When a Gay Fell in Love with...

By JoeyJMakathangIsip

1.6M 44.1K 9K

He has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs... More

Prologue - i
Introduksyon - ii
Kabanata 1.0: Heaven?
Kabanata 2.0: The Shelf
Kabanata 3.0: 1000th Guy
Kabanata 4.0: Laway
Kabanata 5.0: The Five Fingers
Kabanata 6.0: Sorry
Kabanata 7.0: Classmates
Kabanata 8.0: Weird
Kabanata 9.0: Desperate
Kabanata 10.0: Akbay
Kabanata 11.0: Fake Kiss
Kabanata 12.0: Amoy Alak
Kabanata 12.5: Bakit Ganoon?
Kabanata 13.0: Stop the bus!
Kabanata 14.0: Anong Ginawa Ko?
Kabanata 15.0: Huwag Ka Munang Umalis
Kabanata 16.0: Happy Birthday.
Kabanata 17.0: Girlfriend?
Kabanata 17.5: Girl<Space>Friend
Kabanata 18.0: Ruin The Party
Kabanata 18.5: Piccolo
Kabanata 19.0: Ang Matres
Kabanata 19.5: Kiss
Kabanata 20.0: Ang Matigas Na Bagay
Kabanata 21.0: Kakayanin
Kabanata 22.0: Lakas Tama
Kabanata 22.5: Magpapabuntis Ako
Kabanata 23: The Tutorial (Part 1)
Kabanata 23.5: The Tutorial (Part 2)
Kabanata 24.0: Lalake! Lalake!
Kabanata 25.0: Sino?
Kabanata 25.5: I like You
Kabanata 26: Ang Mainit na Yakap
Kabanata 26.5: Ang Dalawang Tanga
Kabanata 27.0: Nasaan Ka?
Kabanata 27.5: Ang Hindi Narinig na I Love You
Kabanata 28: Let's Go Out
Kabanata 29.0: Panties For You
Kabanata 29.5: Motel
Kabanata 30.0: Ang Misteryosong Lalake
Kabanata 31.0: Cheesy!
Kabanata 31.5: Siya
Kabanata 32.0: Edison
Kabanata 33.0: She's there
Kabanata 34.0: Chansing!
Kabanata 35.0: Paglisan
Kabanata 36.0: Rubics Cube
Kabanata 36.5: You Caught Me
Kabanata 37.0: Heaven?
Kabanata 37.5: Wilson Chavez
Kabanata 38.0: Babalik ako
Kabanata 39.0: Hindi na Kita Kilala
Kabanata 39.5: Ang Masakit na Biro
Kabanata 40.0: Maghihintay Ako
Kabanata 40.5: Maskara
Kabanata 41.0: Nasaan ka na?
Kabanata 41.5: Laro
Kabanata 42.0: Maari ba?
Kabanata 42.5: Mas Masakit
Kabanata 43.0: Heaven Vs. Hell
Kabanata 43.5: Nganga
Kabanata 44.0: Chocolate
Kabanata 44.5: One Bad Move
Kabanata 45.5:The 18th Rose
Kabanata 46.0: Ang Pagtatagpo
Kabanata 46.5: Ang Madilim na Panag-inip
Kabanata 47.0: The Plan
Kabanata 47.5: The Letter
Kabanata 48.0: Far Away From Me
Kabanata 48.5: The Date (Part 1)
Kabanata 49.0: The Date (Part 2)
Kabanata 49.2: The Date (Part 3)
Kabanata 49.5: The Seven Minutes Dream
Kabanata 50: Ang Pagwawakas
Epilogue
Mysterious Chapter
Other Works by JoeyJMakathangIsip
Published Books by JoeyJMakathangIsip
#WAGFILWAG PART 2
FIVE FINGERS SERIES
FFS1: WAGFILWAG (When A Gay Fell In Love With A Girl)
FFS2: The Parting (WAGFILWAG Part 2)
FFS3: Chasing the Wind
FFS4: Crucify Me
Hey Girl (WAGFILWAG OST Part 1)

Kabanata 45.0: Kill My Brother

12.3K 311 57
By JoeyJMakathangIsip

Madilim. Malamig. Ang mga katangi-tanging salita na maisasalarawan sa kuwarto kung saan humahagulhol na nakagapos sa si Angelie Chavez---ang ina ni Heaven Chavez. Gusto n'yang kumawala sa silid na ito pero hindi n'ya magawa. Ikinulong siya ni Edison. Ikinulong siya.

