WIFE AND MOMMY FOR HIRE

By BeyourownInk

79K 2.3K 226

"Marry me and be Edrian's mother." More

.
Chapter 01.-Cuties.
Chapter 02.-Mommy.
Chapter 03.-Marry me.
Chapter 04.-Maica.
Chapter 05.-Anino.
Chapter 06.-Wedding Day.
Chapter 07.-Honeymoon
Chapter 08.-Thank you.
Chapter 09.-Dwayne.
Chapter 10.-Damn.
Chapter 11.-Nathaniel.
Chapter 12.-Familiar.
Chapter 13.-I like you.
Chapter 14.-Past and experiences.
Chapter 15.-Missing the moments.
Chapter 16.-Revealed.
Chapter 17.-Full Revelation.
Chapter 18.-Meet again.
Chapter 19.-Risk.
Chapter 21.-Dealing with the bad guys.
Chapter 22.-Comfort zone.
Chapter 23.-Officially mine.
Chapter 24.-Back to normal.
Chapter 25.-Fiesta.
Chapter 26.-Overseas.
Chapter 27.-Bitter and Sweet.
Chapter 28.-Flight.
Chapter 29.-A little conflict.
Chapter 30.-A surprise?
Epilouge.
Goodbye.
Special Chapter.

Chapter 20.-Danger.

1.9K 67 4
By BeyourownInk

Haylee's Point of View


"Mommy, you leaving?" tumigil ako sa pag-aayos ng buhok ko nang tanungin ako ng anak ko.

"May pupuntahan lang ako saglit, Nathan. Hintayin mo si mommy, okay? Pagbalik ko, kakain tayo ng ice cream." pinisil ko ang ilong niya at bumalik sa pag-aayos.

"Can I come?" nginitian ko siya at umiling, "but why?"

"Saglit lang naman ako. Mga twenty minutes, kikitain ko lang si tita Jam sa bahay at kukuha lang ng unting gamit. Hintay mo na lang ako." napanguso siya pero tumango din.

"Mommy, why are you fighting with daddy?" natigilan ako du'n. "You're not talking to each other, you don't even wanna see him. Are you okay po?" napilitan akong ngumiti.

"O-Okay naman kami ni daddy mo, we are not fighting."

Isang linggo na pala, ganu'n na katagal. Hindi ko alam kung kaya ko na siyang makita pagkatapos kong malaman ang totoo. Sa totoo lang, hindi naman ako galit sa kaniya, ang aksidenteng nangyari lang ay patuloy na binabangungot ako.

Imagine, doing that sexual thing with someone you don't know while being unconscious. Tapos iyun din ang umpisa ng pinakamasaklap na parte ng buhay ko.

"Dad was always waiting in front of the door every night when I will go to pee. He's also preparing food for you mommy, always." he innocently said. Napatitig ako sa kaniya habang nakapalumbaba siya sa teddy bear na yakap niya. "Why are you ignoring him, mommy?" lumipat ang inosente niyang mga mata sa akin.

Natuliro kaagad ako. Paano nga ba ako hahanap ng isasagot? Hindi ko naman pwedeng sabihin ang tungkol sa nakaraan dahil hindi dapat.

"H-Hindi ko naman siya iniiwasan. Promise, k-kakausapin ko siya mamaya." iyun na lang ang tanging nasabi ko. Muntik ko nang matampal ang sarili nang ma realize iyun. Tsk, may kailangan pa akong panindigan.

"Okay mommy." nagngitian kaming dalawa bago pa siya bumaba sa kama. "I will play na po with tita-ate." tinanguan ko siya't pinanood na lumabas.

Napabuntong hininga ako pagkatapos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kaya ko na ba? Iniintindi ako ni Dwayne kahit naman may karapatan siyang kamuhian ako. Ang akala ko, mababago na tuluyan ang tingin niya sa akin pero ang mga salita ng anak ko ang nagbura ng akalang iyon.

Napaka-unfair ko naman na ata. Tama, siguro kailangan ko na siyang harapin dahil papaano ko malalaman kung hindi ko susubukan. Mga araw na lagi ko siyang iniiwasan, kahit anino niya ay ayaw kong maabutan, alam ko namang kapag alam niyang nasa labas ako ng kwarto, laging siya ang nag-a-adjust, kahit hindi niya sabihin, siya na mismo ang umiiwas kapag alam niyang nasa labas ako.

Mamaya ko na siya haharapin, nasa bahay si Maica at hinihintay ako. May ibibigay daw siya sa akin. Nakakapagtakang hindi na lang niya ibigay sa akin mismo dito sa mansion.

Binasa ko ulit ang text niya.

[May ibibigay ako sa'yo, sa bahay.]

Pinihit ko unti-unti ang pinto at kumuha ulit ng buntong hininga.. bahala na.

Nag-taxi ako papunta doon, ayoko namang abalahin ang driver ni Dwayne. Tinawagan ko ng paulit-ulit ang number pero hindi iyun sinasagot ni Maica.

Nakarating ako sa tapat ng bahay na napapaligiran ng mga sasakyan, may mga tao ding nasa loob. Nangunot ang noo ko at dahan-dahang pumasok, siguro ay mga kakilala sila ni Maica kaya sila nandito.

