga. Hindi sila ang nawalan ng isang matalik na kaibigan. Hindi sila ang iniwan.

"Wait...huwag kang lilingon, ha. Nasa kabilang table si Mike..."

Parang hindi ko narinig si V sa babala niya. Agad akong napabaling sa kung saan ang tinutukoy niya.

Umalab ang galit sa dibdib ko at agad akong tumayo dala ang basong may lamang alak.

"Lana!" V called me but it didn't stop me from walking towards him confidently.

Our eyes met and my stomach churn. Parang gusto kong umatras at bumalik na lang sa kinauupuan ko, pero nakita na niya ako.

At bakit ako babalik? Bakit ako matatakot?Ngayon pa? Sa dami na nang nagawa kong mas masahol pa kaysa dito.

Nang marating ko ang table nila ay napatingin sa akin ang kausap niyang lalaki na pamilyar sa akin. Pero hindi ko maalala ang pangalan niya.

The guy smirked at me at tumikhim pa. Mukhang namamangha sa presensiya ko.

Then my gazed transferred to his. He look at me like this is his first time seeing me. His eyes were dark. Wala na ang dating siglang nakita ko.

That's not your concern, Lana!

Without further a do. Sinaboy ko sa katawan niya ang alak at parang mapupunit ang dibdib ko sa lakas ng kalabog nito.

Hindi man lang siya natinag o nagulat man lang sa ginawa ko. His eyes remained looking at me.

"Oh my...Lana!"

I heard V at my back pero bago pa man niya ako mapuntahan ay nag martsa na ako palabas. Hindi ko maintindihan kung bakit ko iyon ginawa.

He deserves it. He deserve to be treated like a trash. Pero bakit...bakit ako ang nasasaktan sa ginawa ko.
Bakit ganito! Hindi ko maintindihan!

I rummaged my bag to look for my keys but before getting it, a warm hand touched me.

Marahan ang pagbaling ko, at akala kong si V lang iyon. Pero hindi pala.

My chest hammered as fast as it could. Nabibingi na ako sa kabang nararamdam. His coat was wet. Pero mukha siyang walang pakealam doon.

Winaksi ko ang kamay niya. Dahil hindi ko gusto ang kakaibang nararamdaman ko.

"You're drunk..." he stated.

"And you care because?" mataray kong sagot.

"You can't drive like that..."

His voice was very low. Nanayo yata lahat ng balahibo ko sa katawan. But again, Lana. That's not your concern! Stop noticing everything about him!

"E 'di mamatay na kung mamatay! Kaysa naman makausap ka dito!"

He hissed a cursed and his jaw clenched.

"Hand me your keys. Ihahatid na kita..." utos niya sa akin.

"Hindi ako magpapahatid sa'yo! Umuwi ka na sa asawa mo!"

Mariin siyang pumikit at hinawakan ang siko ko. Akmang hihilahin na sana niya ako ngunit napatigil kami.

"Bitiwan mo siya..." said a familiar voice.

It was TJ. Maybe Veronica called him.
Pero hindi nakikinig si Mike sa utos ni TJ. Pilit kong inaalis ang kamay niya pero masyadong matigas ang kamay niya.

"Ihahatid ko siya..." ani Mike na parang siya ang masusunod.

"TJ, sa'yo ako sasama."

Mariin akong tiningnan ni Mike at gumalaw ang panga niya. Sa huli, binitawan niya ako.

Continue Reading

You'll Also Like

35.9K 582 44
Being the foul-mouthed and straightforward woman she is, Liway Izzet declared how she disliked Ryle Alvarez while applying for a job as his personal...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
5.2K 238 17
Ethereal Sharia is a spoiled brat. Just like her mother, she was hardheaded and stubborn. Lahat naibibigay sa kanya, maliban nalang ang lalaking kany...
307K 10.3K 66
In the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. T...