WIFE AND MOMMY FOR HIRE

By BeyourownInk

79.1K 2.3K 226

"Marry me and be Edrian's mother." More

.
Chapter 01.-Cuties.
Chapter 02.-Mommy.
Chapter 03.-Marry me.
Chapter 04.-Maica.
Chapter 05.-Anino.
Chapter 06.-Wedding Day.
Chapter 07.-Honeymoon
Chapter 08.-Thank you.
Chapter 09.-Dwayne.
Chapter 10.-Damn.
Chapter 11.-Nathaniel.
Chapter 12.-Familiar.
Chapter 13.-I like you.
Chapter 14.-Past and experiences.
Chapter 15.-Missing the moments.
Chapter 16.-Revealed.
Chapter 18.-Meet again.
Chapter 19.-Risk.
Chapter 20.-Danger.
Chapter 21.-Dealing with the bad guys.
Chapter 22.-Comfort zone.
Chapter 23.-Officially mine.
Chapter 24.-Back to normal.
Chapter 25.-Fiesta.
Chapter 26.-Overseas.
Chapter 27.-Bitter and Sweet.
Chapter 28.-Flight.
Chapter 29.-A little conflict.
Chapter 30.-A surprise?
Epilouge.
Goodbye.
Special Chapter.

Chapter 17.-Full Revelation.

1.9K 68 5
By BeyourownInk

Haylee's Point of View

"J-Jamaica.."

Unti-unti ay lumingon siya sa akin. Naliwanagan ako sa mukha niya at kagaya ng dating panahon, para lang akong nakatingin sa salamin.

"Haylee," naiyak siya kaagad. Akma siyang lalapit nang umatras ako. "H-Haylee—"

"Diyan ka lang." kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko ay siyang pagkuyom ng mga kamay ko. "B-Buhay ka nga, buhay ka nga pero nasaan si Nathaniel?"

"H-Haylee, alam kong marami kang gustong itanong. Haya—"

"Ilang taon kang nagtago, ilang taon akong nagluksa, ilang taon akong napaniwala sa kasinungalingan! Oo, marami akong tanong at sana, may sapat kang sagot sa bawat tanong ko! Tangina lang, e! Tatlong taon kang hindi nagparamdam at pinalabas mong patay ka, pinalabas mong patay ang anak ko!" sumubok ulit siyang lumapit pero malaking hakbang ang ginawa ko paatras.

"S-Sorry Haylee, p-pero,"

"Gusto ko lang namang malaman kung nasaan ang anak ko, Jam! Nasaan si Nathaniel?!"

Wala akong alam na nararamdaman ko kun'di galit at sakit lang. Parang nawala ako sa pagkabiglang buhay siya. Tanging gusto ko lang ay malaman ang kung anong tungkol sa akin at sa anak ko.

"Pakinggan mo muna ako, Haylee."


15 years ago..

"Haylee! Ano ba 'yang ginagawa mo?! Bakit mo inaaway ang kapatid mo?!" hinila ako ni papa para mailayo kay Jam dahil aksidente ko itong natapunan ng buhangin sa mata.

"H-Hindi ko po sinasadya papa.'Wag niyo po akong paluin." nanginginig na ako sa kaba, maya-maya ay alam kong makakatikim na naman ako ng palo.


"Jam, hati tayo sa ice cream mo, please? Hindi ako binilhan nila mama, e." takam na takam na ako sa ice cream na kinakain niya pero bigla niya itong inilayo sa akin.

"Ayoko."


"Akin 'to, Jam! Bitaw! Akin'to!" patuloy niya pa ring hinihila muna sa akin ang manikang pinili ko kanina sa mall.

"Hiramin ko lang naman Haylee, e!'Wag kang madamot!" patuloy kami sa paghilaan hanggang sa masira ang manika ko. Dumating agad sila mama sa kwarto.

"Ano na naman ba iyang pinag-aawayan niyo?!"

"M-Ma, 'yung manika ko, sinira ni Jam!"

"Ma, ayaw niya akong pahiramin!"

Si papa ang nagtungo sa akin. Kinabahan agad ako.

"Ano ba Jamaica! Madami ka ng manika doon!"

"Ikaw naman Haylee,'wag madamot!" galit na ani ni papa sa akin.