Naghihinagpis na napatayo mula sa pagkakahiga sa malamig at maduming semyento ang ginang nang biglang nagbukas ang pinto. Unang bumungad sa kanya ang takot na mga mata ang isang itim na pigura ng isang matangkad na lalake. Nang biglang nagbukas ang kulay kahel at mapusyaw na ilaw ng silid ay agad siyang napaatras na tila isang tutang nababahag ang buntot. Bumungad sa kanyang mga mata ang isang Wilson Chavez. Ang unang anak ni Sunny Chavez sa una nitong asawa. Si Wilson Chavez na kilala rin sa pangalang... Edison Bermundo.

"Maawa ka, pakawalan mo na ako, maawa ka!" umiiyak at nagmamakaawang sigaw nito. Kung titignang mabuti, maisasalawarawan ang sitawasyon ng ginang sa isang preso na ikinulong sa isang madumi at masikip na selda. Nagkalat din sa sahig ang mga inuuod ng pinagkainan niya.

Napangisi naman si Edison, tila natutuwa sa sitwasyon ng ginang. "Sa loob ng tatlong taon, kailan kaya kita pinakawalan Mrs. Chavez?"

Tatlong taon. Tila kampanang tumunog ang mga dalawang pares ng salitang iyun sa parehong tainga ng ginang. Tatlong taon. Hindi n'ya lubos maisip na tatlong taon na pala siyang nakakulong sa silid na ito para pagbayaran ang kasalanang minsan ay hindi n'ya naman sinadya. Ang mismong kasalanan kung saan ay pinakasalan niya si Sunny Chavez na hindi n'ya alam na mayroon na palang naunang asawa na mismong ina ni Edison. Ang mismong ina ni Edison na malapit na kaibigan ng ginang noong pareho pa silang kolehiyala.

"Oo nga pala," Ngumisi si Edison. "Dalawang buwan na ang nakakalipas, pinakawalan pala kita." Sa sinabing iyun ni Edison ay biglang nagbaliktanaw ang ginang sa isang sitwasyon dalawang buwan na ang nakakalipas. Ang mismong araw kung saan ay nakita niya si Heaven sa isang sa isang theme park kasama ang dalagang si Fear. Masaya siyang makita ang anak niya sa oras na iyun kaso, nahuli siya ni Edison. Nahuli siya.

"Pero? Tanga ka kasi Mrs. Chavez e. Ba't ka nagpahuli, aber? Kawawa ka naman." Parang batang iniinis ni Edison ang ginang na sinundan n'ya ng malademonyong halakhak nang makita niyang lumuha ang ginang dahil sa galit at inis na nararamdaman nito. At oo, sa bawat pagtatangkang pagtakas na ginagawa ng ginang ay palagi siyang nahuhuli ni Edison. May isang pagkakataong naging babysitter siya ng isang pamily sa Romblon ngunit nahanap pa rin siya nito.

"Hindi pa ba sapat? Hindi pa ba sapat sa'yo ang lahat ng ito? Sabihin mo? Bakit hindi mo na lang ako patayin?" puno ng sakit at hinagpis na tugon ng ginang. Oo gusto na niyang mamatay. Sa bawat pagtakas niya sa silid na ito ay iyun lagi ang pumapasok sa isip niya. Gusto na niyang mamatay pero sana, kagaya ng mga nauna niyang pagtakas ay makita niya ulit ang mahal niyang anak na si Heaven bago siya mawala.

"Akala mo ba ganu'n lang kadali ang lahat?" Lumapit si Edison sa ginang, sinabunutan ang buhok nito habang idinidiin ang ulo sa matigas na pader. "Papatayin kita tapos ano? Masaya ka nang pupunta sa langit? Hindi ganu'n Mrs. Chavez. Hindi ganu'n kadali ang lahat. Kailangan mo munang maranasan ang lahat ng sakit na naramdam ko bungad ng sinulot mo ang pesteng tatay ko mula sa mahal kong ina," nagngangalit ang mga mata ni Edison habang mariing nakatitig sa ginang. Gusto na niyang pumatay. Gusto niya.

"Ngunit huwag kang mag-aalala Mrs. Chavez, malapit ng matupad ang hinihiling mo." Bumitaw si Edison sa pagkakasabunot sa ginang, tumalikod siya at iniwan itong umiiyak ngunit bago siya makalabas ay inihabol n'ya ang isang mensahe.

"Isa-isa ko kayong papatayin. Uunahin ko muna ang anak mo."

"Huwag Wilson, maawa ka. Ako na lang. Ako na lang ang patayin mo," parang hayop na nagmakaawa si Angelie. Lumuhod siya sa likuram ni Edison at ikiniskis ang parehong palad sa isa't-isa bilang paghingi ng tawad. Blangko namang siyang tinignan ni Edison at nang lumabas na nga ito sa madilim at maruming silid na iyun ay napahagulgol na lang siya.

