WIFE AND MOMMY FOR HIRE

By BeyourownInk

79.1K 2.3K 226

"Marry me and be Edrian's mother." More

.
Chapter 01.-Cuties.
Chapter 02.-Mommy.
Chapter 03.-Marry me.
Chapter 04.-Maica.
Chapter 05.-Anino.
Chapter 06.-Wedding Day.
Chapter 07.-Honeymoon
Chapter 08.-Thank you.
Chapter 09.-Dwayne.
Chapter 10.-Damn.
Chapter 11.-Nathaniel.
Chapter 12.-Familiar.
Chapter 13.-I like you.
Chapter 14.-Past and experiences.
Chapter 15.-Missing the moments.
Chapter 16.-Revealed.
Chapter 17.-Full Revelation.
Chapter 18.-Meet again.
Chapter 19.-Risk.
Chapter 20.-Danger.
Chapter 21.-Dealing with the bad guys.
Chapter 22.-Comfort zone.
Chapter 23.-Officially mine.
Chapter 25.-Fiesta.
Chapter 26.-Overseas.
Chapter 27.-Bitter and Sweet.
Chapter 28.-Flight.
Chapter 29.-A little conflict.
Chapter 30.-A surprise?
Epilouge.
Goodbye.
Special Chapter.

Chapter 24.-Back to normal.

1.9K 62 6
By BeyourownInk

Haylee's Point of View

The mission went successful. Lord T was captured at nang makita namin kung sino siya, he's too old na. He was charged for so many cases kasama ang iba niyang kasama, Kimut and Kimbot are on the orphanage, gusto ko sana silang kunin din pero sila na mismo ang umayaw, ayaw nila e 'di don't.

Two weeks already passed, sina Greg, Ingko at Listo ay nagtatrabaho na sa kumpanya ni Dwayne, janitor ang dalawa habang entrance guard naman si Greg.

At ngayon naman, kasama ko ang dalawang bata kasama si Lily papunta sa office ni Dwayne or should I say na ako lang ang papasok dahil may pupuntahan kami. Busy si Maica at Angelo sa isa't isa, nag-yaya si Angelo ng date kuno dahil parte iyon ng panliligaw niya, mukhang nasusulit pa ng kambal ko ang moment nila samantalang 'di ko sulit ang panliligaw ng asawa ko, tch. Pero okay lang, sulit na sulit naman na ako ngayon, talagang asawa ko na siya, e, sa papel at sa puso.

Stop me, nakangiti na ako bigla sa kotse, tinaasan tuloy ako ni Lily ng kilay sa rear mirror. "Okay ka lang, ate?"

"Oo, may iniisip lang." umiling siya.

"Naku, baka iba na iyan ate, ha." nginitian ko lang siya. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa parking lot ng Chen Corporation. Sa entrance ng parking at ng building ay parehong may mga poster na malaki at naroon ang mga pangunahing alak na ginagawa ng kumpanya.

Nagpaalam lang ako sa kanila at nilakad ang elevator sa parking lot. Bago pumasok sa office ni Dwayne ay nadaanan ko si Neat as always na dadalaw ako dito. Sinabi niyang may appointment pa siya pero sandali na lang daw. Nanatili akong nakatayo lang doon at inantay ang paglabas ng bisita niya.

Limang minuto lang ang itinagal bago pa man lumabas ang tatlong matatandang naka business attire kasama si Dwayne.

"See you there, Misters. Thank you for coming today." nasulyapan niya ako pero sinenyasan ko siyang 'wag muna akong puntahan dahil mukhang nag-uusap pa sila. "I am looking forward with you. I hope we can cooperate well in the future. My secretary will accompany you, take care."

Nagpaalam pa sila bago sila samahan ni Neat paalis. Nakatanaw pa lang ako sa papaalis na mga business men ay agad ko nang naramdaman ang pagpulupot ni Dwayne ng kaniyang braso sa beywang ko.

"Did you waited? I'm sorry for taking so long, you should have told me that you'll come today." isiniksik niya ang mukha sa leeg ko, ezzz nakakakiliti.

"Parang seven minutes pa lang naman ako dito, e. Busy ka pa ba? May mga appointments pa? Or may mga aasikasuhin ka pa ba? Okay lang naman kung mayroon, aalis na lang ako." pinulupot ko din ang kamay ko sa kaniya.

"No, that was the last appointment I have today and everything is running well as always. Why? Do you need something?" iniangat niya ang ulo at hinarap ako pero nakapulupot pa rin ang mga braso niya.

"Pupunta kami sa plaza, you know? Piyesta na kasi, maraming rides. Aayain sana kitang sumama, I'm with the kids." ngumiti siya ng kaunti at kumalas na.

"Okay then, I'll just change my clothes." umayos siya ng tayo sa harap ko.

