When a Gay Fell in Love with...

By JoeyJMakathangIsip

1.6M 44.1K 9K

He has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs... More

Prologue - i
Introduksyon - ii
Kabanata 1.0: Heaven?
Kabanata 2.0: The Shelf
Kabanata 3.0: 1000th Guy
Kabanata 4.0: Laway
Kabanata 5.0: The Five Fingers
Kabanata 6.0: Sorry
Kabanata 7.0: Classmates
Kabanata 8.0: Weird
Kabanata 9.0: Desperate
Kabanata 10.0: Akbay
Kabanata 11.0: Fake Kiss
Kabanata 12.0: Amoy Alak
Kabanata 12.5: Bakit Ganoon?
Kabanata 13.0: Stop the bus!
Kabanata 14.0: Anong Ginawa Ko?
Kabanata 15.0: Huwag Ka Munang Umalis
Kabanata 16.0: Happy Birthday.
Kabanata 17.0: Girlfriend?
Kabanata 17.5: Girl<Space>Friend
Kabanata 18.0: Ruin The Party
Kabanata 18.5: Piccolo
Kabanata 19.0: Ang Matres
Kabanata 19.5: Kiss
Kabanata 20.0: Ang Matigas Na Bagay
Kabanata 21.0: Kakayanin
Kabanata 22.0: Lakas Tama
Kabanata 22.5: Magpapabuntis Ako
Kabanata 23: The Tutorial (Part 1)
Kabanata 23.5: The Tutorial (Part 2)
Kabanata 24.0: Lalake! Lalake!
Kabanata 25.0: Sino?
Kabanata 25.5: I like You
Kabanata 26: Ang Mainit na Yakap
Kabanata 26.5: Ang Dalawang Tanga
Kabanata 27.0: Nasaan Ka?
Kabanata 27.5: Ang Hindi Narinig na I Love You
Kabanata 28: Let's Go Out
Kabanata 29.0: Panties For You
Kabanata 29.5: Motel
Kabanata 30.0: Ang Misteryosong Lalake
Kabanata 31.0: Cheesy!
Kabanata 31.5: Siya
Kabanata 32.0: Edison
Kabanata 33.0: She's there
Kabanata 34.0: Chansing!
Kabanata 35.0: Paglisan
Kabanata 36.0: Rubics Cube
Kabanata 36.5: You Caught Me
Kabanata 37.0: Heaven?
Kabanata 37.5: Wilson Chavez
Kabanata 38.0: Babalik ako
Kabanata 39.0: Hindi na Kita Kilala
Kabanata 39.5: Ang Masakit na Biro
Kabanata 40.0: Maghihintay Ako
Kabanata 40.5: Maskara
Kabanata 41.0: Nasaan ka na?
Kabanata 41.5: Laro
Kabanata 42.0: Maari ba?
Kabanata 42.5: Mas Masakit
Kabanata 43.0: Heaven Vs. Hell
Kabanata 43.5: Nganga
Kabanata 44.0: Chocolate
Kabanata 44.5: One Bad Move
Kabanata 45.0: Kill My Brother
Kabanata 45.5:The 18th Rose
Kabanata 46.5: Ang Madilim na Panag-inip
Kabanata 47.0: The Plan
Kabanata 47.5: The Letter
Kabanata 48.0: Far Away From Me
Kabanata 48.5: The Date (Part 1)
Kabanata 49.0: The Date (Part 2)
Kabanata 49.2: The Date (Part 3)
Kabanata 49.5: The Seven Minutes Dream
Kabanata 50: Ang Pagwawakas
Epilogue
Mysterious Chapter
Other Works by JoeyJMakathangIsip
Published Books by JoeyJMakathangIsip
#WAGFILWAG PART 2
FIVE FINGERS SERIES
FFS1: WAGFILWAG (When A Gay Fell In Love With A Girl)
FFS2: The Parting (WAGFILWAG Part 2)
FFS3: Chasing the Wind
FFS4: Crucify Me
Hey Girl (WAGFILWAG OST Part 1)
Special Chapter (2024)

Kabanata 46.0: Ang Pagtatagpo

10.9K 314 38
By JoeyJMakathangIsip

FEAR

Maraming nangyari sa gabing iyun. At kadalasan sa mga pangyayaring naganap ay hindi ko lubos maintidihan. Apat na putok, tatlo ang natamaan. Si Niko Satto, Si Heaven at si Papang. Agad silang itinakbo sa pinakamalapit na ospital sa oras na iyun. Umiiyak ako habang dinadala sa ospital ang tatlong tao na malapit sa buhay ko. Napaisip ako bigla sa mga puntong iyun; bakit sa kaarawan ko pa? Bakit?