"Ako na lang. Ako na lang ang patayin mo."

* * *

Alas sais ng gabi. Sa loob ng Di-Mahanap subdivision, Bulag street, sa tapat ng salon ng mga De Guzman ay masayang naghihiyawan ang mga tao. Isang kaarawan ang ipinagdidiriwang nila. Ang mismong kaarawan ni Fear.

Simple ngunit elegante. Lahat ng disenyong makikita mula sa mga balloons at mga mantel ng mesa ay may bahid ng kulay pink. Siyempre, pinaghandaan ito ng mga magulang ni Fear. Minsan lang sa buong buhay ng kanilang pinakamamahal na anak na magdiwang ng ika-labing walong kaarawan kaya sa abot ng makakaya ay ginawa nilang masaya at kaaya-aya ang kaarawan ng kanilang anak ngayon.

"Ba't antagal lumabas ng celebrant? Gutom na kami, alam ba nila 'yun?" maktol ni Kei. Sa isang mesa, malapit may poso ng kapitbahay nina Fear ay naka-upo ang kalahati ng myembro ng FIVE FINGERS. Si Kei at si Darryle. Kung sino ang nag-imbeta sa kanila....

"Hi kuya Darryle? Are you hungry na?" Lumapit ang isang maliit na batang babae sa table nila. Naka-costume ito ng pink na paru-paro. Malapad din ang ngiti nito lalo na nang makita nito si Darryle. Sino pa nga ba? E 'di si Angry.

"Hi Angry? Ang ganda-ganda mo ngayon ah?" Darryle pats Angry's hair. Siyempre, nag-blush naman si Angry. Ang guwapo kaya ni Darryle.

"Hep, hep!" Bago pa ma-enjoy ni Angry ng tuluyan ang moment ay bigla naman siyang hinila ni Kei palayo kay Darryle. Selos. Tsk. Tsk.

"Hoy? Malanding bata! Nasaan na ang ate mo? Alam niya bang gutom na kami?" medyo pasigaw na sabi ni Kei. Sa totoo lang ay naiinis lang talaga siya sa batang si Angry. Pa'no ba naman kasi... inaagaw nito ang 'Loves' n'yang si Darryle e.

"I... I hate chuuu." Makalipas ang ilang sandali ay biglang napaiyak si Angry.

"Dre! Ano ba? Pati bata, pinapatulan mo? Alam mo namang ikaw lang ang gusto ko 'di ba?" Natameme naman bigla si Kei. Syempre, kay Darryle 'yun nanggaling e.

"Ohhh? Come here Angry. Kei is just so vocal," sabi ni Darryle sabay upo kay Angry sa lap nito. Tumigil naman si Angry sa pag-iyak matapos ang sweet na paghele sa kanya ng crush niyang Darryle. Humarap siya kay Kei at benelatan ito. Agad namang napanganga si Kei.

* * *

"Bantayan mo si Edison, 'wag kang magpapahalatang inoobserbahan mo siya. We need to protect Heaven and Fear from him! We need to!"

Sa labas ng madilim na bahay ni Edison ay naka-park ang isang orange na kotse. Nakatayo sa gilid nito si Niko Satto na kausap si Charnel Fate sa kabilang linya.

"Sige," nangangambang pagsangayon ni Niko. He was not sure on Charnel Fate's plan. Kailangan niyang obserbahan si Edison nang hindi nito namamalayan? Pero pa'no? Madaling mabasa ang kilos ni Niko. Hindi n'ya alam kung sa papanong paraan niya oobserbahan si Edison nang hindi nito papansin. Malakas ang pandama ni Edison kaya alam niyang mahihirapan siya.

He was about to end the call nang biglang may nagsalita mula sa likod n'ya,

"Niko." Nanigas si Niko mula sa kinatatayuan niya nang marinig niya ang pagtawag ng pangalan n'ya mula sa may likuran. Si Edison.

"Niko? What's happening? Are you okay? Kailangan mong obserbahan si Edison! Report me whatever he will do, okay?" Charnel Fate's voice echoed from Niko's phone. Naring naman si Niko ng tatlong hakbang mula sa likuran n'ya hanggang sa bumungad sa kanyang paningin ang malamig na presensya ni Edison.

"Sinong kausap mo?" walang emosyon na tanong ni Edison. Nataranta namang pinatay ni Niko ang telepono, "Ahh," Tumawa siya. "Wala sis. Boylet lang na nameet ko sa bar," natatawa ngunit nangangambang tugon ni Niko. 'Buti na lang at hindi n'ya naring,' dagdag ni Niko sa isip n'ya.