"Sige," nagtaka ako dahil hindi siya gumagalaw sa pwesto niya. "Bakit? Magpalit ka na do'n, hihintayin kita dito."

Kinuha niya ang pulsuhan ko at pilyong hinila ako papasok ng office niya. "Wait here, have a seat. Your knees will be weaken if you stood there for too long." pinaupo niya ako sa couch bago pumasok sa isang room, ang dating tutoring room ni Nathaniel.

Napalitan na iyon ng isang kwarto, may closet siya doon para kung urgent ay makakapagpalit agad siya at hindi na niya kakailanganing umuwi, minsan ay dito din siya nagpapahinga kapag maraming aasikasuhin. Umuuwi naman siya sa mansion after niyang mag-overnight pero sinabi kong dapat na tapusin niya muna lahat kung kaya niya pa, makakapag hintay naman kami. Minsan ko na ding ipinilit na magtrabaho din bilang shareholder pero hindi niya ako pinayagan, dapat ay sa bahay lang daw ako kasama ng mga bata, ayaw niyang nai-stress ako.

"Let's go," nakasuot na siya ng puting t-shirt at sweatpants. Hindi ko alam na nagdadala pa pala siya dito ng mga ganu'ng damit. Ang simple pero astig at gwapo pa rin tignan, how to be you hubby?  "Quit staring at my body." pinitik niya ako sa noo kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Hinawakan niya ako sa kamay at hinila palabas. Nang mapunta kami sa elevator, puro masinsin na titig ang natanggap niya sa mga empleyado niya. Well, hindi ko sila masisisi, hot siya tignan dahil nakalabas ang naglalakihang braso niya at ang maputi niyang paa. Kahit na mabuhok iyon, ang pogi pa ring tignan. May mga babaeng malagkit ang tingin sa kaniya habang papalabas sila ng elevator kaya pilit kong hinuli ang mga mata nila saka ko sinamaan ng tingin, ayun umiwas.

Pagmamay-ari ko 'to, 'wag niyong pagnasaan, ukitin ko mga eyeballs niyo, e.

Dinig ko ang pagtawa ni Dwayne bago ako tuluyang papasukin sa loob. "Cute," hindi ko siya pinansin, may mga babae pa rin namang nasa loob at palihim siyang ninanakawan ng tingin. I swear ngayon lang siya nagsuot ng ganito dito sa kumpanya. "Hey, your eyes are burning. You okay there, wife?" sinamaan ko pa sila ng tingin kaya sila napaiwas. Dumapo sa mukha ni Dwayne ang mata ko, nagsalubong agad ang mga kilay niya nang samaan ko siya ng tingin habang binabalik tingin ang kabuuan niya.

Mukha namang nakuha niya ang pinupunto ko kaya agad siyang bumuntong-hininga at ipigil ang kamay sa papasarang elevator. "All of you.. get out." nagulat silang lahat at dali-daling lumabas. Mukhang malayo pa ang pupuntahan nila, nakaramdam ako ng lungkot dahil doon, naaawa ako sa kanila pero ako naman ang dahilan niyon. "There," bumaling siya sa akin.

"Kelangan talaga palabasin? 'Di ba pwedeng paiwasin na lang ang mga mata nila?"

"Your eyes are burning like you'll eat them in no time, I'm worried for them and also for you. Tell me if you don't want me to wear shirts like this next time."

Ngumuso ako, bakit ko pa siya pagbabawalan kung komportable naman siya? "Pwede naman, e. Kaso sa maraming tao ka pa nagsuot, komportable ka ba diyan?" ngumiti lang siya at inakbayan ako. "A-Ang hot mo naman kasi, paanong hindi sila titingin sa'yo, tapos ang lalagkit pa, iuntog ko sila sa biceps mo, e."

"I thought you're done with your regy? Then why are you being moody today? You want kiss?" mapanloko siyang ngumisi at ngumuso. "My lips are only yours, you can kiss me if you want to, wife, anytime and anywhere." nag-init ang mukha ko saka itinulak ang mukha niya palayo sa akin.

"T-Tumahimik ka nga! Hindi ibig sabihing moody ako, kailangan ko na ng kiss mo, asa ka, adik ka na ata sa labi ko." umiwas ako ng tingin, kunwaring sinisimangutan siya.

"My wife is stuttering. Yes, I am addicted to your lips. Can I have one kiss from you pretty please?" hinuli niya ang mga mata ko habang nakangisi. Patuloy ko siyang iniiwasan. "Look, you're blushing. Having butterflies there, Haylee?" tinakpan ko ang dalawang pisngi ko at tinignan na siya, masama nga lang.

"T-Tumigil ka nga Dwayne—!" saktong nakababa na kami sa first floor nang hulihin niya ang labi ko, namilog ang mga mata ko dahil naaninag ko ang mga taong nag-aantay sa tapat ng elevator.