Siya lagi ang mas pinapaboran, samantalang ako lagi ang mali. Siya ang mas mahal at anino lang ako. Sa bawat natatanggap niyang parangal, sinasabihan siya ng magagandang papuri pero kapag ako, sinasabing hindi ko tunay na ginawa ang nagawa ko kun'di gawa iyon ng kambal ko.

Lumipas ang ilang taon at hanggang sa high school, hindi ako nakilala bilang ako, copycat, anino at hindi makabuluhan kung ituring ako ng ibang tao kasama na ang mga magulang ko.

Nagrenta sila mama ng bahay sa Batangas para sa aming dalawa para sa kolehiyo.

Hindi ko sila nakakausap lagi dahil wala akong sariling cellphone, si Jam lang ang mayroon at ayaw niya akong pahiramin.

Minsan lang sa isang taon ako makauwi habang madalas naman si Jam.

Patagal ng patagal ay unti-unti na akong nahihirapan sa pag-aaral, napakarami ng gawain at dumating sa puntong hindi na ako natutulog ng maayos. Third year college na ako nang umuwi ako sa bahay, pagod na pagod ako at masakit din ang ulo. Nag-over time ako sa library kahit wala namang pasok para sa activities ko para isahan sa deadline.

Nakakita ako ng bote ng anak sa lamesa pagkapasok ko. Inilapag ko sa sala ang gamit ko at hinanap si Jam pero wala siya. Kailan pa siya natutong uminom?

Nabalot kaagad ako ng kuryusidad dahil ito ang unang pagkakataong nakakita ako ng alak na pwedeng inumin dahil walang makakakita at ang lagi kong naririnig ay nakakaalis daw ito ng problema.

I was mentally and physically tired from school works.

Tumikim ako at grabe ang lasa, sobrang pait. Ang lakas ng tama ng alak, isang baso pa lang ang na iinom ko ay nakaramdam agad ako ng hilo. Umupo ako at tinignan ang bote ng alak.

Sa pagkatulala ay hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. Naalala ko ang mga magulang ko. Ilang buwan na nang huli akong bumisita. May bago ulit akong kapatid na naging dahilan kung bakit parang hindi na ako naaalala ng sarili kong magulang.

Dumagdag sa isip ko ang school works, pagod na pagod na talaga ako.

Sa dami kong iniisip ay napalagok ulit ako ng alak.

Nalaglag sa mesa ang mukha ko dahil sa pagkalasing, nakalahati ko na ang bote ng alak at naiinitan na ako.

Ilang minuto ay narinig ko ang pagbukas ng pinto, kalmado lang ako dahil pass code ang lock namin, siguradong si Jam ang dumating.

"Tae?! Haylee?! Sheyt! Bakit mo ininom iyan!" sigaw niya ang nagpatingala sa akin. Malabo at umiikot ang paningin ko pero nakikita kong may akay-akay siyang lalaki.

Tumunog ang isang ringtone kaya dali-dali niyang inilapag sa tapat ko ang lalaking walang malay.

"H-Hello, Xach?"  lumayo siya kaya hindi ko na siya naaninag, mukhang nagpunta ng cr. Lasing ako pero naalala kong naiwan ko nga pa lang nakakalat ang mga timba sa cr kaninang umaga, may ipis kasi akong nakita kaya nagwala ako. Nakakatawang isipin pero walang ilaw sa cr kaya madilim, nasira din ang ilaw kahapon. Pwedeng maaksidente siya!

Tatayo pa lang sana ako nang may humawak sa kamay ko. Gising na ang lalaki, hindi ko siya maaninag pero mukhang lasing din siya.

"What did you do to me?!" lasing na wika niya. Tumayo siya pagkatapos at lumapit sa akin. Bigla niya akong sinakal!  "What are you planning to do, Maica?! I'm feeling unconscious, did you drugged me?!"

Halos hindi na ako makahinga nang biglang kumalas ang kamay niya sa leeg ko. Na patingin ako sa kaniya kahit hindi pa rin lumilinaw ang paningin ko, nakatitig siya sa akin, alam ko.

Maya-maya'y bigla niya akong niyukuan at hinalikan sa labi. Ang init na nararamdaman ko kanina ay mas lalong uminit.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari pero nagising akong masakit ang katawan ko at pagmulat ko ng mga mata ko, nasa kama na ako. Nakaramdam ako ng lamig kaya napatingin ako sa katawan ko, wala akong saplot!