Tumango naman si Edison at ngumiti, "I trust you Niko. You know the hardships that I have experienced. You know my story kaya alam kong hindi mo ako tatraydorin," Edison said as he went inside the car of Niko. Naiwan si Niko na nakatayo. Lutang ang isip habang pilit na pinupokpok ng sariling konsenya ang isipan n'ya.

'You know my story kaya alam kong hindi mo ako tratraydorin.' Edison's voice echoed in his head.

Napatingin siya kay Edison na nasa loob na ng kotse n'ya.

"I'm sorry sis pero sa puntong ito ay kailangan na muna kitang traydorin. Itatama ko muna ang lahat ng mali mo," Niko said bago pa siya pumasok sa kotseng iyun.

* * *

Barilin si De Guzman.

-Boss Edison-

Biglang nagkaroon ng kaonting liwanag ang eskinitang pinagtataguan ni Hell Fortunado bungad ng buksan n'ya ang kanyang telepono. Agad niya itong in-off at mula sa eskinitang pinagtataguan ay taimtim siyang nagmasid sa party ng girlfriend n'yang si Fear De Guzman.

Ikinasa niya n'ya isang .32 kalibre na baril. Itinutok n'ya ito sa direksyon kung saan lalabas si Fear. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang ginagawa iyon. Naipikit n'ya ang kanyang mga mata. Hindi n'ya kayang saktan si Fear. Hindi.

Makalipas ang ilang saglit ay unti-unti nang nagbukas ng pintuan ng parlor. Dumating na rin ang Boss n'yang si Edison kasama ang kaibigan nitong si Niko. Napatingin ito sa kanya. Ngumisi ito na tila ipinapahayag ang isang napakedlikadong banta.

'Kung hindi mo kayang saktan si De Guzman, ako mismo ang mananakit sa kanya.'

Napapikit si Hell.

Hindi siya sigurado sa gagawin n'ya.

Hindi n'ya kayang saktan si Fear.

* * *

FEAR

"Anak ba't wala pa si Heaven?" tanong ni Mamang. "Hindi ko po alam mang," sagot ko. Kanina pa siya hanap ng hanap kay Heaven e. Nakita ko namang medyo na-disappoint si Mamang. Nginitian ko lang siya.

Dadating kaya 'yun? E sa pagkaka-alam ko, inimbetahan siya ni Angry e. Ba't ba ako concern? Hindi naman kami ah? May Hell na ako oh? Pero, teka? Andun na kaya si Hell sa labas? Ampupu. Hindi man lang nag-text.

Nandito ako sa loob salon ngayon, nakapikit na nakaharap sa malaking salamin habang inaayusan ng Papang. Konti na lang daw at matatapos na.

"TSENENG!!" Makalipas ang ilang sandali ay natapos na rin si Papang sa wakas. Dahan-dahan ko namang binuksan ang mga mata ko at humarap na sa sarili kong repleksyon?

Teka? Ba't ang ganda ko ngayon? Napangiti ako ng di oras. Amazing talaga! Napatingin ako kay Mamang at Papang. Nginitian din nila ako.

"Arnulfo..." naluluhang tawag ni Mamang sabay yakap kay Papang.

"Fe," Naiiyak ring tugon ni Papang. "Ang ganda-ganda ng anak natin," dagdag ni Papang. At ayun! Nagkaiyakan na sila. Si Mamang at Papang talaga.

"WAAA! FEAAAR! ANG GANDA MOO!" namangmanghang usal ni Cheesy na kakapasok lang sa parlor.

"OO NGA NGER! ANG NGANDA NGANDA NGO!" pagko-compliment naman ni Rachelle.

"Siyempre, nagmana kaya ako kay Mamang at Papang," sabi ko sabay yakap sa mga magulang ko.

"'Di ba Mang? Pang?" tanong ko habang nakayakap sa kanila.

"Oo naman anak, mana ka sa ganda namin ng mamang mo," naiiyak nilang sabi.

Makalipas ang ilang sandali ay tinulungan na ako ng Douglas Mac Arthur Sisters na makalabas. Nang makalabas ako ay agad na bumungad sa akin ang mga mukha ng mga GUTOM kong mga kapitbahay. 'Yung iba sa kanila e nakatulog na. 'Yung iba ay naglatag na ng banig sa lupa. 'Yung iba ay nakasaklob na sa kulambo. 'Yung iba naman ay nagkakape at nagbabara na para bang hindi debut ang dinaluhan nila kundi lamay!

