MILAN’S POINT OF VIEW:
“Nakita mo na ang ginawa mo?” ang paninisi ni Riyo sa akin dahil sa biglang pag-alis ni Alastair.
“Anong ako? Eh di ba ikaw ang umepal? Kung Hindi mo ko pinigilan na isama siya eh di sana okay ang lahat masiyado ka kasing epal.” ang sabi ko naman.
“Anong sabi naghahamaon ka ba talaga ng away?” ang sabi ni Riyo at nagtitigan kami na parehong magkasalubong ang kilay namin.
“Hanggang ngayon ba naman hindi pa din kayo maglulubay na dalawa?” ang sabi ni Jessie.
“Oo nga alam niyo kung gusto niyo makasama si Alastair bakit hindi na lang kayo magpaligsahan.” ang sabi ni Miko.
“Ano?” ang sabay naming sabi ni Riyo.
“Bakit hindi na lang kayo magpaligsahan, tutal pareho niyo naman gustong makasama si Alastair hindi ba?” ang sabi naman ni Raff.
“Tama! Isang magandang idea yan, kung sino ang mananalo sa paligsahan ay siyang makakasama ni Alastair ng buong isang araw.” ang sabi naman ni Jessie.
“Nakaka-excite naman, kami ng bahala ni Matty sa mga paglalabanan niyo.” ang sabi ni Matt na nag-apir pa.
“Ano kakasa ba kayo?” ang tanong ni Jessie sa amin sabay paypay ng abaniko na kinuha niya sa table.
“Oo kakasa ako!” ang sabi ni Riyo at tumingin ito sa akin.
“Eh ikaw Milan kakasa ka ba?” ang tanong ni Jessie sa akin.
“Oo naman siyempre kakasa ako, sisiguraduhin kong ilalampaso kita.” ang sabi ko at tumingin din ako kay Riyo.
“Wow grabe ngayon pa lang ang iinit na nila, talaga namang nakakaexcite ang paligsahang ito.” ang sabi nila Matt at Matty ng sabay.
“Ho-ho hindi na ako makapaghintay kung sino sa inyo ang makakasama ni Alastair sa buong araw.” ang sabi ni Jessie.
“Sisiguraduhin ko na ako ang mananalo.” ang sabi ni Riyo.
“Tignan na lang natin kung magagawa mong manalo sa akin.” ang sabi ni Milan.
“Sige mabuti ay simulan na natin ang pag-aayos ng event na ito!” ang excited na sabi ni Jessie at hinila niya kaming dalawa palabas ng student council room.
Mabilis kaming tinangay ni Jessie papunta sa labas ng building kung nasaan ang student council, hinila niya kami hanggang sa malapit na park sa building. Nang makarating doon ay pinaupo niya kaming dalawa sa isang bench na nasa ilalim ng isang puno sa tapat ng fountain.
“Teka bakit mo ba kami dinala dito?” ang tanong ko sa kanila.
“Dinala ko kayo dito para sa orientation.” ang sabi ni Jessie na super ngiti with the power of self confidence.
“Anong orientation?” ang tanong ni Riyo.
“Hay naku, orientation, kailangan niyo malaman ang dos and don’ts, lalo na pagkasama niyo si Alastair.” ang sabi ni Jessie.
“Teka, kailangan ba talaga to?” ang tanong ko.
“Oo naman no, kailangan to, hindi naman basta basta si Alastair, at tiyaka hindi ba kayo naman ang may gusto na makasama siya ng isang buong araw? At sigurado ako kahit na ikaw Riyo na best friend niya ay may mga hindi alam na alam ko.” ang sabi ni Jessie.
“Ano ba yan nakakahiya naman, best friend niya madaming hindi alam.” ang sabi ko para asarin si Riyo.
“Tumigil ka nga diyan. Natural lang yon kung si Alastair ang usapan, masikretong tao si Alastair hindi mo naman katulad si Alastair na bopols.” ang sabi ni Riyo sa akin.
“Teka sinong bopols! Baka gusto mong makatikim ng isang sapak sa mukha.” ang sabi ko at hinawakan namin ang pisngi ng bawat isa at sinimulan itong banat banatin.
“Kayong dalawa, pwede bang maglubay kayo!” ang sabi ni Jessie sabay hampas sa ulo namin ng abaniko at napatigil kami dahil masakit ang pagkakahampas niya sa amin.
Nang maglubay kami sa ginawa naming pagtatalo ay nag-umpisa na sa pagpapaliwanag niya si Jessie, habang kami naman ay nakikinig sa kanya. Ewan ko ba bakit ko kailangan malaman yon pero may kung ano sa isip ko na nagsasabing dapat kong tandaan ang mga sinasabi ng sirenang to. Bawat salita na sinasabi ni Jessie na patungkol kay Alastair ay tumatatak sa isip ko, akin itong tinatandaang mabuti.
Ilang sandali pa ay dumating na sila Miko, Raff, Matt, at Matty at sakto namang pagdating nila ay tapos na din sa orientation niya sa amin si Jessie. Napansin namin na may dalang isang fishbowl si Matt na may lamang nakabilot na mga papel na may iba’t ibang kulay.
“Grabe mukhang napakaimportanteng event nito ah.” ang sabi ko.
“Siyempre naman si Alastair ang paglalabanan niyo dito, kaya dapat maging espesyal din ang paraan kung paano natin malalaman ang paglalabanan niyo.” ang sabi ni Matty.
“At ganito ang magiging patakaran ng magiging paligsahan niyo.” ang sabi naman ni Matt.