Nang kumalas ay nginisihan niya ako bago umayos ng tayo, alam kong alam niyang may mga tao nang nakatingin pero wala siyang pakialam. "Stunned again, pfft."

Nag-iiwasan na ng tingin ang mga tao, may mga nagpipigil pa ng ngiti at kilig. Nag-init ang buong mukha ko sa hiya, kahit ilang beses na niya akong hinalikan sa public, hindi pa rin ako sanay! Mabilis at taranta akong lumabas ng elevator na nakayuko. Nakasunod sa akin si Dwayne na tumatawa ng mahina.

"Ate? Bakit ka namumula? Ayos ka lang?" umiwas ako kay Lily. "Hi kuya Dwayne! Nag-aaway ba kayo ni ate? Bakit siya pulang pula?"

The guy laughed, "She's still embarrassed of what happened earlier."

Pumasok siya sa backseat kasama ko pero sa kabilang banda, pinaupo ko sa lap ko si Nathaniel at nasa gitna namin si Kate. Nag-umpisa nang magmaneho ang driver at habang nasa byahe, nag-umpisa nang mag kwento ang dalawang bata.

"Mommy, tita Lily taught me some filipino words. I love you means mahal kita, right po?" tumango ako sa kaniya. "Mahal ko po kayo ni Daddy!" medyo slang pa ang boses niya. Pinisil ko siya sa ilong.

"Mahal ka rin namin."

"Of course mahal ko din po kayo titas! And uncle too!" turo niya sa driver. "Mahal mo po ba si Daddy, Mommy?" 

Dahil sa tanong niya ay napatingin ako kay Dwayne, nakangisi na siya at kinindatan ako. Nakangiti ding lumingon sa amin si Lily, hinihintay ang isasagot ko. "O-oo naman,"

"You daddy, mahal mo din si mommy right?"

"Of course, son."

"Yey! Tita Lily, you naman po. Do you mahal tito Neat?" lahat kami ay nabaling kay Lily nang siya ang tanungin. Nanlalaki ang mata ko pero mas nanlalaki ang mga mata niya. "Oops, I think I just revealed tita Lily's secret ksksks." hagikhik ni Nathaniel.

"Lily," mapang-asar ko siyang tinignan, sekretarya pala ang nais ng kapatid ko, sekretarya ng asawa ko.

"Ate, w-wala! M-Magkaibigan lang kami ni Neat," angal niya agad. I wonder kung paano sila nagkakilala?

"How did you met him?" tanong ni Dwayne. Napayuko ang dalaga.

"Sa University. Kapatid siya ng isang professor ko, hindi ko naman kasi sinasadyang mabangga at mabasa iyung mga documents na hawak niya, e!" ngumiti ang asawa ko at sumandal.

"Oh, so that's why those documents were wet last week. Did you know that he claimed it as his fault? Silly Neat, he's inlove with my wife's sister." namula si Lily. "And I wonder if my sister-in-law likes him too." kunwaring nag-isip-isip si Dwayne kaya lalong namula si Lily at umayos ng upo.

"Wahh, 'wag niyo akong asarin!"

"He's obedient, responsible and quite handsome, he's kind and patient, hmm, ideal man I guess. You'll look good together, why don't you date? Your ate Haylee will give you some advice." natawa ako ng mahina. Tuluyan nang napatakip ng mukha ang kapatid ko. "And you are not forbidden to have your own love life, just know your limits."

"Ngumisi ako at sinalubong ang mga mata niya sa salamin. "'Wag kang mag-alala Lily, nandito kami ng ate Maica mo para asarin ka kung sakaling maging tanga ka. Nasa lahi natin iyon, 'wag kang mag-alala."

Ngumuso siya kaya napuno ng tawanan ang kotse, nakikitawa na rin ang driver.

"Hindi ko nga siya gusto, siguro ano, c-crush lang." sinubukan niya pang umangal.

"Diyan kami nagsimula ni Dwayne, okay lang 'yan, patuloy mo lang, nandito kami para mag-arrange ng kasal."

---
Astrid Manunulat

Continue Reading

You'll Also Like

185K 4.2K 65
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
114K 1.5K 51
𝐈𝐭𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐝𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐭𝐨 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 , 𝐀𝐚𝐥𝐢𝐲𝐚𝐡 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐰 𝐢𝐧 𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐠𝐫𝐚𝐝𝐞, 𝐰𝐡𝐢𝐥𝐞 𝐬𝐡𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐬𝐡...
145K 2K 27
He's Luke Davis Agreda, 24 years old. A successful young man multibillionaire. A lots of girls are crazy for him. He's handsome, cold, hot and rich...
173K 360 21
just some of my horny thoughts;) men dni