Nakaramdam naman ako ng konting hiya lalo na nang madatnan ng parehong mga mata ko na nakakando pala 'yung mga lalagyan ng pagkain sa may buffet table.

<*NGANGA!*>

* * *

Nakaupo ako sa harap ng salon namin ngayon. Nasa may ground naman ang mga bisita namin na kanina pa hiyaw ng hiyaw. Gabi na rin kaya medyo nag-e-echo na 'yung mga sigaw nila.

"Hoooo! Yeaah! Kakain na sa wakas," sigaw ng mga kapitbahay namin pati na rin ng mga kamag-anak namin na nagpapadede ng mga sangol. Nakakahiya talaga.

"Pero bago muna chibugan, kantahan muna natin si Fear ng isang masayang happy birthday," sigaw ni Ninang Douglas na nakatayo sa tapat ng podium.

♪♪ Happy Birthday to you.♪♪

♪♪ Happy Birthday to you.♪♪

♪♪ Happy Birthday, happy birthday. Happy birthday to you. ♪♪

Habang kumakanta ang madla ay unti-unti namang rumarampa ang Mamang at Papang papunta sa kinakauupuan ko. Dala-dala nila ang ang isang malaking pink na cake at nang makarating sila sa harap ko ay agad nilang iniharap sa akin iyun.

"Blow your candle anak, and make a wish," sabay na sabi ni Mamang at Papang.

"Thank you Mang, Pang. I love you poo," sabi ko sabay pikit ng mga mata ko.

'Sana, steady lang ang pamilya namin. Si Mamang, si Papang at si Angry, sana okay lang sila palagi! Sana, malaman ko rin ang mga rason kung bakit bigla akong iniwan ni Heaven. Sana.'

"Hoooo! Uho! Uho!" Medyo nauubo ko pang pag-blow ng candle. Uho! Nakakain pa yata ako ng usok e.

Matapos akong mag-blow ay agad na nagpalakpakan ang mga tao. Napaluha naman ako. Nakaka-touch e. Sa lahat ng birthdys ko, ito na yata ang pinakamasaya. Promise!!

Pababa na sana ako ng stage nang biglang nag-play ang isang pamilyar na musika. Ayos lang by Siakol.

Bago pa ako tuluyang makababa ay napatingin ako sa isang kamay na tila inaalok akong tulungang makaba. Teka? Kaninong kamay naman 'to?

"Happy birthday, Choco Girl."

Bigla namang namula ang mga pisngi ko nang makita ko siya. Isang Heaven Chavez na naka-black formal tuxedo na tamang-tamang lang sa kanyang pangangtawan. Ang tayog ng kanyang katangkaran at ang kanyang mga ngiti, grabe! Pinapatay ako nito sa kilig!

Kumabog bigla ang puso ko lalo na nang magkatagpo ang mga mata namin. Masaya niyang inilalaan sa akin sa akin ang isang matamis na ngiti.

Bakit ang guwapo niya ngayon?

"Thank you," ang tanging naisagot ko sa kanya. Nahihiya kong tinanggap ang kamay n'ya. Nang magdaop ang mga kamay namin ay mas lalo pang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko na 'to kaya! Mamatay na ako, promise!

"AYEEE!" Naghiyawan naman bigla ang mga madla. Ayy! Nakakahiya.

"You look beautiful," sabi ni Heaven nasiyang ikinabilis ng pagtibok ng puso ko.

A-anong sabi n'ya? A-ang ganda ko raw?

"A-anong sabi mo?" nauutal na pagkukumpirma ko.

"You're beautiful and I mean it," he said tapos bigla siyang lumapit sa may tainga ko. Naamoy ko 'yung pabango n'ya.

"Prepare yourself, isasayaw kita mamaya," maskuladong sabi n'ya sa akin.

Aalis na sana si Heaven kaso, bigla siyang hinila ni Cheesy.

"Fear, picture kayo ni Heaven, dali!" sabi ni Cheesy sabay hila kay Heaven papunta sa tabi ko, inilagay naman ni Cheesy kamay ni Heaven sa balikat ko. Napatingin ako kay Heaven, "Okay lang ba?" tanong ko sa kanya, hindi naman siya sumagot at nginitian lang ako.

<*Dugdugdugdugdug!*>

Mga ngiting 'yan e.

"Wang, Ngo, Ngreee!" sigaw ni Ngo at makalipas ang ilang sandali...

<*Click* *Flash*>

<*Click* *Flash*>

Ngumiti si Heaven sa camera pero ako ay napadilat nang mga mata.

Jusko! Ba't ngayon pa?

"Choco Girl? May problema ba?" tanong ni Heaven. Tumango naman ako.

