***
Before reading this chapter,please download the song "Glorious"by:Adam Friedman
*****
Chapter 59:One Step Closer to Death
Ella's POV
"Ms.Ella, ready na daw po ang breakfast ninyo"-Sabi nung kasambahay sakin
I am still on my bed
Hindi man lang ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang kaba.
"Sige,ihahanda ko lang ang sarili ko"-Sabi ko nalang sa kasambahay
Pagkaalis nung kasambahay ay bumangon na agad ako sa kama at agad na naligo
This may be my last bath here in Cora Mansion,aalis na kami mamayang 5 am to go to Magnus,nandoon daw Kasi ang barko na sasakyan ng lahat ng mga kalahok sa Death League
Pagkatapos kong maligo ay agad Kong isinuot ang damit na ibinigay samin kahapon,eto daw ang susuotin namin papunta ng Amory
This is just a blue version of the black outfit that I wore before
Blue,the color of Cora
Huminga muna ako ng malalim bago ito tuluyang suotin
Cora is on our hands now...
Alam kong gagawin ng tatay ko ang lahat upang sa huli ay hindi mabura ang Cora
Ganun din naman kami eh,gagawin namin ang lahat
3 am na nung matapos ako sa pag-aayos ng sarili at makapunta ako sa dining area
Pagkarating ko doon ay sumalubong agad sakin ang lamesa na punong-puno ng maraming pagkain
At nasa hapagkainan din sina Mr.President,Ms.Rose,Ms.Elizabeth,Ms.Ember,Sir Thorn,Si Lolo Tino at si Michael
Nandito nadin si Nieves,Naomi,Light,at Arrow
Tumabi nalang ako kay Nieves kaya kaharap ko ngayon si Sir Thorn at si Michael na nakaupo sa lap niya
"Hi mommy"-nakangiting Sabi sakin ni Michael
Natawa naman sina Mr.President dahil sa sinabi ni Michael
"So mommy pala tawag niya sayo"-matawa-tawang sabi naman ni Ms.Rose
Si Prime nalang pala ang kulang
He must be really pressured
Ilang sandali pa ay dumating na si Prime at umupo sa nag-iisang bakanteng upuan
"Ikaw na naman ang huli Prime, consistent ah"-pang-iinis ni Arrow kay Prime
Sinamaan lang ng tingin ni Prime si Arrow na ikinangiti ko
"Hoy Ella!Anong nginingiti-ngiti mo diyan"-panunukso ni Nieves sakin
"Bawal na bang ngumiti ngayon?"-Sabi ko agad
"Di naman,wag ka lang sigurong tumitig kay Prime habang nakangiti.Para ka kasing inlab na ewan"-matawa-tawang gatong naman ni Naomi
Pinagkaisahan talaga nila ako ah
Napatingin naman ako kay Prime na patingin-tingin sakin,he must be feeling awkward
"Hoy Naomi,makapagsabi naman to parang hindi ganyan tumingin kay Light"-Sabi ko na ikinapula ng mukha ni Naomi
"Oo nga no,sino nga ba dito yung nagtago na sila na pala, kahapon lang natin nalaman"-gatong naman ni Arrow
Gago Kasi tong si Light at si Naomi eh,kung hindi namin naabutang nagyayakapan eh hindi namin malalaman na sila na pala
"For Privacy Kasi Yun"-defend naman ni Light
"Sus,parang di kaibigan eh,sabihin niyo nalang Kasi na nahihiya kayong sabihin,papromise-promise ka pa Kasi nung bata pa tayo na gusto mong maging single forever"-pambubulgar ni Arrow
"Nieves,wag mong sagutin to ah,hayaan mo siyang manligaw sayo habang buhay,wag mo talagang sasagutin"-sabi ni Naomi Kay Nieves
Yes,nililigawan na ni Arrow si Nieves,two days palang naman pero at least di na torpe si Arrow
"Wala namang ganyanan"-sabi agad ni Arrow
Hindi ko maiwasang mapatingin kay Prime lalo na at nakangiti siya ngayon
I missed his smile
"Hoy kayong dalawa"-sabi na naman ni Arrow sabay turo saming dalawa ni Prime
"O ano?"-Tanong ni Prime with matching death glare pa
Hindi naman nakapagsalita si Arrow dahil sa masamang tingin ni Prime, nagulat nalang kami nung biglang tumawa si Light
Di na kasi takot tong si Light kay Prime kaya siya yung nagpatuloy sa pang-iinis ni Arrow
"Kailan daw comeback niyo"-matawa-tawang sabi niya
"Gago!"-Sabi ko agad sa kanya na mas lalong ikinatawa niya
"Ako dapat ang mang-iinis kay Prime eh"-parang-batang Sabi ni Arrow kay Light
"Takot ka kasi"-sabi ni Light
"Para namang ang tapang-tapang mo,sino ba yung lumayo kay Prime kahapon dahil natakot siya sa apoy ni Prime"-pang-iinis naman ni Naomi kay Light
Napatingin naman agad si Light kay Naomi at agad na nagsalita
"Girlfriend ba talaga Kita?"
Natawa naman kaming lahat dahil dun
"Wag Kang mag-alala Light,Mahal ka niyan.Sinalo ba naman ang espadang itinira mo kay Sir Thorn.Akala niya daw kasi itinapon mo yun sa kanya"-matawa-tawang pang-iinis ko kay Naomi
"Kay Sir Thorn niya ba yun tinira?Di naman ah"-defend ni Naomi
"Kay Sir Thorn itinira ni Light yun.Nasa tapat kaya kami ni Sir Thorn sa training kahapon"-panggagatong ni Nieves
Napatigil naman kami sa pag-iinisan nung magsalita si Michael
"Kain na tayo,gutom na ako eh"
Saka lang din namin narealize na nakatingin na pala sina Mr.President namin pati na ang mga trainers namin
They are f*cking smiling!