Papasok pa lang ay nanlaki na agad ang mata ko dahil malalaking tao ang sumalubong sa akin. Ngumisi ang mga ito nang may humawak sa braso kong dalawang lalaki.

"Boss, nandito na siya." dali-dali akong nagpumiglas. "Mukhang mayaman na boss, suot pa lang, e." mula sa hagdan ay bumaba doon ang isang matangkad na lalaki, malaki din ang katawan niya at may bigote. Ang pangit niya, for real.

"Hindi ko aakalaing may kakambal pala ang babaeng iyun." umismid siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Dinig ko ang pagsara ng pinto.

"S-Sino kayo?!"

"Ow, hindi ka niya kilala boss. Mukhang wala nga talaga silang alam, tsk tsk." wika ng isang payat sa gilid.

"Ako lang naman ang magmamay-ari ng buhay niyo kapag hindi niyo ibinigay sa akin ang bayad ng utang. Alam niyo, hindi pa sana mag-iinit ang ulo ko, e. Kaso antagal naman na ng bayad. Kinse milyon iyon at hindi pa nakakalahati, binigyan ko kayo ng sapat na oras, nakaabot na nga ng sampung taon, e. Pero anong nangyari? Isang milyon pa lang halos ang bayad." loko siyang napangisi. "Hindi pa sakto ang perang galing sa laman loob ng mga magulang niyo, paano kaya kung 'yung laman loob niyo ding apat?"

Namuo agad ang mga luha sa akin dahil sa narinig. Ibinenta nila ang laman-loob nina mama at papa?

"Killjoy kasi iyang kambal mo, e. May patago tago pang nalalaman, pinamukha pang patay na siya, tsk. Walang sinuman ang makakaloko sa isang katulad ko." pinuri niya ang sarili sa harap ko.

Tuluyan nang kumalas sa mata ko ang mga nagbabadya kong luha nang makita ko ang mga tao sa likod.

"T-Tita Annabelle.. tito Francis." napahalakhak ang lalaking nasa harap ko. Umiwas ng tingin sa akin ang mag-asawa. Sila ba? Sila ba ang nagturo sa kanila?

"Oh, nakalimutan ko pa lang ipaalam sa'yo. Sila nga pala ang nagagalak na tumulong sa amin, paano e takot mawalan ng laman-loob, hahaha!"

"T-Tita, tito?"

"Akala namin ay hindi na kami masasama sa putanginang utang ng mga magulang niyo dahil pinalayas ko na si Lily pero 'wag mo kaming kagagalitan dahil dito, kayo ang nangdamay sa amin. Pakiusap lang, Haylee, bayaran niyo na sila. Wala kaming kinalaman dito." tuloy-tuloy na ang luha kong dumaloy sa mukha ko.

So alam na pala nila simula pa lang?

"P-Paano niyo po 'to n-nagawa sa'min?" mapait kong tanong. Nakasalubong ang mga kilay ni tita nang tumingin sa akin.

"Wala kaming kinakaman sa problema niyo. Nakikita mo naman atang nadadamay na kami rito?!"

Umawat sa amin ang malademonyong tawa ng lalaki.

"'Wag kayong mag-alala, kaya naman siguro ng pamangkin niyong bayaran ako, hindi ba?" ngumisi siya sa akin. "Tutal, wala na si Maica na maghahanap ng paraan, bakit hindi na lang ang kambal niya ang gumawa? Dwayne Lee Chen, pangalan pa lang, mayaman na." mas lalong lumawak ang ngisi niya.

Dwayne. Hindi, hindi pwede.

"W-Wag mo siyang idamay, pakiusap." gusto kong lumuhod at magmakaawa, 'wag si Dwayne.

"Aw, nagpapakabayani ang isang 'to boss."

"Bakit? Kaya mo bang bigyan ako ng kinseng milyon sa loob ng tatlong araw?" malokong tingin ang ipinukaw sa akin ng pangit  na lalaki. "Sa tingin ko, hindi naman 'di ba? Kaya bakit hindi mo na lang kunin ang anak niya at ipalabas na kinuha ko? Hmm, ransom. Nakakapanabik."

N-Nathaniel.

"Iyun naman talaga ang plano, e. Kukuha kayo ng ibang tao para magbayad sa sarili niyong utang. Napakamalas niyo naman kasi sa mga magulang niyo, uutang ng pera para sa sugal tapos kapag walang mababayad, lilipat ng lugar. Ang isang Greg ay hindi kailanman maloloko ng sinuman." muntik nang umatras ang luha ko at matawa pero napigilan ko ang sarili ko.

Greg pala, ha. Mukha kang si Shrek manong. Shrek na bisyo ay ang pagtitinda ng laman-loob. Mas maganda pa ata atay ko kesa sa kaniya.

"Simple lang, laman-loob mo o laman-loob ng mga kapatid mo o pera ng asawa mo?" may ipinakita silang board na may mga litrato. Nandu'n ang litrato ni Lily na pumapasok sa University niya, pati ang litrato ni Kate na nakikipaglaro kay Grunge, p-pati ang mansion ay alam na nila kung nasaan. Sunod ang litrato ni Maica na puno ng pasa. At huli ay ang litrato ng mag-ama.. ang mag-ama ko.

