FLS #5: Felixir Gatcheco

By kidsshudnotwrite

12.2K 340 104

There is only one word to describe Felix's love, mad. Madness to the point of grooming Luisa San Diego to liv... More

i. announcement(s)
ii. fls #5: felixir gatcheco
iii. prologue
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08

Chapter 01: Middle Child Syndrome

1.1K 36 17
By kidsshudnotwrite

Chapter 1: Middle Child Syndrome

/the belief that middle children are excluded, ignored, or even outright neglected because of their birth order/

March 2014.

▰▰▰▰▰▰▰▰▰▰

/felixir/

"Wala na naman bang choice kaya ako na naman?"

Ang pagkalansing ng mga kutsara at tinidor ang nangibabaw sa kalagitnaan ng katahimikan. Apat na pares ng utensils ang tumigil sa paggalaw ngunit hindi ko ito alintana. Tuloy lang ako sa paghiwa ng hotdog gamit ang kutsara.

Tumingin ako sa apat na pares ng matang nakatingin sa akin sa bilog na lamesang ito. Nasa kanan ko si daddy at sa kaliwa si Kuya Val. Katabi naman ni dad si Irish sa kabila at si Kuya Val naman ay si mommy.

"Narinig ko kayong nag-uusap kagabi. Kailangan ninyo ng may ipapadala sa Sariaga para samahan sina Lolo at Lola."

Sunod kong hiniwa ang gitna ng sunny-side-up egg at pinanood na umagos ang kulay dilaw nito.

"Mom, are you going to send Felix kina Lolo-dad?" Irish, the youngest, asked while snickering at me.

Sinulyapan ko lamang siya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi pa rin niya ako napapatawad sa ginawa ko dalawang taon na nakalipas. She still doesn't get that I did it for her. Who cares anyway? Ipinahiya ko nga raw siya that time.

"Irish, he's older than you," sita sa kanya ni Kuya Val which I found a bit perfunctory but nonetheless, appreciated. Irish just rolled her eyes in response.

"Felix, anak, hindi naman pwedeng si Kuya Val mo ang ipadala namin. He's in his second year in college at-"

"Nasa magandang university si kuya at si Irish naman ay bata pa. Hindi kayo mapapakali kung malayo siya sa inyo." Itinuloy ko ang gustong sabihin ni mama.

Kabisado ko na ang ganitong litanya ni mommy at sanay na ako. Nag-aaral si Kuya Val, ako ba hindi? Hindi sila mapapalagay kung hindi nila kasama si Irish, kapag ako ba ayos lang na umalis?

"Isang taon lang naman," segunda ni dad na naunang magpatuloy sa pagkain. Sumunod naman ang lahat.

"Hindi naman po ako nagrereklamo. Excited na nga po ako."

Aabutin ko sana ang lagayan ng sinangag ngunit naunang hawakan ni mom ang sandok at saka pinagsandok si Kuya Val.

"Ang sarap ng sinangag mo, ma. Lasang asin." I tried to joke to ease the tension while chewing on the last cut of hotdog.

I've been long used to this. You think being the eldest is the hardest but you're wrong-at least sa pamilya namin. Dalawang taon lang naman ang tanda sa'kin ni Kuya Val at dalawang taon din ang tanda ko kay Irish pero kapag pinagtabi-tabi kaming tatlo, kitang-kita kung sino ang mga paborito.

Kuya Val is dad's favorite. He's the perfect son any parents would die having for. He's superior in every way: smart, good-looking, ambitious and all adjectives that sing praises. He's someone whom dad and mom can brag about in their every reunion.

Dad and mom came from two very prominent family. It wasn't a secret from the whole clan that dad was the slowest, a simpleton, among the seven children of the Gatchecos. Kaya imbes na makipag-agawan sa pamamalakad sa mga kumpanya na itinayo ni Lolo Alejandro sa probinsya, lumuwas siya ng Maynila para dito makipagsapalaran at mamuhay ng simple.

Dito niya nakilala si mommy na galing din sa isang kilalang pamilya, Decena. They love each other wholeheartedly kaya kahit na hindi kasing yaman ng mga naging asawa ng mga kapatid niya si daddy, mom chose the simple life with dad.

Hindi nga lang maiiwasan ang iringan tuwing family reunion. Laging lugi si mommy not until Kuya Val started showing his talents. He's far more better than our other cousins. That's an honest review. Walang halong inggit.

Irish, on the other hand, is the baby. Since bunso siya at nag-iisang babae, dikit na dikit siya kay mommy.

Ako? I'm the middle child. Overshadowed by the eldest's brilliance and too old to be spoiled like the youngest.

Kung dala ng panganay ang pressure na itaguyod ang pamilya, dala ko rin naman ang pressure na sumunod sa yapak niya.

Kahit hindi niya sinasadya, mom and dad already have their favorites. It was just sad I don't belong to anyone's favorite.

"Ikaw bata ka! Hala! Kung hindi ka nasasarapan sa luto ko, sige, ikaw magpakain sa aso mamaya," inis na sagot ni mama habang pinagsasalin ng orange juice si Irish.

"Mom naman! Aalis daw kami ni dad pagkatapos kumain!" I protested. Nakalimutan ko na na gusto ko pang sumandok ng sinangag.

"That's not mom's problem anymore," Irish snickered. I glanced at her but didn't talk. Mas matanda ako, iintindihin ko siya. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya ganyan.

"Ako na ang magpapakain." Ibinaba ni Kuya Val ang kutsara at tinidor saka hinawakan ang kamay ni mommy na hawak ang plato ng hotdog. "Mom, tama na po, busog na po ako."