Si Papang at si Niko, daplis lang ang inabot nila at okay na sila. Habang si Heaven naman ay hindi pa ako sigurado basta't ang alam ko ay may tama siya sa braso niya.

Dalawang araw na rin ang nakakalipas matapos maganap ang trahedyang iyun at kanina lang ay nakalabas na si Papang pati na rin si Niko. Nanatili muna ako sa ospital sa kadahilanang may gusto pa akong malaman. Gusto kong malaman ang kalagayan ni Heaven.

"Nurse?" pagtawag ko sa Nurse na kakalabas lang sa room ni Heaven. "Pwede po ba kayong matanong?" Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa upuan kung saan madalas nakaupo ang mga kamaganak ng pasyente.

"Ano po iyun?" nakangiting sagot ng nurse. Hawak-hawak niya ang isang folder kung saan nakaipit ang isang itim na ballpen.

"Ahh," medyo nag-aalangan kong bulalas, "Kamusta na po iyung pasyente sa loob? Si Heaven Chavez? Okay na po ba siya?"

"Ahh oo, mabilis naka-recover ang pasyente mula sa operation."

Operation. Bigla akong nag-alala nang marinig ko ang salitang iyun.

"Operation?" nagtatakang tanong ko.

"Opo Ma'am. Nag-karoon po kasi tama 'yung pasyente sa braso nito. Hindi naman ganoong kalala. Kailangan lang pong ayusin 'yung mga veins na na-damage nang sagayon ay hindi magkaroon ng impeksyon ang pasyente," nakangiti at malumanay na tugon ng nurse. Agad naman akong nagpasalamat at agad na rin siyang umalis.

Lumapit ako sa may pinto ng room ni Heaven, bahagya itong nakabukas kaya naengganyo akong sumilip.

Nakita ko siya. Bigla akong nasaktan.

Nasasaktan ako kasi sa kabila ng mga pinagsasabi ko sa kanya ay nagawa pa rin n'yang sagipin ang buhay ko. Nagui-guilty ako.

Pumasok ako sa room niya. Unang bumungad sa paningin ko ang isang Heaven Chavez na nakahiga sa patient bed, may benda ang braso at parang anghel na natutulog.

Umupo ako sa upuan na nasa tabi lang ng hinihigaan n'ya, napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan siya. "Thank you, Heaven, thank you sa pagsagip mo sa buhay ko." 'Di ko namalayan ay napaiyak na pala ako, hinawakan ko ang kamay n'ya at mas lalo pang bumuhos ang luha ko. Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko.

"Ilang beses kitang pinagsalitaan ng masasakit na bagay pero, nandiyan ka pa rin sa tabi ko," Naipikit ko ang mga mata ko at agad na nagpunas ng luha, muli akong humarap sa natutulog na si Heaven, "Mahal din kita," sabi ko sabay halik sa noo n'ya.

Umalis na ako sa kwarto n'ya at tahasang naglakad palabas ng ospital. Blanko pa rin ang isip ko at tila naglalakad lang na parang wala sa sarili. Tila may kung ano kasing bumabagabag sa kalooblooban ko. Mga bagay na gusto kong liwanagin.

Kagabi, habang binabantayan ko si Papang, sumagi bigla sa isip ko kung bakit nagkaroon ng putukan sa gabing iyun. Tatlo ang natamaan pero sino... sino ang target? Maari kayang ako?

Napahinto ako sa paglalakad nang maisip ko ulit ang ideyang iyun. Bigla akong kinilabutan. Bigla akong kinabahan.

Kung maaring ako nga ang target ay ano naman ang kasalanan ko? Ni minsan ay wala akong inagrabyadong tao. Wala ni isa.

Napahinto akong muli sa paglalakad nang biglang sumagi sa isip ko si Hell.

Matapos ang putukan sa gabing iyun ay nagkaroon ng imbestigasyon ang mga pulis. Sa may eskinita, 'di kalayuan sa Salon ng Papang, dalawang baril ang natagpuan. Dalawang baril at isang ITIM NA RUBICS CUBE.

Rubics Cube.

Nang makita ko ang bagay na iyun ay isang tao agad ang sumagi sa isip ko.

Si Hell.

Sa pagkakatanda ko ay may ganoong laruan din si Hell. Palagi niyang dala-dala ang rubics cube na iyun. Minsan, nakasabit ito sa pantalon niya at minsan naman ay parati n'ya itong hawak-hawak para makapag-isip ng maayos.