Nakita ko din na patulo-tulo ang luha ni Ms.Rose habang tinitignan kami
"Are you crying?"-Tanong agad ni Prime kay Ms.Rose
Pinunasan naman agad ni Ms.Rose ang mga luha niya saka nagsalita
"Let's eat"
Tumango nalang kami sa kanya bilang sagot at nagsimula na agad kaming kumain
Habang kumakain kami ay hindi ko talaga maiwasang kabahan
Who knows if this might be my last breakfast here in Cora Mansion
Ayokong mag-isip ng masama pero hindi ko talaga maiwasan eh
Kinakabahan ako para sa grupo
Kinakabahan ako para sa Cora
Pagkatapos naming kumain ay sinabihan agad kami nina Mr.President na kunin na ang mga sandata namin na nasa kwarto namin dahil aalis na kami maya-maya
Bumalik naman agad ako sa kwarto ko at kinuha ang espada ko
Pagkalabas ko ng kwarto ko ay sina Nieves at Naomi agad ang sumalubong sakin
Naglakad naman agad kami papunta sa garden na hindi talaga kami nag-uusap
Because we all know that each and everyone of us needs silence
Pagkarating namin sa garden ay nandun nadin ang boys at nakaupo sa damuhan habang nag-uusap
"They're here"-Sabi ni Arrow nung mapansin niya na dumating na kami
Umupo nalang din kami nina Nieves sa damuhan
Ilang minuto kaming tahimik lang bago nagsalita si Prime
"So,maya-maya lang ay aalis na tayo papuntang Death League.We are at the tip of the knife now"
Napahinga nalang kami ng malalim dahil sa sinabi niya
F*ck it.My heart is f*cking beating so fast, kinakabahan na'ko
"Kagaya ng sinabi satin ng mga trainers natin kahapon,sasakay tayo ng isang barko papuntang Amory.Sa barko na natin huling makakausap ang mga trainers natin bago ang laro dahil sa oras makarating tayo sa Amory,ihihiwalay na tayo sa kanila"-pagpapatuloy ni Prime
Ngumiti naman si Arrow samin at pinalakas ang loob ng grupo
"We can do this guys.Ibuhos na natin dito ang lahat ng kaya nating gawin.Lets do this for Cora.Dapat walang mamamatay satin ah"-Sabi niya na ikinangiti namin
"Just remember our training.Just remember the problems we all shared and how we managed to overcome it.Just remember each other.We will survive together.We can win together."-Sabi naman ni Prime
"For change"-Sabi ni Naomi sabay lagay ng kamay niya sa gitna
Isa-isa naman naming ipinatong ang mga kamay namin at sabay-sabay na nagsabi
"For change"
Pagkatapos nun ay nagyakapan lang kaming lahat ng ilang minuto
Then we decided to go to the gate kasi alam naming hinihintay na kami nina Mr.President
Pagkarating namin dun ay halos tumulo agad ang luha ko nung makita ko ang lahat ng mga kasambahay na nakalinya at nakayuko na parang tinuturing kaming mga hari at reyna
"Nagagalak po kami na napagsilbihan namin kayo.Hanggang sa susunod Po nating pagkikita"-sabay-sabay nilang sambit
Pagkatapos ng ilang minuto ay naglakad na agad kami papunta nang bayan kasama sina Mr.President,Ms.Rose at ang mga trainers namin
Nandun daw kasi Yung sasakyan namin papuntang Magnus kung saan nakadaong ang barko
Pagkarating namin sa bayan ay napakadaming mamayan ang nag-aabang samin
Lumapit naman agad samin yung leader nang gang at ang mga kasama niya
"We can't go with you but we will always support you from here.Alam kong gagawin niyo ang lahat para sa Cora.No matter what happens,Cora will always be proud of you"-Sabi niya samin na ikinangiti naming lahat
"Good luck"-Sabi naman nung ibang miyembro ng gang
"Let's go"-Sabi ni Sir Thorn samin
Ngumiti nalang ulit kami sa kanila sa huling pagkakataon bago kami naglakad papunta sa sasakyan
Pagkarating namin sa harap ng sasakyan ay tumingin ulit kami sa mga mamamayan,the people we want to save
It is now time to say our goodbye
"We will do everything to save Cora.I, Prime Willford say this and assure this as the leader of this group.We will make you proud"-Sabi ni Prime sa mga mamamayan
Pagkatapos niyang sabihin Yun ay sabay-sabay kaming nagbow.
"We will watch you succeed!"-sabay-sabay naman na sigaw ng mga mamamayan na ikinangiti namin
"They will watch the game using those screens.Ipapakita nun ang bawat kaganapan na nangyayari sa loob ng laro"-mahinang sabi ni Mr.President samin
Ngayon ko lang napansin na may mga malalaking screens pala na nakapalibot sa bayan
Pagkatapos sabihin ni Mr.President Yun ay pumasok na agad kami sa loob ng sasakyan.
The fist step I took inside that car made me realize that I am now stepping out of Cora
And I know that a step out of Cora is a step closer to that f*cking game
Pero ipinapangako ko na babalik lang ako sa Cora kapag either nanalo kami sa laro o kung patay na ako
This is Ella,the Earth and Water element user
Part of the team that Cora chose to fight in The Death League
And I am now...
One....
Step....
Closer.....
To....
Death.....
(Please play the song)
(Appreciate every lyrics because it tells how the team feels now that they are one step closer to Death)
****