"Oh, alam ko na! Hindi na lang kaya ikaw ang gawin kong hostage? Tutal mukha namang mahal na mahal ka ng asawa mo." ipinakita niya ang cellphone ko at naroon ang pangalan ng caller.. My suitor husband. Tumatawag siya. "Mas maganda 'to. Oh siya, paano ba'to? Sabihin na ba natin sa kaniya na nasa kamay kita? Kailangan ko na kasi ng pera, e."

Nagpumiglas ulit ako pero masyadong mahigpit ang mga kamay na nakahawak sa akin.

Sinagot niya iyon at inon ang speaker.


[Haylee? Where are you?] dumaloy muli ang luha ko nang marinig ang tinig niya. Isang linggo kong hindi narinig iyon.

"Oh, hinahanap ka ng asawa mo." ngising demonyo sa akin ng Greg.

[Wait, who the hell are you?! Why do you have my wife's phone?!]

My wife. Bago iyun ah. Nakaramdam ako ng inis dahil pinapakilig ako ni Dwayne ngayong nasa kapahamakan ako! Oo, inaamin kong kinilig ako. Napakagat ako ng labi at napayuko.

"Awts, natakot naman ako kaagad. Hawak ko lang naman ang buhay ng asawa mo. Hindi niya kayang bayaran ang utang mag-isa, e. Baka ikaw, pwede naman siguro, hindi ba pare?" ang laki ng ngisi niya habang kinakausap ang tao sa kabilang linya.

[Who the hell are you? Let go of my wife!]

"Tanga ba you Mr. Chen?" pagko-conyo niya pa. "Ransom 'to, hindi ba halata? Kelangan ko ng 15 million kapalit niya. Pero alam ko namang mayaman ka kaya dagdagan ko na, 20 million kapalit ng minamahal mong asawa."

Napataas ang kilay ko sa paraan ng pagsasalita niya, hindi ba niya alam manakot?

[Fuck you, I have the money. Let my wife go!]

"Paano naman tayo makakasiguro diyan? Sige, ah. Balitaan na lang kita, bilisan mong i-pack ang pera. Walang pulisya ang dapat makaalam kun'di patay na asawa mo ang madadatnan mo." humalakhak siya ng napakalakas at bumulong sa cellphone. "Bilisan mo, ah. Baka pagdating din ng pera mo, laspag na itong asawa mo."

Nagtaasan ang mga balahibo ko. Unti na lang ay lalabas na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa lakas ng kabog.

[Damn you, don't try.]

"Sige ba, susubukan kong 'wag siyang galawin, basta 'wag kang babagal-bagal. Kausapin mo naman ang asawa mo bago ko i-end ang tawag." ngising wika niya at nilapit niya ang phone.

[Haylee? Can you hear me? Please trust me, I'll get you out of this. Keep in touch. We need you.] maya-maya ay nakarinig ako ng isang boses.

[Haylee? Shit, sorry. Hindi ko alam na mangyayari 'to pero gagawin namin lahat para maisalba ka,'wag kang bumigay, asahan mo kami.] Maica.

Bumalik kay Dwayne. [I'm still courting you, Haylee. Don't try to think about giving up on those idiots. The help is on the way, I'll save you.. Haylee, I-I love you.]

Matapos niyon ay sinadyang pinätay ang tawag.

I love you?

"Aw, ang sweet naman." komento ni Greg at hinawakan ako sa baba. "Ano kayang masasabi niya kapag nakita ka niya ulit?" nanlaki ang mata ko nang higpitan niya ang hawak sa baba ko. "Masaya 'to."

Punong puno ako ng takot pero pilit kong inalala ang mga sinabi ni Dwayne.

"Hindi 'to magiging masaya." napataas siya ng kilay sa akin. "Tanga ka ba? Ako nga, muntik nang mapatay sa takot nu'ng nagalit lang siya unti, paano pa kaya ngayong punong-puno na siya?"

"Ano namang ibig mong sabihin?" pilyo akong ngumiti.

"Hindi ko pa siya kilala pero alam kong matindi siya kung magalit. Narinig mo 'yun, mahal daw niya ako. Dapat bang siya ang maghanda at hindi ikaw?"

Sa totoo lang ay hindi ako sigurado pero alam kong sa kamay ni Dwayne, maliligtas ako.


---
Astrid Manunulat

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 200 29
"ONCE YOU ENTER IN MY LIFE, DON'T YOU DARE TO RUIN IT"-MAYSII Date started: July 29, 2020 Date finish:
114K 1.5K 51
𝐈𝐭𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐝𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐭𝐨 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 , 𝐀𝐚𝐥𝐢𝐲𝐚𝐡 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐰 𝐢𝐧 𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐠𝐫𝐚𝐝𝐞, 𝐰𝐡𝐢𝐥𝐞 𝐬𝐡𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐬𝐡...
8K 220 14
note: SPG-R18 Alexter and Jenny Stories