"Ano? Sabihin mo?" medyo nagaalala n'yang tanong. Gusto ko sanang tawagin si Chessy at Ngo pero mukhang nag-e-enjoy na sila sa pag-se-selfie e.

"Yu---'yung," medyo utal kong bulalas. Kumunot naman ang noo ni Heaven.

"'Yung strap ng BRA ko, naghiwalay."

<*NGANGA!*>

* * *

Natigilan ako sa nangyari kanina pero mabuti na lang talaga at biglang dumating si Ninang Mack para tulungan ako sa BRA ko. Buti na lang talaga.

"ANAK NAMIN! JUSKOO! FEEEAR! HUWAAG MO KAMING IWAN! JUSKO! WAAA!" ngawa ni Mamang sa microphone. Kasama niya si Papang sa podium. Bigayan na kasi ng special messages, kaya 'yung mga magulang ko, medyo emotional. Pati si Cheesy at si Ngo, ganu'n din ang ginawa. Ngumawa lang sa microphone tapos hindi naman sila ganaanong nagmukhang tanga.

"Helu? Helu? Mayk sek. Mayk sek." Si Lukrecia 'yan. Kasama niya kasi si Heaven.

"Ser Hebin, oke na 'yung mayk, na-sek ko na. Pwedi na kayong magsaleta," sabi ni Lukrecia tapos pumwesto na si Heaven sa tapat ng microphone.

Nakatingin lahat ng mga mata ng mga bisita namin sa kanya. Pati 'yung pinsan kong malalandi, parang mga asong naglalaway sa kanya. Ba't ba ang guwapo ng baklang 'to? Nakakainis.

Chi-neck ko naman ang paligid, wala pa rin si Hell. Plano ko pa naman sanang ipakilala siya kay Mamang at Papang ngayon. Napabuntong hininga na lang ako.

"Goodevening everyone." Napabalik ang mga tingin ko sa stage.

"Specially to you, Ms. Fear De Guzman," sabi n'ya sabay tingin sa akin. Napalagok naman ako ng sobrang tabang na juice ng 'di oras. Ba't ang tabang nung juice? Hay naku! Siguro, tinipid nila Mamang 'yung drinks! Isang sachet ng juice lang siguro sa isang galong tubig ang nilagay nila.

Umiiyak na bumalik si Papang at Mamang sa table namin, pati na rin si Cheesy at Ngo. Ba't ang emo ng mga 'to?

"6 months ago, I met a weird girl in the entrance of Wilson University," pasimula ni Heaven, pinilit kong hindi makinig sa kanya pero sa lakas ng microphone may choice pa ba ako? Alangan namang mag-headset pa ko rito, magmukha pa akong tanga.

"Habang papasok ako roon, biglang may sumigaw," he stops tapos tinuro n'ya si Lukrecia, "SI LEE MIN HU AY NASA LIBRARE!" tapos biglang nagtawanan 'yung mga tao. Natawa rin ako. Gagu!

"And then, nagulat na lang ako kasi may isang babaeng nakatayo sa gitna ng hallway na tawa ng tawa. Akala ko bingi siya at walang kaalam-alam sa mga nangyayari kaya hinigit ko siya papunta sa may CR ng mga lalake."

Napayuko naman ako at nagbaliktanaw sa sitwasyong iyun...

<*Calling all the students to keep calm! Walang kahit sinong artista ang nandito sa loob ng campus!*>

Pilit kong tinatanggal ang ang tela na nakapulopot sa ulo ko. Grrr. Bakit ba ang hirap nitong tanggalin? Arggg! Nahihirapan na akong huminga dito.

"Excuse me? May tao ba riyan? Yehoo? Tulungan mo maman ako ako oh!" sigaw ko at maya-maya pa...

"Oh, sorry," Narinig ko ang boses ni unknown person. Kamuntikan na akong mapatili! Ang guwapo ng boses, sobrang lamig at napaka-masculine. Na-eexcite akong makita siya!

Nagpuno bigla ng hearts ang paningin ko.

Hindi nagtagal ay agad ko nang naramdaman na may humawak sa ulo ko at tila tinatanggal ang telang nakabalot dito. Takte! Ang bango n'ya!

Makalipas ang ang ilang sandali, unti-unti nang natanggal ang tela.

Kumurap ako ng tatlong beses noong nakita ko iyung lalaking nasa harapan ko.

Jusko! Sino 'tong nasa harapan ko? Ba-ba't ang guwapo nito? Kamukha niya si James Reid! Jusko!