Palaging dala-dala ni Hell ang rubics cube na iyun.

Palaging dala-dala ni Hell ang rubics cube na iyun. Palagi n'yang...

Maari kayang si Hell ang...

"Hindi," pagtaliwas ko sa sariling iniisip. Hindi magagawa ni Hell iyun. Hindi.

Dahil hindi ko nakumbinsi ang sarili ko ay agad akong napatakbo palabas. Pumara ng taxi, sumakay at huminto sa isang bar--ang bar kung saan nagtatrabaho si Hell bilang bar tender. Ang Detergent Bar.

Maaga pa kaya hindi pa ito nagbubukas. Nanatili ako sa may gilid hanggang sa may dumating na isang lalaki na mukhang owner nung bar. Mukhang nasa 20's pa ang edad nito at medyo may kaputian din. Hula kong may-ari ito ng bar dahil sa napaka-pormal nitong suot at may kung anu-ano rin siyang papeles na dala.

Akma na sana siyang papasok sa bar nang tinawag ko siya, "Excuse me po?"

Tinignan n'ya ako, mukhang nakuha ko ang atensyon n'ya kaya agad akong lumapit kay kuya, "Uhm, magtatanong lang sana," tugon ko.

Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa, tila kinikilatis ako, kumunot naman ang noo ko, "Naku miss, maganda kaso mukhang under age ka pa e. Tsaka ka na lang mag-apply 'pag nasa saktong edad ka na."

"Ay teka! Hindi po iyun ang pakay ko. May itatanong lang po ako. Tungkol sa bartender ninyong si Hell. Hell Fortunado."

Biglang natahimik ang kausap kong lalake.

Napatingin siya sa paligid, tila may sinisigurado na walang makakarinig sa sasabihin niya. Kinabahan ako bigla sa ginawa niya. At noon ngang na-secure niya na ang buong lugar ay kinausap niya na akong muli.

"Sino ka? Kaanu-ano mo si Hell?" medyo pabulong niyang tugon habang nakahawak pulso ko. Mas kinabahan ako lalo.

"Ako po si Fear De Guzman. Girlfriend ako ni Hell."

"Paano ako makakasiguradong girlfriend ka niya?" aniya na puno ng espekulasyon.

Kinuha ko ang phone ko at ipinakita sa kanya ng mga text messages namin ni Hell. Nang makita niya ang mga iyun ay agad niyang binuksan ang pinto ng bar at inanyaya na akong pumasok sa loob.

"Pasok ka."

* * *

"Underground society?" naibulalas ko bigla sa ere. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nabigla ako. Si Hell? Mali ba ang pagkakakilala ko sa kanya?

"Oo, baguhan si Fortunado dito at kagaya ng nasabi ko ay karaniwan naming isinasailalim sa pribadong imbestigasyon ang mga baguhan at kahina-hinalang impleyado. 'Yun nga, napagalaman naming kabilang si Hell sa organisasyong iyun na para na ring brotherhood." Kumunot ang noo ng kausap ko, inayos n'ya ang pag-kakaupo n'ya at muling nagsalita, "Maging ako ay nanghinayang din kay Fortunado. Masipag siya at mabait kaya hindi ko akalaing kabilang pala siya sa ganoong grupo."

Napapikit ako ng mga mata, gusto kong maiyak pero pinipigalan ko lang. Si Hell, isang miyembro ng isang underground society? Isang grupo ng mga kriminal? Ng mga mamatay tao? Hindi! Hindi 'to totoo.

Binuksan ko ang mga mata ko at muling binuo ang sarili, "Pumasok po ba si Hell dalawang araw na ang nakakalipas??" naitanong ko.

Napatingin ang kausap ko sa digital na kalendaryong nakasabit sa pader ng bar, sandaling siyang nag-isip, at maya-maya pa ay muli siyang tumingin sa akin, "Hindi ako sigurado pero nung huli kaming nagkita, nagpaalam siya na liliban raw muna siya ng isang araw. Pupunta raw siya sa birthday party ng girlfriend n'ya dahil debut daw nito. Marahil ay ikaw 'yun." Diretsong napatingin sa akin ang owner ng bar, tumango ako ng mapait.

"Maraming salamat po sir. Aalis na po ako." Tatayo na sana ako ngunit napahinto ako bigla nang may dinagdag siyang impormasyon sa akin.