"Mom, akin na lang!" I offered her my plate pero naunahan niya ako sa pagbaba.

Maybe Kuya Val saw it. He used his fork to get a hotdog for me. I muttered my thanks and ate it anyway. Sayang din.

▰▰▰▰ღ▰▰▰▰

The long and exhausting family breakfast ended when Irish announced she's inviting her suitor on our birthday. Dad was angry even more so mom. Sabi niya ay siya na ang kakausap kay Irish at pumunta na lang kami ni dad sa pupuntahan namin.

Grade 10 pa lang naman kasi si Irish. Noong grade 10 nga ako pa-crush crush lang kasi hindi naman ako ang gusto.

"Kuya Val, pupunta kami ni daddy sa mall. May ipapabili ka sa National?" tanong ko kay Kuya nang makarating ako kung saan nakakulong ang dalawa naming aso, sina Chuchay at Kitty. Pinapanood niya silang kumain.

"You're that happy?" Kuya asked back and I nodded enthusiastically. Halata ba masyado? "Why?"

"Anong bakit? Syempre kasi makaka-bonding ko si dad."

"You look like these dogs."

"Huh? Kasi cute kaming tatlo?"

"Nope. You look like a dog vying for your owner's attention." Kuya Val stood and dusted off his pants. "Wala akong ipapabili, enjoy your bonding with dad."

With that, he left. Naiwan akong nakatulala sa mga kumakain na aso.

A bitter smile escaped from my lips.

I am very aware of that. I just didn't expect it'll come from the person I look up the most.

I shook my head hoping that if I did, mawawala sa isip ko ang mga sinabing iyon ni Kuya. Hayaan na lang baka stressed sa school.

Sunod akong pumunta sa kung saan nakaparada ang sasakyan ni daddy. Sakto ring nandoon na siya sa tapat ng kotse at may kausap sa telepono. Sumenyas siya na mauna na akong pumasok kaya binuksan ko ang pinto sa may passenger seat. Ilang minuto lang naman akong naghintay.

"Your Tito Samuel called again," panimula ni dad habang ini-start ang kotse.

"Ano raw po ang sabi?" tanong ko. In-exit ko ang chatbox namin ni Kevin saka nagpokus kay dad.

"Gusto nilang ikaw ang pumunta. Mas gusto ka raw kasama ng mga pinsan mo."

I gave a knowing smile. Hindi nga talaga bagay si daddy sa magulong mundo ng mga Gatcheco. He's naive. No offense meant, dad.

Dad, Tito Samuel wanted me to go not because my cousin wanted to play with me. They just think that I am like you, unambitious and easy to manipulate. Unlike Kuya Val whom they feel threatened.

"Gusto ko sanang si Val ang papuntahin para kahit papaano ay may ka-close siyang kaedaran niya. Halos wala nga tayong kilalang kaibigan niya."

Kuya's welfare again. Wala ba akong maiiwang kaibigan dito?

"Gawin mo dad, para maranasan mo ring paluhurin ni mommy sa munggo," natatawang biro ko na ikinatawa rin ni dad.

The drive to the mall took only fifteen minutes of our time. Hindi ko pa nga pala natatanong kung bakit kami nasa mall. Hindi naman kami maggo-grocery kasi si mommy at Irish ang gumagawa nu'n.

"Saan tayo, dad?"

"I want to buy a birthday gift for Val."

Speaking of birthdays. Magkasabay ang birthday namin ni Kuya Val. Mom's expected due was supposed to be in the second week of April but I don't know what happened. I was born while my brother was celebrating his second birthday. It's uncommon but not impossible and the two of us just so happened to be born on March 28.

"Sa tingin mo, anong gusto niyang regalo?"

My eyes darted on the big red sign indicating National Book Store. Kinalabit ko si dad saka tinuro ang entrance.

"Nandyan lahat ng gusto ni Kuya."

"Baka ma-pressure na ang Kuya mo sa kakaaral."

"Dad, wala namang ibang gustong parte ng mall si Kuya kung hindi ang NBS."

Hindi ko na hinintay na makapagsalita si daddy. Nauna na akong pumunta sa NBS.

Bumungad agad sa akin ang mga sale na libro pagpasok ko sa loob. Nilagpasan ko iyon dahil halos puro romance at walang hilig si Kuya sa ganyang klase ng libro. Next week pa ako bibili ng regalo para kay Kuya Val at set ng ballpen at sticky notes ang ibibigay ko sana kaso kailangan din ni dad ng ireregalo.

"Dad, ayan! Bilhin mo lahat ng klase ng ballpen na makikita mo diyan!" Tinuro ko ang section ng ballpen sa NBS kung saan naka-safekeep ang mga mamahaling ballpen. Hindi kaya ng ipon ko na regaluhan si kuya ng ganoong karaming ballpen kaya si daddy na lang.

He motioned for the keeper to do as what I've said. Ilang saglit pa ay naging focus na si dad sa pag-inspect ng mga ballpen.

"Dad, anong regalo mo sa akin?"

Baka nabilhan na niya ako kasi lagi ko namang sinasabi sa kanila ang mga gusto ko tapos sinama lang ako ngayon kasi nga wala silang ideya sa gustong regalo ni Kuya.

"You can choose the next store we'll visit. Buy anything you want."

Ahhh. Sino nga naman pala ako para pag-isipan ng ireregalo. I should just be grateful.

'Yung thought lang naman na pinag-effort-an nila ang ireregalo sa'kin ang gusto ko.

▰▰▰▰ღ▰▰▰▰

Continue Reading

You'll Also Like

853K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...