Nakatingin lang ako sa kanya ngayon, parang tanga na pinagmamasdan siya. Kailangan ko pang tumingala para matitigan siya. Leshe! Ba't ganito? Ba't 'di ako makagalaw? Ba't 'di ako makapagsalita? Ba't umiinit ang mukha ko? Pakiramdam ko, ni-regla ako ng wala sa oras!

Habang pinagmamasdan ko siya ay biglang kumalma ang lugar. Tila naririnig ko ang huni ng mga ibon at ang malumanay na agos ng ilog. Parang tinatamaan ako ng malakas na hangin at nililipad nito ang mahaba kong pubic hair sa kili-kili.

'Yung mukha n'ya, masyadong perpekto!

Ang kanyang mga mata, parang hinihigop ang kaluluwa ko!

Ang kanyang ilong, ang tangos!

Ang kanyang pisngi, ang kinis!

Ang kanyang mga labi, parang ina-akit ako na halikan siya.

Eto na, nakanguso na ako at hahalikan ko na siya....

"Miss okay ka lang ba? Safe na ta'yo oh. Wala naman daw si Lee Min Ho," aniya. Bigla naman akong nagising mula sa imagination ko. Idinilat ko ang mga mata ko at nadatnan kong nakanguso ako na parang tanga sa harapan niya.

"S-sorry," panghihingi ko ng paumanhin sabay ayos sa sarili. Ano bang nangyayari sa'kin? Nakakita lang ako ng guwapo, dineleryo na agad ako.

"Hinila kita kasi ikaw lang 'yung hindi tumatakbo. Akala ko 'di gumagana ang pandinig mo at 'di mo napapansin na nagkakagulo na iyung mga tao."

Itinaas n'ya 'yung telang pumulupot sa mukha ko. "By the way, thanks for this?" He genuinly smiled at me sabay hawak sa tela! Napatili ako bigla sa isipan ko. Ngayon ko lang na-realize na 'yung telang 'yun ay banner pala para i-welcome siya at hindi logo ng PCSO.

"So, pa'no? Mauna na ako?" Tumalikod siya saglit pero agad din naman siyang humarap sa'kin, "Ahh, wait!" may kinuha siya sa bulsa n'ya.

"Panyo oh. May dumi mukha mo." Inilagay n'ya ito sa kamay ko. Takte! Hinawakan n'ya kamay ko! Medyo tumirik 'yung mga mata ko nang dumapo 'yung kamay niya sa kamay ko. Jusko! Ano 'tong nararamdaman ko? Feeling ko, ni-regla talaga ako ng wala sa oras!

Naglakad na siya pero huminto siya bigla. "Tsaka medyo dry 'yung lips mo. Try mo mag-lip balm."

Nang magsalita siya, bigla namang tumunog ang bell kaya hindi ko ito narinig.

Ano raw? Timbang? Libang? Timang?

"Wait! Ano ang sabi mo?" Tatanugin ko pa sana kaso wala na siya. Umalis na.

Haay, grabe! Tao ba siya? Ba't ganun ka perpekto ang mukha n'ya?

Pero anong sabi niya? Dry daw ang lips ko? Try ko raw mag-patimbang? Huh? Titimbangin niya ako? Nagpa-part-time ba siya sa DSWD?

Sa kalagitnaan ng pagmo-move on ko sa nangyari ay biglang bumukas ang pinto. May biglang pumasok na lalaki na sobrang nagmamadali at kasalukuyang binababa ang zipper ng panatalon n'ya. Nataranta ako kaya tinakpan ko ang mga ang kanang mata ko. Pero 'yung isa, nakatingin lang sa kanya.

OMG! 'Di ko man lang namalayan na nasa CR pala ako ng mga lalaki.

Pareho kaming nagulat. Pero mas mataas ang lebel ng pagkagulat n'ya. Bakit? Kasi...

Naihi siya sa pantalon n'ya. Again, naihi siya sa pantaon niya.

Bwahaha!

Agad naman akong tumakbo palabas pero bago pa ako makalayo mula sa CR ng mga boys ay nadapa ako.

"Ilang beses ba akong madadapa sa araw na'to?" badtrip na tanong ko sabay pagpag ng palda ko.

Pagkatayo ko, biglang malaglag ang panyo na bigay nu'ng guwapong humila sa'kin.

At nang mapulot ko nga ito ay agad kong napansin ang nakaburdang pangalan dito.

Heaven

Nang mabasa ko ang pangalan na 'yun, tila may naramdaman akong kakaiba sa may dibdib ko.

<*Dugdugdugdugdug!*>

Naputol naman ang pagbabaliktanaw ko nang bigla siyang nagsalita, "Then there, naging smooth sailing ang lahat. We met at NBS, nagka-agawan kami ng libro, she provokes me to kiss her but unluckily, hindi ko nagawa. She missed the chance," he said as he chuckled, nagtawanan naman ang mga bisita. Pati si Mamang.