"Kagabi, may nabalitaan akong napunta raw si Fortunado sa presinto ng pulis, may tama ng bala sa balikat. Inimbesitigahan siya. Hindi ko nga lang alam kung tungkol saan pero pakiramdam ko..." huminto siya saglit, tumayo at humarap sa akin, "... tungkol iyun sa krimeng sinasabi mo kanina pa."

Sa sandaling iyun ay biglang nanlambot ang tuhod ko, naitakip ko bigla ang kamay ko sa bibig ko.

* * *

THIRD PERSON

"Nasaan na si De Guzman?" tanong ni Edison sa kanina lang ay kausap ni Fear na nagkunawaring owner ng bar na pinagta-trabahuan ni Hell.

"Umalis na po, boss," mapaklang sagot nito. Tila nakaramdam ng konsensya.

"Nagawa mo ba?" Pinapatungkulan ng Boss ang ipinapagawa sa kanya na kung saan ay pagmumukhain n'yang masama si Hell sa paningin ni De Guzman.

"Opo boss." Hindi na kumibo si Edison at naglakad na papuntang labasan.

"Teka lang boss. Pa'no na si Hell?" tanong nito. Matalik n'yang kaibigan si Hell. Kasama niya ito sa organisasyong binuo ni Edison. Hell once saved his life nang mapaaway ito at hindi nakapanlaban. Nagaalala siya kay Hell kaya n'ya naitanong.

"Hindi ko kailangan ng traydor kaya't hindi ko alam kung saan." Agad nang lumabas si Edison, kakalabas pa lang niya ay tumunog bigla ang telepono n'yang nasa bulsa ng suot n'yang leather jacket, agad niya naman itong sinagot.

"Chief, napatawag ka?" walang emosyon n'yang bati, kausap n'ya sa kabilang linya ang isang pulis na miyembro rin ng binuo n'yang organisasyon.

"Nandito na po ang babae," tugon ng kausap sa kabilang linya.

"Sabihin mo sa kanya ang lahat ng sinabi ko sa'yo," sabi ni Edison at ibinaba na ang tawag. Sa puntong iyun ay tinatapos na ni Edison ang karakter ni Hell sa kwentong hinahabi n'ya. Ang kwento kung saan ay sisimulan na niyang tapusin sa pamamagitan ng unti-unting pagtangay sa mga buhay ng mga taong umagrabyado sa kanya at sa kanyang ina.

Papasok na sana si Edison sa kotse n'ya nang biglang may kung anong dumangil sa isipan n'ya. Nakaramdam ng pagtataka si Edison nang magbaliktanaw siya sa nangyari noong kaarawan ni Fear De Guzman.

Nung magkaagawan sila ni Hell ng baril ay dalawang beses lang namang pumutok ang baril ng tauhan niyang iyun. Ang unang pagputok ay naganap nang maagaw n'ya ang .32 calibre at nabaril n'ya ang tauhang si Hell sa may balikat nito. At ang panghuling pagputok ay naganap noong pareho silang napahiga ni Hell sa lupa at saktong naiputok ni Hell ang panghuling bala sa power generator ng isang poste. Dalawang beses lang itong pumutok at iyun na rin ang dalawa sa panghuling bala.

Nagtataka si Edison.

Kanino nanggaling ang tatlo pang putok ng baril?

Ang tatlong bala kung saan naging biktima ang ama ni Fear, ang kaibigan n'yang si Niko Satto at ang kapatid n'yang si Heaven.

Kanino nanggaling ang iba pang putok?

Iyan ang tanong n'ya sa sarili n'ya.

* * *

FEAR

"Napatunayan na isang serial killer si Hell Fortunado. Marami-rami na rin siyang napatay. Suspek siya sa isang krimeng naganap dalawang araw na ang nakakalipas. Kasalukuyan siyang pinaghahanap ng pulisya." Sa narinig kong iyun mula sa pulis na kausap ko ay biglang nanikip ang dibdib ko. Nahirapan ako biglang huminga dahil sa mga impomasyong nalaman ko.

Bakit Hell? Bakit?

Hindi ko akalaing ganoon ka. Pero panong naging ganu'n? Panong--

Naitakip ko bigla ang kamay ko sa bibig ko, pinipigilan ang ideyang rumaragasa sa isipan ko.

Kung siya nga ang nasa likod nang krimeng nangyari dalawang araw na ang nakakalipas, ano ang dahilan n'ya? At higit sa lahat... sino ang gusto n'yang patayin? At bakit?

Tatawagan ko si Hell. Makikipagkita ako sa kanya.