May isang lalaki sa tabi ko..nakahubad din. Pilit kong inaalala ang nangyari pero wala akong maalala, masakit din ang ulo ko.

Ano itong nagawa ko?!

Dali dali akong nagbihis at paulit ulit na sinasampal ang sarili, nagbabakasakaling nananaginip lang ako. Nagtungo agad ako sa cr at nadatnan si Jam na bumabangon, nawalan siya ng malay dahil siguradong natumba siya kagabi!

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ito panaginip, naalala kong may dala siyang lalaki kanina at naalala ko ang sunod pang mga nangyari.

"Haylee?" nanlaki kaagad ang mata niya nang dumapo ang mata niya sa leeg ko.

"J-Jam?" mangiyak iyak akong napaatras. Hindi, hindi pwede. Lagot ako kina mama nito, sigurado, nakita pa ni Jam. Sa takot ay napatakbo ako papalabas kahit masakit ang katawan ko.

Nag-ikot ikot ako sa isang hardin dito habang tinatakpan ang leeg ko, nakita kong may pula doon. Nakatulala ako habang naglalakad. Paulit ulit na umuulit sa isip ko ang nangyari kagabi.Nandidiri na ako sa mismong sarili ko. Napaiyak ako at napaupo sa bench.

Umuwi ako para kausapin si Jam, sabihing 'wag siyang mag susumbong kahit alam ko namang may kasalanan din siya, wala akong ibang naiisip na gawin kun'di ang magtago ng totoo pero pagkauwi ko, walang tao sa bahay. Naghalungkat ako sa kwarto pero wala na ang ibang gamit.. gamit ni Jam. Wala na din ang lalaki.

Namuhay akong mag-isa mula noon, nabuntis ako, napatigil sa pag-aaral, nagtrahaho, at nanganak. Hindi ko kailanman naisipang umuwi sa amin o ipalaglag ang bata. Napatigil ako sa pag-aaral ng ilang buwan. Nang magdadalawang buwan na si Nathaniel, na siyang anak ko, doon na nangyari ang pagkuha ni Jam sa kaniya.

Hindi ko sila nahanap dahil walang-wala ako noon. Dalawang taon akong nagluksa at halos ikamatay ko ang balitang natagpuan silang patay dahil sa aksidente. Ibinalik sa akin ang abo ng anak ko dahil ako mismo ang tumawag sa ibang bansa dahil ako lang naman ang pwedeng gumawa niyon, hindi ko na nakuha ang abo ni Jam dahil hindi ko siya iniisp noon.

Namatay sila mama at papa, naiwan sa akin ang dalawang kapatid ko, apat na taon si Kate at high school pa lang si Lily pero dahil tapos na ako sa pag-aaral ay nagtrabaho ako para sa kanila, iginugol ko lahat para sa kanila at para makalimutan ko din ang sakit pero mali ako.

Laging bumabalik sa akin ang katotohanang nawala rin sa akin ang anak ko. Hindi ko pa siya nakikitang nagmumulat ng mata niya, hindi ko pa siya narinig na magsalita pero pinagkaitan ako ng pagkakataon. Pinagkaitan ako ng sarili kong kapatid ng pagkakataon.


"Ikaw ang may dahilan kung bakit napagdaanan ko lahat ng hindi magagandang nangyari sa buhay ko, Jam. Alam mo ba 'yun? Ngayong nandito ka na sa harap ko, gusto kong isumbat ang sama ng loob ko. Naiinggit ako sa'yo mula bata pa tayo dahil ikaw ang pinapaboran ng lahat! At nang mag-kolehiyo tayo, tuluyan mo nang winasak ang mundo ko! Ikaw ang dahilan 'di ba? Kung bakit ako nabuntis ng punyetang lalaking dala mo! Nalaman kong may drugs sa alak na pampalib*g, tangina Jam!" nanatili siyang umiiyak.