At wait? Anong sabi n'ya? I missed the chance? Bwesit!

"We became classmates at iyun nga, kasama ng kaibigan niya ay na napagtripan nila kaming batuhin ng mga exotic animals." Napatingin siya kay Chessy, nagmake-face lang siya kay Heaven. Galit pa rin siya rito. Akmang magtataas sana ng middle finger si Ngo pero mabuti na lang at agad siyang napigilan ni Cheesy.

"And... I accidentally bumped her in middle of the road. Nasagasaan ko siya. I was so worried that time baka hindi na siya mabubuhay but thanks God, she's still alive right now. I could still see her beautiful smile."

"Ayeee!" sigaw ng mga tao. Pati ulit si Mamang. Ayy, nakakahiya! Biglang nag-glow in the dark iyung pisngi ko. Eto na naman!

"We became friends and almost became lovers."

"Woooooaa!" sabi nung mga tao. Si Papang naman, pinandilatan ako bigla ng mga mata. Jusko po!

"She accepted me for who I am. She accepted me as who I am. She accepted my whole story and even my gender..."

Biglang nagkaroon ng bulong-bulongan ang mga tao. Tapos 'yung mga malalandi kong pinsan, ayun mukhang gets na nila, naiiyak na sila e.

"I'm gay, and fall in love with a girl." he paused and gaze at me.

<*wildpalpitations*>

<*Dugdugdugdug!*>

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ngayon. Pinagsasabi nitong bading na'to?

"But just like what I have said, we almost become lovers. Just almost."

Sa sinabi n'yang iyun ay bigla akong nanghina. Gusto kong marinig sa kanya kung bakit? Kung bakit n'ya ako iniwan bigla sa ere.

"For some reasons, I left her because... I need to protect her."

Protect? Saan? Kanino?

"I'm sorry... I guess thats it... I'm really sorry."

Makalipas ang ilang sandali ay biglang nahinto si Heaven sa pagsasalita. Gusto ko pa sanang marinig ang susunod na sasabihin n'ya pero bigla na lang siyang bumaba.

"Heaven? Ba't di mo tinapos?" tanong Kie. Hindi naman sumagot si Heaven at instead ay tinignan n'ya lang ako. 'Yung tipong sobrang disappointed siya sa sarili n'ya. Hindi ko siya maintidhan. Naiinis ako sa kanya.

* * *

EDISON

Kung hindi ko kayang barilin ai De Guzman, barilin mo ang kapatid kong si Heaven.

SEND TO HELL FORTUNADO

I clicked send as I exhaled some air. Nabwewesit akong tinitignan ang tauhan kong si Hell Fortunado mula sa eskinitang pinagtataguan n'ya. Bakit hindi mo binaril si De Guzman? Bakit?

"Ba't di mo tinapos?" Kei asked Heaven.

"I don't know." Heaven frowned.

"Siguro, naduduwag lang ako," dagdag n'ya.

I rolled my eyes. Ba't hindi n'ya na lang sabihin ang totoo? That his Dad, I mean our Dad is stopping him because...

"Naduduwag ka kasi?" tanong ni Niko.

"Naduduwag ako kasi napaka-illogical ng rason ko. I left Choco Girl becuase my Dad wants me to be away from her and," he paused.

"And?" Darryle asked.

"And... I don't know the reason behind it. I don't know kung bakit n'ya ako gustong ilayo kay Choco Girl."

Silence. Everybody heaved a sigh.

Napangisi naman ako. Even Sunny, my f*cking Dad is hiding his secrets on his own son? Takot rin kaya siya kay Heaven? Or is it that... he loves my brother that much that he could'nt afford to hurt my brother's feelings?

This must be a great card.

I glance at Hell.

"Excuses." I stood up as I left Five Fingers. Pumunta sa pinagtataguan ng tauhan ko si Hell Fortunado. It took a minute to get there at nang makarating nga ako roon ay hinarap ko siya.

"Kill my brother," I ordered.

"Masusunod, boss." He worriedly and hesitantly points the head of .32 calibre gun towards the direction of my brother.

This is it. This is the end of everything.

* * *

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 412 54
Equipped with fame, money and looks - Viel Valderama basically has it all. He can do everything he wants, even the bad stuff. And he can always get a...
118K 2.9K 57
Huwag matakot sa title. Math lang naman 'yan. Enjoy -桜
116K 5.5K 41
WATTYS 2021 WINNER A young dedicated policeman vows to find the motive behind the death of a ghost who's also the ex-master of the crime group he has...