“Magkakaroon tayo ng tatlong rounds na paglalabanan niyo, ang bawat challenge sa bawat round na paglalabanan niyo ay malalaman natin sa pamamagitan ng palabunutan.” ang panimulang pagpapaliwanag ni Miko.
“Si Jessie ang bubunot ng paglalabanan niyo para sa unang round, kung sino naman ang manalo sa unang round ay siya namang bubunot para sa ikalawang round para sa magiging susunod na paglalabanan niyo, at ganon din ang proseso para sa susunod, kung sino ang unang makapanalo ng dalawang rounds ay ang siyang magiging kasama ni Alastair sa buong araw.” ang sabi ni Raff.
“Sandali lang, hindi ba dapat nandito si Alastair? Paano kung tumanggi siya.” ang tanong ko.
“Huwag kang mag-alala madali lang kausap si Alastair, kami ng bahala don.” ang sabi ni Jessie na todo ngiti, minsan tuloy iniisip ko na kawawa sa kanya si Alastair pag ganitong bagay.
“Ngayong malinaw na ang lahat simulan na natin ang Battle for Alastair!” ang sabay na sabi ng kambal with matching hawak kamay pa.
“Okay, bubunot na ako para sa una niyong paglalabanan.” ang sabi ni Jessie at sinimulan na nga niya ang pagbunot ng papel sa fishbowl.
Pinaikot-ikot pa ni Jessie ang kamay niya sa loob ng fishbowl na animo’y hinahalong mabuti ang mga makukulay na papel. Lahat ay nag-aabang sa unang magiging paglalabanan namin Riyo. Huminto sa pag-ikot ang kamay niya at inalis ito sa fishbowl, sa pag-angat ng kamay ni Jessie ay isang dilaw na papel ang hawak niya at sinimulan niya itong basahin.
“Maging isang kidlat, maging kasing bilis ni Flash, dahil sa round na ito pabilisan sa pagtakbo ang inyong magiging labanan.” ang sabi ni Jessie, grabe lakas maka-reality show ng ginagawa naming ito.
“Kung gano karera sa pagtakbo ang inyong unang challenge. Tara na sa field!” ang sabi ni Jessie na excited na excited na, walang kaso sa akin ang karerang ito dahil tiwala naman ako na kayang kaya ko tong ipanalo.
Agad naming tinungo ang running field ng school, pero bago magsimula ay pinagpalit muna kami nila Jessie ng angkop na uniform para sa round na yon. Nang matapos na kaming magpalit ay pumwesto na kami ni Riyo sa starting line.
“Ako ang mananalo sa round na to.” ang sabi ko na tiwala sa sarili.
“Ipapakita ko sayo na ako ang mananalo.” ang tugon naman ni Riyo at tumingin na kami pareho sa track.
“Okay, magsisimula lang kayo sa pagtakbo sa oras na madinig niyo ang ‘GO!’, intiendez?” ang sabi ni Jessie at tumango kami.
“One!” ang sigaw ni Miko.
“Two!” ang sigaw ni Raff.
“Three!” ang sigaw ni Jessie.
“GO!” ang sabay na sigaw nila Matt at Matty at sabay kaming nagsimula ni Riyo sa pagtakbo noong madinig namin iyon.
Halos hindi kami magkalayo ni Riyo, sabay na sabay ang pagtakbo namin, kung makaungos man ang isa sa amin ay agad ding nakakapantay ang isa. Para kaming mga sasakyan sa isang race track na pilit ginagawa ang lahat para sa panalo. Walang gustong magpatalo sa amin, pareho kaming determinado na manalo, hanggang sa biglang mas bumilis ang pagtakbo ni Riyo kaya naman sinubukan ko din na mas bilisan pa para mahabol siya. Ilang sandali na lang ay malapit na kami sa finish line kaya pinilit ko na mas bilisan pa at sa huling mga sandali ay ako ang unang nakarating sa finish line, ako ang nanalo sa unang round.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko naiwasang hindi mangiti noong nanalo ako sa round na iyon, tumagaktak ang pawis namin ni Riyo, pero halata ang pagkadismaya niya dahil sa pagkakatalo sa round na iyon.
“Okay dahil ikaw Milan ang nanalo ikaw ang magkakaroon ng pagkakataon na bumunot sa susunod na paglalabanan niyo para susunod na round.” ang sabi ni Jessie.
Lumapit sa akin ang kambal na sila Matt at Matty dala ang fishbowl na naglalaman ng mga papel. Agad akong bumunot pagkalapit nila sa akin, isang pulang papel ang nabunot ko na iniabot ko kay Jessie upang siya ang magbasa.
“Patalbugin, tumakbo, gamitin ang utak sa paglalaro, sirain ang depensa palakasin ang opensa, sirain ang opensa at palakasin ang depensa, takbo, talbog, talon, siguraduhing ang bola ay papasok sa ring para maka-score. Sa round na ito ay basketball ang magiging tunggalian niyo.” ang sabi ni Jessie habang binabasa ang nakasulat sa pulang papel na nabunot ko.
“Mukhang sa akin na ang round na ito.” ang sabi ni Riyo.
“Huwag kang papakasiguro baka matalo ka na naman, hindi porke’t MVP ka ng school ay siguradong mananalo ka na.” ang sabi ko sa kanya.
Bago mag-umpisa ang sumunod na round ay nagkaroon kami ng 30 minutes na water break at pahinga na din upang mabawi namin ang nawalang lakas sa pagtakbo. Pipilitin kong manalo sa paligsahang ito, kailangan na ako ang manalo.