"Nang maisilang ko ang anak ko, pinagkaitan mo ako ng pagkakataong maging masaya kahit bungad iyon ng pagkakamaling nagawa mo! Kay Nathaniel na ako kumukuha ng lakas noon pero inilayo mo pa siya sa akin. Nandu'n ako, nagmumukmok nang kuhanin mo siya sa akin. Lagi kong iniisip kung kilala niya ba ako? Kung alam ba niyang ako ang mama niya? Kung maayos ba siya sa puder mo? Ano bang nagawa ko sa'yo, Jam?! Nasa iyo na lahat pero gusto mo pa ding kunin lahat sa akin! Hindi mo alam kung paano ko nakayanang maka-graduate na dinadamdam ang paglayo mo sa akin kay Nathaniel! Hindi mo alam kung paano ko pinilit ang sarili kong kayanin lahat. Bakit, Jam?" para na akong baliw na sumisigaw pero wala akong pakialam, ang pagkakaalam ko ay walang mga bahay dito sa lugar na'to.

"S-Sorry, Haylee."

"Hindi na maibabalik ng sorry mo lahat! Hindi mo na mababawi lahat ng sakit na ibinaon ko, hindi niyan mahihilom ang mga sugat ko." hindi ako nakapagpigil at hinawakan siya sa kwelyo. "Bakit, Jam?! Tangina, bakit?! Magsalita ka!"

Natigilan ako sa pagluha ng dumilim ang mata niya at tinanggal agad ang kamay ko sa kwelyo niya.

"H-Hindi mo ako mauunawaan, Haylee! Pakinggan mo naman ako! Namuhay din akong puno ng inggit sa'yo." tinaasan ko siya ng kilay. "Bago mo ibato sa akin lahat, bago mo sabihing sinadya ko lahat, pakinggan mo muna ako. Bumalik ako para sabihin ang totoo pero kung iyan ang tingin mo sa akin, sige! Maglabasan tayo ng sama ng loob!" sigaw niya pabalik.

Nabalot ako ng pagtataka.

"Hindi ako ang mas pinapaboran sa atin! Ako lagi ang may responsibilidad sa ating dalawa, hindi mo lang alam. Ikaw ang mas mahal, ikaw ang mas importante! 'Yung mga panahong akala mo, ako ang tunay, hindi. Lagi akong napagbubuhatan ng kamay sa tuwing nagkakamali ka o nag-aaway tayo, hindi mo 'yun alam. Nu'ng kolehiyo, ako lagi ang tumatawag kina mama para ibalita ang kundisyon mo.. dahil sa'yo sila lagi nag-aalala!"

Natahimik ako. Hindi makapaniwala.

"May mga bagay kang hindi alam. Baon sa utang sina mama at ako ang kailangang kumayod, sandamakmak na gawain sa pag-aaral at trabaho, pagod na pagod na ako pero kailangang magpatuloy, ayaw ka nilang asahan dahil nag-aalala sila sa'yo. Baon tayo noon sa utang dahil sa sugal nina mama at papa. Milyon-milyon iyon at sa tingin mo ba, kaya ko pang gawan ng paraan iyon sa malinis na paraan?" tumalim ang mga mata niya.

H-hindi ko alam.

"Kinailangan kong makipag-relasyon sa kung sino-sino para lang makakupit ng pera hanggang sa may isang tao akong nakarelasyon, siya ang lalaking tumagal sa akin. Pero ang pamilya ng karelasyon ko ay sobrang yaman kaya 'yung mga taong kailangan kong bayaran sa utang, inutusan akong dalhan sila ng anak.. anak ng mayaman kong karelasyon at sa gayun ay mabayaran ko na sila sa utang. Ang pamilya ng taong karelasyon ko ang magbabayad ng utang natin kung sakali dahil papalabasin nilang nakidnap ang bata."

Hindi ako nakaimik at pinoproseso pa ng utak ko ang lahat.

"Pero kahit kunin ko ang pagkakataon, hindi pwedeng makabuo ng bata ang karelasyon ko. May kapatid siya na pwede kong kunan ng mabubuong bata. Sinabi ko noon sa sarili kong kahit masira ako, 'wag lang tayong patâyin ng taong pinagka-utangan nila mama. Oo, kamatayan ang kapalit.. mamámatay tayong lahat kung tatakbo tayo. Malaking grupo iyon at wala tayong magagawa kung sakali man."