Kinapa ko ang bulsa ng jeans ko, hinanap ang cellphone ko pero wala na iyun doon. Mabilis akong napalingon sa buong paligid ng presinto, nagbabasakaling mahanap ang cellphone ko. Kinilatis kong magi ang dinaanan ko kanina noong pumasok ako rito pero wala, wala talaga! Hindi puwedeng mawala 'yun sapagkat iyun lang ang katangi-tanging instrumento kung saan puwede akong magkaroon ng koneksyon kay Hell. I still need to call him. Sobrang marami pa akong kailangan itanong sa kanya. Hindi ako puwedeng dumepende lang sa mga naririnig ko sa taong nakakausap ko. The word must come from Hell's lips.

"Miss? May nawawala ba sa'yo?" tanong sa akin ng isang pulis na kakarating lang. Nilapitan niya ako at napatingin din siya kung saan ako tumitingin.

Dahil naaalibadbaran na ako sa kanya ay agad ko ng sinabi sa kanya kung anong nangyayari sa akin, "'Yung cellphone ko po, nawawala," nagaalala kong bulalas. Patuloy pa rin ako sa paghahagilap ng cellphone ko.

"Sigurado ka bang dito mo nawala?" Sa tanong na iyun ng pulis ay bigla akong natauhan. Naglaan ako ng tingin sa kanya at agad ko siyang kinausap.

"Ay, pasensya na ho sa isturbo. Thank you." Agad akong tumakbo papalabas ng presinto. 'Yung cellphone ko! Naiwan ko pala sa ospital. Ang tanga mo Fear. Ang tanga tanga mo!

Agad akong pumara ng taxi at nang makarating nga ako sa ospital ay agad akong pumunta sa kung saan ako umupo kanina bago ako umalisi at mabuti na lang talaga at nandun pa rin 'yung cellphone ko.

Agad ko itong kinuha at nagmadaling dinial si Hell. Buong pasensya ko akong naghintay. Nagri-ring ang phone niya peero hindi n'ya sinagot 'yung tawag ko. Naglakad ako ng kaonti, napahinto ako nang biglang may sumagot na hindi klarong bose sa kabilang linya lang bigla namang naputol 'yung tawag.

"Ugh! Lowbat!!" Naipadyak ko bigla ang kanang paa ko sa flooring ng ospital. Nakakabnas! Nakalimutan ko palang i-charge 'yung cellphone ko.

Maglalakad na sana ako ulit nang bigla akong nakarinig ng dalawang tao na nag-uusap na tila papunta sa direksyon ko.

"Saang ang kwarto ng anak kong si Heaven?"

"Male Ward Room 19 po sir. This side."

Hindi pa ako nakakahakbang ay bigla na akong napahinto nang magtagpo ang landas namin ng Daddy ni Heaven. Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko ulit siya. Una ko siyang nakita noong kaarawan ni Heaven, noong oras na nagpaputok ako ng sinturon ni Hudas para pigilan ang contract signing sa pagitan n'ya at ni Mr. Zunaga. Hindi kagaya ng dati ay daglian ko lang siyang nakita, ngayon ay mas malapit na at mas matagal.

"Sir Sunny--" Naputol ang pagsasalita pa ng kasama niyang naka-business attire nang biglang napadilat ng mga mata si Mr. Sunny Chavez nang makita niya ako. Una, nagtaka ako sa ipinakita n'yang reaksyon ngunit makalipas ang ilang sandali ay bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Nanginig ako bigla. Nabitawan ko ang hawak kong cellphone.

Ang taong ito.

Ang taong nasa harapan ko.

Ang Dad ni Heaven.

Hindi pa ako natatapos sa pagiisip ay bigla akong napatakbo. Hinihingal. Kinakabahan.

Si Sunny Chavez.

Ang taong nahuli ng camera ko na itinutulak ang isang babae sa bintana ng isang museum apat na taon na ang nakakalipas.

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang taong iyun!

* * *

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 33.8K 53
[Fangs Series #2] You knew he was dangerous. You knew he wasn't ordinary. You knew his sharp fangs. He's pushing you but you're a hard-headed bitch w...
116K 5.5K 41
WATTYS 2021 WINNER A young dedicated policeman vows to find the motive behind the death of a ghost who's also the ex-master of the crime group he has...
317K 10.4K 33
Mafia Heirs Series Book 1 Gretel Drinx McNeil.
6M 197K 48
REAGAN SERIES #2 |COMPLETED| They killed me, they shot me 3 times in the head, whipped me several times at my back, punched me until my skull cracked...