"Ang tao bang tinutukoy mo ay ang taong dinala mo sa bahay noon?" kahit nanghihina ay tinanong ko pa rin. Mahina siyang tumango.

"Oo, siya nga. Alam mo bang pinag-isipan kong mabuti lahat. Umibig pa ako noon, umibig ako ng totoo pero pati ang pansarili kong kasiyahan, naisakripisyo ko. Hindi ko sinasadyang madamay ka sa responsibilidad ko. Sorry kung ikaw ang nabuntis at hindi ako. Napakalaking palaisipan sa akin noon kung isasakripisyo ko ang anak mo at ayun, nagawa ko nga siyang kunin pero hindi ko siya nagawang isuko. Pinili kong alagaan siya at ampunin, kinasal din ako kahit hindi ko ginusto."

Ngayong narinig ko lahat, naibalik sa akin ang mga sinabi ko. Mas nahirapan ang kapatid ko, mas naghirap siya. Ang akala kong maganda niyang buhay, isang miserable pala.

"Pero huli na, nabunyag lahat ng sikreto na nagdulot ng aksidente. Nabuhay ako, nabuhay kami ni Nathaniel. Pero hindi ibig sabihing napalabas kong patay kami ay tapos na lahat. Ang mga taong iyon, hinahabol pa rin tayo. Hindi normal ang pagkamatay nina mama at papa, pinâtay sila, Haylee, nalaman nilang itinakbo ko ang bata at alam kong kasalanan ko kung bakit namatay sila mama."

Napatakip ako sa bibig.

"Nasa buntot ko pa rin sila. Kaunting panahon na lang ay malalaman nilang buhay ako. Buti at hindi nila kayo mahanap, pero may mga tao silang babayaran para ituro tayo, ganu'n silang tao, hindi sila titigil hangga't hindi sila nababayaran. Dadating pa sa puntong buhay ang ibabayad."

"H-hindi ko alam, Jam, hindi ko alam." umatras ako at umiling. "S-Sorry.."

Kumislap ang mga mata niya at agad akong tinakbo ng yakap.

"Wala kang kasalanan. Ako dapat ang humingi ng tawad. Nadamay ka."

"Pero kinarga mo lahat. Hindi ko alam. Wala akong nagawa." pinatahan niya ako bago harapin. Kahit umiiyak pa rin ay ngumiti siya sa kin.

"Tinawagan kita para malaman ang gusto mong malaman. Buhay si Nathaniel at hindi na Nathaniel ang pangalan niya ngayon." biglang bumilis ang tibok ng puso ko at umaasa sa kung anong lalabas sa bibig niya. "Nasa puder siya ng ama niya.. at matagal mo na siyang nakita."

Nangunot ang noo ko pero nandu'n pa rin ang kaba, excitement at kasiyahan. Nadagdagan nga lang ng pagtataka.

"Nakakasama mo din siya ngayon." Napatigil ako sa paghinga. "Oo, Haylee. Nahahawakan, nakikita, nakakausap at nayayakap mo siya. Siya si.. Edrian."

Feeling ko ay kumalas sa akin ang sarili kong kaluluwa.

"At ang tunay niyang ama ay ang itinuturing niyang ama ngayon..

Si Dwayne."


---
Astrid Manunulat

Continue Reading

You'll Also Like

10.3M 254K 50
In which Mason James finds himself falling for the innocent and naive girl named Lily Rose. When Lily's parents decide to put her in public school...
283K 8.1K 136
"๐‘ป๐’‰๐’†๐’“๐’†'๐’” ๐’“๐’†๐’‚๐’๐’๐’š ๐’๐’ ๐’˜๐’‚๐’š ๐’๐’‡ ๐’˜๐’Š๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’‡ ๐’Š๐’ ๐’•๐’‰๐’†๐’Š๐’“ ๐’†๐’š๐’†๐’” ๐’š๐’๐’–'๐’๐’ ๐’‚๐’๐’˜๐’‚๐’š๐’” ๐’ƒ๐’† ๐’‚ ๐’…๐’–๐’Ž๐’ƒ ๐’ƒ๐’๐’๐’๐’…๐’†."
66.9K 2.1K 45
A groupchat with all of the current F1 drivers + Mick, Seb and Nyck because we all love them๐Ÿซถ๐Ÿป
185K 4.2K 65
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad